Strange Hearts (Completed)

By glimpser

42.2K 1.5K 74

A romantic-comedy novel. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Author's Note
Season 2- Chapter 1
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Epilogue
Author's note

Chapter 28

547 22 0
By glimpser


"Congrats, Mandy!" bati sa'kin ng mga nakakasalubong ko dito sa corridor.

"Salamat!" nakangitin­g tugon ko.

"Psh. Luto ang laban." parinig naman ng ibang babae at dinedma ko na lang sila.

Marami namang nag-congratulate sa'kin pagpasok ko ng classroom.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang nanalo. Nu'ng ipinasa sa'kin ang korona ay para namang nanlilisik ang mga mata sa'kin ni Amina. Parang gusto n'ya akong balatan nang buhay. Nakakatakot s'ya sa mga oras na 'yun. Grabe, as in.

Nang matapos ang klase ay sinundo naman ako ni Xander papuntang next subject.

"Uwian na! May nanalo na." bungad sa'kin ni Demi at tumabi naman kami ni Xander sa kanya.

"Grabe, bes! Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari!" sambit n'ya.

"Alam mo, grabe ang galit ng mga supporters ni Amina sa emcee." aniya. Malamang magagalit talaga ang mga supporters ni Amina dahil feel na feel na nila ang crowning moment ng kandidata nila.

***

Sa paglalakad kong mag-isa patungong library, nagulat na lang ako nang may tatlong babae ang humarang sa'kin at isa na du'n si Amina.

"Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sinong maganda!" pagtataray na sambit ng kasama niyang babae.

"Sa tingin ko luto ang pageant!" sabat naman ng isang babae.

"Layuan mo ang fiancé KO!" gigil na sambit naman ni Amina. Natatakot ako sa mga tingin nila. Mukhang babalatan nila ako nang buhay.

"Ayoko ng gulo." tanging sagot ko.

"Pwes, kung ayaw mo ng gulo, layuan mo si Xander!" pagbabanta n'ya.

"Wala namang patutunguhan ang relasyon n'yong dalawa dahil ikakasal kami." dugtong niya. Para namang bumigat ang dibdib ko sa sinabi n'ya. Tatalikuran ko na sana sila nang biglang may humila sa buhok ko.

"Mang-aagaw ka!" bulyaw sa'kin ni Amina habang sinasabunutan ako.

"A-aray, tama na! Nasasaktan ako!" pagmamakaawa ko.

Naramdaman ko na lang na may tumamang malakas sa pisngi ko. Ang sakit. Natumba ako at patuloy pa rin sila sa paghila sa buhok ko. Balak yata nila akong kalbuhin.

"T-tulong!" sigaw ko. Tanging pagsigaw na lang ang nagawa ko. Hindi ko sila kayang labanan dahil ang lalakas nila.

"Amina!" rinig kong sigaw at kilala ko kung kanino ang boses na 'yun.

"Itigil n'yo 'yan!" pag-awat niya at nilapitan ako.

"Xander, I'm your fia—"

"Hindi kita pakakasalan!" sambit ni Xander. Kita sa kanyang mga mata ang galit kay Amina. Inalalayan niya naman akong tumayo at tinalikuran na namin sila.

***

"Okay ka lang?" tanong ni Xander dito sa park. Mukha ba akong okay nito? Ang sakit kaya ng sampal ni Amina. Namamaga pa ata ang pisngi ko.

"Oo, okay lang ako." pagsisinungaling­ ko.

"Kung hindi pala ako dumating..." aniya.

"Kalbo na sana ako." sagot ko. May iilang tao naman ang nakakita sa'min kanina pero pinanood lang nila kami. Mga walang awa.

"Uulan." sambit ko dahil may unti-unting pumapatak. Tumayo na kami para sumilong pero hinila n'ya naman ako sa gitna.

"Maligo tayo!" aya n'ya kaya nabasa na tuloy kami. Napalunok na lang ako nang bigla syang maghubad ng kanyang t-shirt kaya tumambad sakin ang abs n'ya.

"Na-miss kong maligo sa ulan." aniya.

"Hoy! Ibaba mo 'ko!" sigaw ko nang bigla niya akong buhatin.

Ibinaba niya naman agad ako. Para siyang bata na tuwang-tuwa na maligo sa ulan. Nang tumila na ang ulan, kahit ayoko pa, ay nagpasya na kaming umuwi. Hinatid niya na ako sa bahay.

"Achoo! Achoo!"

"Kita mo na!" sambit ko kay Xander na humahatsing.

"Sige bye— achoo!"

Napansin ko namam na parang namumutla s'ya. Lalagnatin ata ang lalakeng 'to.

***

Pagkatapos kong magawa ang assignment ko ay tinawagan ko siya.

"Hello, Xander!" tawag ko.

[Babe... Parang nilalagnat ako.]

"Nasa'n ka? Pupuntahan kita."

Sinabi niya naman ang address ng condo n'ya. Pagkarating ko sa condo ay sinabi naman sa'kin ng security guard ang unit ni Xander.

Kumatok ako sa unit n'ya pero walang sumasagot at napansin kong bukas pala ang pinto. Pumasok na ako at nakita ko s'yang nakahiga sa kama na nanginginig habang nakakumot.

"Xander, may lagnat ka." nag-aalala kong sabi nang mahawakan ko ang leeg n'yang sobrang init.

Buti na lang at may dala akong gamot at pinainom sa kanya.

"Grabe! Naulanan ka lang, nagkasakit ka kaagad." utas ko.

"Akala ko ba ikaw si Xander the Great?" dugtong ko.

"B-babe, n-nilalamig a-ako... Yakapin mo naman ako..." aniya. Sige na nga. Yayakapin ko na s'ya kahit ayoko.

Parang napaso ako nang mayakap ko s'ya. Grabe, ang init-init niya.

"Nasaan pala ang mommy mo?" tanong ko.

"N-nasa Canada." aniya. Nanginginig pa rin s'ya habang yakap-yakap ko s'ya na nakatalikod. Humarap naman s'ya sakin at napalunok na lang ako dahil ang gwapo pala ng kayakap ko.

Tumingin ako sa wall clock at alas-onse na. Tumawag naman ako kay Nanay na dito na ako matutulog dahil gabi na. Baka mapagtripan pa ako sa kalsada.

***

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

159K 5.9K 30
Dahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalak...
13.8K 386 15
JD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, c...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
953K 30.6K 43
Sobra ang pagkainis ni Trey sa bestfriend ng kapatid niya na si Smoke Ash dahil sa pambubully nito sa kanya noon. But all of a sudden, nagbago ang pa...