The Princess and the Puto (Fa...

By renzesguerra

315K 5.7K 746

Ynnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogan... More

Teaser
Prologue
Chapter 1: Meet the Princess
Chapter 2: The Prophecy
Chapter 3: Mr. Arrogant
Chapter 4: Hello, Eastfield University
Chapter 5: First Day, Second Encounter
Chapter 6: Epic Fail First Day
Chapter 7: Do's and Don't's
Chapter 8: So Fake
Chapter 9: Her Final Decision
Chapter 10: Not-So-Fun Wednesday
Chapter 11: Upcoming Events
Chapter 12: Why So Mean?
Chapter 13: Unrightable Wrong
Chapter 14: The Blame
Chapter 15: Outreach Program
Chapter 16: Cat and Dog
Chapter 17: In Your Dreams (Part1)
Chapter 19: What's On Your Mind
Chapter 20: The Cutest Smile On Earth
Chapter 21: Mr. Killer Smile
Chapter 22: Brush Brush Brush
Chapter 23: Be My Date
Chapter 24: That Feeling
Chapter 25: Add As A Friend?
Chapter 26: The Preparation
Chapter 27: Passenger Seat
Chapter 28: Acquaintance Party
Chapter 29: Run Away With Me
Chapter 30: Who's That Girl?
TEASER FOR THE UPCOMING CHAPTERS
Chapter 31: Embarassing Moment
Chapter 32: Just Give Me A Reason
Chapter 33: The Legal Business
Chapter 34: The Perfect Bite
Chapter 35: Goodbye, Eastfield University?
Chapter 36: The Bad News
Chapter 37: The Turning Point
Chapter 38: First Day, Second Semester
Chapter 39: The Birth-date
Chapter 40: The Fault In Our Car
Chapter 41: Fast-track
Chapter 42: Happy 17th Birthday, Princess
Chapter 43: The Charm Bracelet and the Emerald Necklace
Chapter 44: The Overwhelming Changes
Chapter 45: My Valentine
Chapter 46: The First Move
Chapter 47: The Scheme
Chapter 48: The Test
Chapter 49: The Unexpected Singers
Chapter 50: The Realization

Chapter 18: In Your Dreams (Part 2)

5K 91 4
By renzesguerra

CHAPTER 18

 

YNNAH’s POV

Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ko saka nagsalita, “Pero mahal na prinsesa, mahigpit na ipinagbabawal na makipagkita kayo sa isinumpang prinsipe.”

Isinumpang prinsipe? Sabagay kasumpa-sumpa naman talaga ‘yun si Argel.

“Eh bakit kanina ipinakita ninyo ako sa kanya?” tanong ko.

“Dahil ‘yun po ang ipinakiusap sa amin ng mahal na prinsipe,” sagot ni Harvey. “Dahil sa takot na magalit ito sa amin kaya ipinakita namin kayo sa kanya. Kayo lamang po ang hindi niya kayang saktan sa kabila ng kanyang nakakatakot na sumpa.”

Ano raw? Ako lang ang hindi niya kayang saktan? Nakakatakot na sumpa?

“A-anong ibig mong sabihing ako lang ang hindi niya kayang saktan?” tanong ko.

“Dahil isa pong impakto ang mahal na prinsipe,” sagot ni Mint.

Impakto? Oo, impakto talaga ‘yun si Argel sa paningin ko. Pero bakit parang takot na takot ang dalawa nang sabihin nilang impakto si Argel?

“Ha?” lalo akong nagtaka.

“Isinumpa po siya ng mangkukulam na si Alexa,” sagot ni Harvey. “Nasa ilalim din po siya ng mahika negra nito.”

Bakit naman siya isinumpa ni Alexa eh sa pagkakaalam ko gustong-gusto siya nito.

“A-anong dahilan ni Alexa?’ tanong ko. “Bakit niya isinumpa si Argel? Ang ibig kong sabihin eh si Prinsipe Argel?”

“Dahil nalaman po nito na kayo ang mahal ng prinsipe. May lihim po kasing pagtingin si Alexa kay Prinsipe Argel ngunit nang malaman po nitong kayo ang gusto ng mahal na prinsipe ay isinumpa niya itong maging impakto. Mawawala lang ang bisa ng sumpa kung mawawala din ang pagmamahal sa inyo ng prinsipe,” mahabang paliwanag ni Mint.

“Ngunit hanggang ngayon ay nasa ilalim parin ng sumpa ang mahal na prinsipe at nangangahulugan lamang na patuloy parin kayo nitong minamahal,” pagtatapos naman ni Harvey.

“Wala na bang ibang paraan upang mawala ang bisa ng sumpa?” tanong ko sa dalawa.

“Meron pa, mahal na prinsesa,” sagot ni Harvey. “Yun ay ang halik ng tunay na pag-ibig.”

“H-halik ng tunay na pag-ibig?” tanong ko.

“Opo, mahal na prinsesa. Ang halik ng tunay na pag-ibig ang sisira sa sumpa sa inyong dalawa ni Prinsipe Argel,” sagot ni Mint. “Sa oras na magdikit ang inyong mga labi, tuluyan nang babalik ang inyong alaala at magiging normal na ang prinsipe. Mawawalan na ng bisa ang mahika negra ni Alexa.”

Ah ganun pala. Ang taray ha! Para kaming nasa fairy tale. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba sa aking damdamin. Parang hinahanap-hanap nito si Argel. Bakit ba? Pero kaylangan ko talagang makita si Argel. Kaylangan kong malaman kung bakit kami nandito. Anong nangyari sa sinasakyan naming bus?

“Dalhin pa rin ninyo ako sa kanya,” utos ko sa dalawa.

“Pero magagalit sa amin ang mahal na reyna,” sabi ni Mint.

“H-hindi malalaman ng aking ina ang gagawin natin,” sabi ko.

“Pero—”

“Wala ng pero pero!” tumaas na ang boses ko sa kanilang dalawa. “Dalhin ninyo ko sa kanya!”

Nagkatinginan muna ang dalawa saka nagsalita, “Sumunod kayo sa amin, mahal na prinsesa.”

Nakarating kami sa isang parang tunnel. Madilim at rinig na rinig ang mga dagang naghaharutan. Yun daw ang lagusan patungo sa isang kulungan. Du’n kami dumaan sa isang sikretong lagusan papasok ng kulungan dahil hindi kami papayagang pumasok ng mga nagbabantay na kawal kung sakaling sa mismong pintuan kami dadaan.

Pagpasok namin sa loob, tumambad sa akin ang isang napakahaba at napakalaking kulungan. Sa kaliwa’t kanan ko ay may mga kulungan na may mga nakakulong. Laking gulat ko naman nang makitang mga kaklase pala namin ang mga nakakulong.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakakaawa naman silang tingnan. Bakit kaya sila ikinulong? At sino kayang nagkulong sa kanila?

Hanggang sa makarating kami sa pinakadulo at pinakamalaking kulungan. Napakadilim ng loob nito.

“Nandito na tayo, mahal na prinsesa,” mahinang sabi ni Mint.

Sinilip ko ang kulungan ngunit parang wala namang tao sa loob.

“Nandito si Argel?” taka kong tanong sa dalawa.

“Opo, mahal na prinsesa. D’yan nakakulong ang mahal na prinsipe,” sagot ni Harvey.

“Argel?!” tawag ko sa loob ng kulungan. Tanging umalingawngaw lamang ang boses ko sa buong kapaligiran.

“A-Argel?” tawag ko pa. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

Nadinig kong biglang may kumilos sa loob at nag-ingay ang kadena. Inaninag ko ang loob hanggang sa makita ko ang lalaking papalapit na nakagapos ng kadena ang kaliwang paa, nakahubad ang itaas na katawan. Ang dami niyang mga bugbog, pasa at sugat sa kanyang katawan. Bigla naman akong nakaramdam ng awa.

“M-mahal kong prinsesa, i-ikaw ba yan?” boses ni Argel.

Nang makalapit ito sa akin ay laking gulat ko nang makitang si Argel nga ito! May mga pasa siya sa mukha at sugat sa dulo ng labi.

“A-Argel, a-ako nga ito!” sabi ko habang niyuyugyog ang mga malalaki at matatabang bakal ng rehas na namamagitan sa amin. “A-anong ginawa nila sa’yo?”

“Mahal kong prinsesa! Mahal ko!” may halong galak na sabi ni Argel.

Sige na nga, sasakay na muna ako sa pagtawag niya sa akin ng mahal. Nababaliw na yata ‘to eh!

“Mahal na prinsesa, halika na. Umalis na tayo dito,” nag-alala at may halong takot na sabi ni Mint. “Baka mapaano pa po kayo.”

“Hindi. Hindi ako pwedeng umalis dito. May kaylangan pa akong tanungin kay Argel,” sagot ko dito.

“Ano ‘yun mahal ko?” tanong ng nakakaawang si Argel sa kalagayan niya.

“A-anong nangyari dun sa bus na sinasakyan natin pauwi galing sa outreach program?” deretsahan kong tanong. Kinakabahan naman ako sa pwede niyang isagot.

Napakunot ang noo nito at napalitan ng pagtataka ang mukha.

“Mahal na prinsesa, may paparating!” bulalas ni Harvey.

Nadinig namin ang palakas ng palakas na tunog ng mga yabag ng mga naglalakad.

“Mahal ko, magtago kayo,” nag-aalalang utos sa amin ni Argel.

Nakakita naman kami ng mga patong-patong na kahoy at plywood sa tabi. Mayroon pang malalaking barrel na gawa sa kahoy na mga nakasalansan pahiga. Dun kami pumunta para magtago.

Nang silipin ko kung sino ang dumating, walang iba kundi sila Gohan at Ecko na nakasuot ng armored costume. Para silang mga kawal sa kanilang itsura. Diba mga kaibigan ito ni Argel?

Nakita ko pang binubuksan nila ang kulungan ni Argel gamit ang kanilang dala-dalang susi. Pakakawalan ba nila si Argel at ililigtas? Malamang kasi kaibigan nila ito eh. Buti naman kung ganun.

Agad akong tumayo at nagpakita sa dalawa. Laking gulat naman nila Mint at Harvey sa ginawa ko. Wala naman kasi akong dapat pang ikatakot dahil kaibigan naman talaga sila ni Argel.

Napatingin sila sa akin ngunit bakit parang nagalit sila?

Agad na tumayo sila Mint at Harvey at nakita din nila ang dalawang lalaking dumating.

“Mahal na prinsesa, bakit ka sa kanila nagpakita? Mga kalaban sila ng kaharian! Sila ang mga mortal na kaaway ni Prinsipe Argel!” pagsiwalat sa akin ng katotohanan ng dalawa.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Oo ng pala, nasa ibang dimensyon nga pala ako. Hindi nga pala ito katulad ng dati. Patay!

“Nandito pala ang prinsesa,” narinig kong sabi ni Gohan habang papalapit sa akin.

“Mapapadali na ang pagpatay natin sa kanya,” sabi naman ni Ecko at inilabas ang kanyang espada.

Agad naman akong hinawakan ng madiin ni Gohan sa aking kaliwang braso at hinila ako papunta sa kinatatayuan ni Ecko.

“A-aray, Gohan! Nasasaktan ako!” sabi ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak nito sa aking braso.

“BITIWAN NIYO ANG MAHAL KO!”

Napatingin kaming lahat sa pagsigaw ni Argel.

Biglang gumalaw ang lupa. At nagsimula na ang paglindol. Narinig ko pa ang pagsisigawan ng mga nakakulong dahil sa nangyayari. Lalong lumakas ang paglindol at rinig na rinig ang pag-crack ng mga bato at bakal.

Unti-unti akong binitawan ni Gohan habang nakatingin ito papaangat sa kulungan. Nang sundan ko ang tingin niya, laking gulat ko sa aking nakita!

“ROOOAAAAAARRR!”

Nakita ko si Argel na unti-unting lumalaki. Palaki siya ng palaki. Para siyang si Hulk pero mas nakakatakot na version at hindi siya kulay green. Parang siyang halimaw. PARA SIYANG IMPAKTO!

Kusang nasira ang kadenang kanina’y nakatali sa kanyang kaliwang paa dahil sa paglaki nito. Walang kahirap-hirap naman niyang hinawi ang mga rehas na kanina lamang ay namamagitan sa aming dalawa.

Napanganga lang ako.

Sinubukan siyang labanan nila Gohan at Ecko gamit ang mga espada ng mga ito ngunit bigo sila dahil walang kahirap-hirap na iwinasiwas lamang sila ni Argel. Teka, si Argel pa ba ‘to? Eh impakto na ‘to eh!

“ROOOAAAAAARRR!” sigaw ng tagumpay ng impaktong si Argel na umalingawngaw sa buong paligid nang matalo ang dalawa.

Maya-maya pa, unti-unting tumungo at tumingin sa akin ang impakto. Ang laki niya kaya naman nakatingin ako sa kanya pataas habang nakanganga.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Narinig kong tibok ng puso ko. Pabilis ito ng pabilis.

Lumapit pa ang impakto sa akin. Nakatitig lamang ako sa kanya. Sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang mga mata ni Argel.

Lumuhod siya sa akin para magpang-abot kami ng tingin ngunit talagang napakalaki niya. Mukha talaga siyang halimaw, napakalaki ng itsura niya pero ang mga mata niya ay nangungusap.

Unti-unti kong hinawakan ang pisngi niya at tinitigan siya sa kanyang mga mata.

“A-Argel, pwede bang bumalik ka na sa dati mong anyo?” malambing kong sabi sa kanya.

Tumayo ulit siya at unti-unti naman siyang bumalik sa dati niyang anyo habang nakatitig parin kami sa mga mata ng isa’t isa.

Nang makabalik na si Argel sa dati niyang anyo, bigla naman niya akong niyakap sabay bulong ng, “Mahal na mahal kita, mahal kong prinsesa.”

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng saya at napangiti sa aking narinig.

Kumalas siya sa pagkakayakap saka nagsalitang muli, “Mahal kong prinsesa, pwede ba kitang gawaran ng aking halik?”

Nagtaka naman ako? Halik? As in lips to lips?!

“B-bakit?” may halong kaba kong tanong.

“Upang tuluyan nang mawala ang bisa ng sumpa,” malambing niyang sagot sa akin.

Oo nga pala, sabi nga pala sa’kin nila Mint at Harvey na ang halik ng tunay na pag-ibig ang makapagwalang-bisa ng sumpa sa aming dalawa. Sa dami ng nangyari ngayon at nakita ko pang nagbago siya ng anyo, mukhang dapat na kong maniwala na totoo nga ang lahat. Kapag hinalikan ko siya, babalik na lahat ng alaala ko at magiging normal na si Argel. Tuluyan nang mawawalan ng bisa ang sumpa sa aming dalawa ng wicked witch na si Alexa.

“Kung ganun, sige mahal kong prinsipe,” sagot ko.

Teka, sinabi ko ba talaga ‘yun?! Sabagay, nasa ibang dimensyon naman kami eh. Hindi na ‘to tulad ng dati. Baka dito kami ngang dalawa ni Argel hindi tulad sa mundo namin dati na palagi kaming nag-aaway.

Unti-unti akong pumikit at hinintay na madama ang kanyang halik. Ang halik ng tunay na pag-ibig.

“Hoy!”

Narinig kong boses ni Argel sabay tulak sa akin. Akala ko ba hahalikan niya ko?

“Hoy! Gising!” narinig ko pa sabay tulak sa akin ng mas malakas sa nauna.

Bigla ko namang naidilat ang aking mga mata.

“Kanina ka pa nakanguso d’yan,” sabi pa ni Argel sa tabi ko.

 Ako nakanguso? Pagtingin ko sa aking mga labi, nakanguso nga ako! Agad naman akong umayos at itinikom ang aking bibig saka nagsalita.

“Akala ko ba hahalikan mo ko?!” pagalit kong sabi sa kanya.

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Bakit siya nagulat sa sinabi ko eh siya pa nga yung nagsabi na hahalikan niya ko? Teka, bakit ang lamig? At bakit kami magkatabing nakaupo ngayon?

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid at napagtanto kong… nasa bus pala kami!

OH MY GOSH! PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT!

Nahihiya akong napatingin ulit sa kanya. Nagtataka pa rin siya. Bakit nga ba siya nagtataka? Ano nga ba ulit yung sinabi ko sa kanya kanina?

WAAAH! OH MY GOSH! NAALALA KO NA!

ITUTULOY…

Mr Author’s Note: You like this kind of dream, readers? Haha! :D

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 78.8K 71
GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English Started: December 2...
2.2M 121K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
25.2K 1.1K 38
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...