Gangster vs. Assassin - Publi...

By XavierJohnFord

6.4M 116K 14.7K

Xavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin... More

Gangster vs. Assassin
Prologue
Chapter 1: The Black Death Assassins
Chapter 2: The Warlords Platoon
Chapter 3: The Constellate Assassins
Chapter 4: The Dragon Empire Gang
Chapter 5: The Ordinary Life
Chapter 6: The Plan of Meeting Them [Black Death Assassins & Warlords Platoon]
Chapter 7: The Meet Up
Chapter 8: The Succession Plan (Part 1)
Chapter 9: The Succession Plan (Part 2)
Chapter 10: The "Real" Masquerade Ball
Chapter 11: The Girl from the Past
Chapter 12: Kissing Bandit (Part 1)
Chapter 13: Kissing Bandit (Part 2)
Chapter 14: Two tamed Dragons
Chapter 15: Face to Face
Chapter 16: The Battle begins here (Part 1)
Chapter 17: The Battle begins here (Part 2)
Chapter 18: The Token of Death
Chapter 19: Postponed
Chapter 20: The Queen's Pendant
Chapter 21: Welcome to GVA Battle 2012
Chapter 22: Mechanics, Rules and Regulations
Chapter 23: GVA - First Day
Chapter 24: The Bonus Prize
Chapter 25: The Battle Cross (1st Match)
Chapter 26: Excretive Killers
Chapter 27: The GVA Bidding
Chapter 28: Connections
Chapter 29: Her Brother- Unfold
Chapter 30: Synthetic Decision
Chapter 31: Lady_Apocalypse
Chapter 32: Beyond Those Plan
Chapter 33: Declaration of War
Chapter 34: Pandora's Battle
Chapter 35: Touch Move
Chapter 36: Falling Stars - Part 1
Chapter 37: Falling Stars - Part 2
Chapter 38: Execution of Plans
Chapter 40: Apollo X49 - Selena
Chapter 41: Solar and Lunar
Chapter 42: Twisted Comeback
Chapter 43: His Evil Plans
Chapter 44: The Scheduler's Plan
Chapter 45: The Final Battle
Epilogue
GVA Book Release Announcement

Chapter 39: Traitors

87.6K 1.9K 396
By XavierJohnFord

"SOLAR WHAT?" MARIING tanong ni Andrei kay Akihiro nang marinig ang mga katagang iyon sa labi nito.

"Iyan mismo 'yung hugis ng tattoo na nasa katawan ni Xenon." Nakatulalang sagot nito kay Andrei.

Magtatanong pa dapat si Andrei kay Akihiro para ipaliwanag pa ng husto ang mga tinuran nito nang bigla silang makarinig ng kasa ng baril mula sa likod.

"Don't move."

Iniangat ng tatlo ang kanilang mga kamay at inilagay iyon sa kanilang batok.

"Sino kayo at bakit niyo ginulo ang aming kwarto?"

Mabilis pa sa langgam lumingon ang tatlo sa likod. Tama ang kanilang hinala. Ang mga Warlords ito.

"Death Keepers?" naniningkit na mga matang tanong ni Charles sa kanila.

"Kami nga." Sagot ni Akihiro.

Ibinaba na ng ibang Warlords ang kanilang mga baril maliban kay Marco na masama ang tingin sa tatlo.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa tonong hindi mo magugustuhan.

"Ibaba mo muna 'yan, insan— Whoah! Chill!" kay Andrei kasi itinutok ni Marco ang baril.

"Sagot."

"Ibaba mo muna 'yan—," ani Akihiro.

"Sagot!"

Bumuntunghininga ang tatlo.

"Hindi kami ang gumawa nito sa kwarto niyo." Simpleng sagot ni Akihiro na animo'y hindi nababahala sa pagkakatutok sa kanya ng baril ni Marco.

"Kung hindi kayo, sino?"

"We don't know. Pagpasok namin rito, magulo na 'to."

Naningkit lalo ang mga mata ni Marco. "Eh bakit kayo nandirito?"

That made the three stunned for a bit. Sasabihin kaya nila? Kung sasabihin nila hindi sila nakakasigurong maniniwala ang mga ito sa kanila.

"We need infos."

"About what?"

"About... Frontier's son."

Ang Warlords naman ang natigalgal sa sinabi ni Akihiro.

"Andito kayo para mangalap ng impormasyon tungkol doon?" tanong ni Harold at napatingin sa bukas na laptop. "Kaya pinakikialaman niyo ang laptop ko?"

Pansin ni Akihiro ang tingin sa kanya ni Andrei na nagsasabing... we better tell them the truth.

"Unfortunately, yes."

"We don't have any infos about them." Napatingin ang tatlo kay Marco na nakababa na ang baril at nilalagay na sa may bewang nito.

"I doubt it." Ngising usal ni Akihiro nang mabasa sa mata ng binata ang pagsisinungaling.

Kaya niyang i-determine sa isang tao kung nagsasabi ito ng totoo at nagsisinungaling. That's the reason Dark Raven ang code name niya. Matalas pa sa mata ng ibon ang kanyang mata sa mga taong pabago bago ng mood and expression.

"Paano mo nasabi?"

Itinuro ni Akihiro ang laptop. "Dahil sa Solar Tattoo. May nakuha kaming lead na may tattoo ang anak ni Frontier ngunit hindi inindicate kung ano ang itsura o design. Pero kung iisipin mo kung anak ka ni Frontier, hindi simpleng tattoo lang ang magiging tatak mo bilang anak niya. At ang tattoo na 'yan... nakita ko sa may bandang leeg ni Xenon."

"Sinasabi mo bang si Xavier ang anak ni Frontier?" 'di makapaniwalang tanong ni William. "Parang imposible."

"Then i-explain niyo nga sa'min kung paano nakuha o saan nagpaganyan si Xavier kung tingin ninyo ay imposible?" utas ni Eliza.

Nanahamik sandali ang paligid nila. Hanggang si Marco na mismo ang nagsalita.

"Una 'kong nakita kay Xavier ang Solar Tattoo nung mga bata pa kami. Gaya ng iniisip niyo, nagliliwanag ang tattoo niya sa oras na natatamaan ng 38°C na sikat ng araw.”

“You mean, inborn?” nagtatakang tanong ni Akihiro sa binata.

Tumango ito. “Sort of?”

“Sort of? Bakit patanong?” untag ni Andrei.

Tiningnan ni Marco si Andrei. “Andrei, nakita mo siya noong bata palang hindi ba? ‘Yung bago kayo nag-migrate sa ibang bansa.”

Napasinghap si Andrei sa tinuran ng pinsan. “Ah, teka? Kailan ‘yon?”

“Nung time nga na pumunta ka sa bahay at naabutan mo no'n ang isang bata na kalaro ko dati hindi ba?”

“Ahhh... Oo! Naalala ko na... ‘yun ‘yung batang pulang pula ‘yung bandang leeg at parang napapaso— teka.”

“Exactly, ‘yun na mismo ang tattoo niya. Summer ‘yun, masyadong tirik ang araw nung naglaro kami sa labas. Bigla siya noon dumaing na masakit ang leeg niya kaya hinatid ko siya no’n sa loob ng mansyon nila. Nung time na ‘yun saka ka dumating at nakita mong bakat na bakat ‘yung tattoo sa may bandang leeg ni Xavier.”

“So it is inborn.” Utas ni Akihiro.

“Like I said. Hindi ko alam. Malay ko ba kung nung bata siya ay tina-tattoo-an siya ng mga magulang niya.”

“Pero the thought na may strange tattoo siya, malaki ang tsansang siya ang anak ni Frontier.” Segunda ni Aki.

“May tattoo rin si Xyrene, Akihiro. Baka nakakalimutan mo. A Lunar Tattoo to be exact. Kung ang kay Xavier ay nakikita lamang kapag nasisikatan ng matinding araw, ‘yung kanya ay nagiging visible kapag natatamaan ng sinag ng buwan.” Sabad ni Andrei sa usapan.

“Teka, Andrei. Pinapalabas mo rin bang maaaring anak rin ni Frontier si Xyrene?” tanong ni Eliza habang nakakunot ang noo sa narinig sa binata.

“Maybe yes, maybe no.” Ang tanging naisagot ng binata sa dalaga.

“Teka teka teka muna,” singit ni William. “Ano ba talaga ang pinag-uusapan natin rito? ‘Yung tungkol ba sa panghihimasok nila sa unit natin o anak ni Forntier?”

“I agree. Saka pwede bang sa ibang lugar tayong mag-usap nito,” daing ni Eliza ta’s tumingin sa dalawang binata. “The plan, remember. We need to get out of here.”

“No, hindi kayo aalis rito hangga’t hindi niyo sinasagot ang tanong ko,” singhal ni Marco. “Anong kailangan niyo sa laptop ni Harold?”

Nagkatinginan ang tatlo. Nagsusukatan sila ng tingin kung ano na ba ang gagawin nila. Masyadong mahabang paliwanagan ang gagawin nila kung sasagot sila pero kung aalis sila agad ay baka mauwi sila sa madugong labanan.

Tumingin si Andrei sa pinsang si Marco. “Xyrene is dead,” simpleng utas niya rito na siyang kinalaki ng mata ng apat na Warlords. “... and Xavier killed her.”

Kapwa nagsinghapan ang apat na binata. Kapwa nanlalaki ang mga mata. Tila nagulat sa balitang sumambulat sa kanila.

“H-He really did that?” nauutal na tanong ni William sa tatlo.

Tumango sila. Si Eliza naman ay pinaligiran na ng luha. Si Akihiro ay napatingin sa labas ng bintana habang nakakuyom ang kamao habang pinipigilan ang sariling galit sa nangyari sa dalaga. At ang tanging sumasagot na lamang sa kanila ay walang kung’di si Andrei.

“Oo.”

“He already took his revenge, huh.” Mahinang utas ni Marco.

“Tinuloy na pala niya ang paghihiganti niya... kay Xyrene.”

“Revenge?” tanong ni Eliza sa kanila habang humikbi ito, muling naiyak.

“Xyrene killed Xavier’s girlfriend— Lady Apocalypse.”

Pagkasabi niyang iyon ay siyang biglang tawa ni Eliza na kinagulat nilang lahat. Ngunit agad na nabasa ni Andrei ang tawang pinapakita. Lalo na sa narinig nila.

“Xyrene, killed herself? Fuck that!”

Gumuhit sa noo ng Warlords ang sinabi ni Eliza. Xyrene killed herself?

“Ang bobobo niyo. Ang tatanga niyo.” Pagpapatuloy ni Eliza. “Ni hindi man lang kayo gumawa ng sarili niyong imbestigasyon ano? Ni hindi niyo kilala kung sino ang Lady Apocalypse na pinatay diumano ni Xyrene?”

“Shit...” bulanghit ni Marco sa sarili habang nakatingin sa mga mata ni Eliza. Kunot rin ang noo nito ngunit mas gumuhit sa pakiramdam niya ang katangahang sinasabi ni Eliza.

“We don’t get you, Eliza.” Daing nina William at Charles.

“Paanong hindi niyo ‘ko mage-gets kung hindi niyo ginagamit ‘yang utak niyo?!” singhal nito sa kanila.

“Si Xyrene ba, at si Lady Apocalypse ay... iisa?” direstyahang tanong ni Marco kay Eliza na siyang kinalingon sa kanya ng iba pang Warlords.

Hindi na muling nagsalita pa si Eliza, bagkus ay inilihis nito ang tingin sa ibang lugar ng kwarto. Iniiwasang sagutin ang tanong ni Marco sa kanya.

“Oo.”

Napaupo si Marco sa isang sofa-ng malapit sa kanya at napahilamos ng mukha sa katotohanang talagang sumabog sa kanila. Maging ang iba pang Warlords ay tila nanlambot ang mga tuhod sa narinig. Hindi inaasahan na ang matagal nang inaasam na katarungan ni Xavier sa nobya ay walang saysay. Dahil buhay pala talaga ito at hindi talaga namatay.

Maraming tanong ang biglang gumuhit ng bawat isa  sa kanila.

Tulad ng kung si Xyrene pala talaga ang nobya ni Xavier na sa pagkakaalam ng binata na patay na ito. Then, anong nangyari kay Xyrene noong mga panahong ang akala nila sa kanya ay patay na? Bakit hindi nagpakilala si Xyrene kay Xavier noong una nilang pagkikita? Bakit kinakailangang itago pa ni Xyrene ang totoo gayong alam nitong siya ang pinag-aakala nilang pumatay sa nobya ng kaibigan?

“B-Bakit hindi sinabi ni Xyrene ang totoo nung mga panahong ang akala ni Xavier ay ito ang pumatay sa nobya nito?” Tanong ni Charles sa tatlo.

“Hindi rin namin alam. Miski kami ay pinipilit siyang sabihin na, dahil maaaring totohanin ni Xavier ang banta nito noon pero maging siya ay ayaw ipaalam.” Sagot ni Andrei sa katanungan.

“Bakit hindi na lamang kayo ang gumawa ng paraan para malaman ni Xavier?”

“Hindi namin kayong tinuturing na kakampi so bakit namin sasabihin? Anong karapatan naming panghimasukan ang buhay niya gayong may mga plano siya na gusto niyang mangyari sa buhay niya?” masungit na sagot ni Akihiro.

Magtatanong pa sana si Harold sa mga Death Keepers nang makarinig silang pito na mga taong papalapit sa lugar nila.

Naalerto silang pinto at mabilis na nagsipaghanda.

“Warlords, we need your help,” saad ni Andrei habang nag-aayos ng baril.

“Sinusubukan niyo bang makipagkampihan sa amin ngayon?” nakangising sagot ni William kay Andrei.

“Kung ano man ang gusto mong isipin bro, bahala ka. But this is a matter of life and death. Mga alagad ng GVA na ‘yang paparating and they’re hunting us— Death Keepers. Sinubukang patayin ni Xyrene ang isa sa mga GVA Commanders kanina but it turned out na siya pa ang napatay dahil sa dumating si Xenon.”

“What—?!” malakas na tanong ni Marco ngunit natigil iyon nang pinaulanan na sila ng mga bala ng mga taong papunta sa kanila.

Mabilis na nakapagtago ang lahat nang magsimula na ang barilan. Maging sila ay nakikipagpalitan na ng mga bala upang mabawasan man lang ang mga kalabang patuloy ang pagpapaulan sa kanila ng bala.

“We need to get out of here!” sigaw ni Akihiro. “Saka na kami magpapaliwanag kapag nakaalis na tayo rito!”

Hindi na hinintay ng Death Keepers ang sagot ng Warlords dahil sabay sabay silang pumunta sa malapit na bintana ng bawat kwarto.

Pagkakakita sa mga bintana ay sabay sabay rin nilang binangga ang mga iyon at tumalon mula sa palapag na kinalulugaran nila ngayon.

Mabilis na nakakapit ang bawat isa sa kanila sa edges ng building.

Kapwa tiningnan ang kababagsakan at ng makitang malapit lang ang mga punong naroroon ay mabilis silang tyumempo at nagsimulang maglambit lambitin sa sanga ng bawat puno hanggang sila’y nakalapag ng maayos sa lupa.

“Ugh!” daing ng nina William, Charles, at Harold dahil kumirot ang kanilang mga sugat gawa nang kanilang laban sa White Larynx.

“Bilisan niyo!” sigaw nina Andrei sa Warlords.

Mabilis silang tumalima nang matanaw nila mula sa taas ang mga kalabang nagpapaulan ng bala.

Tumigil silang lahat nang mapansing wala nang naghahabol sa kanila at mapansing nakapasok na sila sa isa sa mga silid ng Assassin’s Unit. Doon sila nagpang-abot.

Sinuri muna ng isa sa kanila kung may CCTV Camera ang lugar. Nang masigurong wala ay doon sila halos naghahabulan ng hininga.

“Explain, Death Keepers.” Sabi ni Marco habang nakatingin kina Akihiro.

* * *

“ANONG NANGYAYARI?” TANONG ni Blare sa mga kagrupo niya nang may marinig silang malalakas na putukan ng baril. Nagkibit balikat lamang ang ilan sa kanila bilang tugon ng mga ito sa tanong niya.

Napailing iling na lamang siya at tumayo mula sa kanyang pagkakatayo upang i-check ang labas.

Nang mabuksan niya ang pinto ay laking gulat na lamang niya nang may nakatutok sa kanyang AK-47 na mga baril.

Shit!

“Anong kailangan niyo?”

Ano bang kailangan ng mga ‘to sa kanila? Gabi na ah.

“Kailangan niyong sumama sa amin.” Sabi nung may lalaking nagtututok sa kanya ng baril.

Naramdaman niyang nasa likuran na niya ang mga kagrupo niya. Siguro’y nagtaka ang mga ito sa paraan ng pagtatanong nito sa kausap.

“Anong mayroon at bakit namin kailangang sumama sa inyo?” matapang niyang sagot sa mga ito.

“Wala nang maraming satsat!” Itututok na sana sa kanya ang baril ngunit naunahan na niya ito ng pagsipa sa tagiliran ng lalaki.

“Ugh!” daing nito nang maramdaman ang malakas na sipa ni Blare.

Mabilis na hinablot ni Blare ang katawan ng nasipa niya at ginawa itong pananggalang sa mga kasama nito na nagpapaputok sa kanya.

Fuck! Ano ba kasi ang nangyayari?

Nang matapos ang putukan ay malakas niyang itinulak ang ginawang pananggalang na ngayo’y tadtad na ng bala at mabilis na umalis sa unit nila. Alam niyang nakasunod na ang mga kagrupo nya sa kanya kaya nagtuloy tuloy lamang siya ng takbo.

“Blare!” lumingon siya sa pagtawag sa kanya ni Jackass at mabilis na sinalo ang baril na binato nito sa kanya.

Dumiretso silang lima sa may Fire Exit area at doon mabilis na bumaba. Ngunit sadyang alam ‘ata ng mga kalaban nila ang dadaanan nang mapansing may mga kalaban sa baba. Mabilis siyang nagtago sa isang gilid ng dingding ng muli silang paulanan ng bala.

Nang matigil ay sila naman ngayon ang bumaril sa mga kalaban. Napangisi siya nang makitang nagtatago ang ilan gaya ng ginawa nila but it doesn’t mean hindi siya marunong umasinta. Mabilis siyang nag-slide sa hawakan ng hagdanan at inasinta ang apat asintahin. Nang maubos ang kanyang bala ay hindi na siya nag-alangan tumayo sa bakal ng hagdanan at tinalunan ang unang kakalabit ng gatilyo. Dinaganan niya ito at nagpagulong gulong sa sahig. Kinuha niya ang baril na nabitawan ng dinambahan at mabilis na kinalabit iyon sa ulo nito.

“Patayin lahat ng haharang. Magtira ng isa. I need one of them.” Utos niya sa mga ito ngunit nginisian lamang siya ng apat at nagtinginan sa isa’t isa.

Napakunot ang kanyang noo.

“May problema ba?” tanong niya sa mga ito.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang barilin ni Jackass sa kanang braso niya.

“A-Anong ibig sabihin nito?!” singhal niya sa mga ito ngunit ngiting aso lamang ang binigay sa kanya.

“Sana sumunod ka nalang nung sinabing kailangan kang sumama.” Turan ni Jerkew habang lumalapit ito sa kanya.

Bahagya siyang umisod palayo. “Mga traydor! Ano bang kailangan nila sa’kin? Sa inyo? At nagawa niyo ‘kong traydurin?!”

“Simple lang,” sabay na turan ng magkambal na Bliss at Breass. “Kaya nilang ibigay sa’min ang gusto namin na kailanman hindi mo binigay.”

Mas lalo siyang napakunot noo. Nang rumehistro na sa utak niya ang tinugon ng magkambal at makuha ang ibig sabihin ay matalim niyang binigyan ng nakakamatay na tingin ang apat.

“Hindi na talaga kayong makapaghintay na makuha ang pera?! Ang kailangan lang natin ay manalo, pagkatapos sa inyo na ang premyo ng GVA kapag nanalo tayo—”

“Ang tanong kasi, Blare, ay kung mananalo tayo! Masyado kang mahina ngayon. Lalo na’t namatay ang kapatid mo! Tingin mo sa inaasta mo ngayon ay mananalo tayo sa pagkakataong ito?! HINDI!”

Napatawa siya ng pagak sa binigay na dahilan ni Jackass.

“Masyado ka nang apektado—”

“Gago! Eh kayo pala talaga ‘tong mahihina! Tangina, kailan pa ‘ko naging mahina? Pota, ‘wag niyong madahidahilan sa’kin ang kapatid ko dahil kapag pinatay ko ang isa sa mga mahal niyo sa buhay. Malalaman niyo kung gaano kasakit mga gago!”

Kahit na hirap na hirap ay pinilit niyang tumayo.

“Dami mong satsat. Bliss, Breass. Bitbitin niyo na ‘yan nang madala kay Emmanuel.”

Mabilis na tumalima ang dalawa. Hahawakan na sana siya ng dalawa sa magkabilang braso nang bigla niyang naisip sipain ang dalawa. Ngunit sa kamalas-malasan ay mabilis na nailagan ito ni Breass at nahawakan ang kanyang binti bago siniko ang hita niya.

“Argh!” hiyaw niya sa sakit sa ginawa ng traydor na kaibigan.

“Shut the hell up, pare.” Bigkas nito sa kanya na kinairita niya. “Sumama ka nalang ng maayos.”

Nagpupumuligpas siya sa bawat hatak sa kanya ng dalawa. Aalis na sana sila nang may biglang kinausap si Jackass sa isang earpiece.

“Yes... oo, hawak na namin siya... Huh? Bakit hindi mo na siya kailangan? Oo sige... siguraduhin mong tutuparin mo ang napag-usapan natin, Emmanuel. Ge.”

Sa puntong ito mukha alam na niya ang napag-usapan ni Jackass at ni Emmanuel.

Lumingon sa kanila si Jackass. “Hindi na siya kailangan. Patayin niyo na.” Simpleng turan nito sa mga may hawak sa kanya.

“H-Huh? Bakit kailangang patayin pa?” tanong ni Bliss na kinangisi niya ng palahim.

Tiningnan ng masama ni Jackass si Bliss. “Just do it. Saka wala na rin siyang kwenta.” Saad nito saka muling tumalikod at umalis.

Tiningnan siya ng dalawang kambal. Halata sa mga mata nila ang pag-aalinlangan. “Sorry bro,” utas ni Breass bago tinutok ang dulo ng baril sa sentido niya.

Hindi niya alam ang dapat maramdaman. Dapat sa mga pagkakataong ito ay natataranta na siya at nag-iisip ng paraan para makawala. Kaso wala naman siyang magawa. Masakit ang daplis sa braso niya at masakit rin ang hita niya gawa ng ginawa ni Bliss sa kanya.

Nakarinig siya ng tunog ng baril nang kakalabitin na ng isa sa kambal ang gatilyo ng baril. Kasabay ng putok na iyon ay pagbagsak ni Breass sa sahig. Sa ulo tinamaan ito kung kaya’t mabilis namatay.

“Dapa!” pagkarinig niyang iyon ay kusang kumilos ang kanyang katawan at gumulong pakanan. Sa kanyang paggulong ay siyang rinig niya ng sunud-sunod na putukan ng baril.

Sumilip siya mula sa kanyang pinagtaguan at doon niya nakita si Xavier na nakikipagpalitan ng putukan ng baril sa mga kagrupo niyang mga traydor.

Kung kanina hindi niya alam ang mararamdaman sa mga nangyayari ngayon ay tila bigla siyang kinilabutan kay Xenon.

Ibang iba ang awra ng binata ngayon. Walang emosyon ang mukha nito at seryoso lamang ang kanyang itsurang nakikipaglaban kina Jackass. Parang ngayon niya lamang ito nakita kay Xenon. Ang ganitong klaseng ekspresyon na kahit ‘ata isang kapre ay malulusaw ang tuhod sa kakaiba nitong tingin.

“Bilisan mo, kumapit ka.” Malamig na utos sa kanya ng binata nang makalapit na ito sa pwesto niya.

“Use your gun to protect you. Isang braso lang may tama sa’yo.”

Hindi na siya umapela pa sa tinuran ng binata. Pagkaangkla niya sa balikat ng binata ay mataman rin silang lumarga.

“Isa sa kaliwa.” Narinig niyang saad ni Xenon.

Mabilis niyang tinutok ang baril sa kaliwa at kaagad itong pinutok. Nang silipin niya sa likuran kung sino ang natamaan ng bala niya ay kitang kita niyang si Jerkew iyon. Hawak ang dibdib na kanyang tinamaan.

Mabilis niyang binalik ang tingin sa harapan. Bahagya niya ring pinapakiramdaman si Xenon. “Kanan.” Muli nitong saad at gaya ng sinabi nito ay pinutok niya ang baril na hawak sa may kanang bahagi.

Paano niya nalalamang may tao sa paligid nila pasugod na nang hindi man lang lumilingon man lang?

Walang duda. Hindi na si Xenon o Xavier ang kasama niya ngayon. Kumpirmado. Kasama niya ngayon ang God of Death. Ang taong wala nang sinasanto. Ang taong kakaiba ang mga kakayahan na nilagpasan ang kakayahan ng isang ordinaryong tao.

“Maghanda ka. Nakaantabay sila sa labas.” Saad nito nang mapansing malapit na sila sa may fire exit door.

Gaya ng sabi nito ay hinanda niya ang kanyang sarili.

Damn, ang gusto niya lang ay manalo sa larong ‘to pero bakit ganito ang kinahinatnan ng kanyang mga gusto?

Tinanguhan siya ni Xenon. Ibig sabihin, bubuksan na nito ang pintuan.

Maagap silang napasandal sa magkabilang gilid ng pintuan nang paulanan ng mga tao sa labas ang pintuang binuksan ni Xenon.

Nang matapos ang barilan at sa tingin nila’y nagkakarga na ng bala ang mga kalaban ay nakita niyang naghagis ng isang granada ang kasama niya. Tinakpan niya ang kanyang tainga sa lakas ng naging pagsabog.

“Tara na...”

* * *

“BAKIT TAYO NANDIRITO?” tanong ni Blare kay Xavier nang makatakas sa mga kampon ni Emmanuel. Hinarap siya nito at mataman na tiningnan. Walang ekspresyon ang mukha nito habang tinititigan siya ng masama ng binata.

“Babawiin ko si Xyrene sa kanya.”

Halata sa kanyang mukha ang malaking pagtataka. Magtatanong na sana siya rito nang muli itong nagwika.

“I killed her,” nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Pero kinuha sa’kin ang bangkay niya.”

Tahimik nila ngayong nilalandas ang daan patungo sa kwarto ni Emmanuel. Para siyang tangang sumusunod lamang rito dahil hindi marehistro ang mga sinabi nito sa kanya kanina.

Si Xyrene ay walang iba kung’di si Dark Scheduler. Iyon ang sabi ni Xenon sa kanya. Ayon sa kwento niya, nung araw ng pagdidiwang noon sa mansyon ng mga Villareal ay may papatay raw dapat kay Xenon, at ang gagawa no’n ay walang iba kung’di si Dark Scheduler na ang napatay naman ay ang girlfriend niya. Pero ang kupal, hayun at nain-love sa taong pumatay sa girlfriend niya.

Kitang kita sa mata nito kanina habang nagkukwento ang pagsisisi sa ginawa niyang pagpatay kay Xyrene. Doon niya nasabing siguro ay naka-move on na ito sa girlfriend nitong namatay noon at inlove na inlove kay Xyrene ngayon. Kaya nga lamang, dahil sa bugso ng galit sa mga nalaman ay napatay niya unknowingly ang kasalukuyang babaeng minamahal nito. Nagagawa nga naman ng galit.

Nung time naman na nilabas niya na akay akay si Xyrene palabas ng isang kwarto ay may biglang humampas sa kanyang ulo ng isang bote kaya naman may dugo ang ulo nito ngayon. Nung nagising naman ito ay doon niya napansin na wala ang katawan ni Xyrene at doon nito  napansin ang inaatake siya ng mga tuta ni Emmanuel.

Fuck, nagka-utang na loob pa ‘ko ng wala sa oras dito.

Mabilis niyang hinablot ang braso nito nang may marealize sa mga iniisip niya.

“What?!” may halong iritasyon sa boses ni Xenon.

“Sigurado ka bang susugod ka sa kanila ng wala man lang plano?” tanong niya rito. Susugod kasi ito ng wala man lang resbak at kung siya naman ang tutukuyin nitong resbak eh hindi siya sigurado kung makakalabas siya ng buhay. Damn, may daplis siya braso for heaven’s sake.

“Mukha ba ‘kong nagbibiro nang sinabi kong pupuntahan ko si Emmanuel at babawiin ang katawan ni Xyrene?”

“For goodness sake pare, patay na ‘yung tao—” hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang sakalin siya ng binata gamit lang ng isang kamay.

“’Wag mo ‘kong papakialaman sa mga bagay na wala kang kinalaman. Kung nangangamba kang mamamatay kapag sumama ka pa then might as well kumuha ka na ng yate sa may dalampasigan at umuwing mahina."

Napasinghap siya sa naging turan nito sa kanya. Siya pa ngayon ang pinapalabas na mahina? Eh gago pala 'to e. Siya pa? Mahina? Loko 'to ah.

Tinanggal niya ang pagkakapit ng braso nito sa leeg niya at matamang tiningnan. "Kung pinapalabas mong mahina ako then think twice. Ako, nagalaw ng may plano. Hindi yung nagpapadala sa galit."

Nagsukatan sila ng tingin. Kahit na mas kasindaksindak na ang tinging ginagawad sa kanya ni Xenon ay hindi siya nagpatalo roon at tiningnan niya rin ito ng masama.

Kapwa natigilan ang dalawa nang biglang may magsalita sa gilid nila.

"What a pleasant surprise."

Sabay na napalingon ang dalawa at harapin ang may-ari ng boses na si Emmanuel Sy.

"Gabi na ah, andito pa kayo? Hindi ba makatulog?"

Nagtatagis ang mga bagang ng dalawa sa tinuran ni Emmanuel.

Ang hayop, nakuha pang umarte na wala lang sa kanya ang mga nangyayari.

"Anong dahilan mo para ipadakip ako sa mga alagad mo at nagawa mong kakuntyabahin ang mga kagrupo ko?" mariing tanong ni Blare.

Sumilay sa labi ni Emmanuel ang isang mapang-asar na ngisi.

"What are you talking about?"

Hindi na siya nakapagtimpi pa at mabilis na sinugod si Emmanuel. Ngunit bago pa man din siya makalapit ay naharangan na siya ng mga bodyguard ni Sy and pinned him down on the floor.

Hindi pa siya nakakatagal sa pakikipagpalitan ng mukha sa lupa ay naramdaman niyang tumumba na ang dalawang may gawa sa kanya nito. Bumangon siya kaagad at doon nakita niya ang nag-aalab na mga mata ni Xenon habang pinuputok ang hawak na baril ang dalawang bodyguard ni Emmanuel.

Muli niyang sinugod si Emmanuel ng mga segundong iyon. Ngunit dadampi palang sa mukha ni Sy ang kamao niya nang may sumambot no'n at mabilis na inikot ang kanyang braso sa likod niya.

Damn! Mas nagdudugo ang sugat niya.

"Ugh!" daing niya.

"Welcome to hell." Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino iyon. Lalo na nung sinasayad na ng may hawak sa kanya ang kamay nito sa likod ng leeg at marahan iyong hinimas.

Kasiragi!

"Argh!" daing ni Kasiragi nang dumampi sa kamay nitong hahawak sa leeg ko ang balang pinakawalan ni Xenon.

Matalim na tiningnan ng masama ni Kasiragi.

Bahagyang napangisi si Xenon. "'Di pa nga pala kita napapatay."

"Fuck you!"

"I don't give a fuck man, I'm a guy. And you're a gay but I won't let you taste my big friend, asshole."

Kitang kita sa mukha ni Kasiragi ang matinding inis.

Samantalang napapitlag naman ng tingin si Blare nang senyasahan siya na hawakan si Blare.

Oh man! May sugat din siya, 'di mo ba nakikita?

Wala siyang nagawa kung'di ang kunin muli ang baril niya at tinutukan si Kasiragi. Binaril niya ang dalawang braso nito maging ang isa nitong binti nang hindi na makatakas pa.

"Sagutin mo ng ayos ang tanong ni Blare sa'yo, Emmanuel." Utos ni Xenon ni Sy na nginitian lamang siya.

"Well, ang totoo niyan ay makikipag-meeting pa ako ngayon sa lahat ng mga kompanya, organization na lumahok lahat sa GVA Bidding. Bakit? Dahil patay na ang Constellate at patay na ang leader ng Death Keepers... kailangang pagdesisyunan na ang nanalo. Wala ka na rin namang mga kagrupo, Blare, so unfortunately you're disqualified. At ang lahat ng lalabag at madidisqualify ay kailangan nang idispatya."

"Napakahayop mo." Nanggigigil na utas ni Blare kay Sy.

"Alam 'ko, no need to remind. Swerte mo nga't iniligtas ka ng leader ng Warlords. Akalain mo 'yon? Paglalamayan ka na sana?"

Nagtatagis ang bagang niyang tinutok kay Sy ang baril na hawak.

"Papatayin kita..."

"Put it down, Blare." Napalingon siya kay Xenon na nakatapat sa kanya ang baril nito.

What the?

"Ako ang papatay sa kanya... pero bago 'yun," anas nito sabay tutok kay Emmanuel ng hawak nitong baril. "Nasaan ang katawan ni Xyrene?"

"Pilitin mo muna akong sagutin ang tanong mo." Mapang-asar na tono ni Emmanuel.

Walang pasundaling kinasa ni Xenon ang hawak na baril.

"Okay na ba ang pasabugin ko ang bungo mo para lang magsalita ka?! Nasaan?!"

Umiiling iling si Emmanuel kahit na nakangisi pa rin ito. "To tell you honestly, I don't know where. At kahit iputok mo pa 'yan e 'yun at 'yun pa rin ang isasagot ko. Wala. Akong. Alam."

Hindi na pinilit pa ni Xenon kung nasaan ang katawang hinahanap. For some reason, alam niyang nagsasabi ng totoo si Emmanuel. Nasa ngisi lang naman niya masasabing niloloko ka niya. Unlike nung sumagot ito ay naging seryoso ang mukha ng matanda.

Magsasalita na sana muling si Emmanuel nang magsalita at biglang nanumbalik sa kanyang isipan ang isa sa mga kagimbal gimbal na kasinungalingang sumambulat sa binata.

"Paano ako naging anak ni Frontier?"

Bakas sa mukha nina Emmanuel at Blare ang naging katanungan niya. Tila hindi iyon inasahan. Ngunit unang nakarekober si Sy at nakangisi na namang nakatingin sa kanya.

"Sasabihin ko sa'yo lahat ng detalyeng gusto mong malaman sa katanungan mo... pero sa muli mo na lamang na paggising."

Pagkatapos sabihin iyon ni Emmanuel at nag-snap ito ng isa at 'di inaasahang kaganapan ay natumba parehas sina Xenon at Blare. Walang mga malay.

"Saan ho namin sila ilalagay, pinuno?" tanong ng isa sa mga bumaril kina Xenon ng pampatulog.

"Si Blare, sa isang tagong bodega kasama ng lahat ng bangkay na nasawi."

"Si Xenon, pinuno?"

"Sa Lab. Since alam na niyang siya ang anak ni Frontier ay kailangan na natin siyang isalang sa theoretical testing. Na matagal na dapat nating nasagawa."

"Eh ito hong, leader ng White Larynx?" tanong nung bumaril ng pampatulog kay Blare at tinayo si Kasiragi na nagpupumiglas.

Lumapit si Emmanuel sa isa niyang tauhan at kinuha sa baywang nito ang Katanang dala. Mabilis pa sa langgam na winasiwas ni Emmanuel ang patalim sa leeg ng binata, dahilan upang ito'y mapugutan. "Ilagay mo sa basurahan."

Paalis na sana ang mga tauhan niya nang patigilin niya ito.

"'Yung isa sa inyo. Matyagan niyo ang bawat galaw ni Selena. Malakas ang kutob kong nasa kanya ang katawan ni Xyrene."

Tumango ang mga ito bago muling umalis.

Paalis na rin sana siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello."

"Unti unti na nilang nadedecode ang lihim na formula sa Solar Tattoo ni Xenon."

Napangiti siya ng malapad.

"Job well done. Ipagpatuloy mo lang."

"Sige. Emmanuel. Ang pinag-usapan natin."

"Oo, alam ko. Kapag natapos mo na ang pag-alam sa formula na 'yan, ako pa mismo ang maghahatid sa step-sister mong si Claire. Alam kong sabik ka nang makita siyang muli."

"Tuparin mo ang pangako mong makikita ko ang kapatid ko na buhay, Emmanuel. Hindi mo alam kung ano ang kayang kong gawin—"

"I assure you... Altamirano. Bye."

Hindi na matanggal pa ang ngisi ni Emmanuel matapos ang usapan nila ng kanyang spy sa puder ni Xyrene.

Hindi niya talaga lubos maisip na napaniwala niya itong buhay pa si Claire gayong hindi naman.

Tss. Manang mana talaga sa tatay niya at kay Claire. Uto-uto. Don't worry, sa oras na magawa mo ang pinapagawa ko sa'yo? Ihahatid kita sa kapatid mo... sa libingan mo, Eliza Altamirano.

Continue Reading

You'll Also Like

AX4 (Book 1 & 2) By Gigi

Science Fiction

108K 3.4K 52
Be careful criminals.
5.9M 182K 38
Completed [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will...
14M 305K 79
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!
47K 6K 38
Vlogger Series #1 : Shendily Crizelle Lara is a popular college girl from Quaranton College. She has thousands of followers and everybody's admiring...