Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 16

6.4K 111 3
By PollyNomial

KABANATA 16 — Reunion

Nasa parking na ako ng grocery nang mapagdesisyonan kong tawagan si Zac. Kanina ko pa siya gustong makausap pero hindi ko magawa dahil sinasanay ko pa ang sarili ko sa bagong kotse ko. Hindi pa ako sanay na mag-drive dito habang may kausap sa cellphone. Baka mawala lang ang concentration ko at may masama pang mangyari.

Napangiti nanaman ako nang maalala ang ginawa para sa akin nila Daddy at Mommy. Later when I got home, magpapasalamat ako sa kanila. Iyan nga rin ang dahilan kung bakit sa grocery ang bagsak ko.

Inintay kong may sumagot sa kabilang linya. Nasa labas na ako ng kotse at nakasandal ako roon habang nag-riring.

“Hello?” medyo slang na sagot ni Zac sa kabilang linya. Napangiti ako kaagad ng marinig ang boses niya. He doesn’t know my number kaya hindi niya alam na ako ito.

“Hello?” salita ulit niya. Narinig ko pang tumikhim siya.

“Hi, Mr. Zachary Morris.” Bati ko sa kanya nang may tuwa sa boses. Nami-miss ko na ang best friend ko!

“E-ella? Hello, Ella? Is that you?” rinig ko ang gulat sa boses niya. I assume he didn’t expect this.

“Uh-huh.” Nangingiting sagot ko.

“Oh, God! I miss you, woman! Bakit ngayon ka lang tumawag?” natawa siya sa sarili niya. “I’ve been waiting for your call. Hindi mo binigay ang Philippine number mo.” Narinig ko ang pagpalatak niya at tinawanan ko siya.

“Sorry. Busy, e.” sagot ko. “Nagsimula na ko sa work. Ang saya, Zac!” natutuwang balita ko sa kanya. He knows how much I wanted this kaya alam kong matutuwa siya sa balita.

“Really? That’s good!”

 

“Uh-huh.” Tumango ako. “And you know what?”

 

“What?”

 

Napangiti nanaman ako nang maalala ko ang binanggit ni Nanay Linda sa akin.

“I already had my freedom!” hindi ko mapigilan ang hagikgik ko habang sinasabi iyon. Para akong batang tuwang tuwa dahil hinyaan na akong maglaro ng mga magulang sa sa labas ng bahay. Iyon mismo ang nararamdaman ko. “Hindi na ako kinokontrol nila Dad at Mom.”

 

“Oh, damn. That’s good news, lady! I can almost see your happy face here. Sana nandyan ako para mag-celebrate tayo.” Natawa ako sa sinabi niya.

“Yeah. I wish you were here, too.” Huminga ako ng malalim. I really miss Zac. Ganyan siya parati. Konting kibot, basta masaya kaming dalawa o kaya may mangyaring maganda, magpa-party na agad kami. Palagi kami sa bar niya kapag gagawin 'yon. At dahil masaya siya, libre ang lahat ng sino mang nasa bar niya. Mapagkaibigan man o customer lang.

“Don’t worry. I’ll be there in a while.” Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Lumipad ang kamay ko sa bibig.

“What the? What do you mean ‘in a while’?”

Malakas siyang humalakhak sa kabilang linya. “No, I was just kidding. Actually, I think matagal pa bago ako makasunod sa’yo.” Tumikhim siya at sumeryoso ang boses niya. “There are a lot of things I should do here. Dad asked me to run one of our businesses. Kaya, siguro isang buwan pa.” narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.

Pati ako ay 'yon ang ginawa. Nalungkot din ako. Ngumuso ako at ngumiti rin ilang saglit.

“That’s okay. 'Di ba sabi ko naman sa’yo, you don’t need to follow me here. I’m fine, I promise.” Paninigurado ko sa kanya.

 

“Ouch.”

 

“What?” naguluhan ako sa sinabi niya.

 

“It’s like you’re telling me that you don’t need me.”

 

“Hey! It’s not like that.” Tumawa siya sa ginawa kong paniningit.

“Just kidding. Ella, I have to go.” Buntong hininga niya. “Been busy lately. Ang dami kong kinakausap na investors. Utos lahat ni Dad.” Lumungkot ang boses niya at suminghap siya.

I know him. As far as know, hindi gusto ni Zac ang pamamahala sa business ng pamilya niya. He wants to run his own. Kaya nga kahit bata palang siya ay nasimulan na niya ang sariling negosyo at ngayon nga ay malago na iyon at malaki ang kita.

Napangiti ako. “Ouch.” Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

“Huh?”

 

“It’s like you telling me that I am disturbing you.” Tumawa ako dahil nakuha ko ang tono ng boses niya kanina.

“Ha-ha. Very funny.” Tumikhim siya. “You’re not disturbing me. I love talking to you, Ella.” Napalunok ako nang sabihin niya iyan. “But I really have to go. I’m sorry. I promise, when I’m not busy, I’ll call you.”

Nginitian ko siya kahit hindi naman niya ako nakikita. “Okay. Bye?” tanong ko sa kanya.

“Bye, Ella.” Kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko ang ngiti niya.

Nagpaalam na ako at ako na ang naunang tumapos ng tawag. Nilabas ko lahat ng masasamang hangin sa katawan ko. Kahit na parati kong sinabi kay Zac na hindi ko siya kailangan, I still wish that he’s here with me. Para naman may mapagsabihan ako ng lahat ng frustrations ko. Gaya ng mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw.

Nilagay ko ang cellphone sa hawak kong purse at naglakad na papasok ng grocery. Pagtungtong ko palang ng grocery ay agad akong pinagtinginan ng mga tao. Ang mga matatanda ang nakataas ang kilay habang pinagmamasdan ako at pansin naman sa mga nakaawang na bibig ng mga bata na nagulat sila sa itsura ko.

Eh paano ba naman kasi, nandito ako para mag-grocery pero naka-dress ako na pang party o bar. Eh iyon naman kasi dapat ang pupuntahan ko eh. Pero dahil sa tuwa ko nang malaman kay Nanay Linda na ibinigay na nila daddy sa akin ang kalayaan ko ay hindi ko maiwasang mag-isip kung paano magpasalamat sa kanila. Hindi ko na naalala ang totoong plano ko na maglaboy sa araw na ito. Naisipan ko nalang na mamili at ipagluto ang mga magulang ko.

“Ang taas ng heels.” Rinig kong bulong ng isang dalaga sa kasama niya. Kasalukuyan akong kumukuha ng push cart nang makita ko ang titig nila sa suot kong stilletos.

Bumaba ang tingin ko sa sapatos ko. Black stilettos iyon na nabili ko pa sa Paris. Hindi naman talaga ako mahilig magsuot ng ganito at ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ko at eto ang suot ko ngayon. Naramdaman kong mas tumangkad ako ng konti kumpara sa totoong height ko. Pansin na pansin iyon dahil nakatingala sa akin ang mga batang nadadaanan ko na kasama ang kanilang mga nanay.

Mabuti nalang at kahit papaano naman ay sanay ako. Hindi naman ako ignorante pagdating sa pagsusuot ng mga ganito kahit na madalas ay flats lang ang suot ko.

Dumiretso ako sa section kung nasaan ang mga seafoods. Dito mahilig ang parents ko kaya ito nalang ang bibilhin ko. Medyo marami rami na ang nasa cart ko nang mapadaan ako sa section ng fresh vegtables. Naisipan kong gumawa rin ng specialty kong salad na madalas kong kainin noon sa New York. Ipapatikim ko iyon sa kanila.

Nakangiti lang ako sa buong pamimili ko. Hindi talaga ito mawaglit dahil sa sayang bumabalot sa puso ko. Wala akong ibang naisip kundi ang kabutihan ng mga magulang ko ngayon sa akin. Kahit na naasar ako kanina dahil sa ginawa ni Lolo, may pambawi naman.

Nang nasa cashier na ako ay may isang babaeng bumangga sa gilid ko.

“Oh, sorry!” pamilyar ang boses kaya agad ko iyong nilingon.

“Yannie?” tawag ko sa nakatalikod nang babae. Lumingon siya sa akin at nakita ko ang pamimilog ng mata niya at pagporma ng malawak na ngiti sa labi niya.

“Ella!” nagtatakbo siya palapit sa akin. “Nagkita ulit tayo.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Wow, so this is the new trend nowadays, huh?” tanong niya. “Iba talaga 'pag designer, kahit sa grocery ang ganda!” tumawa ako sa pamumuri niya.

Inilingan ko siya habang natatawa. “No, no. Biglaan lang kasi kaya napatakbo ako dito sa grocery store.” Dahilan ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiya.

“Ahh. Nice outfit ah. Pang party party 'yan ah. You’re going somewhere? A party?” tanong niya habang pabalik balik ang tingin sa mga pinamili ko at sa akin.

“No—”

 

“Good!” pamumutol niya sa akin. “You see, our batch, as in the whole batch will be having a reunion later this evening. Lahat, Ella. From different majors. And everyone will come. Nakalimutan kong sabihin sa’yo nung nagkita tayo. Ang stupid ko nga, e. Hindi ko nahingi ang number mo.” Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at inabot iyon sa akin. “Can you save it? Para naman ma-contact kita, alam mo kasi—”

 

“Ah, Yannie.” Ako naman ang pumutol sa kanya. Ang babae talagang ito, kapag nagsalita, wala nang preno.

Tinanggap ko ang cellphone niya at nilagay doon ang numero ko. Habang ginagawa iyon ay nagsalita ako.

“May gagawin kasi ako mamaya.” Tinuro ko ang mga pinamili ko. “Ipagluluto ko kasi ang parents ko. Ngayon lang kasi kami makaka-celebrate ng pagbabalik ko. As family.” Ngumiti ako sa kanya. Inabot ko ang cellphone at tinanggap niya iyon.

“Oh. Ganun ba? Sayang naman.” Ngumuso niya. Tumingin siya sa paligid at parang may hinahanap. Kumunot ang noo niya. “Oops! Nawala siya. Uy, Ella, alis na ako ah. I’ll call you later. Nagmamadali pala ako, nakalimutan ko.” ngumisi siya at kumaway na bilang paalam. Nagtatakbo siya paalis ng cashier.

Sinundan ko nalang siya ng tingin habang tumatakbo. Umiling ako sa dating kaibigan.

Naalala ko ang reunion na binanggit niya. Ang mga kaklase ko noon ay malamang na nandoon. Sinabi kasi niyang buong batch namin. Pero hindi naman ako sa Formosa nag-graduate. Pwede kaya ako kung sakali?

Pinilig ko nalang ang ulo at ngumiti sa mga pinamili ko. Binayaran ko iyon. Pagkakuha ay naglakad na ako palabas ng parking lot ng grocery at sinakay lahat sa kotse ko.

Kesa ang reunion ang isipin ko, ang mga iluluto ko nalang para mamaya ang pagtutuunan ko ng pansin. Gusto kong magpasalamat kayla Mommy at Daddy. They may find this strange but I really want to do this for them. For the very first time, I’ll do something for my parents.

Masaya akong bumiyahe pauwi ng bahay. Habang nakahinto ang sasakyan ko sa traffic light ay nag-isip ako ng mga pwedeng gawin sa seafoods na nabili ko. Wala nang problema sa salad. Sanay naman akong gumawa nun since 'yon parati ang pagkain ko sa New York. Wala naman akong problema kung masarap ba 'yon o hindi dahil mismong mga empleyado ko sa boutique ang nagsabing the best 'yon.

Habang nag-iisip ay nabaling ang tingin ko sa labas ng car window sa side ko. Napatitig ako sa magarang sasakyang katabi ng BMW ko.

Nice. Ang cool ng Audi niya. Asul ang kulay noon. Naka-open-top ito kaya namang kitang kita ang loob ng magarang sasakyan. Isang lalaking naka-wayfarers ang nakasakay doon at bahagyang gumagalaw ang ulo niya. Siguro ay dahil may pinapakinggan siyang tugtog.

Nagulat nalang ako at napatago nang ibaling niya ang ulo sa direksyon ko. Umiwas pa ako ng tingin at napapikit. Nakakahiya kung nakita niyang nakatitig ako sa sasakyan niya!

Hanggang sa napapalatak nalang ako nang maalalang tintend nga pala ang salamin ng kotse ko. Hindi niya pala ako pwedeng makita. Unless nalang kung sobrang linaw at tumatagos ang mga mata niya. Dumiretso ako ng upo at hindi nahihiyang tumingin sa direksyon niya. Napansin kong nakataas na ang labi niya at nakatingin pa rin siya sa direksyon ko.

Ako ba ang tinitingnan niya? Ang sasakyan ko? Wala naman akong ibang katabi sa kabilang side kundi isang malaking truck. Pero hindi naman siguro ako. Gaya ng sabi ko, tinted ang sasakyan ko. Malamang ay nababaliw lang ang kung sino mang may-ari ng audi na iyan.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan nang mag-go na ang light. Ngumiwi ako dahil ang pasikat niya. Ako ay normal ang bilis na pinaandar ang sasakyan ko. Ibinalik ko nalang ang pansin ko sa mga lulutuin ko.

Pagkarating na pagkarating ko ng bahay ay nagpatulong ako sa katulong para maibaba ang mga plastic bags ng groceries. Pinasok nila iyon sa loob nang bahay hanggang sa kusina. Nakita ko si Nanay Linda na naglilinis doon at may nakahandang pangtanghalian. Siguro ay para sa akin ito. Kumpara sa almusal kanina, kaunti lang 'yon. Siguro ay dahil alam nilang gabi na makakauwi ang parents ko ngayong lunch at ako lang kasi ang kakain.

“Ella, anak, para san ang mga 'to.” Tanong ni Nanay Linda. Isa isa niyang sinisilip ang bawat plastik.

“Para mamaya po, Nay. Pwede niyo po ba akong tulungan? Magbibihis lang po ako saglit tas bababa ako para magluto.”

 

“Para saan?” kumunot ang noo niya. “Dinner?” tanong niya.

“Ipagluluto ko sila Mom ang Dad. Para thank you ko na rin sa kanila.” Nagtaka ako nang umiwas ng tingin ni Nanay Linda at napalunok. “Bakit po, Nay?”

 

“Ah-eh, wala ang Mommy at Daddy mo, Ella. Kakaalis lang ng sekretarya ng Mommy mo. Nag-utos itong ipag-empake ko sila. Aalis sila ng bansa. Ang sabi ay para daw sa isang business trip.”

Nalaglag ang panga ko sa narinig kay Nanay Linda. Wala sila Mommy? Hindi manlang nila ako nasabihan. O kahit tumawag manlang sila.

“Biglaan po ba 'yon?” tanong ko kay Nanay.

“Hindi ko alam. Hindi na naman ako nagtanong at sinunod ko nalang ang utos.” Lumapit si Nanay Linda sa akin. Napansin siguro niya ang disappointment sa mukha ko. “Sa susunod nalang, anak?” ang tinutukoy niya ang ang pagluluto ko para sa mga magulang ko.

Malamlam akong ngumiti sa kanya at tumango. “Sige po, Nay. Next time nalang. Uh… Aakyat lang po muna ako.” Umatras ako at tinalikuran na sila.

Nanlulumo akong umakyat ng kwarto ko. Biglaan lang siguro ang trip nila Mommy kaya hindi nila nasabi sa akin. Yeah. Hindi ko kailangang magtampo o magalit. May next time pa naman, e. Pero sayang lang kasi 'yong mga hinanda at pinamili ko. Mabuti nalang at hindi ko pa nasisimulan. Baka kasi mas lalo lang akong ma-disappoint kung nagawa ko na pero wala naman palang kwenta.

Tulala ako sa kama nang halos mapatalon ako sa pag-ring ng cellphone ko. Madali ko iyong kinuha sa purse ko at sinagot ang hindi naka-rehistrong caller.

“Hello?”

 

“Ella! This is Yannie.” Masayang bati niya.

“Oh, Yannie.” Banggit ko nang pangalan niya.

“I just called para malaman mo 'yong number ko. Save it, okay? Alright. 'Yon lang naman. Gotta go. B—”

 

“Yannie!” putol ko sa kanya. Tumikhim ako at pinag-isipan kung okay lang ba ang itatanong ko sa kanya.

“Yep?”

 

“Ah… A-about the reunion, c-can I join even if I’m not a graduate of Formosa?” panay ang lunok kong tanong sa kanya. Ngumiwi ako dahil kahit ang university ang tinutukoy kong Formosa, ibang Formosa ang naglalaro sa utak ko.

“Of course!” nakakabinging tawa niya. “Ka-batch ka pa rin naman namin. And some of our classmates are expecting you there. Nabanggit ko kasing nagbalik ka na.” halos patili na nang sabihin niya iyan.

“Really? Okay. Expect that I’m there. Where is it again?” tanong ko.

“OMG.” Excited na sabi niya. “It’s in Taguig. The Embassy. 7pm.” Sagot niya.

“Alright. I’ll be there. Bye, Yannie.”

Pagkatapos ng tawag ay nagpunta nahiga ako ng kama. Maaga pa naman kaya hindi ko pa kailangang magmadali. 7pm? Marami pang oras. Imbes na bugnutin ko ang sarili ko rito sa bahay, tama lang siguro na lumabas naman ako. Iyon naman talaga ang plano ko sa araw na ito.

Reunion? Why not? Gusto ko na ring makita ang mga taong nakakasama ko noon. Mga kaklase ko at mga naging kaibigan. Umalis ako ng walang paalam. Malamang ay may tampo sila sa akin. Unexpected 'to at hindi ako handa pero sige. I think this is the right time para harapin ko na sila.  

Continue Reading

You'll Also Like

1K 51 42
Do you have a dream? Do you want to chase it? Dae wants to chase hers, but she wasn't expecting it meant leaving Pierre. Kate Daesiree Manzano believ...
Persevered Hearts By K.

General Fiction

1.6M 34K 72
Victoria "Tori" Fontanilla used to be Rath's everything. Seven years ago, she left without saying a word. Seven years had changed Tori, but Rath did...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
38.5K 972 54
COMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Um...