BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 10: This J is so New

17.7K 247 11
By vixenfobia

Confession 10: This J is so New

 

 

Steve’s POV

 

“Next time, wag kang papasok sa gulo na hindi naman para sa'yo. Sisirain mo pa ang peaceful life goal ko dito.” Napahinto ako sa paglalakad papunta sa east wing ng mansion papunta sana sa master’s bedroom ng mapadaan ako sa kwarto ni Aldous. Narinig ko kasi ang boses ng ate niya doon, mukhang pinapagalitan siya.

“Ikaw nga itong bigla na lang sumusulpot sa gulo na 'di naman dapat sa'yo- ARAY!”

 

“Tanga ka ba? Kung dinadaya ka na infront of my dazzling eyes, you really expect me to just let it be? That’s insane bishie.”

 

“Daldal mo, halikan kita diya- aaahh! Fine. Fine. I’ll behave, just let my shoulder stayput. Pakiramdam ko mas nawakwak ang braso ko sa ginawa mo.”

 

 

Dahil sa dakilang curious ang ama nila, hindi ko na napigilan ang sarili ko kun'di ang pasukin ang kwarto nila- wait, failed? The door was locked *facepalm* medyo nakakahiya pero mabuti at wala dito si Wifey para pagtawanan ako at masabihang tanga. Isa pa kasi 'yung tagos sa artheries ko ang mga masasakit na salita.

“Pa, obvious naman na ikaw 'yan. Epic fail pa ang pag-intrude mo, ano ba naman 'yan,” rinig kong litanya ng anak kong babae bago bumukas ang pinto. Bumungad na naman sakin ang bored niyang mukha kaya napanguso ako. Bigla namang nandiri ang mukha niya saka binuksan ng malawak ang pinto ng kwarto. “Yuck. Pumasok ka na nga lang at pagalitan mo itong anak mo, parehas kayong sakit sa ulo.” Sabi pa nito bago umupo sa paanan ng kama.

Nilapitan ko naman si Aldous at awtomatikong napadapo ang mga mata ko sa benda nito sa braso. “Anong nangyari diyan?!”

 

“Pa, wag OA. Nadaplisan lang 'yan,” sagot ng bunso ko habang inaayos ang pagkakahiga sa kama na para bang wala itong iniindang sugat.

Hinatak ko ang bean bag niya para doon maupo. Sits like a boss, of course tatay ako dapat looking cool. “Saan na naman ba kasi kayo nagsuot ng ate mo?”

 

“Napaaway lang ng kaunti, maangas kasi 'yung oldies sa Steins Gate. Palibhasa newbie ako, akala ata uurungan ko.”

 

“Very good! Walang inuurungan ang lahing Grey. Mula kayo sa angkan ng mama niyo, angkan ng mga gangster at angkan kong magandang lahi. Perfect match-”

 

“Fine papa. Sige na, pagpahingahin mo muna 'yang lalaking 'yan at bukas dadaanan pa namin ang council-”

 

“Council?” napatayo pa ako niyan. Akala ko ba, ayaw niyang nababanggit ang kahit na anong may kinalaman sa council? Sa BRTG? Sa Gang?

She raised one brow and stared at me for a couple of second. OA ba ang reaksyon ko? “Yes. Is there any problem?” umiling ako. “Okay then, lumabas na tayo at pare-prehong magrelax. Oyasumi.” (Goodnight)

Nauna na itong lumabas ng kwarto habang nagpaiwan naman ako sa loob. Hinarap ko Aldous na nakapikit na habang nakailalim pa sa ulunan ang mga kamay. May injury na nga, ganyan pa ang ayos. Napailing na lang ako habang inaayos ang higa ng bunso ko at kinumutan na rin ito.

In the end, silang magkapatid pa rin talaga ang magpoprotekta sa isa’t-isa and I hope hanggang sa dulo ay ganyan sila… always looking after each other. Kung dumating man ang araw na mapapasabak sa dati naming mundo ang dalawang ito, andito lang naman kami ni Wifey to protect them- to protect our children.

Alice’s POV

 

“Yes, vacant time ko for 2 hours. Please, don’t ditch me Aldous. Don’t you dare,” I said in almost gripping my phone to death. “Call me right after your class. Isusumbong kita kay mama if you do.” I immediately hang up not letting him saying a word. Sigurado naman kasing puro kontra lang ang gagawin ng lalaking 'yon.

Nalaman kasi ni mama ang nangyari last day sa G Co., hindi ko nga alam kung paano nakarating sakanya ang balita dahil wala naman kaming balak ni Aldous magkwento sakanya pero may hinala ako e, si papa. Si papa lang naman ang nakakaalam tungkol sa injury ni Aldous kasi nga pumasok siya sa kwarto last night at nakipagdaldalan. Sagap chismis rin kasi si papa. Kaya itong si mama, pinipilit si Aldous na dalawin itong si Charm dahil nalamang may sakit, kamustahin manlang daw at dalhan ng gawa niyang cookies. Kaya lang itong si Aldous, ayaw ngang pumunta sa council. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, walang malasakit.

Napailing na lang ako while thrusting my phone inside my pocket. Hindi ako mahilig maglagay ng phone sa bag, paano na lang pala kapag emergency? Hahalughugin ko pa sa bag ko. And what if 'yong bag mismo ang nawala? Edi ako ang kawawa. Mga walang utak lang ang gumagawa 'nun at madalas makikita mo sa teleserye. Whatever, kung anu-ano na lang sinasabi ko.

Naglakad na lang ako sa hallway nitong 4th floor, mabuti na nga lang at wala ngayon si Oz na nakabuntot sakin. Paano pinasama ng bading naming prof sa faculty at pinagbitbit ng pinasa naming notes, syempre nga naman, the Great Goblin Casanova- Mr. Oz Bezarius 'yan, sinong tatanggi? Exclude me, bishies. Tss.

“Who would say that I’m going to meet the bad-ass girl again…here.” Dahan-dahan akong napahinto sa paglalakad sa at napansing may isang pares ng malaking sapatos sa harapan ko. Iniangat ko ang ulo ko at bumungad sakin ang isang nakangising mukha ni… ewan ko. Sino nga ba ito?

I raised him a brow bago magsalita. “And who are you?” namulsa naman ito pagkaraan.

“Temple Island’s Tao,”

 

“So kayo pala itong nanggulo kina Charm?”

 

“Kailangan e. Matigas kasi 'yung lalaki, paknight in shining armour ang drama,” he said smirking at me. “By the way, you’re too way brave for a girl. You have the guts, huh.” Nangunot lang ang noo ko sa sinabi niya pero nanatili akong tahimik, pinagmamasdan siya at inaantay ang mga sasabihin pa. Muli itong ngumisi habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko. “Sexy…” humakbang itong papalapit sakin pero hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang mainit na hiningang dumarampi sa tainga ko. “…and simply gorgeous.” Bulong nito bago tuluyang lumayo sakin. I stared at him taken aback of what I’ve heard as he left me with his grins.

“Panda.” Bulong ko bago sana tuluyang umalis ng maramdaman ko ang paghatak sa kaliwang braso ko mula sa likod. Bumungad sakin ang inis na mukha ni Tao kaya ako naman ang napangisi. “Problema mo?”

 

“W-What did you call me again?”

 

“Hindi lang pala ilalim ng mata mo ang nangingitim, pati tainga mo may deperensya.” Saad ko kasabay ng mabilis na pagbawi ng braso ko. I hissed at him at mabilis na dumiretso sa elevator. Kahit saan na lang ako mapadpad, may mga manyak at asungot. Tss.

Bumili lang naman ako ng sandwich and icecold coffee sa cafeteria bago naglakad-lakad sa campus para makapaghanap ng lugar na peaceful at tahimik. Kung saan pwede namang makapagrelax at masolo ang sarili ko. Kung sa cafeteria pa kasi ako kakain, pakiramdam ko masusuffocate ako kasama ang mga estudyanteng 'yon.

Pagpasok ko, may bumungad na agad saking isang maldita at commoner and as expected with cliché scenes, nakawawa na naman ng maldita ang commoner na pinahiya sa harapan ng crowd using her own food messing her unifroms. I just feel like throwing up when I saw them, wala na ba silang ibang maisip na pambubully? They’re so cheap.

It’s a nice weather, hindi mainit at hindi rin naman ganoon kahangin pero makulimlim so I guess, uulan mamaya pero ayos lang dahil dala naman ni Aldous si Jaguar and whether he likes it or not ay sabay kaming uuwi. Worry free.

Naglibot lang ako hanggang sa napadpad ako sa tapat ng building E at mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang dalawang garden- isang bago na puno ng mga nakatambay na magbabarkada at isang lumang garden na kahit multo ay matatakot kumuta. Kita kasi ang kalumaan nito, bukod sa mukhang hindi na naaayos ang shapes ng mga dahon ng puno at halaman, makakapal na rin ang damo sa loob. Hindi rin tulad sa isang garden na makulay ang pintura at buhay na buhay, 'yung dito parang hindi na nadadampian ng paint brush. Maalikabok na rin ang mga tables pero dito tahimik at mag-isa ako.

Kahit may pagkaholloween ang set-up ng lumang garden na 'to, ayos lang basta may peace and silence.

I rested my back against the big tree trunk as I sat down right under it. Sobrang tahimik at makulimlim kaya naman ang sarap sa feeling magrelax dito while eating my meal. “Haven,” bulong ko sa sarili habang sinisimulan ko na ang pagkain.

“Alice-”

 

“Oz!”

 

 

Napahinto ako sa pagkagat ng tinapay ng marinig ang tawag sakin ni Oz mula sa labas nitong garden at mula dito sa pwesto ko ay kita ko siyang nakatayo pero napahinto ito sa pagsigaw ng may tumawag rin sakanyang boses ng babae. Hindi ko makita ang mukha ng kaharap ni Oz dahil natatakpan ito ng mga dahon ng puno pero kitang-kita ang pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Oz. Nagtatagis ang bagang nito habang seryoso at kunot ang noo.

Ano kayang dahilan?

Gustuhin ko mang mapakinggan ang usapan nila, mas pinili kong wag na lang. Wala naman akong mapapala at ayokong magmukhang cheap na interesadong chismosa. Ano namang pakialam ko kung isa 'yan sa mga ex’s niya na naghahabol, nakikipagbalikan o baka naman naanakan, pwede ring nabuntis o fiancée niya 'yan. Eh ano namang pakialam ko? Nagsasayang lang ako ng oras na mag-isip ng possibilities sa relationship nila.

I hissed bago bawiin ang tingin ko mula sa pwesto ni Oz, pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain at pag-uubos ng oras. At least this time, I’m with myself…only with myself. Namimiss ko tuloy 'yung mga oras noong nasa Japan pa ako, I always with myself as in marami akong time para sa sarili ko. Ayoko rin naman kasing magkaroon ng mga asungot sa buhay ko dahil makikialam lang 'yon, except sa family ko, si Great Grandpa ang bestfriend ko but sad to say, wala na siya. He left me- us.

I slowly closed my eyes feeling the soft wind carefully caressing my cheeks. This feeling, just simply so relaxing.

Aldous’ POV

 

“Hi baby.” Napahinto ako sa pagsubo ng kinakain ko ng makarinig ng isang maarteng boses mula sa hindi kalayuan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang hindi pamilyar na mukha ng babaeng sobra kung makangiti habang kumakaway papalapit sa pwesto ko. Umupo ito sa katapat kong upuan saka dinungaw ako ng magsimula ulit akong kumain at hindi siya pansinin. “Aldou-”

 

“Don’t call me with my first name,” putol ko sa sinasabi nito. Tumikhim naman ito ng bahagya.

“Oh, okay. Hi Colix,” pag-ulit nito. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Kakatapos lang kasing tumawag ni Alice sakin at naiinis pa ako. Paano ba naman noong isang araw pa sila nangungulit ni mama na dalawin raw sina Charm sa council. Itsura ng bakulaw na 'yon, for sure nagkukunwari lang na may sakit 'yon dahil tinatamad pumasok.

Inubos ko ng mabilisan ang kinakain ko saka tumayo.

“Colix!” Napahinto ako sa sigaw ng babae kaya nilingon ko ito. Namula lang naman ito habang nag-aayos ng bangs niya na para bang nahihiya.

“Bakit?” mahina kong tanong. Baka mahulog 'yung lollipop sa bibig ko, sayang naman.

Umalis ito sa inuupuan niya at naglakad papalapt sakin. Psh. Typical rich-college-girl base na rin sa mataas na takong nito. “You still remember me?” nahihiyang tono na tanong nito. Pinagmasdan ko muna siyang mabuti bago umiling. Imbes na madisappoint ay ngumiti pa ito at iniabot ang kanang kamay sakin, inabot ko na lang kasi mapapahiya siya sa crowd dito sa cafeteria. “Siguro nga hindi mo na tanda sa dami ng babaeng nagpapakilala sa'yo araw-araw,” tumawa ito ng mahina pagkaraan. “Nakikita ko kasing araw-araw may lumalapit sa'yong babae, so popular guy-” napahinto ito sandali sa sinasabi niya ng hatakin ko na pabalik ang kamay ko kaya sandali itong nagulat pero agad namang nabalik ang ngiti nito. “Classmate mo ako, hindi mo yata napapansin kasi hindi ka naman lumalapit sa iba bukod kina Charm at Clover. I’m Aoi, Aoi Yuzuriha. Transferee din ako sa section natin from Japan but noong firstday ko, wala kayong tatlo nina Charm sa room kaya siguro hindi mo pa ako namumukhaan.”

 

Wala kaming tatlo sa room? Ah, baka 'yun 'yung araw na nasa G Co. kami. “Yun lang ba?”

 

Hindi ko maintindihan ang reaksyong pumalit sa mukha niya ng marinig ang tanong ko pero agad naman itong nakabawi at ibinalik ang ngiti sa labi niya matapos ang ilang segundo. “Yeah. And not to mention, iniligtas mo rin ako noong may dalawang lalaking nanggugulo sakin noong nasa tapat ako ng chapel mag-isa. Natatandaan mo ba?”

 

Dalawang lalaki? Chapel? Wait, medyo pamilyar nga sakin 'yon. Tama, tanda ko na nga. “Ah, ikaw pala 'yon.” Tumango naman ito habang nakangiti na naman. Ang yaman naman sa ngiti ng babaeng ito, kung ganito lang sana ang bakulaw na babaeng 'yon edi nakakatuwa pang makita siya araw-araw. Pwe. Napatingin ako sa suot kong wristwatch ng maalalang magkikita pa nga pala kami ni Alice dahil dadaan kaming council. “Sige Aoi, next time na lang may appointment pa kasi ako.”

 

“Sige, kita na lang tayo sa room and salamat nga pala ulit sa pagligtas sakin last day,” pahabol pa nito na sinagot ko lang naman ng tango at tuluyan ng lumabas ng cafeteria. Napailing na lang ako habang dinadial ang number ni Alice, kasi naman, araw-araw na lang may babaeng lumalapit at nagpapakilala. Big deal talaga sa mga babae rito ang lalaking may gwapong mukha.

Konti na lang at maiinis na ako sa babaeng 'to, ayaw sagutin ang tawag ko. Napatingala ako sa langit ng mapansin ang kulimlim nito, mukhang uulan mamaya. Huminto muna ako sa ilalim ng shed hawak sa kanang kamay ang phone habang nakapamulsa naman ang kaliwa. Paulit-ulit ko lang dinial ang number ni Alice ng hindi sinasadyang mahagip ng mga mata ko si Oz, may kalayuan man mula sa pwesto ko ang kinatatayuan niya ay alam kong siya 'yon. Nakatayo lang ito sa gilid ng nakakatakot na garden habang may kausap na babae, hindi ko mamukhaan ang kausap niya dahil nakatalikod sakin.

Lokong lalaki 'to, akala ko ba gusto nito si Alice tapos ngayon may pahawak-hawak pa sila ng kamay ng babaeng 'yon. Gago. Humanda ka sakin. Psh.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagdial sa number ni Alice ng sa wakas after ng limang minuto ay sinagot na rin niya ito. Napatingin akong muli sa nakakatakot na garden at nakitang papalabas na doon si Alice kaya sasalubungin ko n asana ito ng mapansing nakabuntot sakanya si Oz. Kanina lang nasa labas 'yon kasama 'yung unknown na babae, nalingat lang ako nakabuntot na ulit sa kapatid ko.

Ang mga kalahi ko nga naman, napakatindi sa babae. Psh. Pero pasensyahan na lang dahil hindi ko ipinagkakatiwala sakanya ang kapatid ko lalo na matapos ng makita ko? Umasa pa siya.

Hindi na ako nagdalawang isip at naglakad na papalapit sa kinatatayuan nina Alice. It’s good dahil hindi alam ni Oz na magkapatid kami ni Alice until now. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi sa naiisip ko.

“Alice!” kaway ko pa rito. Nilingon niya ako na para bang multo ang kaharap niya kaya sa isip na lang ako nagmura. Kahit kailan talaga 'tong babaeng ito. Huminto ako sa harapan niya habang nakapamewang naman ito sakin. Pasimple kong sinulyapan ang lukot na mukha ni Oz sa likuran ni Alice kaya mas napangisi ako. Mabilis kong inakbayan ang kapatid ko papalapit sakin at kinuha ang shoulder bag niya. Nagmakeface lang si Alice habang mas nakunot naman ang noon i Oz.

“Sorry, nakatulog kasi ako.” Bungad ng kapatid ko na napapabuntong hininga pa.

Bahagya akong tumango sakanya saka kami nagsimulang maglakad, syempre rinig ko ang mga yabag ng paa ni Oz na nakasunod samin. Hahaha. Loko talaga. “Kaya naman pala hindi mo sinasagot 'yung tawag. Nakailang missedcalls rin ako a, effort 'yon.”

 

“I know,” simpleng sagot niya na may kasamang irap. Napailing na lang ako, kung pwede lang itulak itong babaeng 'to diyan sa tabi-tabi ginawa ko na pero hindi pwede dahil nakamasid samin si Oz. “Aldous.” Nahinto ako sa pag-iisip kasama ang gulat kong mukha ng ilapit ni Alice ang mukha niya sa kaliwang tainga ko. Nakikiliti ako sa init ng hininga niya. Paksh*t. “Bakit parang weird ka ngayon? I mean, weird ka naman talaga pero mas lumala lang. May paakbay-akbay ka pang nalalaman, pati bag ko binitbit mo pa. If I know, tinataboy mo na ako sa isip mo,” bulong nito.

Nilingon ko lang siya almost an inch away from her, nakipagtitigan lang nman siya kaya ako na ang unang umiwas. “Psh.” Kapatid ko nga siya pero babae pa rin 'to, sa ganda ng babaeng 'to ewan ko lang kapag hindi ako nakagawa ng kasalanan sa Diyos.

“Tss. Weird bishie.” Rinig kong bulong niya pero hindi ko na lang pinansin.

Binuksan ko na ang passenger seat para magmukhang gentleman sa harapan ng umuusok na si Oz. kung transparent lang ang balat nito, siguradong kitang-kita ngayon kung gaanong kumukulo ang dugo niyan. Malapit na nga akong machop-chop sa mga tingin e.

Alice looked at me like you-really-are-weird-bishie and I was like just-shut-up-and-go. She rolled her eyes on me bago tuluyang pumasok.

“Colix…”

 

 

Napangisi ako ng marinig ang seryosong tawag ni Oz sa pangalan ko habang nanatili naman akong nakatalikod. “Bakit?”

 

“Can you have your proper distance with Alice?”

 

Sinilip ko muna si Alice sa windshield at nakitang wala naman itong pakialam dahil abala sa ito sa pagsusuklay at kolorete sa mukha niya bago marahang humarap kay Oz. “And why would I do that? Sino ka ba para sundin ko? Boyfriend ka ba niya?”

 

Nakita kong natigilan ito at hindi agad nakasagot. I grinned at him at akmang tatalikod na ng magsalita itong muli. “Pero hindi pa rin tamang-”

 

“In my eyes, it is. Hangga’t walang nagmamay-ari sakanya, walang makakapigil sakin…even you.” Tuluyan na akong tumalikod at naglakad papasok sa sasakyan. Nanatili namang nakatayo sa labas si Oz ng iwan namin ito matapos kong i-start ang makina.

“Ang tagal mo a. Nakipagdaldalan pa.”

 

 

Hindi ko na lang pinansin ang reklamo ng katabi ko. Masaya ako e, utu-uto kasi si Oz. Naniniwala talaga siyang may relasyon kami nito? Kung alam niya lang, this lady is my sister for pete’s sake! Nakakaawang lalaki, napakabagal sa babae. Siguro nga ay hindi totoo ang rumor sakanya na matinik rin siya sa chiks, o baka naman sa kapatid ko lang dahil bantay-sarado ko ito? Kung ganoon man, mahina nga siya.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagmamaneho, nakakapanibago lang dahil tahimik ang katabi ko. Usually-

“Alice! Bakit mo kinakain 'yan?!” hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa amusement. Pagkaharap ko kasi sa katabi ko ay abala na ito sa pagkain ng cookies na supposed to be dala namin for Charm. Kaya naman pala nananahimik.

Nagpunas muna ito ng bibig bago magsalita. “Masama ba? Eh sa nagugutom na ako, may magagawa ka ba?”

 

 

Napailing na lang ako sa sagot niya at pinabayaan na lang itong kumain. Wala namang patutunguhan kahit na anong sabihin ko diyan saka nakain na niya, mababalik pa ba? Mabilis kong ipinarada ang sasakyan sa gilid ng puno nang marating na namin ang likurang bahagi ng Y.A. remember? Dito nakatayo ang council ng BRTG kung saan pansamantalang tumutuloy sina Charm.

“Baba na at ayusin mo 'yang bibig mo, halatang nauna ka pang kumain kaysa sa may sakit.” Inrapan niya lang naman ako pero sinunod rin ang utos ko.

“Bakit kaya dito nila itinayo ang council 'nu? Unfair,” panimula ni Alice. Napalingon lang ako sakanya na nagtataka. “Kasi diba sina mama sa mansion nanirahan noong time nila? Eh bakit ang new BRTG’s dito nakatira? Bakit hindi na lang din sa mansion?”

 

“Hindi k aba nakikinig sa paulit-ulit nilang kwento? Diba nga, sa Japan ang original council kaya noong biglaan ang pagbalik nina mama dito sa Pilipinas 'yung mansion na ang ginamit nilang hide-out,”

 

“Tss. Oo na, pero unfair pa di- aray!”

 

“Oh!”

 

 

Mabuti na lamang ay mabilis ko siyang nahawakan sa balikat dahil kung hindi ay humahalik na sana 'to sa lupa.

“Yan, kain kasi ng kain. Hindi tumitingin sa dinaraanan.”

 

“Sige manermon ka pa, kasalanan naman 'tong lahat ng lintik na ugat na 'yon!” sabay sipa nito sa ugat na nakaharang. Natalisod kasi siya sa ugat noong malaking puno, hindi niya nakita. “Oh? Ano hinahanap mo?” tanong ni Alice ng mapansing lumilinga ako sa paligid.

“Ha? Wala. Halika nga dito,” sabay akbay ko rito palapit sakin. “Lapitin ka pa naman sa disgrasya. Psh.”

 

“Nangungutya talaga? Ikaw magdoorbell ha?” tumango na lang ako. Hindi ko tuloy maiwasang mapahalakhak sa utak ko noong nakita ko siya. Hahaha. Sumunod pala ang gago, seloso. Tsk.

Oz’s POV

 

“In my eyes, it is. Hangga’t walang nagmamay-ari sakanya, walang makakapigil sakin…even you.”

 

Nakita ko na lang ang sarili kong napapakuyom ng mga kamao habang pinagmamasdan ang sasakyan nina Alice papalayo sa kinatatayuan ko. Sh*t naman! Bakit ba affected na affected ako sa mga ginagawa ni Colix kay Alice? Hindi naman siguro papatol si Alice sa mas bata sakanya diba? Tama. Hindi siya papatol sa ganoong lalaki. Psh. Kung alam ko lang kung gaano katindi mambabae 'yang si Colix sa batch nila, lahat na nga lang ata ng madaraanan kong grupo ng kakabaihan hindi makakaligtas ang pangalang Colix. Tama. Hindi papatol si Alice kay Colix.

But…seeing them a minute earlier facing each other almost an inch away, may possibility nga bang hindi magkagusto si Alice sa lalaking 'yon? Lalaki ako at alam ko ang standard ng mukha ng gwapo, hindi naman kasi nalalayo ang mukha ko kay Colix pero lamang ako sakanya ng sobra-sobra! Letse! Pati pagkukumpara sa mukha naisip ko na.

Nababaliw ka na Oz, kinakausap mo na ang sarili mo. Psh.

Pumasok ako sa kotse ko at mabilis itong pinaharurot palabas ng parking lot para mahabol at masundan ko pa ang sasakyan nina Alice. Gusto ko lang makasigurong walang kamanyakang gagawin si Colix sakanya, sa tabas pa lang ng mukha ng lalaking 'yon, halatang mahilig sa kama. Baka kung anong maisipan ni Alice at biglang maakit si Colix tapos hindi makakapagpigil si Colix at…ERASE! F*cking stop thinking nonsense Oz!

Napahampas na lang ako ng kamay sa manibela ng mawala ang kotse nila sa paningin ko, masyadong mabilis magpatakbo si Colix at magaling lumusot sa mga kasabayan nitong sasakyan. Diniinan ko pa ang pagtapak sa gas pedal para makahabol, mabuti na lamang at nakita ko kung saan sila lumiko. Sinundan ko lang ito hanggang sa huminto ito sa tapat ng gubat at nagpark sa ilalim ng malaking puno. Inihinto ko na rin naman ang sasakyan ko mga 5 metro lang ang layo saka bumaba. Pumasok sila sa gubat kaya nagtatakbo na naman ako para hindi sila mawala sa paningin ko. Maingat na maingat ang mga hakbang ko, trying not to make any noise para hindi nila mahalatang may sumusunod sakanila.

“Alice!” bigla akong napatakip sa bibig ko at nagtago sa likod ng isang malaking puno sa tabi ko. Nagulat kasi ang noong muntik na siyang madapa matapos matalisod sa makapal na ugat. Kain kasi ng kain kaya hindi makita ang dinaraanan e.

Sumilip akong muli at sakto namang inakbayan na naman siya ni Colix saka pa ito inilapit sa katawan niya. T*ngna! Gusto ko silang lapitan para paglayuin pero ano nga bang karapatan ko para gawin 'yon? Hindi naman sakin si Alice at naunang gumawa ng move sakanya si Colix. Psh.

Ang sakit nila sa mata pati sa dibdib, nakakasuka silang tingnan. Hindi sila bagay dahil mas matanda pa rin si Alice kaysa kay Colix. Ang dapat kay Colix 'yung mga kaedad niya lang tulad ni Charm at Clover, mamili na lang siya sa dalawa. Tss. Basta wag si Alice.

Damn! Am I jealous? That’s impossible. This feeling is so new, so effing weird.

© Gingerlu

A/N: Do check multimedias, characters' pictures were posted for few chapters. Enjoy reading! :)

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 96.5K 74
"Living in the dark side of the world isn't easy. Everyday is a fight. Every second is a riddle, and every minute is death. And being the boss makes...
570K 12.6K 50
[COMPLETED BOOK 1] Highest rank achieve #11 in Action Book cover by: @Jin_NyeLla Thanks😊 ******************* I am a Perfect daughter to my family...
69.9K 1.8K 37
[COMPLETED] Vampire #91- rank as of Dec. 5, 2017 #722-Rank as of Dec. 4, 2017 #403- rank as of Dec. 24, 2017 #94- rank as of Dec. 25, 2017 #106- rank...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...