Scattered (EDITING)

By ClstialQ

670 94 4

Felicity Cassiopea Vaudeville is a business woman who worked in their own company, the BlackSwan. Her life wa... More

Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Scattered 16
Scattered 17
Scattered 18
Scattered 19
Scattered 20
Scattered 21
Scattered 22
Scattered 23
Scattered 24
Scattered 25

Kabanata 4

36 5 0
By ClstialQ

Hinawi ko sa aking kanang balikat ang mga landas ng buhok na sumasagi sa aking mukha. Malakas ang hangin dito sa lagoon dahil siguro sa napakaraming punong nakapaligid sa amin.

Hindi gaanong kainit kaya tuwang-tuwa sina timothy habang naglalangoy samantalang si tayla naman ay nakikiligo rin sa dalawang lalaki. Dumako ang tingin ko sa lalaking kasama nina timothy dahil wala itong suot pantaas na siyang kapansin-pansin. Ito siguro ang dahilan kaya lumapit din si tayla sa dalawang lalaki. Hindi pa man din maalam mag-langoy si tayla.

Napa-iling na lang ako.

Mamaya na siguro ako kapag wala na roon si Edward. Ayaw ko talaga sa presensya niya. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay hindi na agad niya ako pinansin, ultimo pagbati ay wala akong narinig. Hindi naman ganito sina Manang Isa noong dito ako naninirahan, siya pa lamang ang nakauna. 

Panay pati ang sulyap niya sa akin na siyang tinataasan ko lagi ng isang kilay. Silipsilip kapa dyan ha

Hapon na ng matapos sila sa panliligo, hindi na ako sumali sa kanila at binantayan na lang ang mga pagkaing dala ni Edward habang nagsuswimming sila. 

Wala ako sa mood manligo. 

Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang mga prutas na ito dahil halatang bagong pitas pa lamang. Masyadong sinulit ni timothy ang araw na kasama ako kaya ayon knock-out agad.

Pauwi na sana ako kaso naisipan kong dumaan muna sa vineyard para makita ang naiwan ko dati. Hindi na sumama si tayla at timothy dahil pagod na ang mga ito. Kung hindi ka nga naman mapagod sa buong araw na paglalangoy and take note: nagpaturo pa si Tayla kay Edward maglangoy and so far natuto naman itong magflowing. 

Hindi na nahiya jusko marimar, Tayla!

"Hiya!" Pinalo ko ng marahan si lily upang bumilis ang pagtakbo niya kaya lumilipad ang aking buhok na nakalugay patungo sa vineyard. Sumasakit na din ang ulo ko dahil sa sobrang pagod at babad sa init kanina.

Pero worth it naman dahil nakapagbonding kami ng anak ko. 

Dumaan ako sa short-cut papunta sa gate ng process house dahil kung hindi ako nagkakamali may short-cut na daan dito sa lagoon papunta doon.  Sana nga lamang ay matandaan ko ang short cut na iyon dahil ang tagal ko na rin itong hindi nadadaanan.

Masukal ang daan at mataas na rin ang mga damo at maraming tuyong dahon ang nakakalat sa daan. Sinamahan pa ng lakas ng hangin at mangungulimlim na kalangitan.

Creepy, baka maligaw ako. Dapat pala nagpasama na lang ako. Hindi na ako nag-explore mag-isa.

KInakabahan ngunit pinaglatuloy ko ang aking paglalakbay. Bahala na kung tama ba ang aking tinatahak. Isa lang naman yata ang paroroonan nitong daan. Kalaunan ay nakita ko na ang rough road patungo sa gate ng vineyard.

Finally! Nakahinga ako ng maluwag at sinimulan ng sa rough road dumaan para hindi na ako maligaw pa dahil ngayon na lamang ulit. Binagalan ko ang pagtakbo ni lily para manamnam ko ang kapaligiran. Minsan lang ako makakapagbakasyon ng ganito, susulitin ko na kahit na may trabaho pa din akong inasikaso. I'll find time na lang.

Ang tagal ko ng hindi nadaan dito kaya nakakapangilabot. Ilang minuto ang nakalipas at nakita ko na din ang malaking gate ng vineyard. Kinakalawang na ito pero ayos pa din naman. Bumababa ako sa kabayo at kinatok ng bahagya ang gate. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok gamit ang mga daliri habang nakatigil sa tapat ng gate.

Nakatatlong katok ako bago mabuksan ng gwardya ang gate. Sinalubong ako ng gulat na gwardya dahil trucks lang naman ang dumadaan dito tapos eto ako nakapamewang habang kumakatok.

"Ma'am!" nanlaki ang mga ata nitong saad sa akin. Ngumiti ako at naglakad pabalik para kinuhanin si lily. Tinulungan ako ng gwardya para maipasok si lily sa paraang maglaki ng awing para makapasok kami sa gate ng ayos.

Nang makapasok na kami ay narinig ko ang maingay na pagsara sa gate kaya napalingon ako ngunit bumaling ulit sa harapan. Natanaw ko ang sandamakmak na ubas na nakahilera sa gitna habang sa may kanang bahagi naman ang malaking process house namin. Muli akong sumakay kay lily para mabilis akong makarating sa vineyard.

Dumaan ako sa gitna ng vineyard at sinilip ang mga ubas na unti-unti ng sumisibol. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginagawa ni Manong Simon na naghuhugas ng paa sa harapan ng process house. Nakaupo ito sa bangko at nakadekuwatro para maabot ang kaliwang paa. Bumababa ako ng kabayo at iniwan ang kabayo sa isang ilalim ng puno, hindi naman ito makakaalis kaya hinayaan mona lamang hindi nakatali. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Manong Simon at mabilis naman niya akong napansin kaya ngumiti ito at bumati. Inalis ko ang aking sumbrero at tumapat sa kanya.

Panandalian niyang iniwan ang ginagawa ngunit nakaupo pa rin. "Magandang Hapon Senyora," sinuklian ko siya ng isang ngiti at tinuloy na muli ang ginagawa, nang matapos siya ay tumayo na ito at nagsimulang lumakad patungo sa malapit na malaking lalagay ng mga ubas para itong isang balde na gawa sa kahoy tapos doon inilalagay ang mga bagong harvest na ubas.

Nilubos ko ang pagkakataon at umupo ako sa bangkong inalisan niya. Mula rito ay pinanood ko ang kanyang ginagawa. Inilagay niya ang kanyang dalawang paa sa loob ng lalagyan at nagsimula ng apakan ito ng mabuti. I used to do that noong bata pa ako. Poor grapes. Don't worry malinis ang mga paa namin bago tumapak sa inyo. We won't endanger the health of our consumer.

"Kamusta na po?" panimula ko. Unti-unti na siyang naglalakad at ginagawa ang trabaho niya. Mahirap iyon dahil kailangan mailabas ang lahat ng katas ng ubas bago siya umalis sa lalagyan. Aabutin siguro ng ilang oras depende sa pag-apak pagkatapos noon ay isasala pa ng mahigit ilang beses ang ubas para masigurong malinis na ito saka pa lamang lalagyan ng mga sangkap.

"Ayos naman senyora. Wala namang pesteng nakukuha ang mga ubas. Magaling mag-alaga si Edward" Kumunot ang noo ko at bahagya namang tumawa si Manong Simon. Edward? Kasama namin iyon kanina. Si timothy lang naman ang kanyang kinakausap. Ewan ko lang kung nakausap ng matino ni tayla dahil sa pagtuturo sa paglangoy

"Maari na nga niya akong palitan, Nakapabait na bata" mga bahid ng ngiti sa kanyang mga labi. Napaawang ang bibig ko. Hindi nga niya ako binati eh!

"Hindi ko naman po kayo pinapaalis dito. Kayo ho talaga Manong Simon! Dito na kayo nagkapamilya at kayo po rin ang pinakamatagal naming trabahador" Umiling siya at ngumiti. May katandaan na rin si Manong Simon katulad ni Manang Isa, halos sabay kasi sila dito nagtrabaho ang kaibahan lamang ay si Manong Simon nakapag-asawa samantalang si Manang Isa ay hindi.

May narinig akong halakhakan sa di kalayuan kaya lumigon ako sa gawing iyon at nakita ko ang mga bata na naglalaro sa paligid ng vineyard. May saril-sarili na silang bahay at dito na rin sila sa plantasyon nagkapamilya. Masisipag at magagalang ang mga tao dito. Mapapagkatiwalaan talaga. Simpleng pamumuhay ngunit buo at masayang pamilya. 

Probinsya life!

"Kailan uuwi sina Senyora Martha at Don Benito?" My parents, Ang tagal na din pala nilang namamasyal. Nauna pa silang umalis sa akin bago ako nagbased sa Manila

"Maybe after a month? Masyado po nilang ineenjoy ang Greece" saad ko habang umiiling. Narinig ko ang baritonong halakhak nito at napailing nalamang si Manong Simon sa aking nasabi

"Baka masundan kayo Senyora" lumakas ang tawa niya na siyang kinalaki ng mata ko at natawa rin. Umiling ako

"Wag naman sana. Ayoko" saad ko sabay tawa at umiling.

"Nga pala Senyora hinahanap kayo ni Samantha. Noong nabalitaan niyang nandito kayo. Ayun galak na galak. Gusto na raw kayong makita" Anak ni Manong Simon si Samantha at ito ay isa sa mga taong narito na close sakin kaya ganon na lamang siguro ang pagkamiss sakin.

"Dadaan na lang ho ako sa inyo mamaya" saad ko habang nakatingin sa paligid. Wala pa din pinagbago ang vineyard. Malinis pa din ito katulad ng dati. Talagang inaalagaan nila ng maayos.

Gaano na ba ako katagal hindi nakauwi dito? 2-4 months? Mukhang abala ako noon para sa preparasyon ng kasal namin ngunit hindi naman natuloy. Umiling na lang ako sa mga iniisip ko. Nandito ako para magbakasyon at makalimutan ang nakaraan hindi isipin at masaktan.

Lumisan na ako at mukhang matatagalan talaga ang pag-uusapan amin ni Samantha.

"Ate Cassy!" Nasa malayo pa lang kami ni lily. Rinig ko na agad ang sigaw ni Sam sa harapan ng bahay nila. Mas matanda ako rito ng ilang taon at parang kapatid na rin ang turing ko sa batang ito.

Nang makalapit ako sa bahay nila. Wala pa ring pagbabago. Walang kulay ang bahay nila ngunit nabubuhay ang paligid dahil sa mga halaman at puno na nasa paligid nito.

Sinalubong niya ako ng yakap at matamis na ngiti. "Kumusta kana?" Nakangiti kong sambit sa kanya.

"Maayos naman ate, halika dun tayo sa duyan. Ate sobrang dami kong ikukwento sayo" Hinila niya ako sa likod ng bahay nila at umupo kami sa duyan na gulong habang nakasabit ito sa puno.

Napakaganda ng tanawin dito sa likod ng bahay nila. Kitang kita ang paglubog ng araw sinamahan ng matatarik na mga puno ng niyog at katamtamang hanging pumapalibot sa amin. Napakaganda talaga. Isa ito sa mga bagay na binabalik-balikan ko dito sa probinsya hindi katulad sa Metro na puro buildings na lamang at mga sasakyan ang nakikia ko.

"Kwento ko sayo si Edward. Ang gwapo" tumingin ako kay Samantha habang nakakunot ang noo. Seryoso? Kinikilig siya.

Kung may Edward Cullen ang twilight mayroon din kaming Edward sa plantasyon. Wag naman sanang bampira ito at napuslit ng mga alak na akala nila ay dugo. 

Lol. City! Anong pinag-iisip mo?

Sa dinami-rami ng kwento ni Samantha ay talagang inabot kami ng gabi. Sabik na sabik magkwento puro naman si Edward kaya pinakain na ako ni Manong Simon sa kanila bago pumanhik sa mansion.

Nadatnangan ko sa labas ng bahay si tayla habang hawak ang phone ko. Paikot-ikot ito at mukhang balisa. Nang makita niya ako ay bigla niyang tinago ang phone ko. Akin nga ba iyon? Parehas kami ng unit ng cellphone nito kaya hindi ko malaman kung akin ba o sa kanya iyon pero base sa ginawa niya ay hmm, may tinatagao siya sa akin.

"City. Nandyan ka na pala. Kanina ka pa?" Pinag-aralan ko ang bawat galaw niya bago tumingin sa mga mata niya. She seems unstable dahil nag-iwas siya ng tingin. May mali dito.

"Not really. What's going on? Mukha kang balisa" saad ko habang umababa sa kabayo at sinalubong naman niya ako. Inabot niya sa akin ang phone ko nang makalapag ako ng ayos. Bakit nasa kanya?

"Si Frederick tumawag sa phone mo" huh? Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng lumakas ang ihip ng hangin sinabayan pa ng pagbungad sakin ni tayla.

Sabay kaming naglakad patungo sa balkonahe habang nakatingin ako sa phone ko na pawang sinusuri ito.

"Why?" nagkibit balikat si Tayla bago nagsalita.

"I don't know. Nung narinig niya na hindi ikaw ang kausap niya binaba niya kaagad tapos ngayon nakakailang tawag na"   naunang pumunta sa balkonahe. I stayed at the balcony standing while tayla is sitting at the wooden chair.

Anong kailangan nito sakin? Muling tumunog ang phone ko kaya napatingin kaming dalawa sa hawak ko.

Frederick Garren calling

Kusang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ito natawag? As far as I know tapos na kami diba? Geez! I sounded bitter. Matagal bago ko na pagpasiyahang sagutin ang tawag. Hindi ako naimik at rinig na rinig ko ang background music. 

Ang ingay. Nasa bar ito.

"Baby, fuck ikaw nga!" Hindi pa din ako naimik. Nakapamewang ako samantalang nakatuon ang atensyon ni tayla sa akin. Tsimosa!

"Alam kong ikaw yan dahil kung si tayla yan. Sisigawan na agad ako niyan" hindi ko maiwasang hindi umirap dahil alam na niya ang kalalabasan. Tumabi ako kay tayla sa upuan at sumandal ng ayos.

"Baby" lumambot ang kanyang boses at unti-unting nawawala ang maingay na musika na sa tingin ko'y lumabas na ito ng kung ano mang bar ang pinuntahan niya.

"I miss you" hindi kaagad ako nakagalaw ng marinig ko ang sinabi niya. Biglang nanikip ang dibdib ko, it feels like I'm catching my breath from a long run. I've been longing for those words but...

City! Lasing lamang siya. Lasing lamang! Pumikit ako at pinakalma ang sarili. Nakita mo yung post niya diba? Tama na City! Pinahid ko ang bakas ng luha sa aking pisngi at huminga ng malalim.

"I miss you. It was us, supposed to be us, getting married" mas lalong nanikip ang aking dibdib, it feels like I'm drowning in his voice. Damn! I hate this! I hate this feeling! Bakit kailangan ipaalala pa niya.

Hindi ako ang nagloko. Tandaan mo yan, Felicity!

Once again, I close my eyes and tell myself that this will be over soon, na mali ang lahat ng ito kapag may sinabi ako.

"Are you still there?" I heard him sigh. A deep sigh. Hindi ko maiwasang humikbi ng malakas dahil sa pagpipigil kong umiyak. This is breaking my heart painfully!

"Fuck! Felicity Cassiopea. Stop crying. You're killing me" No fred! You are killing me softly. Simula noong nalaman ko ang lahat. You started killing me silently and damn! It's working.

"Listen to me Cassy! I can back out in this goddamn wedding. Just tell me. Tell me you need me. Tell me you want me. Tell me you still love me" umiling ako kahit hindi niya kita. Muli kong pinahid ko ang mga luha ko. This is enough.

"I can support the baby. We can be a happy family" yumuko ako at umiling ulit. 

NO.

Naramdam ko ang paghaplos ni tayla sa aking likod kaya napalingon ako rito. Sinalubong ko ang mga mata niyang malungkot para sa akin.

I suddenly need fresh air. Bigla akong tumayo at lumabas ng balkonahe. Lumakad ako patungo sa medyo madilim na lugar ngunit malapit pa din sa mansyon.

"No, Frederick. This is enough. Marry your pregnant fiancée and have a happy and big family" salat kong saad. Napahinga ako ng malalim at muling napapikit.

Finally, I had the guts to speak. Finally, I had the strength to say it. Kating-kati ko ng sabihin iyon kahit masakit.

"But Cassy, I want it to be you, you being my beautiful bride" mahina at nahihirapan niyang saad nahahalata ko na ring lasing ito.

No! umiling ako at pinakalma ang sarili.

"You made those decisions, Ginusto mo yan. Panindigan mo yan" matigas kong saad bago pinatay ang tawag. Tama lang ang ginawa ko. Pagkababa ko ng telepono ay hindi ko na napigilan pang umiyak. Ang sakit-sakit! Babalik siya dahil mahal niya ako?

Fuck those words! I'm so done!

I look at my reflection in the screen of my phone. My nose is pink as well as my eyes. I can't go inside baka makita ni timothy. Umupo ako at huminga ng malalim. Sumandal sa dingding ng bahay.

"Felicity can we talk?" Nawala ang ngiti sa labi ko habang kausap si Fred. I look at the girl. She's simple. She wears white dress, her hair is long wavy brow, she's tan but beautiful and she's small. Mas matangkad pa ako dito.

"M-Mira what are you doing here?" Gulat na saad ni fred. Who is she? Bakit kilala siya ni fred. Dumako ang tingin ko kay fred.

"Do you know him Fred?" Nagtaka ako sa kinikilos ni fred mukha siyang balisa. Hindi mapalagay.

Lumingon sakin si fred ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus kita ko ang pagsisi sa mga mata niya. What for fred?

"Sure. What can I help you?" Matapang kong sagot. Tumayo si fred at lumapit dun sa babae.

"Mira stop it. Ano ba!" Kita ng dalawa kong mata kung paano hinawakan ni fred ang braso nuon babae pero pilit inaalis ang hawak ni fred.

What the hell is happening?!

"It's okay fred. May gusto siyang sabihin sakin. Pumunta pa talaga siya ng ganitong oras kahit alam niyang sarado na ang restobar. Maybe it's important" Pinadistansya ko muna si Fred para makausap ko itong babaeng ito. Umupo sa harapan ko ito at tinitigan ko lang siya.

"May I know your name?" Magalang kong sabi. Hindi ito nakangiti bagkus malamig na mata ang sumalubong sa akin.

"Mira Claire Stockley" mababa ngunit buong tapang niyang sinabi.

"What do you want Ms. Stockley?"

Hindi ko alam kung maganda ang magiging kalabasan ng usapang ito pero nararamdaman ko na may masamang kakalabasan ito. Sa mga tinginan pa lamang nilang dalawa alam ko na ang gusto nilang ipahiwatig. Hindi ako tanga! Handa na akong malaman ang nais nito.

"Hindi na ako magpapaligoy pa. You are the current fiancée of Frederick right?" she smirked and I hate how she do it. Damn! Nasa teritoryo kita Mira! Wag kang ganyan!

"So?" I tried to relax kaya humigop ako ng kape ko at hindi niya pinalampas na irapan ako.

Relax City! Relax.

Nilapat ko ang tingin ko sa mga papels na nagkalat sa table. Nakakastress ito! Sinabayan pa ni ate girl!

"I'm 5 weeks pregnant" Natigilan ako ngunit tumingin pa rin ako kay mira at sinalubungan niya ako ng ngisi niya. Binaliwala koi to at ngumiti rin pa balik sa kanya.

"Do you want me to be his or her godmother? Since magkakilala kayo ni fred" iyamot niya akong tiningnan habang hindi mawala sa labi ko ang ngisi. Wag sana. Wag. Hindi ako handa.

"I am bearing your future husband's child" 

What?!

That's it. After I heard it. 

Alam kong talo na ako. Pero fuck shit! Totoo ba ito? Damn! Paano nangyari iyon? NIyukom ko ang aking kamao at mahigpit na hinawakan ang ballpen na nakapatong sa mga papels.

"You've got the wrong girl, wrong boy, wrong place so leave" malamig kong saad sa kanya. Wala akong pake kung walang modo ang pinapakita ko sa kanya dahil sa simula pa lamang ay siya na ang nauna.

Damn! Hindi ako makatingin sa kanya. Ang aking mata ay nasa mga papels pa din. Nanlalabo na ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nalaglag ang tasa ng kape ng may ibinagsak na mga litrato si mira sa aking table. Hingal akong nakatitig sa mga papels at mabilis na tumitibok ang puso ko

"Yan ang proweba para maniwala ka. Sinasabi ko lang ito sayo para matigil na ang engagement ninyo. Ako na ang bahala sa kanya. Palayain mo na siya Felicity. Magkakaroon na kami ng anak" HInagis niya ang pregnancy test sa table at hindi ko maiwasang hindi tumingin doon. Dalawang linyang simbolo ng katotohanan.

Bakit ang dali para sa kanyang sabihin ang mga bagay na iyon? Bakit ang dali sa kanila na saktan ako? Akala ko handa na ako sa kakalabasan ng usapang ito ngunit hindi pala. Hindi pala dahil mas masakit kapag sinabi sayo ng harapan kahit alam mong may hindi tama. Sobrang sakit pala.

Narinig ko ang mga yapak ni fred.

"Mira leave. Hindi ba sinabi ko na sayo na ako na ang magsasabi sa kanya" Nagpigting ang aking tainga kaya hindi ko naiwasang tumayo at sumbatan si fred. Tuloy-tuloy na dumaloy ang mga luha sa aking pisngi. Nag-angat sila ng tingin sa akin.

"Leave" malamig kong saad.

"Kelan Frederick? Kapag nasa simbahan na kayo? Fredercik mas masakit iyon kaya habang maaga pa dapat sinasabi na" rinig na rinig ko ang sabi ni mira. Damn! May alam din palang tama itong babaeng ito!

"I hope nagkaliwanagan na tayo Felicity. I have to go" kinuyom ko ang kamay ko habang nakatitig sa mga larawang kasama kanina ng pregnancy test. Walang pasabing tinapon ko lahat ang nasa table at pati ang table ay natumba.

"Get out!" sigaw ko kay Fred habang nakayuko at naiyak ng tahimik. 

I am strong. I am strong

"Baby" malumanay nitong saad. 

"I said get out!"

"Punyeta yang kalandian mo frederik" tumayo ako at pinipilit na ilabas siya ng resto. Pinagsusuntok ko na siya. Ginawa ko na lang lahat para umalis siya sa resto ngunit sinalubong lang niya ako ng yakap niya at sorry niya. Ang sakit sobrang sakit. Sobrang sobra. Ganito pala ang sakit na nararamdaman ng mga kaibigan ko habang nagkukwento sila. Ang sakit lang!

Muling tumawag si Fred ngunit hindi ko na sinagot ang mga tawag nito. Anong rason niya para balikan pa ako? Ikakasal na siya hindi ba? Mahal kita ngunit hindi na kita kailanman maaring balikan.

Pumasok ako loob ng bahay at nakita kong nag-aabangan si tayla sa hagdan

"Pinatulog ko na si tim pagod naman siya kaya hindi kana niya tinanong sakin" Hindi ako sumagot at tinitigan ko lamang siya

"Matulog kana, goodnight City" she hugged me but I didn't hug back she knows me too well.

I cleaned up myself and brush my hair as I was looking at myself in this mirror. Look at those eyes, City. They are not the same as the old time. What did you do to yourself? Stop drowning in the past. Learn to accept it. 

It's not healthy.

I stood up and turn off the lights but as I look up at the ceiling the glow in the dark stars began to sparkle. It was beautiful just like in the dark evening.

I close my eyes and I felt the pain, stabbing my heart, breaking my heart in the scenes that will never be forgotten. This is the last time you will cry City. This is enough. No more crying nights. Start a new and happy chapter of your life.


Continue Reading

You'll Also Like

208K 10.5K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
229K 35.6K 93
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
87.8K 197 19
just some of my horny thoughts;) men dni
168K 3.8K 63
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad