He's The Boss [EDITING]

By DeyneeDiaries

79.6K 630 205

Is it right to pay your debts with sexual favors? But how can you say no when HE'S THE BOSS? [WARNING: This b... More

Deynee's Note
He's The Boss
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
♚ CHAPTER 6 ♚
♚ CHAPTER 8 ♚
♚ CHAPTER 9 ♚

♚ CHAPTER 7 ♚

4.6K 49 18
By DeyneeDiaries

Read. Vote. Comment. Share

He's The Boss - Chapter Seven | Copyright © 2015 by MzPretentious


CHAPTER SEVEN

HINDI NAMAN MASYADONG MA-TRAFFIC ngayon kaya madali kaming nakarating sa mall. Nag-init yung mukha ko noong ipinagbuksan ako ni James ng pinto ng sasakyan niya at siya mismo ang nag-alis ng seatbelt ko. Palagi naman niya itong ginagawa pero bakit di pa rin ako nasasanay?

Gosh! Does he always have to be so sweet?

"Thank you." makimi kong pagpapasalamat.

"Anything for you sweetheart." nakangiti niyang sabi sabay kumindat.

Natawa naman ako sa ginawa niya. James is undeniably handsome pero hindi bagay sa kaniya ang mga ganung flirty gestures. Mas bagay sa kaniya yung normal sweet and gentleman gestures na madalas niyang ginagawa para sa akin.

Masaya kasamang mag-shopping si James. Unlike most guys na ipinapakita talaga sa mga girlfriends o kapatid nila na wala silang gana o di kaya naman ay bored sila, James was actually very vigilant. Napaka-attentive niyang shopping buddy. Tinutulungan niya akong mamili ng damit at pagkatapos ko i-fit ay nagbibigay din siya ng constructive comments. Na-shock nga ako sa mga kaalaman ni James in fashion. Kung hindi ko lang siya kilala, baka akalain ko talagang bakla siya.

But I do know James kaya alam kong lalaking-lalaki talaga siya. Noong tinanong ko naman siya kung bakit andami niyang alam about fashion...

"I know what beautiful is when I see one." ang simpleng sagot niya.

Bumili kami ng iba't ibang ng klase ng damit para sa akin. Casual clothes... formal clothes... stay-at-home clothes... Natawa si James noong nagpanggap akong nagmo-montage while trying on some clothes. I know it's kind of childish and embarrassing but it's the best thing about shopping for clothes though.

Hiyang-hiya naman ako ng magtanong siya kung bibili daw ba ako ang lingeries para sa aking sleepwear. Napayuko ako noon at namula.

"What?" nagtataka niyang tanong.

"Uhm. I don't really feel comfortable talking about my sleepwear. Especially not to a guy."

"Oh." he cleared his throat. Hindi niya ako magawang tingnan habang nagsasalita siya. He was looking away habang kinakamot niya ang kaniyang batok. Pulang-pula na ang mukha niya. Even his ears were turning red.

Oh good! I'm not the only one embarrassed by the situation.

"Okay. Ganito na lang, I'll go back to the car and I'll put these bags on the trunk. Meanwhile, you can shop alone for the things... you might need. We can meet back here after an hour?"

"Okay, Thank you."

"Here. Take this." inabot niya sa'akin ang wallet niya. "Wala na masyadong natirang cash. You can withdraw some from the gold card. The password is zero, two, twenty-seven."

Zero, two, twenty-seven... why?

Nagpatuloy sa pagsasalita si James bago ko pa man ma-deduce ang importomething from the numbers "Pareho tayong walang cellphone. In case na magkasalisihan tayo, magtaxi ka na lang muna pauwi. But I'll surely e here when the hour ends. Okay, sweetheart?"

"Okay. See you."

We separated ways. He headed for the parking lot while I headed to Victoria's Secret.

Pagkatapos kong mamili ng mga damit pantulog, dumeritso naman ako sa department store para mamili ng iba ko pang mga pangangailangan kagaya ng sabon, skin care products, napkin, cosmetics, at kung ano-ano pa. Basta yung mga bagay na nakakahiyang bilhin kapag may kasama kang lalaki.

After forty-five minutes, pabalik na ako doon sa meeting place namin ni James ng mapadaan ako sa isang otaku shop. Punong puno siya ng mga anime merchandise kagaya ng posters, action figures, bags, wigs, costumes at iba pa.

I suddenly remembered my high school years. I was so obsesed with Kaichuo wa Maid Sama. It's a romance/comedy anime. Super crush ko pa nga noon si Usui Takumi. He has all the the characteristics of my ideal man. He's smart, he's handsome, he's thoughtful and he protects Misaki even though she doesn't always know it - and I wanted someone like that.

Speaking of Maid Sama, naagaw ang pansin ko ng iba't ibang maid costumes. They were all so cute! I wanted to try cosplaying when I was younger pero masyadong time-consuming ang ganoong hobby. Hindi ko siya kayang isingit sa busy kong schedule.

I tried on a few maid costumes and I couldn't deny how adorable I think they are so I decided to buy four different sets. Each set has matching socks, gloves and headband. I really didn't know why I bought them. Maybe my subconscious wants me to be back to my old self because I've never been myself ever since the whole tragedy happened.

'Sweet and cheerful Clara' - iyan ang laging tawag sa akin ng mga taong kakilala ko. But I haven't really been sweet and cheerful lately. Sa lahat ng naranasan ko for the past few week, hindi ko na magawang tumawa. All I did was cry and cry and cry.

Not until James came back to my life again.

Kapag si James ang kasama ko, nakakalimutan ko ang mga nangyari. Lahat ng pasakit at panglulumbay. I'm able to smile and laugh with him. I stay on the present and forget about the past. It's like we are on our timeline in our own little world. There is nobody but the two of us.

"Clara! Sorry for taking too long, sweetheart! Naghintay ka ba ng matagal?" humihingal na tanong ni James nung dumating siya.

"Hmmm." Ngumiti ako at umiling. "Hindi naman. Nawili din kasi ako sa pagtitingin-tingin. Ang tagal ko na din pa lang hindi nakakagala."

Ngumiti lang siya at tumango-tango.

"Here. Let me take those." Inabot niya yung mga plastic bags sa kamay ko. Ibinigay ko naman sa kaniya yung iba pero ako rin yung nagbitibit ng dalawang paper bags kung saan nakalagay yung mga lingeries at underwears na pinamili ko.

"Anong mga pinamili mo?" bahagya niyang binuksan yung isang plastic na hawak niya para silipin kong anong nasa loob. Dali-dali ko naman siyang pinigilan. It was the plastic containing the maid costumes.

"Uhm. It's girl stuff. You know." Namumula kong sagot.

Na-gets naman ata niya na ayaw ko ipaalam kung ano yung nasa loob kaya bigla din siyang namula.

"Well, uhm, where do you want to go next?" nahihiya niyang tanong.

Buti na lang talaga nag-change topic siya. Ayoko kasing malaman niya na bumili ako ng mga costumes. Baka isipin niya na after all these years ay napaka-childish ko pa rin.

"Well, it's already eleven-thirty and I'm kind of tired and hungry na. Okay lang ba kung mag-early lunch tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Perfect! I know just the place." Inakay niya ako papunta sa isang high class restaurant sa loob ng mall.

Isang bagay na napuna ko kay James ay hindi niya ako inaakbayan. It's either naka-kawit ang kamay ko sa braso niya o kaya naman ay nasa likod ko ang palad niya habang inaakay niya ako kung saan.

Alam naman siguro nating lahat na ang pag-akbay ng isang lalake sa isang babae ay nagpapakita ng possesiveness nito sa babae. It's a form of staking a claim. And it makes me happy that James didn't. He's giving me the time and space that I need. Ayoko muna maging pagmamay-ari ng iba.

I want to own myself... for now.

"Table for two?" tanong ng restaurant host sa amin nang pumasok kami.

"No. We'll take a booth please." sagot naman ni James sabay bigay ng tip doon sa host.

Tuwang-tuwa naman yung hoss at biglang umaliwalas ang mukha niya ng makita ang halagang inabot sa kaniya. Malaki yata ang ibinigay na tip ni James.

"Very well. Please follow me." iginiya niya kami sa tagong bahagi ng restaurant kung nasaan ang mga booths. "Is this okay?"

"This is fine. Thank you." pagpapasalamat ni James.

"Very well. Your server will be right here with you in a minute." sabi niya at saka umalis na malaki pa rin ang ngiti sa kaniyang mukha.

Inakay ako ni James paupo at saka tumabi sa akin. Siya na rin ang nag-ayos ng mga pinamili ko sa natitirang space ng booth. Gentleman as always.

"Bakit booth? May darating ba at sasalo sa atin sa pagkain?" tanong ko kay James.

"Wala naman. Masyado na kasing ma-tao ngayon dahil sa rush hour. We'll have more privacy kapag booth. And we need the space na mapaglalagyan ng mga pinamili natin." pagpapaliwanag niya.

Hmmm. Sabagay, may punto naman siya. Nakaka-concious nga naman kumain sa isang high classed restaurant kapag madaming nakatingin sa inyo.

"Aah." sagot ko habang tumatango-tango.

Inabot ko yung breadsticks sa gitna ng table at kumuha ng isa. Hinati ko siya gitna at inabot ko kay James yung isang bahagi.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Kainin mo." sagot ko habang kinakagat-kagat ko yung isang kalahati ng bread sticks.

Inabot niya yung isa pang hawak ko at nagsimula na ring kumain. Dalawang breadsticks na ang naubos namin at kukuha pa sana ako ng pangatlo ng dumating na yung server namin.

"Hi! My name is Marice and I'll be your server." nakangiti niyang bati sa amin. Nung mapadako ang tingin niya kay James, biglang nanlaki ang mata niya at namula siya.

"Uhm. C-can I get you any drinks as y-you decide?" nakayukong tanong ni Marice pagkatapos niya kaming binigyan ng menu.

"I'll just have a glass of water. What about you sweetheart?" tanong ni James habang ang mata niya ay nasa menu.

"I'll have a glass of pink lemonade, please." nakangiti kong sabi.

"Make it a pitcher." dagdag ni James.

"I'll be right back." pabulong na sabi ni Marice habang nakayuko pa rin at dali-daling naglakad palayo.

"Do you know her?" tanong ko kay James ng makalayo na si Marice.

Nagsalubong ang mga kilay ni James at nangunot at kaniyang noo.

"No. Why?" nagtataka niyang tanong.

"Uhm. Nothing. She just seemed a little flustered around you. Nevermind." balewala kong sagot. Ngumiti lang si James at napailing.

"You're so naïve and innocent." bulong niya. Masyadong mahina ang boses niya kaya hindi ko narinig. Ang narini ko lang ay "You... eve and... cent."

"What?" tanong ko.

"Nothing." sagot naman niya at muling umiling.

Muling akong umabot ng isang bread stick. Hinati ko ulit siya sa dalawa at ibinigay kay James ang isang bahagi. Kinuha niya naman ulit at sinabayan akong kumain.

"Why do you do that?" tanong niya.

Do? Anong ginawa ko? Kumakain lang naman ako ng bread sticks eh. Ang tagal kasing bumalik nung waitress na si Marice. Gusto ko ng mag-order. Nagugutom na ako.

"Do what?" balik kong tanong pagkatapos ko nguyain yung kalahating bahagi ng bread stick.

"Bakit hinahati mo sa gitna yung tinapay at pagkatapos ay ibinibigay mo sa akin? Pangatlo na 'to which is equals to one and half bread sticks for each of us. Bakit hindi mo na lang kainin ng buo?"

"Wala lang. Gusto ko lang may ka-share kumain. Boring kumain mag-isa at masarap kasi sa pakiramdam yung may kasalo ka sa pagkain at parehos niyong ini-enjoy yung pinagsasaluhan niyong pagkain."

"Hmmm." napaisip ata siya sa sagot ko.

"Hmmm... what?" nagtataka kong tanong.

Does he find it weird? Ganun lang kasi talaga ako. Natutuwa ako i-share ang mga blessing na natatanggap ko. It's fullfilling. Hindi naman porke lumaki ako sa isang mayaman na pamilya ay madamot na ako. Bata pa lang ako, tinuruan na ako ng mommy ko na i-share ang mga bagay na meron ako.

"Nothing." napasimangot ako sa sagot niya. I really wanna know what he is thinking right now!

Argh! Curiosity kills the cat!

"Seriously. What?"

"It's just that I've known you for more than five years but I still continue to learn new things about you each day." nakangiti niyang sabi. At dahil ngumiti siya, medyo sumingkit yung mga mata niya. Ang cute niya tuloy tingnan.

"Oh." wala sa sarili kong sagot.

"..and the more I know you, the more I fall in love you."



Danielle's Note:

Sinimulan kong isulat ang chapter na 'to at 3 am at natapos ko siya by 4:37 am while half-asleep. Me, writing anything while half-asleep, is never a good thing. Kapag may nakita kayong typo or kung may naisulat ako that didn't make sense, please let me know. Wala pa kasi akong time mag-back read.

And oh, please let me know what you think about this chapter through your comments. And don't forget to vote and share!

See you next chapter! xoxo



Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
400K 11.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

116K 3K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...