That Nerd has a Secret (PUBLI...

By Mikasa_bolabola

21.2M 787K 326K

She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or... More

INTRODUCTION
Chapter 1: Bullied
Chapter 2: Disguise
Chapter 3: Transfer
Chapter 4: New School
Chapter 5: Entrance Exam
Chapter 6: Continuation
Chapter 7: Result
Chapter 8: First Day
Chapter 9: Trouble
Chapter 10: Blown up
Chapter 11: The Alpha
Chapter 12: Mistress
Chapter 13: Festival
Chapter 14: Demon Attack
Chapter 15: The Master and the Mistress
Chapter 16: Meeting with the Alpha
Chapter 17: Her weak side
Chapter 18: Alzena Alors
Chapter 19: Her Past
Chapter 20: Familiar and the Pro
Chapter 21: Goodbye Paxton?
Chapter 22: Advice
Chapter 23: Paxton, Shea and Kiyan
Chapter 24: The Demon Slayer
Chapter 25: Attack of the Demon Clan
Chapter 26: Duel
Chapter 27: The Familiar of Light
Chapter 28: Kidnapped Familiar
Chapter 29: Where it all began
Q&A (not an update)
Chapter 30: Beginning
Chapter 31: The Final Bully
Chapter 32: The Transformation
Chapter 33: Versus
Chapter 34: Her Wrath
Chapter 35: He's gone
Chapter 36: Familiar Applicant
Chapter 37: The Deal
Chapter 38: Bringing him back
Chapter 39: The Glass Window
Chapter 40: Human World
TRAILER
Chapter 41: First Day
Chapter 42: Saviour
Chapter 43: The Traitor
Chapter 44: Alysia
Chapter 45: Descends
EXPLANATION
Chapter 46: Apostles
Chapter 47: Talk for a bit
Trailer pt 2
Chapter 48: The Return of Familiar
Chapter 49: Challenger
Chapter 50: Before the Fight
Chapter 51: Clash
Chapter 52: Tortured
Chapter 53: The Strongest Apostle
Chapter 54: Acceptance
Story Recapitulation
Chapter 56: Eagle vs. Fox
Chapter 57: Game Over
Chapter 58: Feelings of the Heartless
Chapter 59: Retreat
Chapter 60: Eternal Abyss
Chapter 61: The Tournament
Chapter 62: Versus Queen
ANNOUNCEMENT
Chapter 63: The King and the Familiar
Chapter 64: The Face of Darkness
Chapter 65: The Apostle of Love
Chapter 66: The Fallen
Epilogue
Thank You
TNHAS BOOK LIMITED SALE (SOLD OUT)
TNHS PART 2!
TNHAS PART 2 LIMITED SALE (SIGNED)

Chapter 55: Choice

222K 8K 4.8K
By Mikasa_bolabola

ELOINY'S POV

Nakapasok na kami sa abandoned underground village dito sa Underworld. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang tensyon habang papalapit kami sa lokasyon kung saan si Shea.

Sunod-sunod na rin ang paglabas ng green signal flares na ang ibig sabihin ay cleared na ang mga kalaban at pwede na kaming dumaan.

Nakikisakay ako sa dark cloud na gawa ni Ren. Para tuloy kami nasa dragon balls. Si Ren parang si Goku kasi may buntot rin sya. Tapos ako si Majinbo hohoho.

Master looks very majestic on his golden wings. He flew majestically na parang maiiyak ka ng hindi mo alam. Ang ganda kasi tignan na parang safe ka na ewan kasi protektado ka ng mga pakpak nya kahit nasa teritoryo  kami ng kadiliman. He truly is the Master of Light.

I pressed my hairpin to summon my weapon accessory. Naninigurado lang. Alam ko namang malalakas ang kasama ko eh pero malakas rin kaya ako.

Pero nakakainsulto yung posisyon ko eh. Apostle of Love tapos single? Grabe siguro ang tawa ni Marjorie pag nalaman nya kung ano ako.

"Sht." rinig kong bulong ni Ren sa likuran ko.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Di nya ako sinagot. Bakit ganon? Snob nya lang ang beauty ko? Ang beauty ng bestfriend ng Mistress nya? Lahat nalang sila di ako pinapansin. Si Master ang tahimik. Si Ren naman mukhang si Shea lang ang kinakausap eh. Pag ako napuno, di ko kayo papayagang makalapit kay Shea. Kala nyo ha.

Gusto ko nalang kumain ng hotdog. Pag nakalabas talaga ako dito, di ko rin sila kakausapin.

May signal flare na namang lumabas ngunit kulay pula ito. Na-alarma ako dahil red means reinforcement.

"Master! Kailangan nila ang tulong natin."

Sino kaya 'yun? Sana okay lang si Trevor. Sana walang mangyaring masama sa kanya.

Di parin nila ako pinansin at nasa harapan lang ang tingin nila. I saw several bodies of creature na patay na. Yung iba ay mga abo. I thought Underworld is the place of the undead, kung mamamatay sila, saan sila mapupunta?

"Master!" tawag ko. One of his Apostles needs reinforcement. Bakit di namin tulungan?

"Focus Eloiny." tanging sagot lang nya sa 'kin.

What?

"Pero—

A green flare went up kung saan kanina nanggaling ang pulang signal flare. Ibig sabihin they already eliminated the enemy.

Napatingin ako kay Ren at Master Kiyan. Kaya ba nila ako hindi sinagot dahil gusto nilang ako mismo ang matuto by observing?

"They are my apostles Eloiny. I chose them. Have faith in them."

Sa mga sinabi ni Master ay mas lumakas pa ang loob ko. Tama sya, sila ang Alpha. The apostles of the Master. Pinili nya kami dahil alam nyang karapat-dapat kami. Hindi lang dahil sa malakas o mahina kami.

Napatigil kami when a herd of devils blocked our way. Pula ang katawan nila na parang hotdog pero may sungay. Parang ayaw ko na tuloy kumain ng hotdog.

Bakit nandito sila? Di ba sila nakita nina Trevor? Imposible. Dahil sinabi ni Seraphina kung saan ang lokasyon ng mga kalaban.

But it's my time to shine. Gusto kong i-try kung anong kayang gawin ng strongest apostle.

"Master let me handle them."

Tumayo ako sa dark cloud ni Paxton.

Pero sa totoo lang di ko alam ang gagawin ko. Di ko nga alam kung ano ang dumagdag sa kapangyarihan ko. Pero bahala na nga, siguro utusan ko nalang sila na mahalin ang isa't-isa di ba?

"Ahem! By the power of Love, I command you to love one another!" sigaw ko at tinapat ang kamay ko sa kanila. Ngunit...

Wala.

Walang nangyari. Nakatayo lang sila habang masama kaming tinitignan.

"Hehe..." napakamot nalang ako sa ulo.

Teka try ko ulit yung bago kong naisip.

"By the power of Lo—

Di pa nga ako tapos magsalita pero kalahati na ng mga devils ay naging abo habang sa kabila ay nabalot ng liwanag kaya namatay.

Eh? Ako ba may gawa 'non?

Napatingin ako kay Ren at umuusok ang palad nya habang si Master ay naging dilaw ang mga mata.

Okay. Masakit mag assume. Sabi ko nga apostle of love lang ako pero wala paring nagbago. Kaya ko lang lumutang, ganon.

"Master!" biglang sumulpot si Vishna sa harapan namin.

Meron rin siyang pakpak na parang anghel and a golden bracelet around her wrist. Ang puti rin nya. Para tuloy syang isang greek goddess.

"How was it?" tanong ni Master.

How?

"The people. Their faith is weakening. Buti nalang nakita ni Ezra ang signal ko at tinulungan ako. Bigla nalang humina ang kapangyarihan ko and some devils escaped. Master, darkness is becoming stronger." nag-aalalang sabi niya.

Vishna is the Apostle of Faith, at kumukuha sya ng kapangyarihan sa pananampalataya ng mga tao. Kaya kung humina ang pananampalataya nila, humihina rin sya. At ganon rin ang mangyayari sa amin.

"Join Seraphina in the front line. We'll take care of the rest." Master stated.

Nagbow si Vishna saka lumipad paalis. Si Ren kanina pang hindi mapakali at pinagpapawisan na. Ramdam ko ang tensyon sa aming tatlo.

"Let's go." sabi ng familiar ni Shea at nauna.

Tahimik kami buong oras at wala nang humaharang sa dinadaanan namin. Sunod-sunod rin ang paglabas ng green flare. Mukhang umaayon lahat sa plano.

"Hoy bestfriend ni Shea." biglang tawag sa 'kin ng masungit na fox na 'to.

Nakatayo sya sa dark cloud na sinasakyan nya habang ako ay nakaupo.

"Eloiny ang pangalan ko."

"Anong gagawin mo kapag nakita mo si Shea na iba na kesa sa una mo syang nakilala?" He asked.

"Anong ibig mong sabihin?"

"You're an Apostle of Light. While we are from the dark side. Siguro alam mong sa una palang, magkalaban na tayo. And my Mistress, she is your bestfriend yet you are from the opposite side. You are made to protect while she is made to destroy. When that time comes that you'll face each other, ano ang gagawin mo?"

Napatigil ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tama sya, reyna ng kadiliman si Shea. Habang ako ang pinakamalakas na apostle ni Master Kiyan.

Ano...

Ano nga ba ang gagawin ko?

Bakit ba kasi magkaaway ang liwanag at kadiliman? Bakit palaging dapat isa sa kanila ang kailangan manaig? Hindi ba pwedeng dalawa nalang sila ang parehong mag-exist? This is an unperfect world. Both light and dark must exist.

"Mukhang di mo pa alam ang gagawin mo, Strongest Apostle." Ren

Biglang bumigat ang dibdib ko. Tinamaan ako sa sinabi nya. I'm the strongest apostle, pero di ko alam kung ano ang gagawin ko. Siguro nasanay akong nasa mediocre ang life ko. Simpleng buhay, simpleng kapangyarihan. Lahat simple. Hanggang sa dumating ang babaeng una kong nakita sa entrance exam. The day that I met her, di ko alam na ang simpleng buhay ko ay bigla nalang nagbago.

Bakit? Bakit si Shea pa?

"You know, Shea is a brave girl. Sa una palang, alam na nya ang magiging kapalaran nya. That's why she keeps on denying her powers, kasi ayaw nyang masaktan nya kayo. She preferred to suffer alone than to find a friend who can help her. Because in the end, she might end up hurting the people around her. Kung pano mo nakilala si Shea, 'yun ang totoong sya. No matter what she might become, always remember the real her."

Ang lungkot ng mga mata nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kalungkot. Sinasabi nya 'yun nang hindi nakatingin sa 'kin pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Bakit parang namamaalam sya? Saan naman sya namamaalam?

May nangyari bang hindi maganda kay Shea kaya ganon sya kung makapagsalita?

"Hoy Kiyan." tawag nya kay Master.

Hindi sya lumingon pero alam kong nakikinig sya.

"Don't make my Mistress suffer that long. You know what I feel towards her."

Ilang segundo syang tumahimik when he finally answered, "Don't worry. I'll save her."

"Thank you."

Totoo ba 'tong naririnig ko? Nagpasalamat sya sa mismong kaaway ng mistress nya?

"Bestfriend ni Shea."

"Eloiny nga!" kainis eh.

"Do you know why Love is the strongest?"

Tumingin ako sa kanya. Bakit ba parang mamamatay na sya kung makapagsalita?

"Because without it, Light and Dark cannot exist. Believe in yourself. Act according on what you believe." sabi nya saka ngumiti. Isang malungkot na ngiti.

Pero shems ang gwapo nya parin. Unti-unti syang nababalot ng itim na usok. Anong nangyayari?

"Hoy ungas. Ikaw pumalit dito." sabi nya.

Biglaang lumabas yung kapatid nya sa gilid ko. Sa paglabas ni Flynn ay sya naman ang pagkawala ni Ren.

"Buti naman naalala nya pa ako no?" singhal ng kapatid nya.

"Saan sya nagpunta?" tanong ko.

He sighed saka tumingin sa malayo. Ang lungkot rin ng mga mata nya. "That stupid bastard. Sabi nang ako nang papalit sa kanya, pinaglaban nya parin ang posisyon nya. Tignan mo ngayon, sya naman nitong masasaktan ulit. Mahirap talaga maging Familiar."

Isa pa 'to eh.

"Eh ano ba kasing nangyayari?! Kanina pa ako tanong ng tanong dito wala namang sumasagot!" nakakainis na eh. Dami pa nilang satsat na magkapatid.

"Si kuya, tinatawag na ng Mistress nya. Mukhang ihahanda na nya ang familiar nya."

     
THIRD PERSON'S POV

"Ezra!" lumapit si Ice sa kasama nya dahil bigla nalang itong bumagsak at nanghina.

"Marami pa ba sila?" tanong ng apostle pero halatang pagod na pagod sya.

They are currently dealing a battallion of demons. Yes, a battallion dahil sobrang dami nila at tatlo lang sila ang nakikipaglaban dito.

"Wag mong pwersahin ang sarili mo. Humihina ka dahil nabalot na ng kasamaan ang mga tao. Kaya na namin 'to ni Trevor."

"H-hindi. Kailangan nating iligtas si Shea."

Napatingin sya sa gawi ni Trevor. Marami na rin syang sugat at pasa at halatang nanghihina rin. But he still keeps on fighting. Trevor can manipulate their minds pero hindi na halos ito nakakaapekto sa mga demons. The Apostle of Kindness and Happiness are getting weaker while their enemies are getting stronger.

Laking gulat nila when a demon entered Trevor's body. It's trying to possess him. Napaubo ng dugo si Trevor habang pilit na nilalabanan ang demon sa loob nya.

"Manipulate their mind you freakin' gay!" sigaw ni Ezra.

Hindi sumagot si Trevor. He just stood still while facing downward.

"Damn it." Ice shoots up a red flare for reinforcement. Nadedehado na sila.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Alzena at Fire. Maging sila ay nagulat sa sitwasyon ng tatlo.

"Gosh this place stinks." maarteng bungad ni Alzena.

"What happened here?"

"Trevor was possessed by a demon. We can't exorcise him because our powers are not strong enough." sagot ni Ezra.

Nagsimula nang lumusob ang demon sa kanila. Ice created a barrier of ice but it won't last long. Pilit sinisira ng mga demonyo ang ginawa ni Ice. Their sharp fangs can even pierce your soul and their eyes are filled with lust and evilness.

Alzena casted a light spell towards them kung saan pansamantala silang nahilo.

"Umalis na tayo dito!"

"Pero pano si Trevor?"

Fire faced his twin, "Freeze him." sabi nya kay Ice.

"Ano? Eh mas malakas sa 'kin si Trevor eh. Hindi ko sya kaya pati na rin ang demonyo sa loob nya."

"So gusto mo syang iwan nalang dito? Eloiny is going to kill you." sagot ni Ezra. Buhat-buhat na sya ni Fire.

He sighed, "Wala na bang ibang paraan?"

Umiling si Fire. "Do it."

Wala nang nagawa si Ice kundi sundin ang sinabi ng kambal nya. He simply extended his right arm towards Trevor's location at unti-unti na syang naging yelo.

"Magwawala si Eloiny nito pag nakita nyang ganito ang nangyari kay Trevor." nag-alalang sabi ni Ezra.

"Kesa namang iwan natin sya dito." sagot ni Fire.

Alzena created a net made of light at hinagis kay Trevor na ngayon ay parang rebulto na nabalot ng yelo. Naging pula ang mga mata ng binata dahil sa nilalang na sumapi sa kanya.

"Let's bring him to Master." Fire stated.

"But how about the enemies?" Ezra asked while she was being carried by Fire. Di pa nya kasi kayang lumipad.

"Our mission is to rescue Shea. Battling those demon is only applicable if we have enough strength to fight them. We have to prepare ourselves for a more complex battle. I can sense it, Shea's Apostles are coming."

    
  
Meanwhile, sa kinaroroonan nina Eloiny, hindi na sya mapakali. She sighed repeatedly, biting her lips, tapping her fingers and constantly looking back kung saan huling lumabas ang red flare. Hanggang ngayon kasi wala paring signal na maayos na ang kalagayan sa parteng 'yun. No one shoots up a green flare.

Okay lang kaya sila?

Nararamdaman nya na hindi maganda ang kondisyon ng kapwa Apostle nya pero hindi pa sya aware dito. They already gone deep underground at pa konti ng konti nalang ang mga bahay na kanilang dinadaanan. The place is getting darker at nagsimula na ring kumapal ang hamog.

Nagulat sila nang tumigil si Kiyan sa paglipad. Humarap ito sa kanila at wala manlang pinagbago ang reaksyon nito simula kanina.

"Master?" nagtatakang tawag ni Eloiny.

"Shoot the blue flare." he commanded.

Nanlaki ang mata nya, "Ha? Pero hindi pa po natin nakuha si Shea." sagot ni Eloiny.

The blue flare indicates that they already retrieved Shea. Tanging grupo ni Kiyan lang ang may hawak nito.

"We don't have to."

Hindi man nya naintindihan ang sinabi ni Kiyan ay sinunod nya parin ito. An order is an order at alam nyang may pinaplano ang Master nya.

Ilang segundo matapos nyang itira ang blue flare ay may nag response na green flare. Nagtaka naman sila dahil nanggaling iyon sa kung saan nila nakalaban ang mga demons. Klarong-klaro sa instruction na kapag nadaanan na nila ang lugar na 'yun and has already eliminated the enemies, di na dapat balikan kahit may mga kalaban ulit na naka station doon.

Nakalimutan ba nila ang nasa plano?

Eloiny's heart began to thump faster. Bumibigat rin ang paghinga nya. Hinigpitan nya ang pagkapit sa kanyang weapon accessory habang nakatingin sa itaas. It's an underground village in the underworld, and it's slowly crumbling.

Parang tumahimik ang lahat. They are waiting for something big pero di nila alam kung ano. Eloiny's instincts are shouting to run away, but she chose to stay even she is already scared to death. Kiyan keeps on looking at the west kung saan naroon ang grupo nina Seraphina. A cold wind passed through them. Dead trees began to rattle. Nakakakilabot na katahimikan ang bumalot sa kanila.

Then Drew muttered, "Patay."

The moment Flynn mentioned that word, a black smoke shoots up in the air. At nanggaling ito sa pwesto kung saan sina Seraphina.

A black smoke.

It only means that the Goddess had been spotted.

Nagsimulang pagpawisan ng malamig si Eloiny. Oo, sinabi nyang handa na sya. Pero nakakatakot parin talaga kapag nandon ka na sa mismong sitwasyon.

"Let's go. Don't let your guard down." naunang lumipad si Kiyan patungo sa direksyon kung saan nanggaling ang usok.

Sumunod naman sina Eloiny at Flynn.

Alam ba ni Master na mangyayari ito? Sa isip ni Eloiny.

Kahit takot na takot na sya ay nag-aalala parin ito sa kanyang kapwa apostles. Hindi na nya kasi ito naramdaman

Drew was about to take full speed nang may narinig silang sumigaw mula sa ilalim.

"Ano 'yun?" tanong ni Eloiny

"Baka demonyo lang. Tara na."

"Sandali lang! Meron akong ibang nararamdaman. Balikan natin."

"Are you insane? Nandito na ang Goddess!" nag-aalalang sabi ni Drew.

"Pero naramdaman kong hindi sya taga rito! Mabilis lang naman eh!" Pagpumilit ni Eloiny.

Walang nagawa si Drew kundi balikan kung saan nila narinig ang boses na 'yun.

They stopped in an abandoned huge building. Basag-basag na ang bintana nito at mukhang ano mang oras ay parang mawawasak na ang buong building. Laking gulat nila na may isang tao na nakadungaw mula rito. He was on his mid 40's at halatang pagod na pagod na sya.

But what surprised them is they knew that person. It was unexpected.

"HEAD MASTER?!"

    
  
👻👻👻👻

A/N: Lol sorry lame. Bawi nalang ako sa next UD. Mamaya nalang yung dedic at mention.

What do you think will happen in the ending?

Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
230K 7.2K 68
[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magigin...
1.6M 64.5K 51
"Facing Darkness in the depths of their souls." Second book of Sky Trilogy. Completed. Published under Lifebooks, available for only 199.75 php on an...
9.5M 292K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...