Brat Boys Beyond (JaiLene Fan...

By imnotkorina

438K 8.4K 2.1K

More

Brat Boys Beyond
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
AUTHOR's note
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53 (pt. 2)
AUTHOR's Note
CHAPTER 54 (pt. 2)
CHAPTER 55 (pt. 2)
CHAPTER 56 (pt. 2)
CHAPTER 57 (pt. 2)
CHAPTER 58 (pt. 2)
CHAPTER 60 (pt. 2)
CHAPTER 61 (pt. 2)
CHAPTER 62 (pt. 2)
CHAPTER 63 (pt. 2)
CHAPTER 64 (pt. 2)
CHAPTER 65 (pt. 2)
CHAPTER 66 (pt. 2)
CHAPTER 67 (pt. 2)
CHAPTER 68 (pt. 2)
CHAPTER 69 (pt. 2)
CHAPTER 70 (pt. 2)
CHAPTER 71 (pt. 2)
CHAPTER 72 (pt. 2)
CHAPTER 73 (pt.2)
CHAPTER 74 (pt. 2)
CHAPTER 75 (pt. 2)
CHAPTER 76 (pt.2)
CHAPTER 77 (pt.2)
CHAPTER 78 (pt.2)
CHAPTER 79 (pt.2)
CHAPTER 80 (pt.2)
CHAPTER 81 (pt.2)
CHAPTER 82 (pt.2)
CHAPTER 83 (pt.2)
CHAPTER 84 (pt.2)
CHAPTER 85 (pt.2)
CHAPTER 86 (pt.2)
CHAPTER 87 (pt.2)
CHAPTER 88 (pt.2)
CHAPTER 89 (pt.2)
CHAPTER 90 (pt.2)
CHAPTER 91 (pt.2)
CHAPTER 92 (pt.2)
CHAPTER 93 (pt.2)
CHAPTER 94 (pt.2)
CHAPTER 95 (pt.2)
EPILOGUE

CHAPTER 59 (pt. 2)

3.8K 91 31
By imnotkorina

Malalim ang pagbuntong-hininga ni Sharlene. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kahapon, hindi na niya alam kung ano pang mararamdaman. Hindi pa nga niya nasasabi kay Francis ang tungkol kay Jairus, masyadong emotional ito kagabi. Hindi kaya nagtagpo na din ito at si Ella.

Napahinto siya sa paglalakad. Malaki ang posibilidad na nangyari nga ‘yon. Kung nasaan si Jairus, nandoon din si Ella. Siguro nga apat na taon na ang lumilipas, may unresolved issues pa rin sila kanila Jairus at Ella.

Nagulat siya ng may biglang umakbay sa kanya, buti na lang at alam niyang iyon ang hilig gawin ni Paul tuwing makikita siya kung hindi ay baka nabalian niya na ng buto ang kung sino man ‘yon. “Ano ba naman ‘yan Paul, kita mong nagmo-moment ‘yung tao eh.”

Imbis na matakot sa kanya ay ngumiti pa ito. “Bakit ka ba kasi nagmo-moment diyan, nandito naman ako. Ang pinaka-pogi mong kaibigan.”

“Niloloko mo na naman si Sharlene.” Sabi naman ni Nash na nasa likod pala nila.

Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Nakakabigla kais na sa kauna-unahang pagkakataon ay nandoon ang mga ito. Ayaw kasi ng mga ito ang maraming tao dahil baka may bigla na lang lumapit at magpa-picture, kungsabagay, mga mukhang artista naman kasi sila Nash at Paul kaya hindi na nakakapagtaka.

“Ano’ng nangyayari bakit nandito kayong dalawa?” tanong niya sa mga ito. “Ang bigat mo naman.” Sabi niya kay Paul na inilagay na yata sa kanya ang buong bigat ng katawan, matangkad pa naman ito.

“Actually mag-isa lang akong pumunta dito, I was surprised na nandito din pala ‘yan si Paul.” Sabi ni Nash sa kanya. “Can we talk?”

“Wait ako muna, nakita mo ba si Carmella, Sharlene? I was looking for her the whole day and I can’t find her.”

She looked at him suspiciously. “Bakit Paul? Ano’ng balak mo kay Carmella? ‘Wag naman ‘yung kaibigan kong ‘yon.”

“Ouch for that. Ang sakit mo talagang magsalita kahit kailan Sharlene.” Sabi ni Paul na eksaheradong pang naglungkot-lungkutan.

Magkano kaya ito kapag binenta niya sa mga babaeng may gusto dito? Baka maiahon na niya ang Pilipinas sa pagkaka-utang.

“Kasalukuyang nagra-rally ‘yun ngayon.” simpleng sagot niya.

Muntik na siyang matawa sa naging ekspresyon ng mukha nito. “Ra-Rally?”

Tumango siya. “Rally. She’s a feminist. At sa mga oras na ‘to siguro nandoon siya sa isang Exclusive club sa Makati at nakiki-rally.”

Lalong napanganga si Paul sa narinig. “F-Feminist?”

“Yes Paul.” Singit ni Nash. “Feminist, iyong mga nagtutulak ng gender equality at lumalaban sa mga, gaya mo, na nang-aabuso ng mga babae. Ngayong alam mo na, puwede na ba kaming umalis ni Sharlene?”

Tila biglang bumalik sa sarili nito si Paul. “Delikado ‘yung rally ‘di ba? Kailangan kong puntahan si Carmella!” sabi nito at biglang naglakad palayo sa kanila ni Nash.

Nakita niyang napa-iling na lang si Nash sa nangyari. Kahit siya ay gustong mapa-iling. Ang gulo nila Paul at Carmella, mukhang tinalo pa ng dalawa ang lovestory niya.

“Ano nga pala ‘yung sasabihin mo Nash?” tanong niya dito.

“Huwag tayong mag-usap dito. Let’s go somewhere.”

Sumunod siya dito habang naglalakad. Hindi na nila kailangang lumayo. Marami naman kasing mga coffee shop sa paligid ng Malaya kaya nakahanap na agad sila ng lugar kung saan sila puwedeng mag-usap. Sa isang milk tea shop sila napadpad, hindi niya tuloy maiwasang hindi maalala ang mga panahong nagta-trabaho pa siya sa SerendipiTea.

“Nagre-reminisce ka ba Shar? You’re smiling.” Sabi ni Nash sa kanya. Nang malipat ang tingin niya dito, nakita niya itong nakatitig sa kanya habang naka-ngiti.

“Naaalala mo din pala.”

“Of course.” Maikling sagot nito.

“Nash may sasabihin ako sa’yo, pero puwede bang i-sikreto muna natin ito kay Francis?” sabi niya dito habang direktang nakatingin sa mga mata nito. Alam niyang higit sa lahat, ito ang mapapagkatiwalaan niya ngayon. Ito lang din kasi ang nakaka-alam ng tungkol kay Selene.

“Sige. You know you can trust me on anything.”

“Kahapon, bumalik ako sa JSA. S-Sa lakeside, sa mismong lugar kung saan kami unang nagkita ni Jairus, nagkita ulit kami. He’s alive Nash. And he’s back.”

Inaasahan niyang magugulat ito sa sinabi niya, pero nanatili lang si Nash na nakatingin sa kanya at parang walang kabigla-bigla sa kinuwento niya.

“I know Sharlene. Actually last week pa, kahit si Francis nakita na din si Ella.”

Napakunot ang noo niya doon. “Nagkita sila ni Ella? At paano mo nalaman ang tungkol kay Jairus?”

“Hindi lang ako ang nakaka-alam ng tungkol kay Jai. Pati si Paul at Francis alam na ‘yon.” Nang mapansin siguro nito ang galit sa mga mata niya ay bigla siya nitong hinawakan sa kamay para marahil pigilan siya sa kung ano mang maaring masabi o magawa niya. “Ang hotel nila Jairus sa Cebu ang nag-sponsor sa matutuluyan ng grupo nila Francis na magse-seminar doon. Accidentally, Francis saw Ella and he told us about that. Nag-imbestiga siya at nakumprima niya nga na nandito na sa Pilipinas sila Jairus. Hindi pa sinasabi ni Francis sa’yo dahil humahanap pa siya ng tiyempo, isa pa iniisip lang din niya ang kapakanan mo.”

“Isang taon na silang nandito.” Patuloy niya sa kuwento nito.

“I just found that out yesterday.”

“Ano’ng nangyari sa pagkikita nila Francis at Ella? Pumunta sa bahay si Francis kagabi at halatang malungkot.”

“Hindi natuloy ang kasal nila Jairus at Ella, Sharlene.”

Biglang tumibok ang puso niya ng mabilis. Hindi niya alam kung bakit parang nabunutan siya ng isang malaking tinik na ilang taong ding nakabaon sa puso niya. Mali, pero inaamin niyang nakakaramdam siya ngayon ng saya.

Sharlene! Tama na ‘yan, ‘wag na ‘wag mong mararamdaman ulit ‘yan! Tahimik ka na, kasama mo si Francis. Ayo sang mga pamilya niyo, ayos kayong dalawa. Huwag mong sisirain lahat.

Napa-pikit siya doon. Tahimik na nga sila ngayon. Perpekto ang lahat at halos walang problema. Pero nakakaramdam siya ng pagkukulang at hindi niya alam kung paano niya pupunan ang kulang na ‘yon.

“Dahil ba mahal na ni Ella si Francis?”

Iniangat ni Nash ang mukha niya mula sa pagkakayuko. “Or Jairus is still in love with you. And he’s here now because he wanted you back.”

Napa-ngiti siya ng mapait sa conclusion nito. “How could that possibly happen, Nash? I ruined him. Sinabi ko pa sa kanya noon na hinding-hindi ko siya mamahalin.”

“Bakit mo nga ba ginawa ‘yon? Before I left for US before, you told me how much you love him, right? Why the sudden change of feelings?” Napalingon siya sa mga mata nito nang itanong nito iyon. Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya dito ang kasunduan nila ng mama ni Jairus.

“K-Kasi…”

“Huwag kang magsisinungaling sa’kin Sharlene.”

Napatingin ulit siya sa mga mata nito. “’Yung mama ni Jairus, i-inutusan niya akong hiwalayan si Jairus dahil kung hindi sa mga taong malapit sa buhay ko siya gaganti. Sinabi niya rin sa’kin na itatakwil niya si Jairus bilang anak at tagapagmana ng pamilya nila at sisirain niya ang JSA kung lalapitan ko pa si Jai.” Kuwento niya dito sa nanginginig na boses. Bigla ding pumatak ang luha niya matapos alalahanin ang lahat ng nangyari bago noong araw na makidnap siya at mawala si Jairus sa buhay niya ng limang taon.

Those are the most painful memories of her life. Kung maaari lang na hindi na niya maalala iyon ay ginawa niya na. Kaya lang kasama sa mga ala-ala na iyon si Jairus kaya siguro hindi niya magawang lumimot.

“Mahal ko siya Nash. Mahal na mahal ko siya noon.” sabi niya sa gitna ng mga paghikbi. “Pero ano’ng magagawa ko. Paano ako mananatili sa tabi niya kung alam kong handang sirain ng mama niya ang buhay niya. Wala akong pagpipilian, kahit na gustong-gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kailangan kong sundin ang utos ni Mrs. Aquino.” She can’t help but cry as she recalls, not just the memories, but also the pain she felt five years ago while looking into Jai’s lonely face.

“Kung alam ko lang na mangyayari iyong pagkidnap ni Bj sa’kin para bugbugin siya, sana bumalik ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kung nalaman ko lang na ganito ang mangyayari sana pala umamin na lang ako, sana hindi ko na sinaktan ang damdamin niya. Nagsisisi ako Nash, at hanggang ngayon nasasaktan ako.” Patuloy niya habang tahimik pa ring humahagulgol. Mabuti na lang at walang masyadong tao doon kaya malaya siyang nakakaiyak.

Lumapit si Nash sa kanya at lumuhod sa harapan niya. Inabot nito ang sariling panyo para ipamunas sa luha niyang wala pa ring hinto sa pagbagsak. Pilit din nitong hinahawi ang buhok niyang tumatabing na sa mukha niya.

“Sa mga oras na ‘to, hinihiling ko na sana hindi na lang ako umalis noon Sharlene. Natulungan sana kita, hindi ka sana umiiyak ngayon sa harapan ko.”

Umiling siya. “Wala kang kasalanan dito Nash.”

Nang masiguro na ayos na siya, bumalik na ito sa upuan. “What do you want us to do now?”

“Hindi ko alam Nash. Mukha namang okay na si Jai eh.”

“Mukha.” He said then sips on his milk tea. “But we really don’t know what he really feels. Sa totoo lang Sharlene, gusto kong bumalik na siya sa’tin. Gusto kong malaman kung ano’ng nangyari sa kanya noon. Gusto kong bumalik ang F4.”

“Ano’ng pumipigil sa’yo?”

Umayos ito ng upo at tumingin sa mga mata niya. “Si Francis. Mahal ka niya. Dahil kung hindi, hindi niya sasaktan si Ella ng ganoon noong magkita sila kahapon.”

Kinabahan siya sa narinig. “S-Sinaktan?”

“Verbally. Masyadong naapektuhan si Ella sa mga nasabi ni Francis, nakakabigla din na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa ni Francis ‘yon. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ‘yung feelings ni Francis sa kanya, tama?”

“Gi-Ginawa niya ‘yon?” Kung hindi lang siguro nito binanggit ang pangalang Francis ay hindi niya iisiping si Francis nga ang gumawa no’n kay Ella. Naalala niya tuloy ‘yung pagyakap ni Ella kay Jairus kahapon bago siya umalis sa JSA.

“Mahal mo din si Francis, tama?”

Mahal. “Bakit naman hindi, Nash. Mabait si Francis, mabait ang pamilya niya sa’kin at tanggap kami ng----“

“My question is answerable by yes or no.”

“Y-Yes.”

Ilang sandali pa silang nanatili ni Nash sa milk tea shop bago napagpasyahan na maglakad muna bago umuwi. Siguro nga ito ang kailangan niya sa mga oras na ito. Kausap. Iyong talagang makaka-intindi sa kanya at sa pinagdadaanan niya.

Hindi naman niya masabi ang lahat kay Francis, alam niyang may sarili din itong pinagdadaanan sa pagbabalik ni Ella. Masakit pero alam niya sa sarili na sa puso ni Francis, si Ella ang nagmamay-ari ng pinaka-malaking bahagi. Ang mga ito ang lumaki ng magkasama. Nasanay si Francis na si Ella ang kasama at pino-protektahan. And again, just like before with Jairus, she’s competing again with her love’s first love.

“May tanong ako Sharlene.” Sabi ni Nash sa kanya na nakapagpa-lingon sa kanya dito.

“Ano ‘yun?”

Huminto sila sa paglalakad. “Paano kung babalikan ni Francis si Ella, ano’ng gagawin mo?”

She was caught off guard with his question. Oo nga. She never thought of that possibility. Paano nga kaya kung babalik si Francis kay Ella? Hindi imposible iyon.

“Hindi ko alam Nash.” tumalikod siya dito at dahan-dahang nagsimulang maglakad. “Alam kong mahal ni Francis si Ella sa kabila nang kuwento mo sa’kin na pananakit niya dito. Hindi naman siguro siya magiging ganoon ka-apektado kung wala lang si Ella sa kanya, tama? Pero siguro hahayaan ko si Francis kung mangyari man iyon. Sa halos limang taon naming magkasama walang siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako. Kaya kung isang araw lumapit siya sa’kin at hilingin niyang maging malaya, papayag ako.”

“Alam mo Sharlene, nakakainis ka.” Napalingon siya kay Nash. “Bakit lagi mong sinasakripisyo ang kaligayahan mo para sa ibang tao. Minsan hindi na matapang ang tingin ko sa’yo eh, tanga na.”

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Oy! Sobra ka na ha. Hindi ako tanga ‘no. Ikaw, alam mo ba ang tingin ko sa’yo? Tagapagdala ng masamang balita.” Muntik siyang matawa sa reaksiyon ng mukha nito. “Tuwing lalapit ka sa’kin, feeling ko may masamang nangyari palagi.”

“At least, nakakatulong.” He said seriously.

Ngumiti siya at inakbayan ito. “Oo naman ‘no. Ang laki ng tulong mo sa’kin, kumbaga sa buhay ko, ikaw si reality.”

Natawa ito sa kanya bago siya kinurot sa pisngi. “Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong, kahit ano’ng desisyon ang piliin mo Sharlene, always remember that I’m at your back. I’ll support and protect you no matter what.”

With his words she realized one thing, that throughout this painful journey she found a best friend with Nash. Someone who doesn’t have to be her boyfriend, but will always be there to protect her.

-------------------------------------------------------------------------------

A/N: May hugot 'yung huling dalawang sentences haha XD

BTW, sorry sa matagal na pag UD, will update again later after Wansa. punta tayong twitter at magpa-trend. Ipakita natin kung gaano kalakas ang JaiLene ngayon at kung bakit sila deserving magkaroon ng solo project :)

#JaiLeneWansaMagicalEnding

PS: Sana hindi ito ang last project ng JaiLeneCisPaul :))love ko talaga sila hihi

Continue Reading

You'll Also Like

62.8K 2.2K 40
Mabait,masayahin,simple,mapagmahal,palakaibigan,mayaman,at matalino, yan si Raquelle Chloe Gonzales. Halos lahat ay nasa kanya na, perfect family, pe...
1M 4.4K 6
Never Fall In Love To A Gangster Book 2 na po ito Basahin niyo muna ang NEVER FALL IN LOVE TO A GANGSTER bago niyo basahin ito para hindi kayo ma...
562K 11.3K 51
The Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't...
43K 693 22
BOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their sto...