Dedicated to bLacKr0se_11
thank you thank you for being a fan! :)
----------------------------------------------------
hi guys!
today is my birthday :)
gusto ko lang mag-thank you sa lahat ng nag-greet!
sobrang nakakatuwa :) i'm really really happy! :)
lalo na sayo @OrleansTiama :) sobra akong touched sa message mo sa inbox ko :) thank you! :)
nga pala guys, my friend @leslie_chiq01 created a fanpage for me sa fb.. kaloka! hahaha! 4 palang fans dun as of now but i hope kayo din soon ;)
yung link nasa "about me" ko..
i will put quotes from my stories dun and other facts and trivias na din ng stories ko :)
i am really happy with the votes and comments at mag-a-upload ako tuwing madami! hehehe ;)
so pls VOTE and COMMENT! :)
pa-birthday nyo na sakin to! ;)
be a fan na din if you like :)
thank you so much! :)
------------------------------------------------------------------------
Chapter 49 – Mr. and Ms. Campus
(Alex)
Another week passed by.
Another week of endless tears.
Sabi ko ayoko na umiyak diba?
Kaso ang hirap pala.
Saturday na naman ngayon.
Pageant night.
Nung Monday umuwi si James at nagpunta sa apartment para sunduin ako.
Andami niyang pasalubong sakin.
May peanut kisses, t-shirt, kung ano anong souvenirs.. pero ang pinakagusto ko eh yung giant tarsier na stuffed toy.
Ang cute!
Katabi ko nga matulog yun eh.
Dito na ako nags-stay sa apartment.
Alam ko kasi na yung buong pag-stay ko sa condo ni James eh nahihirapan siyang gisingin ako.
Hello? Eh pareho kami nyan eh. Pareho kaming hindi morning person. At least kung nasa Manila ako, malapit lang ang school.
Hindi pa kailangan mag-effort ni Jay Jay gumising ng maaga para lang may extra 30 minutes sa pag-gising sakin.
Kumakatok at sumigigaw parin si Apol para gisingin ako tuwing tumutunog yung alarm clock ko.
Naiingayan siguro.
Well maaga naman siya lagi magising kaya hindi na effort yun para sa kanya.
Hindi parin kami nagpapansinan.
Minsan pag nagkakatinginan kami eh hindi ko maintindihan yung mga tingin niya sakin.
Parang galit na ewan.
Oh well bahala na siya sa buhay niya.
Anyway parang araw araw naman nagpupunta si Kate sa apartment namin.
Hindi ko nga alam kung bakit sa apartment namin lagi eh.
Lagi ko tuloy nakikita yung bruhang yun.
Minsan nags-smirk pa sakin yun!
Bahala siya sa buhay niya. Wala na akong pake!!!
Anyway, kahapon lang cli-naim ni James yung prize niyang dinner sa Le Souffle.
Sinong kasama niya?
Shempre ako! Hehe. Ang saya nga eh.
May nag-violin pa.
Pero eto kinakabahan naman ako ngayon.
Pageant night na.
Wala naman akong pakelam na kung matalo ako.
Hindi ko na rin naman makakasama si Apol sa Boracay kung sakaling manalo man ako.
Ok lang kung matalo ako.
Cheer ko parin ang Jay Jay ko.
Sa talent competiton kinanta namin yung “The closer I get to you.” na araw-araw namin prinactice.
Shempre magandang maganda na at sobrang prepared kami.
Hindi na rin naman kasi kailangan I-fake yung sweetness.
Sweet naman kami talaga. Nakalimutan ko lang ng ilang taon hehe.
Pero dahil nga parang wala ng nagbago mula nung maalala ko lahat ng nangyare, edi eto..
Successful ang duet namin.
Andaming naghiyawan at nagpalakpakan.
Wala ng kiss sa lips sa ending kasi hindi naman talaga dapat.
Baka ma-disqualify kami. Hehe.
Hindi ko narinig yung buong question ang answer portion ng Mr. Campus.
Nasa backstage kasi ako.
Pero alam kong last si James.
Naghiyawan ang mga tao sa kung ano mang sinagot niya dahil palabas ako ng dressing room nung after niya magsalita.
Oh well, mukhang success ang Q&A ng Jay Jay ko ah.
Matalino naman kasi talaga yun eh.
Eto na, Ms. Campus na.
Huli din ako.
Simple lang naman ang mga tanong pero iba iba.
Simple din lang ang mga sagot nila pero may magagaling din talaga sumagot.
Madami naman nagpalakpakan.
Eto turn ko na.
Bumunot ng question ang host at last paper yun sa fishbowl.
Binalak kong hindi seryosohin ang Q&A.
Ayoko naman talaga nito eh.
Kaso hindi ko maiwasang hindi seryosohin ang pag-sagot nung narinig ko ang tanong.
“Ms. Alexandra Sophia Tan, here’s your question: If a close friend of yours came to you crying and asked for an advice on how to move on over a failed love relationship, what would you tell her?” Tinanong ng host sakin.
Tumahimik ang paligid.
Nakita kong may mga nagbulungan.
Malamang iniisip nila na nakaka-relate ako sa tanong na to.
Well sobra.
Nag-pause ako at nag-isip.
“Would you like me to repeat the question Ms. Tan?” Tinignan ako ng host.
“No thank you.” Sabi ko sa kanya at inangat ko ang mic sa bibig ko.
Nakita kong sobrang focused ng audience sakin.
Nagsimula akong magsalita.
“If a close friend came to me crying ang asked me for an advice on how to move on over a failed relationship.. first, I’d tell her to continue crying.” Nag-pause ako.
Andaming nagtaka sa sagot ko at nagbulungan.
Itinuloy ko ang pag-sagot.
“I’d tell my friend to continue crying and let all the tears wash away her sadness. I’ll let her cry for as long as she wants to until all her tears of sadness disappears. It could be hours, days, months and even years. Honestly, there is no advice that I can give to make her feel better, moreso there are no words that I can say for her to just magically move on. I’ll just tell her that I am here for her no matter what. A hurt person is someone who needs friends the most. I’ll let her know that I will forever be here and just wait until all her sadness subside. I’ll make her happy as much as I can and wish for the best. In time, she’ll move on, I trust that she’ll move on and I just know that eventually she will. How do I know that? Because I’m currently going through it and I trust myself so much to know that I will one day get through it all. So please let me take this opportunity to thank my friends here who are continuously helping me get through this stage. My classmates, friends, my bestfriend Mon and most of all.. Thank you Jay Jay ko. Thank you for continuously allowing me to cry. Thank you for allowing my tears wash away all the pain and sadness that I am experiencing now. I know and we both know that in time, I will get there.” I smiled even with tears in my eyes.
Isa isang nagtayuan ang tao sa audience at nagpalakpakan.
May mga nag-whistle at naghiyawan.
I just smiled at them all.
Bumalik ako sa backstage dahil may intermission number yung dance troupe.
Habang naglalakad ako pabalik sa dressing room nakasalubong ko si James.
Narinig niya kaya yung sagot ko?
Nag-smile siya sakin.
Teary eyed.
Lumapit siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit.
“N-narinig mo?” Tanong ko sa kanya.
“I will wait for that day. For that day when all your tears of sadness subsides. Kahit ilang days, months o kahit pa years. And I promise you that I will always be here.” Sinabi niya sakin habang nakayakap siya sakin.
Naiyak ako ulit.
Na-touch ako.
May mga nagpalakpakan sa backstage.
Humiwalay ako ng yakap kay James at hinampas ko siya ng mahina.
“Yung make up ko sira na.” Sabi ko sa kanya ng naka-smile kahit may mga luha.
Tumawa siya at kiniss ako sa noo.
Pumasok na ako sa dressing room.
Pagkatapos mag-retouch, bumalik na kaming lahat sa stage.
Shempre as expected, nanalong Mr. Campus si James.
Tapos nag-salita ulit ang host.
“And the crown for Ms. Campus goes to….
Ms. Alexandra Sophia Tan!”