The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[16] Late Night Conversations

233K 4.7K 1.1K
By shirlengtearjerky

Chapter 16: Late Night Conversations

Sayang na sayang ba ang chance? Don’t worry, marami pang chance yan! Hahaha!

-A&Z-

MAY

Things went downhill after our Coron trip. Bumalik ako ng San Ignacio habang nagpatuloy sa shooting si Big Boss para sa movie nila ni Jillian. At least, good kind of downhill naman. Hindi na niya ako masyadong inasar sa last days ng stay namin sa Coron. Buong trip niya akong naging temporary best friend, na nag-enjoy naman ako.

Hah, the plan to kiss you shit was never mentioned, either.

Ang kapal ko naman kung magtatanong ako about that! Magmumukha akong assumera at bitin if ever. Lalo pa siyang magtaka kung bakit ako curious. Lagi naman akong curious pero.. ugh. Here I go again, overthinking about the kiss!

Kung tinanong ko nga yon.. hahalikan ba niya kaya talaga niya ako? O joke lang yon at pinagtitripan niya ako? Medyo naoffend nga ako sa sinabi niya eh. Parang.. ready siya na i-risk ‘tong kakarampot na something na meron kami. He planned to kiss me just to prove a point. How juvenile is that?

Wow, mas juvenile kaya yung hinalikan para tumahimik, Pascual.

Three weeks akong nagstay sa San Ignacio. Hindi na nga ako nakabalik ng Manila para makapanood ng graduation nina Ate Anya, Kuya Lee at Roldan. Mukhang hindi rin nakapanood si Andreau, stinalk ko ang pictures ni Roldan sa Facebook (yes, friends na kami don. Kami ni Andreau hindi pa!), wala siya don.

A week after ng Coron trip namin lumabas ang Wanderlust episode na kasama ako. My first ever TV appearance. Wala akong pinagsabihan kina Nana Tinang na kasama ako dun kaya gulat na gulat sila nung makita nila ako sa TV. Intense nga eh, parang nanalo siya sa lotto sa sobrang gulat at saya. Pati tuloy mga kapitbahay namin naging wild, as if nagkaron ako ng movie or something. Si Mima naman tuwang-tuwa sa’kin, abot Skype pa! Anyway, hindi pala halata na nag-aaway ang mga paa namin ni Andreau sa ilalim ng table. Oh well, pwede na ata akong mag-artista.

Bakit ang sasaya ata ng summers ko lately? Last year.. nangyari yung Dagat ng Buhay. This year naman, Coron trip. Next year, ano kaya?

Follow up question: kasama ko pa kaya nun si Andreau?

Okay where did that come from? Sa sobrang init ata kung anu-ano nang nasasabi ko.

xxx

Bumalik ako ng Manila ng 3rd week of May para ayusin ang ilang papers ko for the enrolment. As usual, bracketing system shits na naman. Parang nagbabago yung akin every year ah? Mahirap pa rin po kami, university. Sana tumawag na lang kayo para i-update na lang namin kayo!

Sa bus papuntang Manila ko nabalitaan (actually sa tabloid ng katabi ko sa bus) na nasa ospital si Andreau.

Hiniram ko yung tabloid after niyang basahin (buti na lang babae ‘to) at naki-tsismis ako. Nagbabasa naman ako ng tabloid kaso first 4 pages langS. Hindi ko naman kasi kilala ang mga artista na nasa tsismis part ng tabloid. Hinanap ko na lang ang article tungkol kay Andreau. Ah, maikli lang pala.

Nasa St. Luke’s Medical Center daw si Big Boss, sinugod yesterday afternoon dahil nagcollapse sa set due to fatigue. Wala raw siyang tulog dahil nirurush ang shooting ng movie nila ni Jillian. First week of June na pala ang showing ng movie nila. Hah, merely two weeks to go! Lagot na lagot sila sa Jildreau fans nila. Hay.

Kina Ms. Marisse agad ako dumiretso pagkarating ko ng Manila. Naabutan ko siyang nag-eempake ng gamit sa sala, tapos si Tristan nanonood ng Spongebob sa TV.

“Hey Zade! Long time no see ah!” bati sa’kin ni Ms. Marisse. “Oh, you’ve tanned pretty good. Bagay sa’yo!”

My god di naman ako pumunta dito para magfish ng comments! “Thank you po! Sina Butchoy kasi, laro nang laro sa dagat! Naiwan ko rin yung sunscreen ko sa dorm.” Tinabihan ko si Tristan sa may lapag at kinurot ko siya sa pisngi. “Hey, Mr. T! How you doin’?” Wow, first time! Hindi niya ako pinansin! Nakapout pa si Little Boss at mukhang nagtataray!

Ms. Marisse laughed at her son’s behavior. “Nagtatampo yan. Hindi ko kasi pinayagang bisitahin si Andreau ngayon. Have you heard about that?”

“Uhmm opo, kanina lang sa bus. Kamusta na siya?”

Napailing si Ms. Marisse habang sinasara ang suitcase niya. “As always, gusto na ulit magtrabaho. Every year na lang siya nagcocollapse sa trabaho! Gets ko naman na crunch time na sila sa movie.. kaso imbis magpahinga sa free time, kung anu-ano pang ginawa,” she sighed. “He got that from his mom. Si Ate kasi.. kahit pagod na go pa rin with work. Cholerics!”

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. “I told Andreau na choleric siya. He denied it.”

“Eh Denial King naman yon! I’ve been telling him that for m— oh. Hindi ka naman ba busy this afternoon, Zade? You can take Tristan to the hospital if you like.”

Uy, tempting yon ah. Another side of Big Boss ang pwede kong makita: Sick Andreau. Sinilip ko ang reaksyon ni Tristan sa tabi ko, nakatingin na pala siya sa’kin. “Well.. wala naman akong ga—“

“Dali na Ate Zade please samahan mo na ako please please!” kulang na lang mahubaran na ako ni Tristan sa sobrang paghigit niya sa damit ko. “Please please Ate miss ko na si Kuya Andreau please please!”

Wow.. ang swerte naman ni Andreau at super nag-aalala sa kanya si Tristan! I looked at Ms. Marisse for approval and she just smiled at me. “Okay fine! Let’s go! Pero wag kang hihiwalay sa’kin dun ha? Mahirap mag-hide and seek sa osp—“

Bago pa ako matapos ay tumakbo na si Tristan papunta sa kwarto niya para magpalit ng damit.

Kids.

xxx

Hindi lang sa pagsama kay Tristan ako napapayag ni Ms. Marisse, pati sa pagbabantay sa anak niya for two days napasubo ako. Papunta siya ng Malaysia ngayon para sa isang product shoot at magsi-stay siya dun for three days. May yaya naman si Tristan pero he insisted na ako na lang ang magbantay sa kanya for two days. Ang adorbs talaga nitong batang ‘to!

Hinatid kami ni Kuya Mike sa ospital gamit ang sasakyan ni Ms. Marisse. Aahh.. so kay Ms. Marisse pala yung Chedeng na ginagamit ni Andreau! So yung Dodge talaga ang kotse niya? Surprising.

I rarely go to hospitals. Well.. iniiwasan ko talagang pumunta ng mga ospital eh. Ayoko lang talaga sa ambiance. Tsaka.. ang daming namamatay dito at.. germs! Who likes germs, anyway?

Akala ko malala na ang reaksyon ko pagdating sa germs. Si Tristan pala.. intense.

Ate Zade.. okay lang ba hawakan ko hands mo later sa ospital?

Uhm.. sure. Bakit naman?

Kasi.. baka kunin ako ng germs.

Ha? Germs? Tristan.. hindi mo makikita ang germs kung wala kang gamit na microscope.

Eh kasi.. baka lumaki sila tapos kunin nila ako.

Uhmm.. that’s impossible, Tristan.

Sabi kasi ni Kuya Andreau.. pag bumitaw daw ako pag nasa ospital ako.. pag nawala daw ako.. kukunin daw ako ng mga malalaking germs.

Ah.. joke lang yon ng Kuya Andreau mo. Kakausapin natin siya mamaya, okay?

Sige po.. basta.. kakapit lang ako sa inyo mamaya Ate Zade. Ayoko sa germs.

Tinamaan ng kalokohan ‘tong Andreau Cortez na ‘to! Kung anu-anong pinagsasabi sa bata! Una, yung Bella vampire shit. Tapos eto? Bad parenting!

Tapos na ang visiting hours na nang makarating kami sa ospital (thanks, traffic!) pero buti na lang at family doctor nina Andreau ang doctor-in-charge kaya nakalusot kami. Intense ha, ganito ba pag naoospital ang mga artista? O si Andreau lang? Ang daming tao, correction, teenage girls, sa floor ng room ni Big Boss. Pinapaalis na nga sila ng mga guard kaso ayaw. Sinamahan na kami ni Kuya Mike hanggang sa pintuan para safe kaming makapasok. Lakas maka-death glare nitong mga nirabies na Dreausters sa’kin eh. Sa inyo na yang idol niyo!

“Wow.. hindi naman ako informed na Dangwa na pala dito,” yan ang nasabi ko pagkabukas ko ng pinto ni Andreau. I kinda said it a little too loud kaya napatingin sa’kin lahat ng tao sa room. Eh sa nakakagulat, ang daming bulaklak at balloons! Parang babae ang naospital! Tinamaan na ako ng hiya. “Uhhmm.. g-good afternoon po.”

Ineexpect ko rin  na maraming kasamang alalay ‘tong si Andreau dito sa room niya. Di ba ganun naman pag naoospital ang mga yamings? Kaso.. tatlong tao lang ang kasama niya, at si Mars lang ang kilala ko.

“Kuya Andreau!” sigaw ni Tristan sabay takbo papunta sa kama ni Big Boss. Tinulungan pa siya ni Mars para makaupo siya sa kama. “Okay ka na? Masakit ba yung needle? Are you still sick?”

Doon ko lang tiningnan si Andreau.. and.. boy..

“Yuck,” was all I could say. He looked like.. death. Pwede na siyang maging panda dahil sa eyebags niya. At may ipuputla pa pala siya! At.. ngayon lang hindi bumagay sa kanya ang five o’clock shadow niya.

Hah, Sick Andreau = Unglamorous Andreau. Ang sarap picturan nito!

“Yuck?” Andreau managed to ask me, his voice sounded raspy. Goodbye, suave voice!

“Yuck.. ka. You’re death.. personified.” I heard Mars chuckle behind me. Eh sa totoo naman!

Inirapan ako ng bwiset. “This is what sick looks like.”

“I know. Ang panget mo pala pag may sakit ka.”

“Are you trying to make me feel better? If yes, you’re not doi—“

“No. That was an insult. Oh, naalog ata utak mo. Nagpa-CT scan ka na?”

“Why are you so.. crabby today? I’m a sick person. You didn’t even ask me if I’m okay.”

“Kitang-kita naman na hindi ka okay. Hello, look at that,” tinuro ko ang half-empty na dextrose sa may kanan niya. “You’re definitely not okay.”

Pascual, pigilan mo ang sarili mong asarin si Andreau. May sakit yung tao. Andreau huffed and turned his attention to Tristan. Umupo na lang ako sa sofa, katabi ni Mars. In fairness, pang-yamings ‘tong room niya ha. Ang ganda ng sofa, may malaking TV.. at may ref! Hotel ba ‘to? Nanood na lang ako ng crap show (di ko alam at ayaw kong alamin ang title) sa TV habang nagkukwentuhan ang magpinsan. Mukha talaga silang magtatay!

“Kuya Andreau.. sabi ni Ate Zade nakikita lang daw yung germs pag tinitignan sa microscope.. tsaka raw wala raw malalaking germs na kasing laki ng tao.”

Triple shit. I’m doomed. Manood ka lang ng TV, Pascual. Walang sinabi si Tristan. Nananaginip ka lang. Manood ka lang ng TV cra—

“Scheherazade.”

I’m dead meat.

Dahan-dahan akong lumingon kay Andreau, and nakangiti sa’kin ang loko. “What now? I told him the truth!”

“He’s a kid!”

“Kids deserve to know the truth, Andreau.”

“That’s what teachers are for!”

“Hindi pa nga siya pumapasok sa school!”

“Well.. sa June papasok na siya. That point’s mine!”

“My god, schoolmates ba talaga tayo? Ba’t ganyan ka mag-isip! Dapat sa bahay pa lang nagsisimula nang magsabi ng totoo! And the truth, Mr. Cortez, is that.. YOU CAN’T SEE GERMS WITH THE NAKED EYE!”

“Kelan ka pa naging Biology major?”

“Nag-aral ako ng Bio nung high school! Don’t change the subject!”

“I’m not!”

“Why did you lie?”

“It’s much easier, okay? 3 years old lang si Tristan non!” he groaned. “How am I supposed explain to him the complexities of Biology?”

“Saan mo naman kasi nakuha yon ha? Nag-iisip ka ba?” natawa nang malakas si Mars sa tabi ko. God, anong nakakatawa dito? “I know imaginat—“

“Ghostbusters, okay?” he retorted shyly. “Medyo inspired ng Ghostbuste—

“Anong Ghostbusters?

Andreau’s tired eyes widened in surprise. “Pati ba naman yun hindi mo alam?”

“Ano ba yun?”

“It’s a movie.. may cartoons din,” he was waiting for me to react pero I just threw him my what the hell look. “Seriously.. never ka nakapa—“

“Province girl here. Ba’t naman Ghostbusters? Really, Andreau? Anong konek ng Ghostbusters sa germs? E di sana Germbusters na lang yon!” My god ngayon lang ulit ako nairita sa kanya nang ganito! Pasalamat siya hindi ko dala ang backpack ko!

Akala ko sisigawan niya ako.. pero.. that infuriating man! He laughed at me! Tawang-tawa siya sa sinabi ko! “Oh my god,” he exclaimed, almost out of breath. Naluluha na rin siya. “G-germ..busters! God Zade, ibang klase ka talaga!” Pati yung dalawang kasama ni Mars at si Tristan.. tawang-tawa rin.

Wala naman akong ginawang masama ah!

xxx

Two days later.. something happened.

Naextend ng isang araw ang stay ni Ms. Marisse sa Malaysia dahil nagkaproblema sa place or something. She requested me na magstay ng isa pang araw para mabantayan si Tristan. Good thing natapos ko nang ayusin ang bracketing papers ko (took me two long days!) kaya wala na akong masyadong gagawin.

At hindi na namin pinuntahan si Andreau sa ospital.

Hello, nakakairita kaya siya! Well.. medyo sanay na ako but c'mon! Ano bang kamalayan ko sa Ghostbusters? I just corrected him dun sa sinabi niya kay Tristan! Ginagamitan niya ako ng movie references niya para mapahiya ako. Ugh.

So.. ayokong magpatalo sa kanya. Thanks sa ultra bilis na wifi dito sa condo, I downloaded Ghostbusters. Fine, the movie's funny. No wonder gustung-gusto 'to ng magpinsan. Pero.. my point is... HINDI NGA LUMALAKI NG KASING SIZE NG TAO ANG GERMS!

On my last day as Tristan's guardian (feel na feel!), nagulat ako nang biglang dumating sina Andreau at ang entourage niya sa condo nina Ms. Marisse. I wasn't informed na lalabas na siya sa ospital. Gulat na gulat ako, to the point na pinabayaan ko lang silang pumasok at dumiretso sila sa guest room. Naiwan lang ako sa may sala, tulala. Buti hindi nagising si Tristan sa drama nila.

Okay.. what just happened?

Sinundan ko sila sa guest room five minutes later. Si Andreau agad ang napansin ko. Hmm.. mas okay na ang itsura niya kesa sa last na visit namin. Todo asikaso sina Mars at mga PA ni Big Boss para comfortable ang higa nito sa kama.

"Zade, can you get Andreau a bottle of water?" utos sa'kin ni Mars. Karipas agad ako papuntang kitchen at kumuha ng tubig. Ba't ang seryoso nilang lahat? Lumala ba ang sakit ni Andreau?

Tulog na si Andreau nang makabalik sa guest room. Hala ang bilis naman ata nun! Wala pa nga akong one minute na nawala eh!

"Uhmm Mars? Okay lang ba si Andreau?"

Mars shrugged. "Dapat.. kaso alam mo naman yan, hindi marunong makinig. He almost drove to the set earlier." Napailing na lang siya. "Nagalit nga si Marisse eh. Doc instructed na 2 days rest pa bago siya makabalik sa shoot."

"But.. he didn't listen."

"Tsk. Na-adjust na nga nina Direk yung sked ng shooting para sakto pa rin sa premiere night. Eto namang hero na 'to, ayaw maging pabigat. Hay."

Ay, ngayon ko lang narealize na first time kong makikita ang Sleeping Andreau. Weird ba kung sasabihin kong mas.. gwapo siya pag tulog? May sakit pa siya niyan ah! Paano pa kaya kung wala?

"Zade!" Mars' voice pulled me out of my indecent thoughts. Thank god. "Okay lang ba na pabantayan si Andreau? May aayusin pa kasi kami for Wanderlust."

Oh god please don't leave me here with him! "Uhmm.. sure po ba ka--"

"You'll do fine," his smile was supposed to assure me pero mas kinabahan ako. "Isipin mo na lang lumaki bigla si Tristan. Nakaya mo naman yung bata eh! He'll be up after four hours, I think. So pwede ka pang mag-enjoy dyan."

Hindi na nga ako nag-eenjoy dito eh. Pihadong riot 'to pag nagising siya! "Pero Mar--"

"Sabi ni Marisse yan, Zade. She's counting on you."

Ibang klase talaga pag ginagawang pamblackmail si Ms. Marisse. Hay.

xxx

Four hours pa raw magigising si Andreau so ginawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin. Nagchannel surf ako (wala namang magandang palabas), nag-internet (tumingin lang ako ng libro), nakipaglaro kay Tristan (na napagod agad kaya nanood na lang kami ng Spongebob) at.. kumain.

Gisingin ko na lang kaya si Andreau para may gawin ako? Ang tumal eh!

Masyado akong pre-occupied sa pagbabantay kay Big Boss na nakalimutan kong may lulutuin ako for dinner. Kaninang umaga kasi dumaan kami ni Tristan sa supermarket para bumili ng ingredients for bicol express. Bigla kasi akong nagcrave ng something maanghang, at eto lang naman ang alam kong lutuin.

Binilinan ko si Tristan na wag papabayaang lumabas si Andreau sa condo nila. Pinagpromise ko pa siya, alam kong kayang-kaya ni Big Boss na paikutin ang batang 'to.

Magaling na chef ang Mima ko.. kaso lumaktaw sa'kin ang genes na yun. Bicol express lang talaga ang alam kong lutuin na ulam, pati syempre mga prito. Tamad kasi akong magluto pero na-eenjoy ko ang pagbabasa ng cook books. Ayaw ko kasi sa mea--

"What are you cooking?"

Muntik ko nang mabitawan ang kutsilyong hawak ko sa sobrang gulat. I saw Andreau standing by the fridge with arms crossed. Mas umayos ang itsura niya compared kanina. Ganun ba talaga ang nagagawa ng tulog?

"H-how long have you been there?"

"Saglit lang naman. Ano yan?" lumapit siya sa may gas range at sinilip ang kaldero. "Ba't may gata?"

"Wag mong pakialaman. Hindi para sa'yo yan."

"Weh?"

"Gutom ka na ba?" he nodded. "Fine, 3 minutes."

Kumuha siya ng plato at kanin at dumiretso sa dining table. Weird, he's not argumentative right now. Baka side effect ng meds niya! Good, at least hindi ako mapapaaway dito.

After three minutes, nakahain na ang favorite kong bicol express, just in time for dinner.

"Ate Zade.. pwede ko bang tikman?" chicken nuggets kasi ang niluto kong ulam for Tristan. Baka kasi maanghangan siya sa luto ko.

Naglagay ako ng kaunting sabaw sa kutsara ko at pinatikim sa kanya. "Careful, Trist. Maanghang yan!"

Kaunti lang ang tinikman ni Tristan na sabaw pero umayaw kaagad siya at uminom ng iced tea. "Ayaw ko nyan! Anghang!"

Andreau and I laughed at his reaction. Ang cute niya kasi! Maiiyak na ata na ewan! "Trist hindi naman maanghang eh. Look at me," kumuha siya ng maraming ulam at hinalo sa kanin niya. Ang laking serving pa ng nilagay niya sa kutsara niya ha! "This is mil— holy shit woman!" napainom din siya ng iced tea after niyang isubo yung pagkain. "Anong nilagay mo dito, jalapeno?"

Turn naman namin ni Tristan na tawanan siya. Namula agad si Big Boss! "Walang jalapeno yan pero tinadtad ko ng sili," tinikman ko ang ulam at nagulat siya na wala akong reaction. "See? Hindi naman maanghang!"

Andreau waa astonished and pissed at the same time. "Of course hindi maanghang. You cooked it. Ano ba 'to, Devil's Food?"

God, what a lame joke. "Bicol express yan. And don't call my favorite Devil's Food. Lame joke by the way."

"Hindi ako nagjojoke, okay?" si Tristan naman ang inabala niya. "Trist.. pwedenh share tayo sa chicken nugg--"

"Wag mong pakialaman ang chicken nuggets niya! Yan nga lang ang kinakain niya the whole day!"

"That's not healthy. Alam ba yan ni Marisse?" Andreau smirked when I froze. Hindi nga alam ni Ms. Marisse na chicken nuggets lang ang kinakain ni Tristan for two days. "See? Papakainin mo ba ako ng chicken nuggets o hindi?"

"Ubos na yung nuggets!"

"Then I'll buy! Is that a problem?"

"Hah. You think you can outsmart me? Excuse mo lang yan para makatakas ka dito at makabalik sa shooting!"

Andreau scoffed at me as he took a sip of his iced tea. "Ha? What're you talking about? I'm sick."

"Wag ka nga, Cortez. Sinumbong ka sa'kin ni Mars kanina. Akala mo makakatakas ka sa 'kin? Nuh uh. So.. kumain ka na lang ng kung anong meron dyan. Talo ka pa ng bata!" Napangiti pa sa'kin si Tristan habang 'tong si Big Boss todo simangot.

No choice siya, aba. Kamay na bakal ito.

xxx

Ayaw daw niya ng bicol express pero nakatatlong balik sa kanin! Passive-aggressive talaga 'tong si Andreau kahit kelan.

Since wala siyang magawa kina Ms. Marisse, pinilit niya kami ni Tristan na sa condo niya magstay. As usual, siya ang boss! Lagot ako kay Mars pag pinabayaan ko lang siya na mag-isa don. Baka biglang himatayin si Andreau tapos.. alam na.

His condo, his rules. Wala rin akong choice sa activity na gagawin. E di ano pa, ang paborito niyang movie marathon! Feeling ko talaga show off siya sa knowledge niya about films and shit. Kung anu-anong sinasabi eh! Buti na lang cartoons ang pinili ni Tristan. We settled for Shrek marathon, na kinagulat ng magpinsan na alam ko. Ganun ba talaga ako ka-clueless sa paningin nila? Kawawa naman ako. Pero in fairness ha, maalagang host si Andreau. Ang daming pagkain!

 

Uy Tristan, bawal ka ng chocolates after ng dinner. Sabi ni Mama m—

 

Trist o, Kitkat.


Andreau! Kakasabi ko la—

 

Wala naman si Marisse dito ah? Secret lang natin ‘to.

 

You’re spoiling the kid!

 

He’s a kid.

 

Ugh. Bad parenting!

 

Ewan ko sa’yo. O eto, manahimik ka na lang dyan.

 

Ah, so suhol ‘tong chocolate? Ano ako, bata?

 

You’re welcome.

 

Suhulan daw ba ako ng Cadbury Fruits and Nuts! I didn’t expect na matatandaan pa niya ang favorite chocolate ko? Hmm.. feeling ko stalker ko ‘tong si Andreau! Dumistansya kaya ako sa kanya? Ang creepy na eh!

Malapit nang matapos ang Shrek 3 nang biglang may nagdoorbell. Nagkatinginan kaming dalawa ni Andreau.

“Pupunta ba si Mars dito?”

Napailing si Andreau. “Magtetext naman yon eh. Wait lang ha?” He stood up and walked towards the door. Si Tristan naman, sumiksik nang todo sa’kin. May sinabi kaya si Andreau tungkol sa doorbell kaya natakot ‘to? Hay.

“Hi Andreau.”

OH MY GOD.

Agad akong napatingin sa may pintuan. Oh my god.

Anong ginagawa ni Jillian Cabrera dito?

xxx

Magaling na actor si Andreau, pero in this scenario.. hindi siya umaacting na nagulat siya.

Triple shit… anong ginagawa ni Jillian dito? Malapit nang mag-alas dose o! Gumagala pa rin siya sa oras na ‘to? Wala bang mga magulang na nag-aalala sa kanya? God, why do I even care about those things?

Bakit siya nandito?

“Jillian,” Andreau’s voice tried to sound casual as possible. “What are you do—“

Walang paalam na pumasok si Jillian sa loob ng condo ni Andreau. Wow, bitchesa! “Kamusta ka na? I hea—“ she stopped walking when she saw me staring at her. “Oh. You have company pala.”

Andreau closed the door and dragged Jillian towards his kitchen. “Wait lang. Mamaya na tayo mag-usap,” he almost snarled at her. Wow.. ngayon ko lang nakitang un-gentleman si Andreau ha. I can’t blame him, nakakaasar nga naman na biglang papasok si Jillian sa condo niya nang walang paalam!

At etong ham actress na ‘to! Grabe kung tingnan ako. She gave me a once-over sabay irap! I rarely cuss but.. that bitch! Excuse me, yang ganda mo dinaan lang sa derma, ako natural! Nakakainis!

“Ate Zades.. sino yun?” bulong sa’kin ni Tristan. Sabay naming tinanaw sina Andreau at Jillian mula dito sa may sofa. “Si Jillian ba yun ate?”

“Uhmm.. oo, Tristan. Ano.. balik na tayo sa inyo?”

“Eh.. paano kung umalis si Kuya Andreau? Lagot tayo kina Mama at Tita Mars!”

“Uhmm.. wait la—“

“Zade.”

Ay shit naman ‘tong si Andreau, ba’t di ko naramdaman ang presence niya? Lahing ninja ata ‘to. “Uhmm An—“

“Pwedeng.. bumalik na lang kayo ni Tristan sa taas?”

Is he.. kicking us out because of that.. girl? Okay ang irrational nito pero iritang-irita ako kay Jillian ngayon ha. Nanonood kami ng Shrek! Matatapos na! Sabay umepal siya!

“Andreau.. sabi ni Mars baw—“

“I won’t go out, I promise,” ouch naman. Natarayan pa ako! “May.. kailangan lang kaming pag-usapan.” He threw me a knowing look. Anong ibig sabihin nun?

Ayoko talaga siyang iwanan para mabwisit si Jillian pero.. ayoko namang magalit siya sa’kin. Kinarga ko na si Tristan tsaka ko siya kinausap. “Just promise me.. hindi ka pupunta ng shooting, okay?”

“Deal. Tristan.. goodnight.”

Lumabas ako ng condo niya na walang nakukuhang goodnight. Hah, ako pa tinarayan mo. Bwisit.

xxx

Mabuti akong tao, kaya ayokong mag-isip ng masama sa kung anumang pag-uusapan nina Andreau at Jillian don sa baba..

Pero.. ano kaya yun?

Ang mahirap pa nito, nagsinungaling pa ako kay Tristan. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong sa’kin.

Ate ba’t tayo pinabalik ni Kuya dito sa taas?

 

Di ba.. sabi niya mag-uusap lang sila ni Jillian?

 

Eh.. why do we have to leave the room? Bawal ba tayong makinig sa usapan nila?

 

Uhmm.. yes. I think.. para sa movie nila yon.

 

Eh kung para sa movie.. ba’t di natin pwede malaman? Mapapanood din naman natin yun, right?

 

Baka.. secret pa muna nila. Para masurprise tayo pag pinanood na natin.

 

Ah okay. Sayang, hindi natin natapos ang Shrek.

 

God I hope tungkol nga sa movie ang pag-uusapan nila. Ba’t ba ako lagi ang nag-eexplain dito kay Tristan ng mga bagay-bagay?

Tinapos na lang namin ni Tristan sa sala nila ang Shrek 3, thanks to Andreau’s blu-ray DVD (talo ang Divisoria sa dami ng original Blu-ray niya ha!). Hindi na rin siya nagtanong pa tungkol dun sa Jildreau shit na yon. Sa tabi na rin ako ni Tristan nakatulog, sobrang inaantok na ako para lumipat pa ng guest room.

Naalimpungatan ako around 4am, nang marinig kong bumukas ang front door. I immediately went outside, dala ang light saber ni Tristan (na feeling ko kay Andreau talaga. Anong kamalayan ni Tristan sa Star Wars?).

“Ba’t mo dala yan?”

Whew. Si Big Boss lang pala. Nilapag ko sa isang upuan yung light saber, baka mapalo ko pa siya.

Unang napansin ko sa kanya yung damit niya. He.. changed clothes. At mukha ring bagong ligo siya. Uh oh.. Zade.. ano ‘tong iniisip mo..

Sabi niya sa interview niya sa Minutes, virgin pa raw siya. Sa panahon na ‘to.. ano pa nga bang totoo o hindi, di ba? Lalo na sa TV?

“Psst Zade, okay ka lang?”

He was walking towards me so my initial reaction? Lumakad ako papuntang kusina. Ano ba kasi ‘tong pinag-iisip ko! Bad, Zade! Sa ref pa talaga ako pumunta. Okay baliw na talaga ako. Sana wag niya akong sundan dito sa ref please. Baka kung ano pang maamin ko dito nang di oras!

“Nasan yung bicol express?” tanong niya sa’kin. Napalingon ako, nasa may gas range pala siya, may dalang plato at utensils. Gutom na naman siya? Naku sabi na nga ba! Afraid to say something stupid, tinuro ko na lang sa kanya yung microwave. Dun ko kasi nilagay yung tirang ulam, plano ko kasing kainin pagkagising ko. Sayang, may iba pang kakain.

Tahimik kaming naupo sa dining table; siya enjoy na enjoy sa pagkain ng ulam ko habang ako.. nagtitiis sa isang bagel with Nutella. Nagsusungit na naman siya! Mas lalo tuloy akong nacurious sa pinag-usapan nila ni Jillian!

Bibilang ako hanggang sampu, after that magtatanong ako about sa nangyari kanina. One.. two.. thr—

 

“That was for the movie shit,” he murmured, eyes fixated on his food. “Nagtampo ba si Tristan?”

“Nope. But he asked so many questions.” His head snapped up. “Okay lang, I managed to answer them.. vaguely. Pero i-explain mo rin sa kanya bukas. Baka hindi naniniwala sa’kin yon.” Medyo obvious kaya ang disappointment ko? Hah sana nga! Para makaramdam naman ‘to!

Inubos muna niya ang pagkain sa plato niya bago siya nagsalita ulit. “Kung tungkol sa movie ang sinabi mo.. okay na yun. That’s the truth anyway.”

“Pero.. ba’t gabing-gabi naman ata? Sorry if I’m prying too much pero.. “

“Okay lang. It’s for promos and shit. Abangan mo bukas o two days later, may blind item na kami sa Chismis Squad.”

Andreau tried to sound sarcastic but.. ano ba talaga? Magkakaron ba talaga ng chismis about them? Para sa promo ng movie? Hindi pa ba sapat yung guestings sa TV at may ganito pa? I don’t understand showbiz, really.

“Don’t think about it too much, Zades,” napatingin ako sa kanya and he smiled. “Konti na lang, matatapos na rin ‘to.”

“Hindi ka ba.. pwedeng.. magreklamo man lang or something?” Andreau shook his head. “Right. The deal and shits.”

“We just talked. Nothing else happened.”

“Oh..kay. No need to be defensive there, sir.” Talagang siya na ang nagsabi! Ba’t naguilty ‘to?

“Oh. So.. wag na lang natin pag-usapan, okay?”

“Fine.”

Nawalan na ako ng ganang kumain. Effective way na pagpapayat pala ang pag-iisip kay Jillian Cabrera. Masabi nga yon kay Kesh!

In fairness, comfortable silence na kami ngayon ha. Parehas naming tinititigan yung painting na nakasabit sa pader. Hinihintay ko lang siyang mag-open ng topic, wag lang movies and TV shit.

As if reading my mind, Andreau broke the silence. “Have you heard from Anya or Lee?”

Shit. Wag din ‘tong topic na ‘to. Bigla na naman akong nalungkot. Ilang linggo rin naming dinamdam ni Kesh ang breakup nina Kuya Lee at Ate Anya. Ang matindi pa.. sa Facebook pa namin nalaman. Wasak ang puso namin eh.

“Wala eh.. Nag-deactivate si Ate Anya ng Facebook. I messaged Kuya Lee.. kaso wala rin. Ikaw?”

“Same. I tried calling them both.. wala. Si Leandro.. ewan ko kung saan na nagpunta, basta nasa Pilipinas lang yon. Si Anya.. nasa California raw,” dun ko lang narinig ang pinakamalalim na buntong-hininga sa buong buhay ko. Unbelievable. Affected much ka lang, Andreau?

“Dapat pala.. umattend ako ng grad. I.. feel really bad.”

Nagsimula ang rumors na break na ang dalawa nung graduation. Ni hindi sila nagtabi or nagpapicture na magkasama. Both of them graduated magna cum laude at expected ng lahat na magpopropose na si Kuya Lee right there.


But.. nothing happened.

“Good thing Roldan was there. He told me everything he saw. Family lang nila ang kasama nila kahit after ng ceremony. There’s tension between them.”

“What.. happened? Okay naman sila nung Valentine’s di ba? Lalo na nung elections, magkasama sila araw-araw!”

Andreau sighed again. “Alam mo naman yung dalawang yon, secretive masyado. Tsaka tingnan mo Zades, kung hindi malala ang reason nila.. ba’t nagtatago silang dalawa ngayon? I know Lean, he would talk about this. Anya wouldn’t, kikimkimin lang niya yon.”

Natawa ako sa frustration ni Andreau over this breakup. “My god.. ba’t ka masyadong affected, Andreau? This may sound harsh but.. they’re done. Wala na tayong magagawa don.”

Nagulat siya sa sinabi ko. “For someone who believes in true love and soulmates.. that’s very unfeeling of you, Zade.”

“What?” aray, ang sakit non ha! “Look, I care for them, okay? OTP ko silang dalawa! Naiyak kami ni Kesh nung nabalitaan namin.. pero anong magagawa non? Hindi naman sila magkakabalikan sa simpleng ganun eh. Iniisip ko na lang ang positive side ng breakup nila. You know, the if you’re meant to be, then you’ll find a way whatever it takes shit. It’s just..” I paused for awhile. Konti na lang at maiiyak na ako. “Sometimes.. you just know better than anyone else when it’s time to let them go.”

Andreau smiled a little, maybe because I used his words against him. “You’re right. It’s hard for us to deal with this. Just.. don’t tell anybody I said that.”

“I won’t. Kaibigan natin sila.. at mahirap talaga ‘tong part na ‘to.”

“I was one of them,” Andreau pushed his chair back a little and placed his long lengs on the dining table. “Nag-eexpect din ako na magpopropose si Lee sa graduation. Then a year later, groomsmen kami ni Roldan sa kasal nila.. four years later, ninong naman kami sa binyag. I.. imagine those things. Isn’t it silly?”

“No, that’s what you call being choleric!” He was about to rebut so I continued. “Hindi ka pa rin ba naniniwala? Look, you just planned their lives! Ni hindi nga natin alam na may problema s—“

“Oh c’mon Zades! Don’t tell me you’ve never thought about that! Girls think of those things since they’re what.. four years old!”

“I told you, I’m not like those girls! Ugh do you even listen to me?” Andreau just rolled his eyes at me. Nice! “Of course, naisip ko na rin. I was hoping na sila hanggang dulo. But face it, Andreau. Their story.. ended. Why.. can’t you just accept it?” Ang hypocrite ko masyado, ako nga hindi ko pa nga tanggap.

“I was with them right from the beginning, Zade. That’s why it’s hard to accept this,” he almost whispered. “Nandun ako nung.. inaasar-asar pa lang ni Lee si Anya.. nanghihiram siya ng notes sa Kas 1 kahit may handouts naman siya. Yung tawa ni Anya sa corny jokes ni Lee.. mga asar namin sa kanilang dalawa.. yung itsura ni Lee bago ang first date nila.. unang iyak ni Anya dahil sa away nila.. I was there. We were there. We’ve seen them grow.

You see two people, and just a glimpse at them.. you know that what they have is real. Something inside you is hoping that one day they could make it through everything and tell the world Yes, we made it. So can you! You also hope that they would spend their entire lifetime proving each other that they’re worth all the trouble. Even in their last moments.. they would say everything’s worth it.”

I’ve never seen Andreau like this before. Akala ko nakilala ko na siya nung naglaro kami ng Twenty Questions sa Coron. Nakakaiyak.. ang lalim pala niyang tao. Akala ko rin.. na hindi masyadong nagmamatter sa kanya ang friendship nila nina Kuya Lee at Ate Anya. Ang alam ko lang kasi magkaibigan lang sila, yun lang. Nahihiya akong magtanong kung paano sila nagkakilala. He cares for them so much I could feel his pain. This is not acting anymore.

Kinuha ni Andreau ang wallet niya at pinakita sa’kin ang isang lumang picture. May nakasulat na date, August 17, almost four years ago. Hindi ko napigilang matawa, ang bata pa nina Andreau dito sa picture na ‘to. Nakaupo pa sila sa isang army tank or something.

“Corregidor yan, fieldtrip namin sa Kas 1. Magkakaklase kaming lima dyan,” lumapit pa siya sa’kin para maituro kung sinu-sino ang nasa picture. “Kami ni Roldan, before Gold’s Gym, Badz before derma, Lean as a Baby Fighting Maroon.. and Anya.. she never changed.”

“Si Badz.. ba’t di niyo na laging kasama?” Pinakilala siya sa’kin ni Ate Anya nung umattend ako ng orientation ng org namin. After that bihira ko na siyang nakita.

“Ah. Busy sa frat. Pero nagkikita rin kami minsan, inom ganon.”

“My god.. you look.. so young!

Andreau scoffed then smiled. “Yeah right. Those were the times. You know what, kami ni Anya ang pini-pair nung prof namin sa Kas 1. She’s gorgeous, alright, but I wasn’t interested. Si Lean talaga yung dakilang epal. Ayun, sa kakaepal.. naging sila.” His smile turned into a frown, aray naman. “Naah. You’re right. I should get over this shit. They’re adults anyway. Kaya na nila sarili nila.” Kinuha niya sa’kin ang picture at binalik sa wallet niya. Sayang, sarap pa namang ipa-scan nun!

“Uy grabe naman ‘to. I’m so sorry if I sounded a little bit insensitive earlier. Hindi ko naman alam na super lalim pala ng hugot mo. Don’t be too sad about it. This, too, shall pass.”

In fairness, kahit hindi nakakatawa ang sinabi ko tumawa siya. “They are the ones who made me realize that loving someone is worth the trouble. I think.. I should reassess my principles no—“

“OA mo naman!” muntik ko na siyang maitulak. “Kung hindi nagwork sa kanila, wag kang mawalan ng pag-asa na mangyayari yon sa’yo! And you said it yourself, we made it, so can you! At least sa ibang tao.. inspiration ka! And hello, hindi mo pa nga nata-try! Ba’t ka susuko? Love is for the brave, and you must be brave enough to face that trouble.”

We stared at each other for a moment, and laughed. “Akalain mo yun,” he exclaimed with amusement, “malalim ka rin palang kausap. Dapat iniipon mo yan para mapalitan mo na si Oscar Wilde.”

“Oh tha— you know Oscar Wilde!?”

“Of course, I know him. The Picture of Dorian Gray? I like that book.”

Oh-kay.. palagpasin na lang natin ang fact na bading si Oscar Wilde at medyo homoerotic ang Dorian Gray. Zade, he’s not gay, okay? “Oh. And since we’re talking about this.. napanood ko na yung Ghostbusters.”

Bigla siyang naging excited sa sinabi ko. “So.. how was it?”

“It’s funny, though medyo hindi ko nagets ang ilang parts. I hope gawan nila ng remake para ma—“

He snorted loudly. “Oh no no, don’t say a remake. Alam mo bang minsan sinisira ng remakes ang original?” Okay wala na ang emotional Andreau, balik na sa Director Andreau. Kaasar ba’t ko pa sinabi? “Tristan loves that film. Oh, we could watch it sometime para maexplain namin sa’yo yung mga di mo nagets.”

“Sounds good! Pero.. bago ka na naman magplano.. tapusin mo muna yung movie mo, okay?”

“Oo na po. Tatapusin na. Okay na siguro ako mamaya, ano? Para sa shooting?”

“Uhmm.. iyak ka muna, then you’re good.”

Tinawanan lang niya ako at tumayo siya para ilagay ang pinagkainan niya sa sink. Ako ata ang dapat umiyak, ang bigat ng sinabi niya sa’kin. Hugot kung hugot eh!

“Andreau?” I called him out. Bumalik siya sa dining area na dala-dala ang mabulang sponge. “Wag kang pessi, okay? Trouble will come and find you before you know it.”

“Thanks. I’ll take note of that.”

Me too.

Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
391K 9.9K 43
Old story written in 2006.
36.3K 1.8K 48
TL Series #2 • Frinz Alfonse Payne's Story • An online story that started with a deal. A deal that both of them would benefit from each other. The...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...