Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 320K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C13: Freya
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C27: The Queen Bee (part 2)
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C41: Beginning of an end
C42: The monster inside
C43: Apocalypto
C44: Consequences
C45: To perish or to subsist
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C26: The Queen Bee

196K 4.3K 731
By enahguevarra

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Alex's POV

Umupo ako sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang nag-iisang litrato namin ni Summer. Kami ang pinakamatalik na magkaibigan sa buong klase noon. Tama,  two years ago. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan. May pagkukulang ba ko? May nagawa ba kong mali?

Noong una, sarili ko lamang ang sinsisi ko. Ngunit tumatagal, naintindihan ko na kagustuhan ni Summer ang lahat ng nangyari Ginawa niya ito para sa sarili niya. Simula noong sumikat siya, kinalimutan na niya ako.  Kahit na araw-araw akong pinagti-tripan ng mga kaklase namin ay walang ginagawa si Summer kung hindi pagtawanan lang din ako.

Naalala ko pa ang pangyayari na yon---ang pangyayari na mas nagpatindi ng galit na nararamdaman ko sa kanya.

---

Lumingon si Summer sa paligid at tiyak ko na sinisigurado niya na walang makakakita sa amin. Sinisigurado niya na walang makakakita na isang loser ang kasama niya. Lumingon muli siya sa kinatatayuan ko at ngumiti---ang mala-anghel niyang ngiti.

"Hi Alex! Tagal na nating di nag-uusap ah?" Tinapik pa niya ako sa balikat at pagkatapos ay tumawa siya nang mahina na para bang nakikipaglokohan sa akin. Na para bang close pa kaming dalawa.

Sino nga ba ang ayaw na lapitan ng isang Summer Dela Vega? Ang Queen Bee, ang iniidolo ng lahat. Binabati ng lahat sa tuwing maglalakad sa hallway. Pinag-uusapan at kinatutuwaan ng lahat ngunit ano na namang gimik tong ginagawa niya? Ginagawa ba niya ito para mas maging maganda ang imahe niya? Kinakausap ba niya ako dahil kulang na lang siya ng isa pang follower sa school para maging sunud-sunuran na sa kanya ang lahat? Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ni Summer. Ay hindi, sa simula pa lang ay hindi ko talaga ang alam ang tumatakbo sa isip niya.

"Friends pa rin naman tayo di'ba?"

Tama, friends na lang. Tutal nakalimutan mo rin naman na best friends tayo eh.

Tumango lang ako bilang pagtugon sa tanong niya. Ito na naman ang feeling na napakahirap niyang tanggihan. Na para bang tama ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. Na maniniwala ka talaga sa mga salitang iyon.

"I'm so happy! Punta tayo sa party ni Maddie!" Masigla niyang sinabi.

Maddie? Sino yon? Hindi ako nakasagot.

Ni wala ngang nag-imbita sa akin eh.

"Wala kang invitation?" Tanong niya.

Alam kong gustong-gusto na niyang tumawa. Sino nga ba ang di matatawa sa isang tulad ko? Wala na nga akong friends at wala pang gustong mag-imbita sa akin sa mga ganyan.

"Don't worry. I'll help you. May extra costume ako rito." Dali-dali niyang kinalkal ang bag niya at may nilabas siyang malaking plastic bag. "Sayo na lang. Suotin mo mamaya yan ah." Pagkatapos ay may inabot siya sa akin na isang invitation at nagmamadali na lumakad palayo.

Ni hindi man siya nagpaalam. Ganyan ba ako sobrang nakakadiring dikitan?

Inilabas ko ang nasa loob ng plastic at bumungad sa akin ang malaking banana custome. Sigurado ba siya sa binigay niya sa akin?

---

Inilapag ko ang costume sa lamesang katabi ng kama ko at pinag-isipan ang mga nangyari. Sino ba naman ang matinong tao na magsusuot ng banana costume? Nilukot ko ang hawak kong invitation at binato sa may pintuan.

Ayokong mapahiya na naman. Sigurado akong may manyayaring masama. Ngunit bigla kong naalala ang masayang mukha ni Summer. Hindi ba't napakasama ko naman para hindi siya pagkatiwalaang muli? Lahat naman ay karapat dapat lang na bigyang ng pangalawang pagkakataon. Baka kung ano ano lang ang iniisip ko. Tama, susubukan ko. Pinulot ko muli ang invitation.

Nagsuot ako ng black na long sleeves na masikip at tights. Parehong itim ngunit naka-rubber shoes naman ako na pula. Inilagay ko muna sa bag ko ang banana costume. Dahan dahan akong lumabas ng bahay dahil kung makikita ako ng mga demonyo kong magulang ay sigurado akong mata ko lang ang walang latay.

Namasahe ako papunta sa bahay ng Maddie na yon. Pagkaapak ng mga paa ko sa lupa ay agad kong narinig ang malakas na tugtog mula sa bahay nila. Pati na rin ang mga kotse at motor na naka-park sa labas ng bahay. Tama, may party nga.  Sinuot ko na ang banana costume ko at kahit na medyo kinakabahan ako ay pumasok pa rin ako sa loob. Bumuntong hininga ako bago ko buksan ang pintuan na nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung san ko itatago ang sarili ko. Nadatnan ko sila na nagtatawanan nang dahil sa akin. Naka-pormal silang lahat. May mga hawak na wine glass at ang mga babae ay nakaayos na para bang pupunta sa Prom habang ako'y naka-banana costume.

Nabibingi ako sa tawanan sa paligid ko. Nangangatog ang mga tuhod ko at di ako makagalaw  sa kinatatayuan ko. Palapit sila nang palapit habang tinuturo ang suot ko at patuloy na tumatawa.

"Nandito na pala ang mascot natin. We've been waiting for you Alex." Tumingin ako kay Summer habang lumalapit pa siya sa akin. Muli, nasa mukha na naman niya ang ngiti na iyon. "I'm so sorry. Gusto ko lang bigyan ng magandang regalo si Maddie and I'm sure na nagustuhan niya to." Nakitawa na rin siya katulad ng iba.

Pakiramdam ko, walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. Natuliro ako. Walang hiya ka talaga Summer. 

Napatingin ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan. Nakita namin si Ash na papasok na para bang walang tao sa paligid niya. Na para bang siya lang ang tao rito. Nginitian pa niya ako at patuloy na naglakad papalapit sa kinatatayuan nila Summer.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Ash kay Summer.

"Nothing special." Tugon niya.

Narinig ko na naman ang tawanan ng lahat. Wala pa rin akong nagagawa kundi titigan lang silang lahat. Takot na takot akong kumilos. Gusto kong malaho. Gusto kong lamunin ng lupa.

"Ang sama mo talaga." Ang tangi kong narinig mula sa bibig ni Ash at pumunta na ito sa gilid para umupo. Tumawa lang si Summer at sinundan si Ash.

May naririnig ako na papunta sa akin. Si Rain kasama ni Vince.

"Di mo ba kami sasayawan?" Tanong ni Rain na humihigop pa sa baso niya na puno ng alak habang si Vince naman ay papalapit pa sakin ng papalapit hanggang sa hawak na niya ang kaliwa kong braso. Lasing sila.

"Kailangan mo pa bang tanggalin yang costume mo? Sexy ka naman. Pwede na." Wika ni Vince. Inialis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at yumuko. Ayoko na... please. "Tsss... pakipot ka pa eh!" bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Vince na pumalupot sa beywang ko. Sinubukan kong magpumiglas pero sadyang mas malakas lang siya hanggang sa natanggal na niya ang costume na suot ko.

"Tamang-tama pare, masikip ang suot!"
Nagtawanan ang lahat. Pinagti-tripan lang nila ako.

Tinignan ko ang mga tao, lahat sila'y nanonood lang, nagtatawanan---walang ginagawa kundi panourin lang ang mga ginagawa nila Rain.

"Tara na. Tapusin na natin to." Narinig ko ang sigawan na nangingibabaw. Napapikit na lang ako. Parang-awa nyo na. Gusto ko nang umalis dito.

"Ano ba Rain?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Amanda na nasa harapan ko. Hinaharangan niya ako. "Hindi ko na matitiis to! Babae rin ako. At tangina hindi na tama tong ginawa nyo."

Ngayon lang ako nakakita na may sumisigaw kina Rain.

"KJ ka naman Amanda. Ngayon pa lang nagsisimula ang totoong party eh," tugon ni Vince.

Umatras sina Rain at umupo na lang.

Tinitigan ko lang si Amanda habang inaayos niya ang buhok ko at damit. Sa lahat ng nandito---bakit si Amanda pa ang tumulong sa akin? Nginitian niya ako at tumayo siya. Inabot ko naman ang kamay niya.

"Amanda?" Wika ni Summer. "Anong ginagawa mo?" Dagdag na tanong niya.

"S-Summer." Napabitiw agad si Amanda sa pagkakahawak sa akin. "Hindi lang nakaya ng konsensiya ko. Sorry."

"This will be your last warning. Alam mo naman na, kaaway ng isa..." Tumingin sa akin si Summer. "... kaaway ng lahat. Kung gusto mong sumikat. Kung gusto mong kagiliwan ng lahat. Lunukin mo yang konsensiya mo," pagpapatuloy niya. "Kaya para makabawi ka naman, gusto kong sipain mo si Alex ."

an ko muli si Amanda ns may pagmamakaawa sa mga mata ko. Tagaktak ang pawis niya. Ilang sandali ay napahiga ako sa lapag dahil sa malalakas na sipa ni Amanda.

"Lakasan mo pa! Hanggang diyan ka lang ba Amanda?" Wika muli ni Summer at tulad ng sinabi ni niya ay mas lalo nga nilakasan ni Amanda ang pagsipa sa katawan ko. Hanggang sa nakisipa na rin ang lahat sa akin. Napakaraming sipa ang natanggap ko na halos bumigay na ang katawan ko sa sakit.

Umuwi ako ng maraming pasa ang katawan. Paano ito nagawa ni Summer sa akin? Hindi ganito ang Summer na nakilala ko---hindi niya magagawa ito.

Ngunit huli na, nagawa na niya.


---  

Pinunit punit ko ang litrato na yon. Hindi ako iiyak. Sa lahat ng dinanas kong hirap, napagod na ko sa kakaiyak. Sino ba ang niloloko ko? Walang mangyayari sakin kung patuloy akong magiging mahina. Hindi dapat ako magpapatalo.

Tinignan ko muli ang mga punit-punit na litrato. Kung pwede lang na ibalik na lang ang nakaraan. Upang hindi na nangyari ang mga nangyayari ngayon. Kung pwede lang talaga at para na rin mabago ko ang nagawa kong kasalanan.

Ang pagkahulog ni Summer.

Ayoko---gusto kong takasan ang mga nagawa ko dati. Ngunit hindi lang naman ako di'ba? Matagal ko na dapat nakalimutan ang tungkol sa bagay na yon pero halos gabi-gabi ay nagigising ako. Palagi kong naririnig ang sigaw ni Summer, habang nahuhulog siya mula sa hagdanan. Ang sigaw na nagpapakilabot sa buong katawan ko. Palaging lumilitaw sa panaginip ko ang mukha niya na nagmamakaawa at umiiyak.

Noong bumalik siya, akala ko'y bumalik siya nang dahil sa akin. Akala ko'y maghihiganti siya ngunit bakit walang nangyayari? Minsan siya ang pinagbibintangan ko sa mga nangyayari pero kung siya nga, bakit buhay pa rin ako?

Hanggang sa bigla na lang pinagbintangan ng lahat si Denise. Noong una,hindi ako makapaniwala pero habang tumatagal naniniwala na rin ako. Bakit?

Dahil alam ko ang tinatagong sikreto ni Denise.

-----------------------------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
33.6K 738 39
Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year-old stealing glances across the playgro...
11.7K 251 21
Nang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.
26.5K 779 21
compilation of spoken words poetry. ---°---