BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 11: Concealing Scars

14.9K 225 18
By vixenfobia

Confession 11: Concealing Scars

 

 

Alice’s POV

 

“Ito onee, uminom po muna kayo.” Tugon ni Clover bitbit ang tray ng mga juice habang papalabas sa kusina.

Tumango ako rito kasama ang tipid na ngiti matapos niyang ibaba ang tray sa center table na katapat namin. “Salamat,” saad ko pa rito matapos kong uminom ng juice.

Nandito na kasi kami ni Aldous sa loob ng council at ito nga siya, feel at home na nakahilata sa tabi ko. Hindi manlang nahiya, palibhasa kaklase niya ang dalawang babaeng nanunuluyan dito.

“Gusto niyo na bang kumain ng dinner? Luto na.” napalingon ako sa kusina at nasilip ang isang gwapong lalaking nakasandal sa door frame habang may suot na light-blue colored apron. Hindi ko na naiwasang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa, ang gwapo kasi. Singkit, may maninipis at mamulamulang labi, may kaputian at katangkaran at tamang-tama ang pangangatawan.

“Yea, I’m hungry.” Sambit ko habang pinagmamasdan pa rin si Spade. Napatawa na lang ako sa utak ko ng ngumiti ito sakin. For the first time, nalaman ko ring marunong siya ng ibang ekspresyon bukod sa pagngiti.

Sinamaan ko ng tingin ang katabi ko matapos ako nitong mahinang pitikin sa siko. “Pagkain ang kakainin Alice ha? Pagkain,” pabulong pero may diing sabi ni Aldous.

Inirapan ko lang ito bago tumayo. “It’s as if, food lang ang kinakain mo Aldous. Just as if,” bwelta ko naman pabalik pero nginisihan lang ako ng higad na lalaki. “By the way, where’s Charm?” tanong ko kay Spade. I fished my phone in my pocket and send my reply to mama bago muling harapin si Spade.

“Nasa kwarto pa pero noong binisita ko kanina gising na,”

 

“Is she still sick?”

 

“Ah, hindi na onee. Bumaba na rin ang lagnat niya kaning umaga, medyo may kaunting sinat pa pero pinapainom naman namin ng gamot sa oras,” sabat ni Clover mula sa likuran.

I nodded. “Then, good to hear. Aldous, pakitawag na si Charm sa taas-”

 

“Ay!” Nabaling ang tingin k okay Clover ng putulin ng sigaw nito ang sinasabi ko. Mukha naman itong nataranta at napayuko na lang. “W-Wag na po, baka kasi mabinat pa,” she chuckled nervously. “Dadalhan ko na lang po siya ng dinner niya doon,”

 

“Oh, narinig mo Alice Lax Grey? Si Clover na ang bahala sa babaeng bakulaw na 'yon, tara na lang at kumain,” nang-iinis na tonong sabi nito habang nag-iinat pa. tinapik-tapik pa nito ang kanang balikat ni Clover habang malawak na nakangiti. “Thank you Clover ah? Little angel ka talaga,” sabay kurot nito sa pisngi ng dalaga kaya namula ito. May gusto ba si Clover sa kapatid ko? Masyado siyang obvious pero hindi ko naman siya masisisi dahil pinaglihi sa apaw-apaw na kagwapuhan ang kapatid ko *shrug*

***

 

“Ihahatid mo na ba 'yang food Clover?” nag-angat naman ito ng tingin sakin saka tumango. I smiled at her fishing the cookie jar mama gave me na para talaga kay Charm. I leaned on the kitchen counter habang hinahanap si Aldous. “Aldous!”

 

Inis itong lumingon kaya napangisi ako. “Ano?”

 

“Halika dito,” with hand gesture pa. Kahit naiinis siya, hindi naman niya ako natiis at lumapit pa rin. “Dalhin mo naman 'to kay Charm oh,”

 

“Ako? Bakit ako pa? Ikaw na, kakain ako e.”

 

“Onegai?” (Please?) pagpapacute ko pa.

“Ah, Alice-nee ako na lang po ang magdadala kay Charm niyan.” Sandali kong nilingon si Clover na nasa likuran ko lang naman.

“Kasi Clover bilin ni mama, si Aldous daw magdala nitong cookies kay Charm pero sige ikaw na lang, ayaw naman kasi ng kapatid ko,” malungkot kong tugon habang inaabot ang jar kay Clover nang bigla itong inagaw ni Aldous sa kamay ko.

“Ako na nga, nakakahiya na kay Clover. Lahat na lang sakanya inasa,”

 

“Okay lang naman Colix e, sige na, ako na magdadala kay Charm niyan-”

 

“Hindi na Clover, ako na. Sabay na tayong umakyat,”

 

 

Alam kong tama ang hinala ko base sa reaksyong nasa mukha ngayon ni Clover. This bishie’s unaware of her hidden feelings. Tss. Poor Clover, manhid ang Casanova na napili mo.

Pinagmasdan ko lang si Clover at Aldous habang papalabas ng kusina, bitbit na ni Aldous ang tray habang doon nakapatong ang jar ng cookies at medicine ni Charm.

“Mauna na tayo kumain Alice?”

 

Nalipat ang atensyon ko sa nagsalitang Spade na mukhang kakatapos lang mag-ayos ng table. “Sige,” sabay upo ko katapat niya.

Tahimik lamang itong sumasandok ng kanin at ulam. “Bakit?”

 

“Wala naman. Where you from again?”

 

“Italy,”

 

“Bakit mo naman naisipan na dito na mag-aral sa Pilipinas?”

 

“My dad say so,” nakangiti nitong sagot.

Nagkibit-balikat na lang ako bago sumubo ng kanin. “So, Ace-jiisan is the reason. At marunong ka pala magtagalog, infairness.”

 

“Ha? Ah, oo. Dito rin naman kasi ako lumaki sa Pilipinas,” napapakamot batok nitong sagot.

Napangiti na lang ako. “The first time we went here, English spokening dollar ka kasi.” Bahagya itong napatawa sa sinabi ko. Ano naman kayang nakakatawa doon? Tss.

Clover’s POV

 

“Babaeng bakulaw! Gising ka na ba? Pasok na kami ah.” Sigaw ni Colix bago pabuksan sakin ang pinto ng kwarto ni Charm. Bumungad naman samin ang masamang tingin at lukot na mukha ni Charm habang nakasandal ang likod nito sa headboard ng kama wearing her headphones.

“Bakit nandito kang damuho ka?”

 

“Kung iniisip mong dinadalaw kita, wag ka ng kiligin dahil mali 'yang iniimagine mo. Oh ito, pinadala ng ate ko.” Marahang ibinaba ni Colix ang tray sa side-table ni Charm habang nakatayo lang naman ako sa paanan ng kama at pinagmamasdan sila.

Sinilip ni Charm ang laman ng tray bago ibaling ang tingin kay Colix pero agad akong napaiwas ng tingin ng titigan siya pabalik ni Colix.

“Tinitingin mo diyan?”

 

“Tsk. Ang panget mo Aldous.” Doon lang ako nagkalakas loob tumingin sakanila noong narinig kong sumandal ng muli ang likod ni Charm sa kama. “Andito si ate Alice? Pakisabi, salamat dito saka sa pagdalaw.”

 

“Tss. Oh itong cookies, galing naman kay mama. Lamunin mo lahat ha? 'Yung tipong bungi ka na dapat bukas pagpasok mo,”

 

“Bungi ka diyan!” Pumorma pa si Charm na susuntukin si Colix kaya naman inilapit ni Colix ang mukha niya kay Charm na parang pinoprovoke ito. “Kung ikaw kaya bungiin ko?”

 

“Sige nga oh, gawa-” Hindi na naituloy ni Colix ang sasabihin niya ng biglang suntukin siya ni Charm, sa gulat ko muntik ko ng takbuhin ang pwesto nila, mabuti na lamang at agad na nahawakan ni Colix ang wrist ni Charm. “Eh kung suntukin kaya kita gamit ang nguso ko? Akala mo ba makakapalag ka pa sa hina mo ngayon?”

 

“W-What the hell you b*tch! Get the hell out of here! Get out and- argh! Let go of my arm Aldous!” Pilit na binabawi ni Charm ang kamay niya kay Colix pero mukhang hindi ito nakikinig at patawa-tawa lang.

I took a deep breath closing my eyes for a couple of second. Stop looking at them Clover, you’re just hurting yourself. Muli kong idinilat ang mga mata ko and forced myself to smile. Kahit na ganoon pa rin ang ginagawa nila na para bang tuluyan na akong nakalimutan, ay ayos lang.

“Ah, Charm…” I started. Napahinto naman sila sa paghaharutan at nilingon ako pero hindi pa rin binibitawan ni Colix ang kamay ni Charm. “…lalabas na ako kasi tutulong pa ako kay kuya mag-ayos ng mga makakain,”

 

“Ganoon ba?”

 

Tumango ako bilang sagot still wearing my smile. “Andyan na rin pala 'yung gamot mo, inumin mo ha? Babalik na lang ako mamaya after kong tumulong sa baba.” Tumango naman silang dalawa. Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita. “Ikaw na ang bahala sakanya Colix ha? Labas na ako, iwan ko na kayong dalawa.”

 

 

Hindi ko na siya inantay na magsalita dahil baka mas malungkot lang ako kapag narinig kong pumayag siyang maiwan dito kasama si Charm. Napasandal na lang ako sa pinto at napayuko. I left my heart inside…and it’s hard to breathe, seriously.

Alice’s POV

 

“Alice? Gising ka na ba? Sasama ka ba samin anak?” Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng makarinig ng isang mahinang katok ngunit imbes na sumagot ay nanatili akong tahimik at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ko sa harapan ng salamin. Hahayaan ko na lamang silang isipin na natutulog pa ako para umalis na sila diyan at iwan ako mag-isa rito.

Gusto ko lang ngayon ay lumayo… at mapag-isa.

 

Nanatili ako sa pagkakaupo at ginagawa ko hanggang sa marinig ko na lamang ang papalayong mga yabag ng paa ni mama mula sa tapat ng kwarto ko. Ayokong sumama sakanila, kung pupunta man ako doon gusto ko ay mag-isa. It’s been 2 days since nagpunta kami ni Aldous sa council para dalawin si Charm at ang iba nitong kasama. Mukha namang wala na silang balak buohin ang BRTG pero mas pinili pa rin nilang magstay sa council, kung ano man ang rason ay hindi ko na alam. Wala na rin namang binanggit sakin si Spade noong kinausap ko siya, tanging ngiti lamang ang isinagot niya sakin ng mga oras na 'yon.

I heaved a sigh opening my table’s drawer. Dito ko itinago ang litrato niya- litrato naming magkasama. Simula noong nawala siya, doon ko narealize ang salitang kalungkutan. Though he’s too naughty, hard-headed, childish oldie and short-tempered, he’s still my bestfriend. He will remain as my only bestfriend, my Great Grandpa Kanji.

Today is his 3rd year death anniversary. It’s been 3 years but that nightmare is still fresh in my memory. That day how he died in front of my eyes. That day that I did nothing but to stare at him dying in front of me. That day na wala akong nagawa to save him from death. That day, where Alice first come out in me.

Pinagmasdan ko muna ang litrato niya bago ito itago sa bag ko at diretso ng lumabas ng kwarto. Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom bago umalis, good thing at wala na sila sa bahay. Alam naman nila na ganito ang nangyayari every year kaya susulitin ko ang buong araw na ito sa sarili ko lang, walang papa na madaldal, walang Aldous na manyak at walang Oz na nakakabwisit.

***

 

“Grandpa…” I uttered looking at his cold thomb. Umupo ako sa tapat nito kasabay ng pagbaba ng dala kong bulaklak at basket ng paborita niyang prutas na mansanas. Hinawi ko ang iilang piraso ng tuyong dahon sa ibabaw nito para mas malinaw kong makita ang pangalan niya.

Kanji Yoshima. This is the very first guy I loved the most. Magkakaiba kasi ang pagmamahal ko para kay oji-sama (lolo), otou-san (papa) at kay Aldous kaya hindi ko sila pwede i-compare. Sobrang naging malapit kasi ako kay oji-sama simula noong bata pa ako dahil nga sa kagustuhan nitong manahin ko ang naiwang gang ni mama. Lagi niya akong ninanakaw from my parents at binibitbit ako papuntang basement para sa training ko. At first, I really enjoyed it. It was like, I was just playing and seriously just having fun though I know, what I’m holding is a gun. Though I know, it’s the kunai oji-sama pointing on my neck. Though I know, I don’t have enough driving knowledge to compete him in drifting. Though I know, I don’t have driving license to join the drag racing. Though I know, that cliff could kill me once I slid my motor off the gutter.

Though I know all of these, I still continue playing with near death games.

But 4 years ago, it’s the first time I said no to Grandpa. It’s the first time I saw pain in his eyes. It’s the first time I shouted at him. It’s the first time I made myself look angry in his front. It’s the first time I disappointed him. Pero kahit na ganoon ang ipinakita ko sakanya, hindi siya nagalit sakin. Hindi niya ako sinigawan. Hindi niya ako dinisappoint. Lahat pa rin ng gusto ko binibigay niya but he really is hard-headed as I am, he never gave up. Hindi pa rin siya tumigil sa gusto niya and pursue me to be my mom’s successor. Pero matigas talaga ako dahil hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya. Kahit na masaya ako sa training namin when I was a kid, habang tumatagal, normal na buhay na ang pinapangarap ko.

3 years ago was the last time he can be this hard. 3 years ago was the last time he can pursue me. 3 years ago was the last time I could see his smile and that day was the day I regretted so much. Kung hindi ako nagmatigas at pinagbigyan na lang siya kaagad, hindi na sana niya ako kailangang habulin…hindi na sana siya naaksidente.

Yes, it was all an accident. Walang may kasalanan dahil aksidente ang pagkamatay ni Grandpa.

Aksidente, sabi nila.

 

 

“I’m so sorry oji-sama,” bulong ko kasabay ng malakas na ihip ng hangin. Malungkot akong napangiti habang napapahalukipkip. Isinisiksik ko ang ulo sa pagitan ng mga tuhod ko at doon nanatiling nakayuko.

“Alice! Alice!”

 

Hindi ko pinansin ang sigaw ni Grandpa at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Ayoko nga kasi. Ayokong maging successor ng gang nila. Oo, aaminin kong masaya ako sa lahat ng experiences every training ko noon pero hindi na ako bata! Hindi na ako batang pwede niyang pangakuan ng candy at bitbitin na lamang sa basement training center para gawin ang task na inutos niya. Malaki na ako at may sarili na akong isip. Kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko at ang pamumuhay sa isang tahimik na mundo ang pinipili ko. Iyon ang gusto ko.

 

Ano ba naman kasing hindi maintindihan doon ni Grandpa?!

 

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo sa kalsada, hindi iniinda ang malalakas at nakakabinging busina ng sasakyan. I almost got hit by a private vehicle pero wala akong panahon na kausapin pa ang nagmamaktol na driver nito. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo… at mapag-isa.

 

 

“Alice-”

 

 

Napahinto ako sa pagtakbo. Pakiramdam ko huminto ang mundo sa mga oras na 'yon. Literal na napahinto ako sa paghinga habang dahan-dahang nililingon ang pinanggalingan ng sigaw. Natatakot ako sa ekspresyon ng mga tao, lahat sila gulat at takot na nakatingin sa bandang likuran ko.

 

Natatakot akong lumingon, wala akong lakas ng loob. Tila ba’y tinakasan ako ng realidad matapos kong marinig ang sigaw niya kasunod ang matinis na tunog ng isang preno. Masakit sa tenga, sobrang sakit. Parang mababasag ang eardrums ko anumang oras.

 

Napatakip ako ng dalawang kamay sa magkabilang tainga ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran. Maraming tao, maraming-maraming tao ang nagkukumpulan sa gitna ng kalsada… pero naagaw ang atensyon ko ng isang napakalaking truck sa tabi nito.

 

 

“Grandpa? Grandpa?” pabulong-bulong ko pang tawag dahil sa nanginginig kong boses. Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko noong nagsimula rin akong gumawa ng hakbang papalapit sa kumpulan ng mga tao. Hinawi ko sila ng marahas at bumulaga sakin ang isang kaawa-awang duguang matanda habang nakahandusay sa maruming kalsada. Bakas sa bawat ngiwi nito ang sakit sa katawang natamo niya. Napaluhod ako sa tabi niya. “Grandpa…” tawag ko rito habang sinusubukan kong iangat ang duguang ulo niya papunta sa mga bisig ko.

 

Napangiwi muli ito kaya napahinto ako sa paggalaw. Ayoko ng mas masaktan ko pa siya. “Alice apo,” simula nito habang pilit iniaangat ang kaliwang kamay palapit sa mukha ko.

 

“Nandito ako Grandpa,” halos pumiyok ako ng subukan kong magsalita. Inabot ko ang kamay niya at idinikit ito sa pisngi ko. Ayoko siyang bitawan.

 

“Sorry apo-” umpisa pa lang ay napahinto na ito sa pagsasalita. Impit na umungol ito kasabay ng mariin na pagpikit ng kanyang mga mata. Para bang nilalabanan nito ang kung ano mang parte ng katawan niyang masakit. Muli itong dumilat at humarap sakin. “Hindi ka na pipilitin ni lolo,”

 

 

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Kusa na itong tumulo, naramdaman ko na lamang basa na ang magkabilang pisngi ko.

 

 

“Sorry kung naging makulit si lolo ha? H-Hindi niya lang agad naisip ang mararamdaman ni Alice,” ngumiti ito ng matamis at pinunasan ang luha ko.

 

Nararamdaman ko ang pangangatal ng labi ko at matinding panginginig ng mga kamay habang pinupunasan ang dugong lumalabas sa bibig niya. “Shh… tatanggapin ko na Grandpa. Wag na magsalita, parating na ang ambulansya.”

 

“Simula ngayon, iisipin na ni lolo ang gusto ni Alice,”

 

“Grandpa…”

 

“Mahal na m-mahal.” He groaned. Wala akong magawa kun'di ang tingnan lamang siya habang nasasaktan. “Alice, aksidente ang lahat.” Muli itong ngumiti. “Pipikit lang si lolo. M-Medyo napagod ako sa pagtakbo,”

 

Nanlaki ang mga mata ko at sunud-sunod na napailing. “Grandpa? Grandpa!” Sigaw ko habang tinatapik ang pisngi niya dahil bigla na lamang itong pumikit. “Grandpa naman oh. Gising diyan, darating na 'yung ambulansya e. Diba nga sabi mo kapag pagod wag agad magpapahinga. Grandpa!”

 

Inalog-alog ko ang mga braso niya pero hindi pa rin siya dumidilat. “Anong gagawin ko? Grandpa? Hindi ka pwedeng matulog dito sa kalsada, madudumihan na 'yung damit mo oh. Mapapagalitan ako ni mama nito. Grandpa naman, gising na oh.”

 

“Miss-”

 

“T*ngna naman oh! Nasaan na 'yong doctor?! Nasaan na ang puny*tang ambulansya!” pumipiyok kong sigaw. Nahihirapan na akong huminga. “Grandpa!” Hindi ko na natiis at tuluyan ko na siyang niyakap. Wala na akong pakialam kung nasa kalsada kami at nadudumihan na ang damit ko ng dugo niya.

 

 

Kung sinunod ko lang ang gusto ni Grandpa, hindi na sana nangyari ito. Kung pinagbigyan ko lang siya sa hiling niya, hindi ko sana siya nasaktan. Kung hindi ako tumakbo rito, hindi niya sana ako susundan. Kung alam ko lang na ito na ang huling beses na makikita ko ang ngiti niya, sana hindi ko na siya dinisappoint sa pagtanggi ko. Kung alam ko lang na ganito ang siste ng huling hiling niya sakin, hindi na sana ako nagmatigas noon.

 

 

“Grandpa, tatanggapin ko na basta dumilat ka lang,” bulong ko.

 

 

Kasabay pala ng pagbawi niya sa hiling niya ay ang pagbawi rin sa buhay niya. Kung alam ko lang na ganito pala ang kapalit ng katigasan ko, sana hindi ko na ginawa.

 

 

“Kung hindi ka namatay sa harapan ko, hindi ko pa maiisip ang mga panahong pinasama ko ang loob mo sa paulit-ulit na pagtanggi ko.” Napabuntong hininga ako bago mag-angat ng ulo. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa pangalan niyang nakaukit sa isang malamig na bato. “At sa mismong araw na 'yon lumabas ang totoo kong pagkatao,”

 

 

“Alice!”

 

 

Tulala kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakayakap kay Grandpa. Alam kong wala na akong maiiiyak pero walang patid pa rin ang pagtulo ng luha ko. Malamig kong tinitigan ang taong tumawag sa pangalan ko matapos kong ibaling ang tingin rito.Nakikita ko ngayon ang gulat at takot na mukha ni papa, mama at Aldous mula sa kabilang kalsada. Maingat silang naglakad papunta sa harapan ko pagkaraan ng ilang minuto.

 

Napaluhod si mama kaharap ko at sandaling tiningnan ang malamig na bangkay ng matandang nasa mga bisig ko bago ibaling sakin ang tingin. “Alice,”

 

“Ma, I killed him,” I said in monotone.

 

Mabilis itong umiling saka hinawakan ang kamay ko pagkaraang punasan ang mga luha. “Aksidente ang lahat Alice. Please don’t blame yourself,”

 

“I killed him,”

 

“No. A-Alice…” Nakikita ko ang takot sa mukha ni mama sa hindi ko malamang dahilan.

 

“Ikaw na muna ang bahala kay Grandpa,” tugon ko habang inililipat kay mama ang bangkay ni oji-sama. Tumayo ako at doon nasalubong ang tingin ni papa at Aldous pero hindi sila ang kailangan ko… ang driver ng truck na ito.

 

 

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng mga Hapong 'to pero nakuha ang atensyon ko ng isang lalaking takot na takot habang kinakausap ng mga police. Marahan akong naglakad papalapit sakanya, naririnig ko ang sigaw nina mama sa pangalan ko pero hindi ko sila pinansin. Pinagmasdan kong maigi ang mukha ng driver habang nakatayo ako sa mismong tabi niya, naramdaman naman ata nito ang presensya ko kaya takot akong nilingon nito.

 

 

“G-Gomena-argh!” Hindi na nito natapos ang sasabihin ng hatakin ko ang suot niyang jacket at ibalibag ang katawan niya sa unahan ng truck niya.

 

 

Natahimik ang lahat, pareparehong gulat sa nasasaksihan. Ultimo ang mga police na ito ay hindi kaagad nakagalaw. Mabilis akong naglakad papunta sa harapan ng driver at sinipa ang nakayukong ulo nito, muli itong napasigaw takip-takip ng dalawang kamay ang mukha. Doon ko na naramdaman ang mga hawak nila sa braso ko upang pigilan ako. Inalalayan ng mga police ang driver patayo at takot itong tiningnan ang mga mata ko.

 

 

“A-Aoi…” hindi makapaniwalang usal nito habang titig na titig pa rin sakin.

 

“Shinde! Shinde!” bulong ko ngunit sapat na upang manginig siya sa takot matapos marinig.

 

“Alice! Tama na. Tama na,” nanghihinang sambit ni mama sa tabi ko.

 

“Alice, your eyes,” manghang sambit ni Aldous na nakatayo sa mismong harapan ko. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at tinitigan akong maigi sa mga mata. “They’re becoming blue.”

 

 

Simula noong araw na iyon, nalaman kong parang dalawa ang pagkatao ko. Isang Alice at isang Lax ang naninirahan sa katawang ito. Noong araw na 'yon ay bigla na lang daw akong nawalan ng malay at paggising ko halos magwala ako noong nalaman kong patay na si Grandpa, hindi ko noon alam ang dahilan ng pagkamatay niya at ayaw nilang sabihin sakin. Pagkagising ko kasi ay wala akong maalala hanggang sa matapos ihatid ang abo ni Grandpa ay aksidente kong narinig ang usapan ni mama at papa kasama pa noon ang buong BRTG, doon ko naalala ang lahat. Hanggang ngayon ang alam nina mama ay wala akong maalala sa pagkamatay ni Grandpa, ayoko na rin namang sabihin sakanila ang nalalaman ko.

Tuwing lumalabas si Alice sakin, nawawalan ako ng malay at tila ba'y binubura ng pagtulog ko ang mga alaala ko. Hindi ko pa siguro ganoon kagamay ang blue-eyed Alice.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo at pinagpagan ang suot kong pantalon. Hindi ito ang totoong libingan ni Grandpa dahil nasa Japan ang abo niya pero dahil gusto kong madalaw si Grandpa, a few weeks ago ay nagpagawa sila nito, isang fake thomb na pwede kong bisitahin whenever I miss that old man. Mabasa ko lang naman ang pangalan niya ay ayos na sakin, pakiramdam ko ay naririto pa rin siya kasama ko.

Napatingala ako sa langit nang maramdaman ang malalaking patak ng ulan sa pisngi at katawan ko. Ang dilim na pala ng langit, hindi ko agad napansin. Ibinalik ko na ang tingin sa puntod niya at binuksan ang isang payong para takpan ito. Mababasa kasi ng ulan, wala pa naman siyang kasama rito.

“Oh ayan Grandpa, pinayungan kita bago ako umalis kasi baka magkasakit ka,” I paused taking a deep breath. “Kailangan ko ng umalis, mamimiss kita. Kahit na hindi mo ako sinisisi sa pagkawala mo, hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko tuwing maaalala ko ang nakaraan at maiisip ang katotohanan. Kung hindi lang ako naging matigas sa'yo noon edi sana totoong Kanji pa ang nakakausap ko, sana nakakapagresponse ka pa sa mga sinasabi ko ngayon.”

 

Napahilamos ako ng kamay sa mukha. “I miss you, big time. Aishite, Grandpa. Jaa matta.” (Love you, Grandpa.) (See you.)

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalayo, kasabay rin nito ang malakas na pagbuhos ng ulan.

© Gingerlu

Continue Reading

You'll Also Like

146K 3.1K 50
Ano nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting...
510K 11.7K 49
She is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...