My Happy Ending

By nimbus_2000

60.1K 1.3K 475

I just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Nine
Thirty
S.C.
Thirty One
Thirty Two

Twenty Eight

933 40 11
By nimbus_2000

28

Nagkaayos narin kami ni Jan-Jan nang magpasukan, gustuhin ko mang linawin ang mga bagay sa pagitan namin, sya narin ang nagsabing huwag na..

I'm happy kung anumang meron tayo ngayon, I'm sorry if I acted that way. I'm still your bestfriend.

Yan ang sinabi niya. Hindi ko parin masabi sa dalawa na kami na ni kuya--I mean Basti, eh kasi hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ba dapat sabihin. Madaldal itong si Mitchie, si Jan-Jan naman ay medyo naging close narin kay kuya at Henry,  baka mamaya ay maikwento niya bigla sa dalawa.

Nagkikita kami ni Basti every Tuesday ng hapon or weekends , kakain lang sa labas, or minsan mamamasyal pero alam naman niyang bawal akong abutin ng dis-oras ng gabi sa lansangan kaya hinahatid niya rin ako kaagad.

Nasa third week palang kami, at talaga namang hirap na hirap na ako sa pagi-isip ng kung ano pa ang valid excuses or alibis ang pwede kong sabihin para lang makalabas kasama niya.

Until one day..

Nagulat ako nang pag-uwi ko sa bahay ay may iniabot sa aking envelope si yaya, may nagpadala daw. Nung una di ko pinapansin dahil hindi naman ako marunong bumasa ng kanji, o nang hiragana, o kung anumang matatawag sa type ng sulat na ito, na nakaprint sa envelope. Gusto ko sanang ipa-return mail dahil baka mali lang nang address, bukod kasi sa London, wala na akong pinagpasahan ng university application overseas. Wala rin akong nagawa, kaya naman binuksan ko narin iyon at nakita ko ang ilang copy ng application forms, brochures, undergrad programs..muntik nang malagpasan nang mata ko ang nakapirma sa requestor part na nasa dulo ng undergrad program list, pero ang masaya yung Japanese character nanaman ang nakasulat.

Sino naman kaya ito? Ayoko na sanang i-stress ang sarili ko, isasauli ko na sana ulit sa envelope ang laman niyon nang biglang may nalaglag na note, di ko iyon napansin agad. Agad ko itong kinuha at binasa,

PLEASE CONSIDER.

Ano nanaman itong nakasulat sa Japanese letter? What the--? Inipit ko nalang iyon sa libro na una kong nahawakan sa shelf ko at di ko nalang binigyan nang masyadong pansin. Teka, ano ang gusto niyang i-consider ko, ang application sa university na iyon?

As early as now ay nagbibigay narin application forms for different universities sa guidance office. Si Mitchie desidido daw sa UP Manila, si Jan-Jan naman parang nagda-dalawang isip na daw sya kung tutuloy sya sa pagkuha sa engineering sa Mapua.

Ako?

Nasa second week na ng June, malaki nga talaga ang pressure pag graduating sa high school. At dahil gusto ko paring bumalik ng London kahit papaano, I turned in an application at one of London's top university, sa University College London. Actually ay last January ko pa napadala ang application ko, and this June ako naka-schedule mag-exam.

July na nang lumabas ang result.

May hindi ako naipasang subject, pero ang sabi they will take into consideration after I attend a panel interview with them.

"Grabe, nagpapagod ba ako para lang bumalik sa London just for that friggin' panel?" I ranted out, habang naglalakad kami ni Mitchie sa malapit na fast food chain para kumain ng lunch.

She was busy scanning my letter of admission, "ay nako bakla, keri lang di ka naman totally bumagsak, at eto pa," she waved a blue unopened envelope on my face, "buksan ko na ha." I just nodded at her.

"Ay bakla!" She blurted out, kaya naman napatingin agad ako sa hawak niya, "pumasa ka sa Queen Mary, University of London!"

Di ko rin alam kung bakit ako nag-take ng exam doon, pero sabi nga ni Henry, fall-back lang, in case na bumagsak ako sa UCL. Di ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa narinig oh ano, mag-eexam nalang din siguro ako sa UP o ibang top universities dito.

I just looked like I'm in daze habang nakatitig ako sa menu book, ayaw makipag-cooperate ng sikmura ko ngayon sa mga nangyayari, oh baka naman dahil narin sa tinago kong isa pang invitation letter na natanggap ko nga noong nakaraang linggo.

Should I really consider applying for that university too?

"--di'ba Van?" Geez, gaanong katagal na ba akong spaced out?

"Hmm? Ah, oo," pagsang-ayon ko nalang sa kung anumang sinabi ni Mitchie, mabilis kong pinasadahan ang hawak na menu book habang kinakausap nito yung waiter.

I let out a sigh at saka ako tumingin kay Mitchie bago isinara ang menu book, "pasta na lang sakin at juice, Mitchie. Wala talaga akong ganang kumain ng madami ngayon."

Tumango naman ito bago ibinalik ang mata sa hawak na menu, "teka, ikaw na muna magsabi kay kuya, pipili lang ako dito."

Agad akong lumingon sa waiter, but I was taken aback when I saw that same face again. Yes it's been years, but I'm really sure it was the same kid I knew back in London.

"H-Hiro?"

"Kilala mo ang waiter, Van?" Mitchie interfered but I just didn't mind.

"Savannah." It's him.

So Caela's right when she said she saw him. Pero bakit ganito ang ginagawa niya? I mean, excuse me, but his family is way ahead of ours in terms of financial status. Just by looking at him you could differentiate what it's like adding the word 'filthy' to rich. "What are you doing here? Does tito Lorenzo know about this?" I started to fire questions.

He suddenly become alert as he looked at others, "lower down your voice, please. Dad co-owned this place. I'm under his training. Why are you here? Sa UST ka lang pala nag-aaral?" Why? Where is he all this time?

"Kasi kakain kami?" I smiled as soon na makabawi, "yup, graduating na ako sa high school."

"Hindi man lang tayo nagkita dun ah." He--what? "Teka, kunin ko na yung order niyo. Saka na tayo mag-usap baka pagalitan ako ng boss ko." Okay, what a perfect time for a mini reunion, I nodded saka namin binigay ang mga order namin.

"Sang planeta ka ba galing, Van?" My brows met nang tignan ko si Mitchie.

"What do you mean?"

"Una si Lyndon, tapos si Jan-Jan.." Saka sya ngumiti ng mapang-asar, "tapos si kuya waiter naman, ang popogi ah? Penge naman."

I immediately kicked her feet under the table, "aray naman, joke lang. Pero seryoso, sino nga 'yun?"

I smiled as I unconsiously remembered that kid who looked like bloodless back in London, "childhood friend from London."

"Childhood friend sa London, anong nangyari bakit nagwe-waiter dito?"

"That's how tycoons raise their kids para maging eligible tagapagmana." Or I'm missing something? I'm glad at tila naintindihan naman ni Mitchie ang ibig kong sabihin nang tumango ito.

Inilalagay na ni Hiro ang mga food sa mesa nang usisain ko ulit ito, "Hiro, mag-usap tayo minsan. I'll get your number. Where are you staying exactly?" I said in a low voice.

"Dad confiscated my phone. Hindi ko pa memoryado ang bago kong numero. Punta ka nalang sa bahay sa New Manila." What?

Wait, what? Seriously?!

"Nasa New Manila lang din kami!" What the heck really? Iisang village lang ba ang ginagalawan namin for the past year pero wala hindi man lang kami nagkita?

"Great. Then find me." He grinned as he left us on our own.

Bigla naman akong kinurot ni Mitchie sa braso, "aray ha.."

"Find me, find me pa si kuya..yung totoo bakla?"

"We've been living in the same village pero hindi man lang kami nagkita, not even once."

"What's the real score?" Mitchie's brows went up and down.

"Wala! Friend ko nga sya. Kumain na tayo." I said as I eat the pasta.

It's nice to see him again after years.

Friday, hindi ko rin alam kung ano ang meron, pero nakatanggap ako ng message galing kay Basti, ang sabi niya labas daw kami. I'm getting used to it, medyo awkward lang sa una, pero nung nagtagal tagal na, masaya din syang kasama.

Ang sabi niya ay nasa Arc of the Centuries daw sya, medyo may kalayuan iyon mula sa building namin, kaya naman agad kong niligpit ang bag ko at nagpaalam ako kay Jan-Jan na may pupuntahan lang, naging mas abala kasi si Mitchie ngayon dahil sa student council kaya naman mas nauuna pa sya sa aming umalis ng classroom.

Naglalakad na ako palabas na classroom nang biglang tumawag si Henry.

Van, nasa'n ka?

"School, bakit?"

I'm here. Where exactly are you? WHOA?! Bakit?!

"B-bakit?" Bigla akong kinabahan sa boses ni Henry.

I just need to ask you about something.

"Pwede bang sa bahay na lang 'yan?"

This can't wait. I'm hangin' up. Nasa Arc of the Centuries na ata ako.

With that he ended up the call, nasa'n daw sya?

I gasped, Arc of the Centuries. Teka, teka! Andun din si Basti! Emergherd. Agad akong napatakbo papunta sa lugar na iyon, mabuti na lamang at nakita ko kaagad si Basti.

"Bas--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana dahil bigla akong sinalubong ni Henry, napaiwas tuloy ako ng tingin kay Basti at saka ko lang napansin si Charlie. "Hi, Charlie." Bati ko rito, teka ano bang ginagawa ng pinsan ko dito at baka magkakasama sila?

"Date tayong apat!" Charlie blurted out.

Wait. What?

Tama ba yung dinig ko?

"D-date?" I forced a smile, saka ako tumingin kay Basti, "date.."

"Dala ko yung sasakyan, sama ka na para may kasama yung bestfriend ni Charlie." Gusto ko ng takasan ng malay sa mga sinasabi ni Henry. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga.

"Ays lang yon, Cas--Henry. Magkakilala naman sila.." Agad akong napatingin kay Basti, sinabi ba niya kay Charlie na kami?! "..kasi dito rin naghigh school si Chan-Chan. Magkaberdey pa nga sila eh. Kaso hindi nakapunta si Chan nung party ni Van kasi--"

"Charlie! Ang daldal mo talaga." Mabuti na lang at umekstra na si Basti.

"Magkabirthday pala kayo, tapos sa party sinabi mong may pinuntahan ka, ang sabi mo birthd--"

"A-ano, halika na, gutom narin ako eh.." Agad akong lumapit kay Charlie at inakbayan ito sa braso saka ako tumingin kay Henry na nagkakamot ng ulo, "sa'n ka nag-park?"

"Dun sa malapit sa KFC."

Nang makarating kami sa parking ay agad na tumakbo sa passenger seat si Charlie, " waaaw! Sa harap ako!"

Napangiti naman ako dito, "ang kapal mo. 'Yung pinsan dapat ang nasa harap." Saway sa kanya ni Basti kaya naman agad ko itong hinawakan sa braso at bumulong dito.

"Okay lang yun--" naramdaman ko nalang ng biglang may pumalis ng kamay ko mula sa pagkakahawak kay Basti, nang lingunin ko ay si Henry pala. Dun pa talaga sya dumaan sa pagitan namin.

"Sige Charlie, dito ka na sa passenger seat," sabi nito kay Charlie bago kami nagkanya-kanya ng sakay.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 219 26
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
600K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
18.4K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
761K 16.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...