She's The Bad Boy's Princess

De VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... Mai multe

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 32

212K 6.7K 522
De VixenneAnne


Napatayo ako nang makita kong na-out balance si Rianne habang sumasayaw, tinuturuan niya ang tatlong mga bagong estudyante sa Westside na mukha namang mga tanga, paulit-ulit na di pa nakaka-kabisa. Nakakapikon pa ang laging nilang pagsulyap sa gawi ko, ayoko ng pinapansin ako o tinitingnan ako, nagbabago kaagad ang mood ko at gusto kong makasapak ng tao para kumalma. Isang tingin pa sa akin ng mga ‘to sasamain na talaga sila sakin.

“Are you ok?” tanong ko kay Rianne. Ngumiti lang siya sakin at nagthumbs up. Mabuti naman. Ayaw na ayaw kong nasasaktan siya, nung bata pa ako naging gawain ko na na bantayan siya sa tuwing may praktis siya, at sa tuwing natutumba siya napipikon ako sa sahig. Di ko akalaing pagkalipas ng ilang taon, ganito pa rin ang magiging sitwasyon namin. Para pa rin akong asong buntot ng buntot sa kanya. Nakakasawa na din minsan, pero wala akong magagawa, gusto ko siya at siya ang babaeng pakakasalan ko balang araw.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ko.

“Oh Jiro.”

“Nasaan ka?” tanong nito.

“Nasa ballet studio, kasama ko si Rianne. Bakit?”

“Wala naman. Akala ko nasa parking ka na eh. Sabay ba kayo ni Sofia uuwi?”

“Oo. Nasa parking na siya? Hayaan mo siyang maghintay para magalit at lalong pumangit! ” sinabayan ko pa ng malakas na tawa.

“Wag kang masyadong masaya. Hindi pangit si Sofia, isa siya sa pinakamagandang babaeng nakilala ko. Medyo baduy lang siya pumorma at medyo old fashion ang itsura pero maganda siya.”

tsk. Gusto yata ng kumag na ito na pakainin ko sa kanya ang cellphone niya. “Ano bang sinasabi mo?”

“Hindi ka naman nagtagumpay. Wala siya sa parking.”

Kumunot ang noo ko, nagsimula na ding umasim ang mukha ko. “Nasaan?”

“Nandito sa quadrangle. Nagtayo ng band si Zirk. Gusto mong makita?” Nagvideo call request si Jiro, sinagot ko agad iyon. Tumambad sa akin ang maraming estudyante ng Westside na nakapalibot sa quadrangle. Tapos nakita ko ang tinutukoy ni Jiro, kumakanta nga si Zirk.

“Shit. James Reid?” Putangina. Kung titingnan parang kumakanta si Zirk para sa lahat pero, napapansin kong puro sulyap kay Sofia ang ginagawa ng loko.

Tumawa si Jiro. “Sinasabi ko lang sayo, para wag ka nang maghintay kay Sofia sa parking. Nag aalala ako baka atakehin ka na naman ng sakit mo.”

“Ulol.” anong sakit ang sinasabi nito. “Nasan si Alien? Bat nandyan siya? Papuntahin mo sa parking, uuwi na kami.”

“Mauna ka na, baka kay Zirk siya sasabay. Tingin ko pinopormahan ni Alcantara ang Alien mo.”

Humigpit na bigla ang hawak ko sa cellphone. Ano daw? Totoong interesado si Alcantara kay Alien? Panu nangyari yun? “Anong klaseng mga babae ba ang dina-date ng gagong yun? I’m sure hindi si Sofia ang tipo niyang babae.”

“Bakit? What do you know about him? Ang mundo mo umiikot lang sa sarili mo at kay Rianne, wala kang pakialam sa lahat ng tao sa paligid mo kaya anong alam mo sa gusto at hindi gustong babae ni Alcantara?”

“Tsk. Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Gusto ni Zirk si Sofia? Alam niya ba kung ano background at kung ano ang social status ni Sofia?” Hindi ko maiwasan na mapikon. “ Hanapin mo si Sofia, sabihin mo pumunta na sa motor. Babalian ko siya ng buto pag nauna pa akong nakarating sa kanya sa parking.”

Inis kong pinatay ang phone. Hinahamon talaga ako ng Alcantara na yun. Hindi ba siya makaintindi na off limits si Sofia? Walang pwedeng pumorma sa Alien na yun na taga Westside. Kahit madalas akong walang pakialam sa paligid, hindi ako ganun ka manhid para hindi malaman na halos lahat sa mayayamang kabataang nag aaral dito ay nakaplano na ang buhay, pinlano na ng mga magulang nila. Kasama na doon ang aasawahin ng bawat isa sa kanila. Kung balak paglaruan ni Zirk ang damdamin ni Alien, pwes, humanda siya sakin. Paglalaruan ko din muna siya.

“Rianne. I gotta go. Matatapos ka na di ba? Call me when you’re home.”

Sumimangot si Rianne. “Hindi mo ako ihahatid?”

“Something came up. Saka wala akong kotse, hindi ka pwede sa motor ko.”

Kaagad kong tinakbo ang parking. Inasahan kong aabutan ko si Sofia doon na naghihintay sakin pero wala akong nakita. Hindi ba siya nahanap ni Jiro? Peste, naasar na talaga ako! Tinawagan ko si Jiro. “Nasan na?” galit kong bungad.

“Ayaw pang umuwi eh. Nag eenjoy pa.” sagot nito.

Badtrip!!

Sa asar ko wala sa loob na nasipa ko ang gulong ng motor ko. Di ko inaasahang masisira ko iyon. Gago, ganun na ba ako kalakas? Tsk. Kasalanan ni Alien to, puro sakit nalang ng ulo ang binibigay sa akin. Kung totoong nanliligaw sa kanya si Zirk, hindi niya dapat inientertain yun. Bukod sa delikado siya sa bastos na yun, alam niya dapat na hindi siya seseryosohin ng gagong yun. Mukhang pati sa relationship patanga tanga si Alien. Hindi pwede na si Alcantara ang maging unang boyfriend niya. Masasaktan lang siya.

Medyo malayo ang quadrangle, kinailangan ko pang tumakbo para lang makarating doon. Mukhang hindi ko inabutan ang show, sayang naman. Mukha magandang palabas ang palunukin ng microphone at isang buong electric guitar si Alcantara. Ang kupal, ang lakas ng loob!

Nasaan na ba kasi ang Alien na yun!

Namataan ko si Alcantara na umaakyat sa stairs ng overpass. Nang tumingin ako sa itaas, nakita ko si Alien, tsk! Tumakbo ulit ako, sa kabilang hagdan ako dumaan, walanghiya pagod na ako. Pinapagod talaga ako ng Alien na ‘to.

“Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko diretso sa parking pagkatapos ng klase?” asar na asik ko sa kanya. Habang ang mga mata ko ay tumatagos sa mukha ni Alcantara na nasa likuran na ni Alien, nauna akong nakalapit kay Sofia kaya natigilan ito at hindi na tumangkang lumapit pa. Dapat lang.

“Pwede mo naman akong iwan kong gusto mo!” ganti niya sakin.

“Sumasagot ka pa! Lakad na!” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makita si Alcantara. Kaagad ko na siyang hinila sa braso. Ang sarap kaladkarin ng Alien na ito, kahit hindi niya sabihin nakikita ko sa pagmumukha niya na kilig na kilig siya sa naging kanta ni Alcantara. Namumula pa ang pisngi parang nadikitan ng ketchup.

“A-aray masakit!” reklamo niya. “San ba tayo pupunta?”

“Uuwi.”

“Di ba nandun yung parking?” turo niya sa kasalungat na direksyon.

“Mas marunong ka pa. Dito tayo dadaan. Sira ang motor ko, hindi tayo pwedeng sumakay doon.”

Napatunganga si Alien sa sinabi ko. Medyo malayo-layo ang lalakarin namin bago makalabas ng gate ng school, ito ang unang beses na maglalakad ako palabas kaya wala akong ideya kong gaano kalayo pag nilakad.

Nang bitiwan ko siya, sumunod na rin siya. Mas malalaki ang mga hakbang ko sa kanya kaya nasa likod ko siya.

“Bilisan mo!” baling ko kay Alien.

“Ano ba kasing nangyari sa motor mo? Wag mong sabihing binangga mo na naman sa kung saan? Nakasira ka na naman ba?” pilit siyang tumatakbo para makahabol sa akin. Ang iiksi kasi ng mga paa eh!

“Anong akala mo sakin, takaw-away? Wala akong sinira!”

Tumango siya pero parang diskompiyado pa rin. “Seryoso ka maglalakad nalang tayo palabas ng gate? Malayo-layo din kasi--”

“Eh sa wala akong sasakyan eh.”

“Ah. Di ba tayo sasabay kila Jiro? Hindi pa ba sila uuwi?”

Tumigil ako para lang titigan siya ng masama. “Gusto kong maglakad palabas ng gate, may reklamo ka pa? Maghahanap ka ba ng ibang may sasakyan dahil wala ako ngayon?”

“Ang sungit mo. Nagtatanong lang ako! Bakit ba ang sama na naman ng mood mo?”

Irap ang sinagot ko. Hinayaan ko nalang siyang maglakad sa likod ko. Umikot ang mata ko nang tumigil sa tabi niya ang kotse ni Zirk.

“Naiwan mo yata ito.” nagsalubong ang kilay ko nang makita kong inabot ni Zirk ang isang kumpol ng mga bulaklak kay Sofia. “Ang bilis mong umalis kanina sa quadrangle, hindi tuloy kita nalapitan..”

Dito pa talaga sa harap ko naglandian??

“Ang dami mo ngang fans eh, ok lang pala na hindi ako pumunta. Congratulations nga pala.” ani Sofia, tinanggap pa ang bulaklak . The fuck. She gotta be kidding me! Tapos hindi man lang ako pansinin ni Alcantara kahit nasa harap lang nila ako?

“Naglalakad ka?” puna ni Zirk kay Sofia.

Tarantado. Hindi yata obvious, matindi ang tama nito sa mata.

“Eh, nasira ang motor ni Jave eh, kaya walang choice.” Dun lang sumulyap si Zirk sa akin. Sinigurado kong makikita niya ang pinakamabangis kong mukha.

“Gusto niyo bang sumabay?”

Nagningning ang mga mata ni Sofia, halatang gusto niyang sumakay.

“Jave tar--”

“No.” I cutted her off dahilan para humaba ang nguso niya. “Kung gusto mong sumabay ikaw nalang, maglalakad ako.” nakapamulsa kong turan. Gusto kong subukan kung ako ba ang pipiliin niya sa pagkakataong ito. Kung sasama siya kay Zirk, madali siyang makakauwi, samantalang pag sa akin, mahaba pa ang lalakarin namin.

Asar akong tiningnan ni Sofia. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Binuksan pa ni Zirk ang pinto ng sasakyan para makapasok si Sofia. Nang tingnan ko ulit ang mukha ni Sofia, walanghiya parang sasama pa yata, hindi ko talaga siya mapapatawad kapag si Alcantara ang pinili niya ngayon, makikita ng Alien na ito kung paano ako magalit.

“Ah. N-next time nalang Zirk. Kailangan kong magbantay ng nakakaasar na Paniki eh. Mauna ka nalang..”

Tiningnan ako ni Zirk. Tinaliman ko lalo ang tingin ko dito. Gusto kong iparating na hindi ko gusto ang mga ikinikilos nito, mag iingat ito.

“Sige, ikaw ang bahala. Next time then..” tumawa na naman si Zirk kay Sofia. Sa susunod puputok na nguso ng kupal na ‘to. Sinusumpa ko.

Continuă lectura

O să-ți placă și

93.3K 1.5K 39
Jazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and li...
9.7M 176K 63
[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
33.5K 1.4K 66
She waited for him. He comes back, but he cannot remember her. Maipagpapatuloy pa kaya nila any dating naudlot na pagmamahalan?