MOMENTUM (Book I of Momentum...

By nikkisushi

79.8K 1.8K 186

Selene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seeks vengeance about her mothe... More

Chapter 1: Attempted
Chapter 2: Danger Zone
Chapter 3: Case Closed
Chapter 4: The Annoying Newbie
Chapter 5: A Mysterious Shadow and The Detectives
Chapter 6: Logics and Prizes
Chapter 7: A Drug Case (Meeting Florence Albert and the Identical Twins)
Chapter 8: Missing Files
Chapter 9: Halloween Party
Chapter 10: Unknown Number
Chapter 11: Captivated
Chapter 12: Quarantine
Chapter 13: Quarantine 2
Chapter 14: Idiosyncratic Welcome
Chapter 15: Her Impenetrable Father
Chapter 16: Who's the Culprit?
Chapter 17: Classified
Chapter 18: A Puzzle Piece
Chapter 19: The Visitors
Chapter 20: Home
Special Chapter: His Not So Good Adventures
Chapter 21: His Twin and a Commotions
Chapter 22: Threatened
Chapter 23: Creepy House
Chapter 24: Her Old House and Memories
Chapter 25: Kris Johnson
Chapter 26: The Exchange Student
Chapter 27: Calculated
Chapter 28: Gettin' Involve
Chapter 29: Who Will Be My Date?
Chapter 30: Identity
Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance
Chapter 32: Behind the Camera
Chapter 33: Lost Memories and the House
Chapter 34: A Glimpse of Voldemort
Chapter 35: Kidnapped
Chapter 36: Chasing the Game
Chapter 37: Big Shots
Chapter 38: Confusions
Chapter 39: The Man Behind and The Bullet
Chapter 40: Getting Normal
Chapter 41: Seeking Answers
Chapter 42: Reality Slaps
Chapter 44: Closer
Chapter 45: Into the Beginning
NOTE
MOMENTUM (Book 1): The Spin-off
Momentum Book I Spin Off: The Characters

Chapter 43: Hidden Memory

954 25 3
By nikkisushi

***

Chapter 43: Hidden Memory

"Hope is being able to see that there is light despite of all the darkness."

                        – Desmund Tutu




"Tan?" nagtataka kong sambit.

Bakit siya nandito? Agad ko siyang niyakap kaya mas nabigla ito. 

"H-Hey Selene. Tumitibok-tibok na naman ang puso ko." bara nito sabay hawak sa aking likod.

Napangiti ako. 

"Kahit kailan ka talaga, ano?" wika ko at umalis na sa pagkakayakap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" puna ko. 

Napakamot ito sa ulo. 

"Papunta ako sa inyo nang nabalitaan ko ang nangyari, pero nakita kitang nagmamaneho kaya sinundan kita. Kaso nakita ko siya." wika niya sabay turo sa babae.

Tumingin ako rito. Napahawak naman ako sa aking bibig. 

"Aki." bulong ko sa hangin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang leeg. Buhay pa siya. 

"Anong nangyari?" bungad ko sa babaeng nasa tabi ko lang.

Lumingon ito sa akin. 

"Nabigla na lang kami nang may pumutok sa bahay niya. Nang pumunta kami, heto nakahiga na siya." tugon nito.

Tumingin akong muli kay Aki. Kung may pumutok bakit wala siyang natamong sugat? 

"Anong oras nangyari?" puna ko. 

"Sampung minuto na ang nakalipas." sagot nito.

Really? 10 minutes. Tumingin ako kay Tan. 

"Anong oras kang nakarating rito?" tanong ko. 

"15 minutes. Ibig sabihin limang minuto lang ang nakalipas simula nong dumating ako." wika nito. 

Halos magkasabay lang pala kami. Lumapit akong muli kay Aki. Wait, bakit may mga maliliit na mga polboron? Mas lumapit pa ako. Hmmm, kaya pala. Ang inaakalang binaril ito ay pampaingay lamang upang malaman nila ang nangyari rito at pumunta. 

Pumasok ako sa loob ng bahay ni Aki na sinundan naman ni Tan. 

"Anong gagawin mo? Mag-iimbestiga ka na naman?" mangha nitong sambit. 

"Yes. Just also find some sort of things." tugon ko at nagpatuloy na sa paglalakad. 

Pumasok ako sa kwarto ni Aki. Medyo malaki rin ito at punong-puno ng design na dream catcher. May ilan ring mukha nila Chris Evans, Emma Watson at ni Cole Sprouse na nakadisplay. Iba talaga to si Aki. Gustong-gusto ang mga western actors.

Her bed is a king size. Ang ikinapagtataka ko lang ay bakit nandito siya kung sa Dorm na siya nakatira?

Coincident lang ba ang nangyayari? Kung kailan pumunta ako rito sa dating bahay ay may nangyari?

Hinalungkat ko ang cabinet niya pati ang maliit na box na nakapatong sa unan. Kinuha ko ito at binuksan.

Nanlaki ang aking mata. 

A picture. Si Tito Sean at si Aki kasama si Matthew sa Germany. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kasama si Aki? Is it possible na may relasyon sina Aki at Matthew? Binaliktad ko ang litrato. 

12-14-17

Nanlaki naman ang aking mata. 12-14-17. Ito iyong araw na may mga Idiosyncratic Team sa Airport, noong pumunta kami sa Germany. 

"Tan, ito 'yong araw na pumunta kami sa Germany." wika ko sabay bigay kay Tan sa litrato. 

Kinuha niya ito. 

"Ibig sabihin ay maaaring kasabwat si Matthew? O sa ibang dahilan ay baka nagbakasyon lang sila at nagkataon?" sambit nito. 

Napalingo ako. 

"No! Hindi ako naniniwalang nagkataon lang ang lahat. I do believe that they are all connected, it was all connected." seryoso kong wika at kinuha ang picture sa kanya.

Itinago ko ito sa bulsa. Pero ang sabi ni Min nagkita sila ni Matthew sa Cebu while I was in Germany. If Matthew was in Germany during that time, eh sino yung kapatid ni Min na kausap nila sa Cebu? No. Mali ata ang hypothesis ko.

Lumabas na ako sa kwarto at pumunta na naman sa kusina nila. May mga ilang cab web na rin ang nakabitay sa mga cauldron pati sa frying pandito. Maging ang pader ay kulay kayumanggi na. 

Pumunta ako sa may cr. 

"Anong gagawin mo diyan?" bungad ni Tan nasa aking likod. 

"Baka may makita akong ebidensiya." usad ko sabay pasok sa loob.

Medyo malaki rin ito na kayang pasukin ng hanggang apat na tao. Kulay green ang pader ngunit wala akong nakitang kahit kainting na ebidensiya. Hindi kaya siya pa rin ang may pasimuno nito at ginawa niya lang na dahilan si Aki upang madistract ako or the other way around?.

Aki might be involved in this problem base on the picture. 

Bigla akong napahawak sa bulsa. Nanlaki rin ang aking mata. Tama! The camera na nakita ko kanina sa kanya, sa lalaking iyon. Tinapakan ko ito hanggang sa nadurog ito. 

"Bakit mo sinira yan?" inosenteng tanong ni Tan. 

"To avoid eavesdropping." sambit ko.

"Sinadya ang lahat Tan. At may posibilidad na malaki ang konektado ni Aki sa Idiosyncratic Team kaya nagawa ito sa kanya ng ninoman." bungad ko nang nasa labas na kami. 

"Paano mo nasabi?" seryoso nitong sambit. 

Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Tito Sean. 

"Talaga? Oo, tama ka Selene. Bakit may nangyari? Ano ito coincident lang? Ang tanong dito ngayon ay ano ang plano niya?" seryoso nitong wika. 

Napaisip ako sa sinabi ni Tan. Dumako ang tingin ko sa mga pulis at ilang nurse na papunta rito kay Aki. 

"Let's go to the house." suhestiyon ko. 

"P-Pero hindi ka tutulong sa pagresolba ng kaso ni Aki?" hirit nito sabay lakad nang nagsimula na akong maglakad. 

"Walang masamang nangyari sa kanya. Nakainom lang siya ng pills."

"Talaga? Akala ko ba ay wala kang nakitang ebidensiya?" mangha nitong sambit. 

Napangiti ako ng palihim. 

"Nung lumapit ako kay Aki ay may nakita akong mga maliliit na powder sa kanyang damit. Maliit lang ito kaya hindi agad mapapansin. Habang naghahanap ako kanina sa kwarto niya ay naiisip kong ginamit lang ang baril para marami ang pumunta dahil alam ng taong nasa likod nitong lahat na papunta ako rito. Isipin mo huh? He used it to distract me. Ang tanong ay kung bakit? May kinalaman ba si Aki sa kaniya?" wika ko. 

Pinataas ni Tan ang kanyang kanang kamay sabay turo nito sa akin. 

"Dahil nandoon talaga siya sa bahay niyo o baka naman ay hihintayin niya lang ang pagdating mo bago siya aatake." wika nito sabay hawak sa aking kamay. 

"Chansing ka na ah?" natatawa kong sambit. 

"Hahaha. Let's go my labs!" puna niya sabay takbo kaya nagpadala na lang ako. Ano pa bang magagawa ko!

"Pero paano ang sasakyan ko?" usad ko.

"Yun nga ang sasakyan natin."

Napataas ang aking kilay. 

"So nagtaxi ka lang na pumunta rito." wika ko. Napatawa naman ito.

"Yeah. Bakit parang alam mo na lahat? Gusto mo na ako, ano?" natatawa nitong sambit. 

XHa-ha-ha! It's not that, tara na!" natatawa kong tugon sabay kaladkad sa kanya papuntang sasakyan. 

"We're here." panimula ni Tan. 

Nakatingin ako sa dati naming bahay. Tahimik. Sobrang tahimik, because silence is the most deafening.

Naramdaman ko ang kamay ni Tan na humawak sa aking kaliwang kamay. 

"Let's go." dahan–dahan kaming pumasok sa loob kasabay ng pagtibok ng aking puso. 

"Sobrang tahimik ah." wika ni Tan. 

"Yeah, pero kailangan nating mag-ingat dahil mas delikado kapag sobrang tahimik ng lugar."

"We will of course."

Hahawakan ko na sana ang doorknob nang nagsalita ito. 

"Ako na."

Bigla akong napalingon sa kanya. Ewan ko ba pero naalala ko yung pumunta kami sa science lab ni Min. Parang si Min ang kausap ko.

Napangiti ako. 

"Oh, bakit ka napangiti?" sambit niya sabay hawak sa aking pisngi.

Napalingon naman ako sa garage namin nang biglang may gumalaw don.

"Si Min? So si Min nga ang pinili mo Selene?"

Bumaling muli ang aking tingin kay Tan. Malungkot ang itsura nito. Pinalo ko siya sa braso. Anong si Min ang pinili ko? The heck!

Magsasalita na sana ako nang biglang nagpakita si Min sa amin. 

"Hey." bati nito na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Narinig kaya niya yung sinabi ni Tan? Mas lalong uminit ang aking pisngi. 

"Why are you here?" seryoso kong wika. 

Biglang umiba ang eksprisyon nito na para bang naalerto. Alam ko naman na pupunta talaga siya dito, ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi niya sinabi sa akin. Nahihiya ba siya dahil ang ama niya ang may gawa ng lahat sa aming pamilya? Tsk. Unacceptable. 

"Nagbabasakaling nandito siya." malungkot nitong tugon. 

"Sorry." wika ko. Lumapit ito sa amin. 

"Bakit ka nagsosorry? His father deserves to be captured." napalingon ako kay Tan na nakatingin ng seryoso kay Min. 

"Tan." bara ko. 

Biglang napatawa ng mapait si Min. 

"You're right. That's why I here." masigla ngunit ramdam ko ang lungkot sa bawat pagbigkas niya. 

"So, nagtatago ka diyan sa garage dahil baka makita mo siyang papasok rito?" pag-iiba ko ng usapan. 

"Absolutely yes." sagot nito. 

Pinagmasdan ko siya ng maigi.

"Let's go inside." suhestiyon ko ngunit bago pa man kami nakahakbang papasok ay bigla akong napahawak sa aking ulo. 

Nasa bench si Min nang biglang pumasok ang isang babae mula sa kulay grey na gate. 

"Bakit ka umiiyak?"

"W-Wala."

Lumapit ang babae at tumabi sa kanya. 

"Sabihin mo na mapagkakatiwalaan naman ako eh."

Tumingin ang lalaki sa babae. Napakunot noo ito imbis na mainis sa babae.

"Bakit ka may ganyan?"

Hinawakan ng babae ang benda sa ulo. 

"Ito ba? Hindi ko maalala eh." malungkot na sagot ng babae. Huminga ng malalim ang lalaki. 

"My brother was lost." malungkot rin nitong sambit. 

Tinapik ng babae ang balikat ng lalaki. 

"Paano ba siya nawala?"

"Hindi ko rin alam basta paggising ko ay nasa ibang bahay na ako."

"So ibig sabihin nawala ka rin sa totoo niyong bahay?"

Tumango ang bata bilang pagsang-ayon. 

Bigla akong napatingin sa kanya. 

"Ikaw 'yong bata." sambit ko.

"Naaalala mo pa rin ba?" puna ko. 

"A-Ano ang ibig mong sabihin?"

Hinawakan ko siya sa braso. 

"Hindi mo naaalala Min? Sa may bench? Umiiyak ka at nilapitan kita. Tinanong mo pa nga sa akin kung bakit ako may benda sa ulo." usad ko. 

"Teka lang, so Selene parang hidden memory mo 'yan?" singit ni Tan kaya napalingon ako rito. 

"Tama ka. Hidden memory nga ito kung saan nalaman ko na si Tito Sean ang may kinalaman ng lahat." tugon ko at lumingong muli kay Min na nakatingin sa akin ng seryoso. This time, basang-basa ko na siya. 

"Hindi mo tunay na Ama si Tito Sean, hindi ba?" puna ko.

Sigurado akong hindi niya yun makakalimutan. 

"Ganon nga. Ang lungkot lang na parang pinagkait sa akin ng tadhana na makasama ko at malaman ang tunay kong pamilya." malungkot niyang sagot. 

Kaya ba hindi siya malapit kay Tito Sean?. 

"Kasama ba si Matthew sa Idiosyncratic Team?" pag-iiba ko ng usapan.

The picture. Ipinakita ko sa kanya. 

"Bakit ka may ganyan?"

"Nakita niya yan sa bahay nila Aki. May nagtangka kasi sa kanya." tugon ni Tan. Napataas ang kilay ni Min. 

"Kaya pala nakikita ko minsan si Sean at si Matthew na nag-uusap sa office niya." galit na sambit ni Min. 

"Nahanap mo na ba kung sino ang pamilya mo?" puna ni Tan. 

"I just remembered that my father was wearing a Superman suit that time. I think it was his birthday." sagot ni Min. 

Napaisip ako saglit. Hindi kaya siya ang nawawalang anak ni Sir Febbie? Tan is also thinking about it. Shit! Bakit nagtatanong siya na para bang interesado sa nakaraan ni Min? Dahil naiisip niyang maaaring si Min ang hinahanap niya!

"O-Okay." nag-aalinlangang tugon ni Tan. 

"Let's go." wika ni Min. 

Naglakad kami papuntang likod. Agad akong hinawakan ang lupa maging ang bermuda, pinakiramdaman ko ito hanggang sa nahawakan ko ang isang makapal na bagay kaya dahan–dahan ko itong kinuha. 

"Ang camera." manghang sambit ni Tan. 

Agad kong kinuha ang memory ng camera at itinago sa aking bulsa sa damit. Ibinalik ko ang camera sa ilalim na kailangan ng maibaon sa hukay. 

"It is not the right time to see what is inside the camera. Just after we captured Sean." wika ko sabay tingin kay Min na tumango bilang pagsang-ayon.

Babalik na sana kami sa harap nang may biglang humintong sasakyan rito. 

"It was him." sambit ni Min sabay tingin sa akin. 

"Let's go inside."

May pinto rito papunta sa loob kaya tahimik kaming makakapasok sa loob ng hindi naririnig. 

I am hoping this time, justice will surely prevail. And I will be the one to drag that murderer to the abyss of hell! No matter what!

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 2 1
(PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) In the year 5021, the President changed civilization to Domnu and there was no escape. People there were divided into thr...
6.7K 387 23
12 Alvarez decided to play the game called the Murder Mystery. A game that can only be played by those people who have enough courage to finish the g...
9.3K 298 29
Lumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. An...
KALYE TRESE By Nicole Mayacar

Mystery / Thriller

600 114 18
A street that if you look at it is just simple. There are people hanging out, gambling and so on. But at night, there are inexplicable events. Countl...