My Gangster Prince
[EPILOGUE]
3 YEARS LATER..
"Kamusta ka na? Pasensya ka na kung matagal na kitang di nadadalaw ah."
Ibinaba ko na ang hawak kong bulaklak at nagtirik ng kandila sa puntod na nasa harapan ko. It has been three years since the incident. At hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sugat na nasa puso ko.
"Sana masaya ka na kung nasan ka man."
Nung una, naisip ko na sana panaginip lang lahat ng mga nangyari 3 years ago. Wala na sanang nawala. Wala na sanang binawian ng buhay.
Sa tatlong taon di na nagdaan.. Marami na ang nagbago.
Nakalaya na sa bilangguan ang mga step parents ko.. Nagpakalayo-layo na sila at nagsimula na ng panibagong buhay. Pinatawad ko na sila sa lahat ng mga nagawa nila. Sila pa rin naman ang mga itinuring kong mga magulang.. ang mga taong kumupkop at nagpalaki sakin.
Ang Black Diciples.. Hindi nila ako pinabayaan hanggang ipanganak ko si Baby Thunder. Ibinigay nila ang lahat ng hinihingi ko nung mga panahong naglilihi ako. Galing din sa kanila ang ibang gamit ni Bbay Thunder. Masaya ako na sila ang mga ninong ng anak namin ni Dark at maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan katulad nila.
Pati ang mga magulang ni Dark.. Hindi rin ako pinabayaan. Minahal nila ako gaya ng pagmamahal na ibingay nila sa kanilang apo at kay Dark. Itinuring nila akong parang sarili nilang anak. Naramdaman ko sa kanila ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang.
"Mommy!" Napatingin ako sa batang yumakap sa hita ko.
"Thunder." nakangiting binuhat ko ang anak ko. Napakabibo talaga nito.
"Look, Mommy oh!" May pinakita siya saking stufftoy na color pink.
"Wow, san galing yan baby?"
"Binili ko po, for you. Sabi kasi ni Daddy, nagustuhan mo daw po yung binigay niya dating stufftoy. Sana magustuhan niyo rin po ito." Napangiti naman ako sa sinabi niya at di ko napigilang kurutin siya sa pisngi. Napakalambing talaga ng anak ko, manang mana sa kanyang ama.
"Ang sweet naman ng baby ko. Teka.. san ka naman nakakuha ng pambili?" Tanong ko at tinuro naman ni Thunder ang lalaking may bitbit ng kanyang bag.
"Aish, kaya nai-spoil si Baby Thunder e." Lumapit naman ang lalaki sa kinaroroonan namin. Ngumiti ito saming dalawa saka kinuha si Thunder mula sa akin.
"Dito ka muna kay Daddy, baby. Nakakunot na naman yung noo ng mommy mo oh. Pagpasensyahan mo na, di ko kasi napagbigyan kagabi." Sabi niya at tumawa ng nakakaloko.
Naku Naku! Siraulo tong si Dark. Ini-spoiled na nga, kung ano pa yung tinuturo sa bata. Hinampas ko siya sa braso at tumawa siya ng tumawa, Nakisali pa si Baby Thunder. Kung di ko lang talaga mahal tong dalawang to, kanina ko pa to kinutusan.
"Hay naku, ewan ko sainyong mag-ama!" Tumalikod na ako sa kanila at lumuhod sa harap ng puntod.
"Come here, baby Thunder. Let's pray for your Tito Zeke."
Sumunod naman siya at umupo ng tahimik sa tabi ko.
3 years.
Tatlong taon na ang nakalipas simula nung bawian siya ng buhay.
-FLASHBACK-
"I'm sorry." Sabi ng doktor saka kami tinapik sa balikat. Naramdaman kong lumabas sila ng hospital room pero naiwan lang ako ditong nakatulala. Hindi magawang magsink-in sa utak ko ang nangyayari ngayon.
Hindi pwede. Hindi niya ako pwedeng iwan. Nangako siyang poprotektahan niya ako. Nangako siyang aalagaan niya ako. Hindi niya hahayaang lumaki ang anak namin ng walang ama.
Please.. Dark, wag mo kong iwan. Wag mo kaming iwan.
Tumakbo ako papalapit kay Dark at niyakap ang katawan niya. Di ko mapigilang mapahagulgol sa dibdib niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Ang daya mo naman e. Sabi mo poprotektahan mo ko. Sabi mo hindi mo ko iiwan. P-Pero bakit ganto? Bakit ka ganyan? Nangako ka diba? Ang daya daya mo." Patuloy lang ang mga luha ko sa pag-agos habang sinasabi ko yan.
"At.. At saka magpapakasal pa tayo pag nanganak ako diba? Kaya gumising ka na diyan. Sabay pa nating aalagaan si baby." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Yung tipong parang ayaw ko siyang pakawalan.
Nagulat ako ng biglang gumalaw ang mga daliri niya. Kasunod nun ang pag-iba ng tunog ng life support niya.
Napatingin ako dun. Nagkaroon na ng pagtaas at pagbaba ang kaninang straight line lang.
"D-Dark.."
Nakita ko rin ang unti-unting pagmulat ng kanyang mga mata.
Napatakbo ako sa labas para tawagin ang mga doktor at nurse.
Nag-antay lang ako sa labas ng operating room at walang ginawa kundi ang magdasal. Thank you po, lord. Sana ligtas siya.
*KRINNNNGGGGG*
Napatingin ako sa cellphone ko ng nag-ring ito.
Calling..
+639.........
Sino naman kaya ito? Unregistered number eh.
Pinunasan ko muna ang mga luha sa mga mata ko. Lumayo muna ako sa kanila ng kaunti saka sinagot yung tawag.
"Hello?"
"Kamag-anak niyo ba si Zeke Monteverde?" tanong nung mama sa kabilang linya.
"Uh.. step-brother ko po siya. Sino po ito?"
"This is PO1 Santos.. Nabaril ang kapatid ninyo dahil sa pakikipaglaban sa mga pulis na humahabol sa kanya. Binawian na siya ng buhay bago pa man madala sa hospital."
-end of flashback-
Napatawad ko na si Zeke sa mga ginawa niya. Tutal wala na rin naman siya sa mundong ito, walang saysay na magtanim pa ako ng lagit. Taon-taon ko rin siyang dinadalaw at ngayon ang 3rd anniversary ng pagkamatay niya.
Tungkol naman sa nangyari kay Dark.. Ang sabi ng Daddy ni Gian, milagro daw yung nangyare. Araw-araw akong nasa chapel ng hospital para pasalamatan ang Diyos sa pagkakaligtas niya. Hindi niya hinayaang lumaki ang anak namin nang walang ama.
"Ang lalim ata ng iniisip mo." Nagulat ako ng biglang nagsalita sa likod ko si Dark sabay yakap sa bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
"Iniisip ko lang.. Pano kung di ka na nagising noon. Paano kung tuluyan mo na kaming iniwan ni--" Hindi ko na natapos ang sasabin ko ng putulin niya ito.
"Ssshh. Kalimutan mo na yun. Diba nangako ako sayo na hindi kita iiwan?" Sabi niya sabay halik sa ibabaw ng ulo ko.
Naramdaman kong mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin saka tumingin sa anak namin nasa harapan.
"Kamukha mo talaga siya ano? Parang wala man lang nakuha sakin." Sabi ko sabay pout. Napatawa naman siya naging reaksyon ko.
"Malay mo sa susunod kamukha mo na. Gusto mo ba sundan na natin si Baby Thunder mamaya?" Tanong niya ng may nakalolokong ngiti.
Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko. Simula talaga nung nagkaanak kami, mas lalo pang naging pervert tong si Dark.
Inalis ko naman ang pagkakayak niya sakin saka humarap sa kanya.
"Wag kang tatabi sakin mamayang gabi. Manyak." Sabi ko sabay takbo papalayo sa kanya. Nakita ko namang binuhat niya sa balikat si Baby Thunder saka nila ako sabay hinabol.
Hindi talaga ako magsasawang pasalamatan si God dahil ibinigay niya ang dalawang lalaking humahabol sa akin ngayon. Akalain mong nabago ko ang dating maangas na gangster? Kahit maraming hadlang sa pag-iibigan namin, hindi pa rin iyon naging dahilan para makawasan ang relasyon namin.
Alam kong lahat ng bagay ay may dahilan. Lahat ng pagsubok ay napapagdaanan. God gave us such troubles to make our relationship stronger. Hindi ko pinagsisihan na ipinaglaban ko siya laban sa mga step parents ko.
He's cold.
He always wear his poker face.
He's a gangster.
He's the prince that save me from my living nightmare.
He's my Gangster Prince.
-END-
AUTHOR'S NOTE:
Salamat sa mga nagtiyagang bumasa ng story na ito kahit matagal akong mag-update. Sorry kung ngayon ko lang na-post ang epilogue. Busy po ako sa pagiging k-pop fan, comeback na kasi ng EXO. Sa mga EXO-L, alam kong naiintindihan niyo ako. Hahahaha.
Hi pala kay Dancel saka sa ate niya, Darryl Ann. Salamat po sa pagbabasa at suporta. Yan na Dancel, yung request mo. Kekekeke~ Tbh, ayoko talagang binabasa ng mga kakilala ko tong story na to. Nahihiya ako e. Hahahaha.
Sana suportahan niyo din po yung mga upcoming stories ko gaya ng pagsuporta niyo sa MGP.
So, byebye na daw sabi ni Dark at Kazumi.
Iloveyou daw sabi ng Black Diciples. [I love you too, baby Lance. <3]
So, once again, thank you guys and much love <3