Chapter 10
Oh no… Was it left or right? Kanina pa siya naliligaw sa subdivision kung saan nakatira ang mga Hontiveros. Halos magkapareho lang kasi ang disenyo ng mga bahay.
Ilang beses niya na ding tinawagan ang papa niya pero out of coverage area ito. Tinawagan niya na din ang mga kapatid niya pero wala namang sumasagot. Haaay nakooo!
Actually, nakapunta na siya sa bahay ng mga Hontiveros noon habang buhay pa ang mommy niya. Pero hanggang gate lang siya dahil may kinuha lang naman ang papa niya kay Tito Goryo. At hindi din naman siya nag pa-pay attention sa directions that time dahil nag-uusap sila ng mommy niya.
Nadaanan niya na naman ang yellow na bahay na may tatlong pine trees sa gate. Pang limang beses ko na ‘to nadaanan ha? Ini-engkanto ba ako? Baliktarin ko kaya ‘tong damit ko?
Liliko na sana siya sa kanan ng may biglang sumulpot na sasakyan. Malapit siya nitong mabangga kung hindi niya nakabig yung manibela pakaliwa.
Gago yung driver na yun ah! Kitang-kita na intersection eh wala namang pakialam! At hindi pa talaga huminto para mag-sorry! Nakita niyang isang Red Convertible Jaguar ang sasakyan ng kaskaserong driver bago lumiko sa kabilang kanto. Mabunggo ka sana!
Tatawagan niya na sana ulit ang papa niya ng biglang na-off ang kanyang cellphone. Oh no!!!! Dead battery na ako! Holy shiz! Could this night get any worse?! And at that moment ay biglang umulan ng malakas. Oh great! Now what?
Liliko na sana siya sa kanan ng biglang tumigil ang sasakyan niya. Oh no! Oh no! Oh no! Puno pa naman yung gas tank ko ah? Kinuha niya ang payong sa compartment at bumaba ng sasakyan. Nakita niyang flat ang dalawang gulong sa harapan. Napamura siya.
Tiningnan niya ang paligid para humingi ng tulong pero wala namang katao-tao ang kalye. Eh sino namang gago ang lulusong sa ulan na ganito kalakas?
Pumasok siya ulit sa sasakyan at nagdasal na sana ay titila na ang ulan. Natatakot pa naman siya sa kulog at kidlat. Giniginaw na din siya dahil nabasa siya ng ulan kanina kahit nakapayong na siya. Lord, Please! Save me!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Greg’s POV
“Nasaan na kaya si Gabrielle? Kanina pa dapat ‘yon dumating eh.” Nag-aalalang tanong ni Tiyo Miguel.
“Baka naisipan niya hong hindi nalang pupunta.” Sabi niya. Baka nga naman naduwag ito sa kanya kanina kaya nag-back out. Nakita niya kasing namutla ito kanina bago ito tuluyang lumabas sa office niya.
“That’s impossible. I know she would come.” Hindi na mapakali si Tiyo Miguel at naglakad-lakad sa harap nila ng mommy at daddy niya.
“Goryo. Baka naman nasiraan siya ng sasakyan? Ang lakas kasi ng ulan kanina pa. O baka naman naligaw siya dito?” Nag-aalala na din ang mommy niya. Pahamak talaga ang babaeng ‘yon! Pinapaalala pa niya ang mga tao kung nasaan siya!
Kararating niya lang galing sa isang meeting at nagugutom na kaya nga siya nag mamadaling umuwi dahil kumakalam na ang tiyan niya. Malas talaga!
“Why don’t you call her, Miguel?” Tanong ng daddy niya.
“Dead battery yung cellphone ko. Hindi ko rin memorize ang cellphone number niya.” Kulang nalang ay ibato nito sa dingding ang hinahawakang BlackBerry.
“Baka naman papunta na ‘yon dito?” Nagbabakasakaling tanong ng daddy niya. Nakikita niya na ring nag-aalala na ito.
“I think she’s lost. She only came here once noong nabubuhay pa si Constance. Hahanapin ko muna siya.” Akmang aalis na ito ng bigla siyang nagsalita na kahit siya ay ikinagulat iyon.
“Don’t worry, Tiyo. I’ll find her and bring her home safe.” Did I just say that?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mga bente minuto na din siyang palibot-libot sa subdivision pero hindi parin niya nahahanap si Gabrielle. Hindi pa naman niya gaanong nakikita ang kalsada dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Saan kaya ang babaeng ‘yon?
Babalik na sana siya sa bahay ng may matandaan siya kanina habang pauwi siya. Meron siyang malapit na makabunggo na sasakyan sa may main intersection. One way lang ang daan doon kaya nagulat siya dahil liliko sana ito sa daan niya. Of course!
Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa main intersection. Pagdating niya doon ay may nakita siyang isang kulay pula na mini-cooper na nakaharang sa daan. He sighed deeply. Panira talaga ng araw ang babaeng ‘to!
Bumaba siya ng sasakyan dala ang isang malaking payong. May tao kaya sa loob? Parang wala naman eh.
Paglapit niya sa sasakyan ay kinatok niya ang bintana. Heavely tinted kasi yung window kaya hindi niya maaninag kung may tao ba sa loob o wala. Kinatok niya ulit ang bintana but this time ay mas malakas na. No response pa rin. Baka umalis na ‘yon?
He opened the car and was surprised dahil hindi iyon naka-lock. Pag silip niya sa loob ay nakita niyang nakayuko ang ulo nito sa manibela and was shaking violently. Jesus Christ!
“Gabrielle?” Tawag niya dito. Wala pa rin itong kibo. Hinawakan niya ang balikat nito para gisingin pero nagulat siya dahil ang init-init nito. Hinawakan niya ang noo nito at alam niyang inaapoy na ito ng lagnat.
“Gabrielle? Gising! I have to bring you home! You’re burning hot!” Nakita niyang dumilat ito. Ilang saglit lang ay humagulgol na ito ng iyak.
“Daddy? Bakit ngayon ka lang? Giniginaw na ako. Please bring me home.” Umiiyak na sabi nito at niyakap siya ng mahigpit. Bigla siyang sinunggaban ng awa. Oh, Gabrielle! What am I gonna do with you?
“Uhmm.. Gabrielle, I’m not your father. Si Greg ito.” Pagtingin niya sa mukha nito ay nakapikit na ulit ito. Kinuha niya ang purse nito sa passenger seat at ang susi na naka-ungot parin sa ignition. He locked her car and carried her securely in his arms.
Pinaupo niya ito sa passenger seat. Pag pasok sa sasakyan ay hinubad niya kaagad ang kanyang leather jacket at ipinulupot sa katawan nito.
“Don’t worry, Gabrielle. I’ll bring you home safe.” At hinalikan ang noo nito.