One Summer Night

By SiMarcoJoseAko

12.5M 302K 39.7K

One summer night, two souls found their comfort in a bed. #BSS7 More

Bachelor Stories Series 7: One Summer Night
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Seven

266K 6.3K 458
By SiMarcoJoseAko

Nagising ako nang marinig kong mayroong tumatawag sa cellphone ko. Agad kong hinagilap kung nasaan iyon para sagutin ang tawag. Katulad ng inaasahan ko, pangalan ni Francisco ang nasa screen kaya sinagot ko iyon. Siya lang naman kasi ang alam kong tatawag sa akin ng ganitong oras.

"It's still early, Francisco..." I complained, trying to suppress my yawn.

"P—Papunta ako ngayon sa hospital, kanina pa mainit si Theo at nanginginig. H—Hindi ko naman alam ang gagawin." Natatarantang sabi ni Francisco. Para bang bigla ay nawala lahat ng antok sa katawan ko sa sinabi niya.

"What hospital? I'll be there in a minute!" Sabi ko sa kanya.

"St. Luke's, near your place. We're almost there, I—We need you right now." He told me. I immediately dropped the call and got off the bed. Mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha ang wallet at susi ng sasakyan ko.

My hands were fidgeting while I'm inside the elevator. Nagmamadali akong dumiretso sa sasakyan ko at mabilis iyong pinaandar papunta sa hospital na sinasabi niya. Mabilis ang pintig ng puso ko habang nagmamaneho, at hindi rin ako mapakali. Mabuti na lang at alas tres pa lang ng madaling araw at wala pang masyadong sasakyan kaya mabilis akong nakarating sa hospital.

Nasa labas na ang sasakyan ni Francisco nang makarating ako kaya dumiretso na ako sa loob.

"Miss, may kararating lang ba lalaki rito? Matangkad na mestizo, at may dalang bata." Hinihingal kong sabi sa nurse.

"Yes po, Ma'am. Kaano-ano po kayo?" Tanong niya sa akin.

"Ina ako ng bata." Nabigla ako sa sinabi kong iyon pero hindi ko na binawi pa sa nurse ang sinabi ko.

"I'll assist you po." She told me, giving me a sweet smile.

Sinamahan niya ako sa emergency area at doon ay naabutan ko si Francisco na nag-aalalang nakatingin kay Theo.

"What happened, Francisco?" Histerikal kong tanong sa kanya habang nakatingin kay Theodore na sinusuri na ngayon ng doctor at dalawang nurse.

"M—Matamlay na siya kanina pa, akala ko gutom lang o inaantok. Tabi pa kaming natulog tapos nagising na lang ako na nanginginig siya at sobrang init. Binuhat ko agad siya para dalhin dito at ikaw agad ang tinawagan ko." Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala at alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Pinanood namin ang doctor na tignan ang lagay ni Theodore at sa bawat minutong lumilipas, hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. I was praying to God to heal and give him strength to fight. Kung pwede nga lang na ako na lang ang may sakit, mas gugustuhin ko pa maging maayos lang siya.

"You must be the parents of this cute boy." The doctor smiled to us after checking Theodore.

"Opo." Napalingon ako kay Francisco sa isinagot niya pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil alam kong nadadala lang din siya ng sitwasyon katulad ko.

"He has a high fever and don't worry because it's normal. We checked his temperature and I already gave him medicine to cool him down. Maya-maya lang bababa na rin ang lagnat niya at kailangan niya lang ng pahinga. Bibigyan ko na lang kayo ng reseta ng gamot para inumin niya." She told us and we were just listening to her carefully.

"Salamat po, Doc." Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

"Sumama na lang muna sa akin ang isa sa inyo para sa reseta ng gamot at sa dapat gawin." Sabi pa niya.

"Ako na lang." Agad na sabi ni Francisco at sumunod sa doctor.

Lumapit naman ako kay Theodore at hinawi ang iilang takas ng buhok niya paitaas.

"Baby, I'm here." I whispered to him.

"Mmmy?" He tried to open his eyes.

"Mommy is here, baby..." I whispered to him and gently touched his face.

"Mmmy, d—don't leave..." He huskily told me and coughed for a few times.

"Shhh, I won't leave. I'll stay beside you until you become strong again." I assured him and kissed his forehead.

"L—Lurv you, Mmmy." He incoherently replied. Para bang lumundag ang puso ko sa sinabi niyang iyon at hindi ko napigilang mapaiyak.

"Is he okay now?" I immediately wiped my tears away and averted my attention when I heard Francisco's voice behind me.

"H—He is now okay. Kailangan niya lang muna magpahinga." I told him, and cursed myself for stammering.

"I already paid the bill. Pwede na raw natin siyang iuwi maya-maya." Kalmado ang boses niyang sabi sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya at muling ibinalik ang atensyon ko kay Theodore.

"Thank you, Camila..." He huskily whispered.

"I'll do anything for him." I answered while brushing his hair.

"I know." I heard him say.

We watched him for an hour before we finally decided to take him home.

Binuhat ko si Theodore sa bisig ko at nakaalalay naman si Francisco sa akin. Ibinilin na lang namin ang sasakyan ko sa guard at mabuti na lang at pumayag ito na doon muna iyon at mamaya na lang namin babalikan.

Francisco opened the door for us and I mouthed thank you to him. I slowly got inside his car, trying not to wake up Theodore. Nagmadali namang sumakay sa sasakyan si Francisco at agad na binuhay ang makina ng sasakyan.

Tahimik lamang kami habang nagmamaneho siya at para bang pinapakiramdaman lang namin ang isa't-isa.

I sighed.

He really never changed, he's still quiet when he's thinking deeply.

"Mmmy..." I heard him whispered while he's sleeping.

"You're like a mother to him, Camila." He started a conversation. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya.

"Mmmy, don't go..." Theodore sleep-talked again.

"Mommy won't go..." I caressed his back. His fever already went down but he still needs to rest.

Dumaan muna kami sa isang 24/7 drug store para bilhin ang mga gamot ni Theo. Si Francisco na lang ang bumaba at hindi rin naman siya nagtagal at nakabalik din kaagad dala ang mga gamot at ilang pagkain para sa bata.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya sa akin.

"I'm fine, ikaw ba?" Tanong ko rin sa kanya.

"I really don't know what to do if you're not here." Seryoso niyang sabi sa akin habang nasa kalsada ang atensyon niya. Tinapunan ko siya ng tingin at bakas sa mukha niya ang pagod at labis na pag-aalala.

"Para sa bata, handa akong gawin ang lahat." Tinapunan ko siya ng ngiti.

"Sana ikaw na lang ang ina niya, Camila." His words were almost inaudible but enough to be heard. Para bang piniga ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong mayroon siyang isipin. Mas mabuting hanggang dito na lang muna ang lahat.

"Sana nga ako na lang." Gusto kong sabihin sa kanya pero pinili ko na lamang na itago sa sarili ko.

Hanggang sa makarating kami sa bahay nila, hindi na kami muling nag-usap pa.

"I'll get him to his bed." I told Francisco and he just nodded.

Iniakyat ko si Theodore sa kwarto niya at marahan siyang inihiga sa kama.

"Mmmy?" Theo opened his eyes and looked at me for a moment.

"I'm here, baby." Bulong ko sa kanya.

"M—My head is hurting." He's in the verge of crying.

"You'll be okay, baby. You just need to take your medicine to be superman again, okay?" I smiled sweetly, assuring him everything will be alright.

"I—I will be strong again?" He tried to smile.

"Yes baby, you will be strong again." I told him. Pumasok naman si Francisco sa loob dala ang gamot ni Theo at isang basong tubig.

Iniabot niya iyon sa akin at saglit ko namang isinandal si Theo para painumin siya ng gamot.

He carefully took his medicine and I also told Francisco to hand me a pair of new clothes for him. Pinalitan ko muna ang damit niya bago ko siya patulugin.

"I'll get him to sleep." I told Francisco and again, he just quietly nodded and get outside the room.

Pinapanood ko lamang si Theodore na matulog habang marahan kong hinahawi ang buhok niya. He likes that a lot and he always easily fall asleep when I'm doing it to him.

Halos isang oras ko siyang pinapanood matulog at para bang makita ko lang si Theodore, gumagaan na ang loob ko.

Saglit akong tumayo para tawagan si Arcee. Ala singko y media na ng umaga at unti-unti na ring sumisilip ang liwanag sa labas.

Ilang segundo lang ang lumipas, sinagot agad ni Arcee ang tawag ko.

"Good morning, Marse." I greeted him.

"Good morning din, Marse. Bakit ka napatawag ng ganitong kaaga, aber?" Lumayo ako saglit sa kama ni Theodore para hindi siya magising kung sakali mang marinig niya ako.

"Nandito ako ngayon kay na Francisco, Theo is sick." My voice was low. I heard him took a deep breath on the other line.

"Maayos na naman ba ang bata?" Bakas din sa boses nito ang pag-aalala.

"Maayos na siya, bumaba na ang lagnat at kailangan na lang magpahinga." Sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Theodore na mahimbing na natutulog.

"Ako na lang ang bahala sa meeting natin mamaya. Alam ko namang hindi mo kayang iwan 'yang bata, kilala kita." Saad niya.

"Salamat, Marse." Pilit akong ngumiti kahit hindi niya naman nakikita.

"Marse, nag-aalala na ako sa'yo. Alam mong ayokong masaktan ka na naman." His voice was worried and I know what he was talking about.

"Alam ko naman ang ginagawa ko, Marse. Para lang naman sa bata ito, alam mong mahalaga sa akin si Theodore." Sabi ko sa kanya.

"Para sa bata, eh paano naman ikaw? Paano kung may ipakilalang bagong ina 'yang si Francisco kay Theodore? So elbow ka na sa picture? Ganoon ba?" Napapikit ako sa sinabi ni Arcee.

Alam kong posibleng dumating kami sa ganoong pagkakataon at hindi ko alam kung kakayanin ko ba, pero kailangan ko. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila.

"Arcee..." Hindi ko na alam kung ano ba ang sasabihin ko ngayon.

"Marse naman, matuto ka na kasi. Kailangan ka lang nila kasi nandyan ka para sa kanila, pero kapag nakahanap na 'yan ng bago, kailangan mong tanggapin na wala ka ng papel sa buhay ng mag-ama mo ngayon. Huwag ka nang umasa na mamahalin ka pa ng lalaking 'yan." Para bang biglang isinampal sa akin ni Arcee ang katotohanan.

"Kailangan ka lang niya, pero hindi ka niya mahal." Bawat katagang binibitiwan ni Arcee ay parang mga palasong unti-unting tumatarak sa puso ko. Hindi ko iyon kaya at para bang gusto ko na lang gumising bigla sa panaginip ko.

"Sige na, Marse. Babalitaan na lang kita mamaya. Basta ikaw na ang bahala sa meeting natin, salamat." Sabi ko at tsaka ko ibinaba ang tawag.

Muli akong napapikit at huminga nang malalim.

Lumapit ako kay Theodore para tignan siya saglit bago ako lumabas ng kwarto niya at bumaba.

Nadatnan ko naman si Francisco na umiinom ng kape nang pumasok ako sa may kusina. Nakaupo siya sa harap ng lamesa at katulad kanina, parang malalim na naman ang iniisip niya.

Kumuha naman ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Pareho kaming hindi nagsasalita at hindi ko alam kung bakit parang biglang nagkahiyaan kami sa isa't-isa.

Muntik ko nang mahigit ang hininga ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Agad kong naramdaman ang init ng katawan niya na dinadantayan ng likod ko.

"Thank you, Camila..." He whispered to my ear. Humigpit ang yakap niya sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit na lang at sabayan ang alon ng damdamin ko.

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 74.2K 42
AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mula sa perpektong grado hanggang sa perpek...
336K 25.8K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
954 106 22
Minsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighat...
193K 9.3K 46
They say "The higher you build walls around your heart, the harder you fall when someone tears them down.",. And that's exactly what happened.