Strange Hearts (Completed)

By glimpser

42.3K 1.5K 74

A romantic-comedy novel. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Author's Note
Season 2- Chapter 1
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Epilogue
Author's note

Chapter 25

686 24 2
By glimpser

"Anak, bilisan mo na. Naghihintay na sa'yo si Naruto!" sigaw ni Nanay mula sa sala habang nagbibihis ako.

Pagkabihis ko ng uniform ay naglagay naman ako ng lipgloss at konting powder sa mukha.

"Nay, alis na po ako!" paalam ko.

Paglabas ko ng apartment habang nagsusuklay ng basa kong buhok ay natanaw ko na siyang nakasandal sa kanyang motor at nakapamulsa. Naka-uniform siyang white polo at black pants. Inalis niya naman ang kanyang shades.

"Good morning, babe!" nakangiting bati niya.

"Babe?" gulat kong tanong.

"Oo. Simula ngayon, 'yan na ang endearment natin." aniya.

"Ayoko nga! Ang baduy kaya." tanggi ko.

"Basta babe ang tawagan natin." pamimilit niya.

"Halika na nga, male-late na tayo!" sambit ko. Ayaw ko na makipagdiskusyon sa kanya. Umangkas na kami ng motor at isinuot na namin ang helmet.

"Kumapit ka, babe!" kinuha niya naman ang kamay ko at pinulupot sa katawan niya kaya naramdaman ko ang matigas niyang dibdib.

Hindi na ako umangal pa kase late na kami— kaya 'wag kayong anu d'yan. Makalipas ang ilang minuto na parang lumilipad kami sa ere ay narating na namin ang school. Hinawakan niya naman ang kamay ko pero bumitaw ako dahil nahihiya ako.

"'Di ba 'yan ang ginagawa ng mag-boyfriend-girlfri­end? Ang mag-holding-hands-while-walking?" sambit niya.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko pagpasok ng campus. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga babae at kung magtaas sila ng kilay sa'kin, wagas na wagas! At ang iba naman parang multo kami kung tingnan.

"Geh, kita na lang tayo mamaya." paalam niya.

Umupo na ako at kinuha ko ang notebook ko.

"'Di ba boyfriend n'ya si Hiro? Eh ba't kasama n'ya ngayon si Papa Xander?" rinig kong bulong ng babae kong kaklase sa aking likuran.

"Ewan! Baka hiwalay na sila ni Hiro at ngayon naman, nilalandi niya si Xander." sagot nu'ng isang babae.

Huminga na lang ako nang malalim.

'Kalma, Mandy, kalma.' kumbinsi ko sa'king sarili.

Nang matapos ang isang oras naming klase sa Communication ay dumiretso na ako sa next subject kung saan classmate ko si Xander.

"Hi, Mandy!" bati sa'kin ni Demi saka umupo na siya sa tabi ko.

"Hulaan ko kung sino ang pinili mo." aniya. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nangyari kahapon.

"Si Hiro?" bulong niya.

"Hindi." tipid kong sagot pero alam kong nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko.

"Si Xander?!" gulat niyang tanong at tumango naman ako.

Napansin ko naman si Xander na napasulyap sa'kin. Napatingin naman ako kay Demi na ngayon ay sobrang laki na ng mga mata.

"Oh my ghad!" usal niya.

***

Nang matapos na ang klase ay hindi na sumama si Demi sa'min ni Xander dahil baka daw panira siya ng moment. Kaya heto, kami lang dalawa ni Xander ang papunta sa cafeteria na magka-holding-hands.

"Mga brad. Girlfriend ko nga pala. Si Mandy." pakilala niya sa'kin sa mga kaibigan niya. Grabe, nahihiya na talaga ako kase naman, kung makatingin ang apat na lalake na 'to, iba!

"S'ya si Hokage Vince, Niel, Miko, at Harry!" pakilala niya sa'kin.

Hokage? Mga ninja ba sila?

"In fairness bro, ang ganda ng girlfriend mo." sambit nu'ng Niel.

Gusto ko sanang tumugon na 'I know right' kaso nahihiya talaga ako. Hehe. Umupo na kami ni Xander at nag-order na sila ng pagkain. Pero sa 'di inaasahan, nagulat ako nqng bigla na lang sumulpot ang fiancée ni Xander.

"Hi guys!" masiglang bati niya at umupo sa tabi ni Xander sa kaliwa.

"Hi, Amina!" bati ng apat.

"Ow, Mandy! Katropa ka rin nila?" tanong niya nang mapansing nandito ako.

"She's my girlfriend." sagot ni Xander, at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Girlfriend?" hindi niya makapaniwalang tanong at tumaas ang isa niyang kilay.

"Yeah." tipid na sagot ni Xander.

"Are you kidding me?" sa tono pa lang ng boses niya ay halatang naiinis na siya.

"Isusumbong kita!" galit niyang sambit at tiningnan niya ako nang masama. Padabog siyang umalis ng cafeteria.

"Hayaan mo s'ya." wika ni Xander na kalmado lang at ang apat naman ay biglang tumahimik.

***

Nang uwian na ng hapon, sinalubong naman agad ako ni Xander at pinaangkas niya na ako sa kanyang motor.

"Oh. Sa'n tayo pupunta?" tanong ko nang kumaliwa kami samantalang ang tirahan ko ay pa-kanan.

"Mag-mall tayo!" sagot niya. Na-excite naman ako kasi first date namin 'to.

"Happy daysarry!" nakangiting bati niya. May pa-dayssary pa siyang nalalaman.

Pumasok na kami ng mall na magka-holding-hands. Naiilang tuloy ako maglakad.

"Anong gusto mong panuorin?" tanong niya.

"Ayan, gusto ko 'yan!" turo ko.

"Psh. Sige na nga." parang napilitan lang siya. Pumasok naman kami sa loob ng sinehan.

"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba 'ko?"

"No..."

"Then WHY?!!! Bakit mo 'ko nagawang lokohin?!"

Naiiyak ako sa love story nila. Huhu!

Nagulat nalang ako nang may biglang dumamping labi sa pisngi ko.

"B-ba't mo 'ko hinalikan?" bulong ko sa kanya. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko sa ginawa niya.

"Umiiyak ka na kase d'yan." sagot niya. Pambihirang boyfriend 'to, basta-basta na lang nanghahalik.

Naalala ko tuloy 'yung hinalikan niya ako sa labi nung lasing siya na ginusto ko naman. Ay, erase-erase! hindi ko pala 'yun ginusto. Nainis pa nga ako nu'ng gabing 'yun eh!

Nang matapos na kaming mag-sine ay dumiretso na kami sa isang restaurant para kumain.

"Alam mo bang nagseselos ako nu'ng nagba-basketball si Hiro?" sabi niya habang kumakain kami. Muntik pa akong mabilaukan sa sinabi niya kaya uminom na lang ako ng tubig.

"N-nandu'n ka?" nauutal kong tanong.

"Ang corny n'yo." sabi niya sabay ngiting aso.

"Papunas-punas ka pa ng pawis n'ya tapos hinalikan ka n'ya ta's natulala ka na lang. Hahaha." dugtong niya. Nandu'n pala ang mokong.

Uminom ulit ako ng tubig. Bitter alert. Ang awkward nama. Pinag-uusapan namin ang ex ko.

"Alam mo ba, sa mga oras na 'yun, iniisip ko, balang araw mapapasa'kin ka rin? Heto na nga, akin ka na." aniya. Napalunok na lamang ako sa pinagsasabi niya. Speechless.

"Pero nagpapasalamat ako kay Hiro na nag-let-go s'ya sa'yo." aniya.

***

"S-salamat." sabi ko nang maihatid niya na ako sa apartment. Wala si Nanay dahil namasukan siya bilang katulong.

"Pwede bang matulog na lang ako sa inyo?" aniya.

"Ayaw!" pagtanggi ko. Baka may hokage moves pala siyang hindi ko inaasahan.

"Papasok lang naman ako ng bahay n'yo, hindi sa'yo." nakangisi niyang sabi. Para namang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"J-jerk!" tipid kong sabi.

"Ang sabi ko, hindi ako papasok sa kwarto mo, sa sala lang ako." aniya. Ah, ganun ba? Parang ako 'yung madumi ang pag-iisip ah?

"B-basta hindi pwede." sabi ko.

"Sige na nga. Bye." aniya sabay halik sa pisngi ko.

***

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

Mahiwaga By jelo

Short Story

3.9K 145 116
"Pwedeng pa mine na rin sa nagtitinda?" Musika Series #2
20.5K 1.3K 40
[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF Y...
487K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...