MOMENTUM (Book I of Momentum...

By nikkisushi

79.8K 1.8K 186

Selene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seeks vengeance about her mothe... More

Chapter 1: Attempted
Chapter 2: Danger Zone
Chapter 3: Case Closed
Chapter 4: The Annoying Newbie
Chapter 5: A Mysterious Shadow and The Detectives
Chapter 6: Logics and Prizes
Chapter 7: A Drug Case (Meeting Florence Albert and the Identical Twins)
Chapter 8: Missing Files
Chapter 9: Halloween Party
Chapter 10: Unknown Number
Chapter 11: Captivated
Chapter 12: Quarantine
Chapter 13: Quarantine 2
Chapter 14: Idiosyncratic Welcome
Chapter 15: Her Impenetrable Father
Chapter 16: Who's the Culprit?
Chapter 17: Classified
Chapter 18: A Puzzle Piece
Chapter 19: The Visitors
Chapter 20: Home
Special Chapter: His Not So Good Adventures
Chapter 21: His Twin and a Commotions
Chapter 22: Threatened
Chapter 23: Creepy House
Chapter 24: Her Old House and Memories
Chapter 25: Kris Johnson
Chapter 26: The Exchange Student
Chapter 27: Calculated
Chapter 28: Gettin' Involve
Chapter 29: Who Will Be My Date?
Chapter 30: Identity
Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance
Chapter 32: Behind the Camera
Chapter 33: Lost Memories and the House
Chapter 34: A Glimpse of Voldemort
Chapter 35: Kidnapped
Chapter 36: Chasing the Game
Chapter 37: Big Shots
Chapter 38: Confusions
Chapter 39: The Man Behind and The Bullet
Chapter 41: Seeking Answers
Chapter 42: Reality Slaps
Chapter 43: Hidden Memory
Chapter 44: Closer
Chapter 45: Into the Beginning
NOTE
MOMENTUM (Book 1): The Spin-off
Momentum Book I Spin Off: The Characters

Chapter 40: Getting Normal

1K 31 2
By nikkisushi

***

Chapter 40: Getting Normal

"Your visions will become clear only when you can look into your own heart. Who looks outside, dreams; who looks inside, awakes."

               – C.G Jung


"Selene, saan ka pupunta?"

"Sa likod po Papa."

"Anong gagawin mo doon."

"May kukunin lang po ako."

Pumunta siya sa likod ng kanilang bahay at hinukay ang lupa. 

Hinawakan niya ang nakalagay rito na kwintas. Kulay puti at may blue star. Itinago niya sa bulsa ang kwintas at agad na naglakad. 


Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, hindi ko alam pero parang nanghihina ako. 

At first, I didn't see anything and I thought I was blind pero ito nga pala ang epekto kapag galing sa pagkakatulog. Hinawakan ko ang aking kwintas sa leeg na bigay ni Mama, it's been 12 years that this necklace was with me. 


Una kong nakita si Duri na nasa gilid ng kama at nakapatong ang ulo nito. Umikot rin ang aking tingin sa paligid, si Jun na nakatingin sa akin ang pangalawa kong nakita. 

"Selene, gising ka na." manghang sambit nito at lumapit sa akin.

Ngumiti ako at tatayo na sana nang biglang kumirot ang aking balikat. 

"Ah!" daing ko kaya biglang nagising si Duri. 

"S-Selene." wika nito at humawak sa aking braso. 

"Gising ka na." puna nito. 

"Asan si Papa? Si Min?"

Nawala ang pag-alala nito sa mukha at napalitan ng simangot. Napakunot noo naman ako. What the heck with this guy?

"Hahaha. Hindi ba? Sabi na eh." natatawang sambit ni Jun.

"Tsk." tugon ni Duri. 

"Asan si Papa?" muli kong sambit. 

Bigla itong tumahimik at umayos sa pagkakaupo. 

"Ayos na siya." tugon nito. 

Nakahinga ako ng maluwag. 

"Asan na siya ngayon?"

"Bumalik na siya sa Germany."

Napalingon ako sa may pinto. It was my brother kasama si Min. Nakatingin lang ako kay Min na may dalang prutas. His emotion was unpredictable today. Hindi ko mabasa ang isang Min. Anong iniisip niya? 

"Kailan lang? Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin?" tanong ko. 

"Natutulog ka pa nung umalis na siya. May emergency lang daw kaya hindi na niya hinintay na magising ka."

My brows rise. 

"Emergency? Anong klaseng emergency?"

Napalingo naman ito. 

"Hindi niya sinabi sa akin kaya hanggang ngayon sinusubukan kong malaman. May narinig si Min sa katawag ni Papa mula sa Germany na sa tingin niya ay ito ang bumalitang may emergency." salaysay ng aking kapatid. 

Napakunot ang aking noo. Ano? 

"Kilala mo ba talaga ang ama mo Selene?"

Ito na ba nag sinasabi ni Sir Joey sa akin?

"Ano?" may diin kong wika. 

Lumapit si Min sa akin at umupo sa aking tabi. Nakatingin lang kami sa isa't isa. 

"Narinig kong sinabi niyang "Kumusta na raw siya." Sinabi rin niya na kailangan niyang magpalakas dahil malapit na siyang magpapakita sa mga tao." salaysay ni Min. 

Nakaramdam ako ng saglit ng kaba sa dibdib. 

Ano ang ibig sabihin sa sinabi ni Min? Sino ang sinasabi ni Papa na kailangang mabuhay? Ito ba yung natuklasan ko sa Germany? Sa secret passage niya? Nung nakita kong may hawak si na isang tray si Pia at may damit ng babae? 

Napatingin ako sa direksiyon ni Kuya, maging ang mata nito'y nagtatanong. 

"Nakapasok ako sa secret passage ni papa. And I discovered na nandoon ang estatwang pinagawa niya kay Sir Lee. Wait, speaking of him, nakita niyo na ba siya?" nag-aalala kong tanong.

Kumunot ang noo ni Kuya.

"I never thought that Sir Lee was our father's brother. Nakita ko siya noong nakaraang araw na nakasunod sa atin papuntang Eden, sa bahay natin. Akala ko lang talaga ay may iba siyang pupuntahan."

Ibig sabihin palaging nakamasid si Sir Lee sa amin. Pero nung araw na nalaman kong siya ang isa sa mga nakamaskara, sinabi niyang siya ang kapatid ni papa. Why they are not close to each other? Hindi nga ba?

"So, anong nangyari kay Sir Lee?"

"Simula nong nakita natin siyang nawalan ng malay hindi na namin siya nakita. Bigla siyang nawala." tugon naman ni Duri.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba. Bakit biglang naglaho si Sir Lee sa kwartong iyon? Anong nangyari sa kanya? Hindi kaya ay may kumuha o nagtago sa kanya? Teka, si Louie.

"Nasaan si Louie?" seryoso kong sambit sa lahat.

Nagkatinginan sila bago may sumagot.

"I gave him the chance."

Napalingon ako kay Min na nakapoker face. Napangiti ako, kahit sa maliit na pagsasama namin kay Louie, still, we created those true memories. He is true. Wala na siyang dapat na maitago sa akin, sa amin, except he will change the way we will trust him again. And it will be his last chance.

"I see. Nasaan siya ngayon?" puna ko.

"Pagkatapos niya tayong ihatid rito sa Hospital ay bigla na siyang nawala. May hahanapin raw siya." salaysay ni Jun.

Lumingon ako sa direksiyon ni Min. Nakapoker face ito.

I sigh. Buti na rin na nawala muna si Louie upang makapag-isip siya sa mga bagay na kailangan niyang baguhin at sirain. Ewan ko ba, isa si Louie sa tinuring kong malapit na kaibigan. At isa pa, hinatid niya pala kami. Kahit papano ay may nagawa siyang mabuti sa amin sa kabila ng lahat.

"Si Sir Joey?"

"Inilagay namin siya sa Welbourne Jail. Mas mahigpit ang security doon." tugon ni Kuya.

Hindi na ako sumagot pa, pupuntahan ko siya doon. Marami pa akong gustong malaman. Sino ang tumulong kay Sir Joey sa Capricorn at ano talaga ang motibo niya sa pagpatay kay mama?

2 days. 2 days lang ako sa Hospital dahil hindi naging malalim ang tinamo kong sugat. I was silent throughout the ride until my brother talk.

"Selene, gusto mo ba si Min?"

Bigla akong nasamid sa harap na upuan kasabay ng pagbreak ni Kuya sa sasakyan. Ano ba namang ang pinagsasabi nito? Nakainom ba siya? Sucks!

Naramdaman ko na ring namumula ako. The heck?!

"No. Bakit mo naman nasabi? No way!" inis kong sambit.

Tumawa ito at lumingon sa traffic light. Kaya pala napabreak siya kanina dahil sa traffic light.

"Anong nakakatawa?" galit kong wika.

"You are guilty therefore you are attrac–

Hindi ko na siya pinatapos.

"Ewan ko sa'yo." tipid kong tugon at tumingin sa mga sasakyan na umaandar na.

Naramdaman ko na ring gumalaw na ang sasakyan at hindi ko na narinig ang sagot ng aking kapatid. But he was still smiling. The heck!

"Magpahinga ka muna. Kung gusto mo, matulog ka para bumalik na ang lakas mo." bungad sa akin ni Kuya nang nakarating na kami sa bahay.

Pinagmasdan ko siya. Wala ka nga bang alam sa ginagawa ni papa?

"Alam mo bang pupunta talaga si papa sa Germany?" pangingiba ko ng topic.

Bigla itong napatigil sa paglalakad papuntang kusina.

"Mukha ba akong may alam?" tanong rin nito.

"I guess you are." seryoso kong wika.

Kumunot ang noo nito na para bang sobrang naapektuhan sa narinig.

"Alright. Alam kong pupunta talaga siya ng Germany bago pa niya sinabing aalis siya, dahil nakita ko sa wallet niya na may ticket na siya ng airline na kinuha kanina bago pa lang may narinig si Min na may tumawag sa kanya. And only that." sambit nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

I smiled a bit. Kahit papano'y hindi siya nagsikreto. Pero bakit nga ba nagsisikreto ang isang tao? Dahil ba natatakot silang malaman ng iba ang itinatago nila? O ayaw nilang ipamahagi at sinasarili lang ito. Yan ang ayaw ko eh, I will appreciate it if alam na ng nagtago ang magiging epekto nito kaya niya itinatago pero paano kung hindi?

Keeping secrets is not sometimes good kahit minsan masarap ipamahagi ang sikreto sa mga taong mapagkakatiwalaan mo lang. And those trustworthy people are just few, really few. Dahil kahit mapagkakatiwalaan mo na nawawala pa.

Sino ang itinatago ni papa sa Germany? Sino ang sinasabi niyang dapat mabuhay?

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa kwarto.

9 am. I decided to go out na pinayagan naman ako ng aking kapatid, kasama nga lang si Duri. Ano ba naman ang tingin niya sa akin? Bata? Tsktsk.

"Wala na si Sir Joey. Hindi na siya makakapaminsala sa atin."

"Alam ko. But we don't know what will happen tomorrow."

Kaya heto ako ngayon paikot-ikot ang tingin sa mga bata na nagtatakbuhan sa playground nitong subdivision namin kasama si Duri.

"Inis na inis ka talaga ah? Ayaw mo ba akong makita?"

Nanlisik ang aking mata dahil sa narinig, isa pa ito. Bakit ba napakashowy niya sa nararamdaman niya sa akin? I mean he reminded me of Tan. Kamusta na kaya si Tan. Hindi ko na siya nakita after nong nakulong kami sa storage room.

Tumingin ako sa phone.

2 days before new year, ang bilis ng panahon. Another year will come. Another year of challenges. Another book and chapters.

Parang kailan lang din na sobrang uhaw na uhaw ako sa paghahanap sa pumatay kay mama, at ngayon nahuli at nalaman ko na ang may gawa sa pagkamatay niya.

Akala ko mawawalan ako ng kontrol kapag nalaman ko na ang totoo pero napigilan ko ang aking sarili, ibig sabihin, hindi na ako masyadong nagpapaapekto sa nangyari 7 years ago.

But the way she was killed, it is killing me inside that I can't ever forget.

Simula nong naalala ko ang lahat, mas bumibigat ang pakiramdam ko na para bang hindi ako sang-ayon na si Sir Joey talaga ang may kinalaman sa pagkamatay ni Mama. Paano kung hindi iyon ang tunay na laro? Paano kung hindi siya ang tunay na murderer?

Then I am not an effective and good detective here. I am useless.

"H-Hey Selene, alam ko ang gesture mo ngayon huh, kung ano man yang iniisip mo huwag mo ng ituloy." paalala ni Duri.

Tumingin ako sa direksiyon niya na nakatingin sa akin ng seryoso.

"I'm sorry." wika ko at tumakbo palayo sa kanya. 

Nararamdaman kong sumunod siya kaya mas binilisan ko ang takbo.

"Selene!"

Pero bigla akong nanghina kaya natumba ako sa kalsada.

"Selene!"

Napahawak ako sa aking balikat at tinapik ito na dahilan ng pagsigaw ko. Sucks! Bullshit! Ang sakit!

"You are so stubborn."

Napalingon ako sa nagsalita. Bumilis ang tibok ng aking puso na para bang gustong lumundag. Hinawakan ko ito. May high blood ba ako? O baka may– No!

"Min." sambit ko.

"Huh? Anong Min? Hoy umayos ka nga Selene, si Duri ito. Pumunta na ba sa utak mo ang sugat diyan sa balikat mo? Selene huh, nagseselos ako." natatawa nitong wika pero nakikita kong may lungkot sa kanyang mata.

I sigh. Wala akong maisip na isagot. Parang gustong tumago ang dila ko pero ayaw ng puso ko. Anong nangyayari sa akin?! The heck!

A while ago, I thought he is Min.

"S-Selene." muli nitong sambit.

Pinagmasdan ko siya. Alam kong malaki ang maitutulong ni Duri sa akin. Ilang beses ko ng napatunayan. Only I cannot pay back the way he wanted to be. 

"Samahan mo ako sa Welbourne Jail."

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 27.1K 37
Lahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
502K 3.7K 81
Codes And Cipher that you should know ^-^
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.