Chapter 6
Kung meron man siyang nakitang pagkagulat ay saglit lang iyon dahil nakatitig lang ito sa kanyang mukha. “Siguro you’re very good with words aren’t you? Or better yet, maybe you offered yourself to the police para makalaya sa kulungan?” Marahas na tanong nito.
What an actual bastard! If he wants to play dirty, fine! She’ll play dirty!
She smiled bitterly. “Alam mo, Hontiveros, sira na nga siguro yang utak mo! But surprisingly, sa unang pagkakataon ay tama ka! I offered myself to the police para lang makawala sa kulungan! But it worked didn’t it? I’m standing here right in front of you! See the power of my body? I can do miracles na kahit ang batas ay pwede kong malusutan.” Walang kagatol-gatol na sabi niya. She was so furious inside. Pero she had to act cool and collected.
She saw his jaw clenched. “Hindi ka lang pala hold-upper, proud whore ka din pala.”
“Actually, I can also be a total bitch whenever I want to you know.” Nangungutyang ngumiti siya dito.
“What do you mean?” Nangungunot ang noong tanong nito.
“Leave the Oregon Building alone or else..”
“Or else what, woman?”
She smiled sweetly before answering. “Or else sasabihin ko sa media ang nangyaring marriage proposal mo kay Serena which of course didn’t go well as you expected. Imagine kung magkano ang ibibigay na pera sa akin once I tell them.”
Syempre hindi niya iyon gagawin no! Pero she had to fight back to save herself! The guy just called her a Proud Whore for God’s sake!
The next thing she knew ay nasa tabi na niya ito at hinila ang braso niya. “Wag na wag kang magkakamaling gawin ‘yan.”
“Or what, Mr. Suma cum Laude? You’re gonna slap my face with your diploma from Harvard?” Pilit siyang kumakawala sa hawak nito. Pero tila bakal ang pagkahawak nito sa kanya.
Naglabanan sila ng tingin. Nakikita niyang nagtitimpi lang ito. “No. Ipapakulong ulit kita until you rot in jail.”
“Oh. That’s such a harsh thing to say to your future bride, Mr. Hontiveros.” Malamig na sabi niya dito.
Pero na satisfy naman siya sa naging reaction nito. Binitawan na nito ang braso niya pero nakatitig parin ito sa mukha niya.
“Anong sabi mo?”
Sasagutin na niya sana ito nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa ang kanyang ama at isang may edad na lalaki. Pero despite of his age ay magandang lalaki parin ito. Kamukhang-kamukha ni Greg.
“Oh? Gabrielle? Greg? Teka, Gabrielle, anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ng papa niya.
“This beautiful lady right here is your Gabrielle, Miguel?” Tanong ng ama ni Greg kay papa na tumango. Bahagyang nakakunot-noo sa kanya.
Nakita niyang palipat-lipat ang mata ni Greg sa akin at kay papa. Halatang hindi pa na a-absorb ang mga nalaman. Nilapitan siya ng papa ni Greg at inakbayan. “Well, let me do the honor of introducing myself. I’m Gregory Hontiveros Jr. but my kumpadre’s call me ‘Goryo’. Pero you can call me ‘Tito’ o ‘Dad’ if you want.” Ngumiti ito sa kanya na ginantihan niya din.
“It’s a pleasure to finally meet you, Tito Goryo.”
Buti pa ‘tong si Tito Goryo, mabait at malambing. Hindi katulad ni Greg na masungit at nakakainis. Tiningnan niya si Greg. Nakatingin lang ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang reaksyon nito. Nilabian niya nalang ito. Well, bahala ka diyan sa buhay mo!
“Greg, napag-usapan na natin ito kagabi diba? Hindi lang namin inaasahan ng Tiyo Miguel mo na madadatnan naming dito ngayon si Gabrielle.” Ngumiti si Tito Goryo sa kanya.
“Well, mukha namang kumportable kayo sa isa’t isa, why don’t we discuss about the wedding already?” Masiglang patuloy nito.
“Dad, there’s no really need to rush—” simula ni Greg pero naunahan niya kaagad ito.
“That would be a great idea, Tito! No need to waste precious time.” At ngumiti ng ubod ng tamis kay Greg na matalim ang tingin sa kanya. Suffer you bastard!
“Good! It’s settled then. How about we talk about the wedding tonight? Tiyak akong magtatampo si Olivia pag hindi natin iyon isinali sa usapan.” Ngumingiting pahayag ni Tito Goryo. Tiningnan niya ang papa niya. Mukhang masaya naman ito.
“Okay then! Gabrielle, I’m sure you’re not busy tonight. Wag na wag mo ‘tong palalampasin.” Saad ng papa niya. She wasn’t that stupid enough not to know that it was a warning for her. Na kapag palalampasin niya iyon ay tiyak lagot na naman siya.
“I wouldn’t miss it for the world, Pa.”
“Greg, are you free tonight?” Tanong ni Tito Goryo dito. Tiningnan muna siya ng ungas bago sumagot.
“Actually, I already have an appointment with some of my associates.”
“Which I’m sure he can cancel. Right, Greg?” Inosenteng tanong niya dito. Associates my ass! Alam kong tatakas ka lang at makikipagkita kay Serena. Well, Sorry Greg, but I wouldn’t allow that to happen.
“Oo nga naman. What can be more important than planning your own wedding?” Rhetorical question fired away by Tiyo Goryo.
She heard him sigh deeply before answering. “Yeah. Sure. I’ll just cancel it. I’m just as thrilled as you are for planning this gorgeous wedding.” Sarcastic na sagot nito na ikinatawa ni papa at Tiyo Goryo.
Nag-usap muna si Greg, Tiyo Goryo at Papa tungkol sa negosyo. Umupo muli siya sa sofa at pinagmasdan si Greg.
Wala naman talaga siyang planong magpakasal dito. Pero sa pinagsasabi nito sa kanya kanina plus arresting her the other night, this wedding will be a perfect trap for him. Ngayong nalaman din niyang tinanggi ni Serena ang marriage proposal nito, she couldn’t think a more perfect way to torture him. The odds are definitely in her favour.