BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 09: The Gods Playing in G Co.

13.9K 244 18
By vixenfobia

Confession 09: The Gods Playing in G Co.

 

 

Clover’s POV

 

He’s now sleeping, right here beside me though may katabi rin siya sa kabilang side at least magkatabi ang chair namin, diba? Since the first time I saw him, I started to like him despite of him being a Casanova. He plays with girls using his charm and oozing sex appeal (>///<) omo! I’m being maniac, but I just can’t help it… I love looking after him. I love stalking him. I love checking him. I love him here with me.

 

*Sigh*

 

Bakit ba naman kasi pinakita pa ni daddy ang picture ng pamilya nila samin noon? Yan tuloy, naging crush ko pa ang lalaking ito. Oo, matagal ko na siyang crush… since 5 years old. Ang sungit pa nga ng mukha niya sa picture pero mahahalata mong magiging babaero siya kahit na ang bata niya pa noon. Pero ayos na sakin 'yon, tanggap ko naman siya.

 

Gusto ko siya… gustong-gusto.

 

 

Itinago ko na ang notebook sa bag ko at pinagmasdan ang katabi kong kanina pa natutulog sa armchair niya. Kahit kailan, napakaantukin nito. Pasimple kong inayos ang suot niyang malapit ng malaglag na headphones saka nangalumbaba sa airmchair ko.

If you only knew, Colix.

 

Nagulat ako ng sumipa ito sa kaharap niyang upuan- actually hindi lang ako ang nagulat, pati na rin ang blockmates namin at prof. Wag mong sabihin na hanggang sa panaginip… erotic and adventurous siya? Ay! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

Umangat lang ito ng tingin at inalis ang headphones niya at thanks to him dahil doon lang napansin na malapit na naman sanang mag-overtime ng turo ang prof namin. Nagdismiss naman agad ang prof at inaya na niya akong lumabas noong mapansin kong hindi pa pala gising ang kanina pa ring tulog na si Charm. Nakita kong nakasandal lang si Colix sa pader malapit sa pinto na nag-aantay samin.

Marahan kong inalog-alog ang katawan ni Charm habang tinatawag pa ang pangalan nito upang magisng. Hindi naman nagtagal ay nagising na ito at nag-ayang lumabas nan g mapansing wala na kaming kasamang iba roon pero nakakapagtakang matamlay ito at namumula ang balat lalo na ang mukha nito, ni hindi nga nito inaway si Colix samantalang walang palya ang pagiging aso’t pusa ng dalawang 'yan. Minsan nga hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng kaunting selos dahil sa closeness nilang dalawa kahit na ngayon lang sila nagkakilala- and I call it closeness kahit na ganyan ang turingan nila.

Syempre masaya na naman ako habang kasabay kong naglalakad si Colix, sinusundan lang namin ang matamlay na si Charm. Hindi ko nga maiwasang hindi siya titigan habang nagsasalita and I even saw those drroling girls na halatang naiinggit dahil pinapangarap din nilang makasama ang babaerong ito.

“Dalhin na kaya natin 'yan sa clinic?” napatingin ako sakanyang nagtataka. “Oy, hindi ako concern sa babaeng 'yan ha! Nakakairita lang talagang tingnan ang katamlayan niya, nakakahawa. Mamaya himatayin pa 'yan habang naglalakad, kargo pa natin 'yan. Psh.”

 

Ngumiti ako. Pinilit kong ngumiti sa harapan niya. “Ang exagge naman Colix, wala pa nga akong sinasabi e,”

 

“H-Hindi a, inaadvance ko lang dahil alam kong iyon ang iisipin mo. Psh. Bahala ka nga diyan basta hindi ako concern sakanya.” Iniwan niya akong nakatayo doon still wearing my smile. Nakita kong lumapit siya kay Charm at sinalat ang noo at mga kamay nito. Nag-usap lang sila doon hanggang sa bigla na lang hinatak ni Colix ang kamay ni Charm papunta sa direksyon ng clinic.

He’s running away with her and totally forgotten about me. Unti-unti silang nawala sa paningin ko, kasabay ng pagkawala ng ngiti sa labi ko.

 

Nanatili ako sa kinatatayuan ko, nagbabakasaling maalala ako ni Colix at balikan dito pero lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin. Tumalikod na ako at akmang aalis ng marinig ang ilang bulung-bulungan sa paligid ko… they’re talking about Temple Island.

Bigla kong naalala si Charm. Siya ang nagliligtas sakin tuwing darating ang grupo ni Coller. Mahina siya ngayon, paano siya makakalaban? Sana hindi siya pabayaan ni Colix.

Nagtatakbo ako sa mga nagkukumpulan at doon nakita ang mainit na diskusyon ni Colix sa Temple Island habang si Charm ay nanghihinang nakatago sa likuran ni Colix. Mabuti na nga lang at hindi nasuntok ng basagulerong Coller na 'to si Charm dahil kung hindi, ako ang makakalaban niya.

Imbes na magpakita pa sakanila ay dali-dali kong tinakbo ang Building A nang makitang naglalakad si Alice-nee sa hallway. Mabuti naman at naabutan ko siya, mabilis ko siyang hinatak kahit na gulat pa ito at hingal na hingal pa ako saka ko ibinalita ang nangyari.

“Where are they?” malamig na tanong ni Alice-nee habang nakayuko pa rin ito. Natatakot ako sa blangkong mga mata niya.

“Onee…” tanging naiusal ko na lamang.

 

“Clover, where are they?” ulit nito at malamig akong binalingan ng  tingin dahilan upang mas dumoble ang kaba, takot at panginginig ng mga kamay ko.

I have no choice. Parang mas hindi ako bubuhayin ng babaeng kaharap ko kung sakaling hindi ako magsasalita ngayon. “G Co.” halos pabulong na sambit ko.

“Come with me,” she said in monotone. I don’t wanna die here kaya mabilis akong tumango at sinamahan siya papasok ng elevator papuntang groundfloor nang may isang brasong pumigil sa pagsara ng pinto nito at bumungad sa harapan namin ang isang gwapong Oz Bezarius- sinong hindi makakakilala sa isa pang womanizer na ito?

“Where are you going Alice?”

 

“It’s none of your f*cking business Oz. Get out!” inis na sigaw ni Alice-nee habang patuloy na pinipindot ang close ng elevator pero hindi pa rin nagpatalo si Oz at mabilis na pumasok the moment na nagbukas ito. “F*ck,” I heard Alice-nee said in whisper ng pumagitna pa talaga samin si Oz.

“I’ll go with you-”

 

“No,”

 

“I’ll go with you, whether you like it or not,” matigas na sambit ni Oz. Wizard and Goblin naman ata ang dalawang ito, pasimple na lang akong napapailing. Ilang sandali lang ay nasa grounfloor na kami and it’s amazing that with those heels ay talagang nagawa pang tumakbo gracefully ni Alice-nee papunta sa parking lot. Hindi naman lumalayo sakanya si Oz at agad rin itong pumasok sa sasakyan niya.


“Clover! Get in.”
Hindi na ako nagdalawang isip ng marinig ang sigaw ni Alice-nee at agad akong pumasok sa dala niyang Jaguar.

Sinabi ko lang sakanya ang daan at sa totoo lang ay nagdadasal na ako ngayon sa isip ko n asana ay buhay pa akong makarating sa G Co. Paano ba naman ay sobrang bilis niyang magpatakbo at idagdag mo pa ang seryoso at malamig na tingin nito sa daan. Napapakapit na nga lang ako sa gilid ng pinto at dashboard. Hindi na rin ako nagtangkang magsalita lalo na't nakikita ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela. Those grips, baka lumanding pa 'yan sa leeg ko kapag ininterupt ko ang concentration niya.

Kitang-kita ko rin ang mabilis na pagpapatakbo ni Oz sa dala niyang Gallardo na nakasunod lang samin.

“Is Temple Island that dangerous?” Napalingon ako sa katabi kong seryoso pa rin ang mukha. Hindi naman na siya nagsalita matapos kong tumango bilang sagot.

“Diyan sa may malaking gate onee, 'yan na ang G Co.” turo ko pa sa gate sa harapan namin. Agad naman niyang inihinto ang sasakyan na sa sobrang tindi, I seriously heard it’s wheel screeched.

Natulala pa ako ng ilang segundo dala ng matinding kaba sa byaheng impyernong naranasan ko to the point na hindi ko na napansin ang mabilis na paglabas ni Alice-nee ng sasakyan ng walang salita. Lumabas rin naman agad ako at sinundan ito na nakatayo sa harapan ng gate habang papatakbo naman sa tabi niya ang kadarating lang na si Oz-kun.

Hindi ko alam kung lalapit pa ba ako sakanilang dalawa, nakikita ko pa lang ang mga seryoso nilang mukha kinakabahan na ako para sa Temple Island. “Onee…”

 

“So this is the G Co., tss,” mahinahon nitong sambit habang binubuksan ang gate bago humarap muli sa kinatatayuan ko. “Sasama ka ba sa loob?”

 

Mabilis akong tumango. Napangiti naman ito. “My friends are on the other side of that… gate,”

 

 

 

 

Charm’s POV

 

“T*ngna naman! Bitawan niyo nga ako,” inis kong sigaw sa dalawang lalaking nakahawak sakin. Doon ko lang napansin na si Tao at Kris pala ang nakahawak sa magkabilang braso ko. Sinong hindi maiinis kung paulit-ulit ko na nga silang minumura, wala pa ring tinag. Parehong walang pakialam 'tong dalawang ito sa mga sinasabi ko.

“Charm.” Banggit ni Tao sa pangalan ko kaya tiningnan ko siya kasama ang matatalim kong tingin. “Shut up,” dugtong nito na walang kabuhay-buhay. Sa totoo lang gusto ko na pagsasapakin ang mga 'to kung hindi lang talaga nanghihina ang katawan ko ngayon.

Tiningnan ko si Coller sa rear view mirror and as if naramdaman nito ang presensya ng mga tingin ko ay sinilip niya rin ako sa salamin. Nagtama ang mga mata namin pero mas nabwisit lang ako ng ngumisi lang siya. Kung ako lang ngayon ang nasa posisyon ni Aldous na walang bantay, ibinangga ko na itong kotse saka tumakas palabas. Hahayaan ko ng mamatay 'tong tatlong ugok na ito rito. Tch!

Si Coller kasi ang nagdadrive ngayon papuntang G Co., habang katabi nito ang walang imik na si Aldous at dahil ako lang ang kanina pa palag ng palag, pinaggitnaan ako nitong Tao at Kris na ito dito sa backseat habang hawak pa ang magkabilang braso ko. Aish! Gusto ko na sabunutan itong damuho na ito!

“We’re here,” masayang sambit ni Coller bago bumaba. Nakita kong tumayo lang ito sa tapat ng isang higanteng gate bago bumalik sa sasakyan at sinilip ako. “Save your energy Charm lalo na't hindi pala ganoon kaganda ang kondisyon ng katawan mo ngayon,” ngisi pa nito.

“Puny*ta kayo! Bitawan niyo nga ako at bababa ako!” sigaw ko sa loob habang pumapalag, naramdaman ko lang naman na humigpit ang kapit ng dalawang lalaki sakin kaya patago akong napapangiwi. Pasalamat talaga sila at may sakit ako ngayon, kun'di sa kangkungan silang tatlo pupulutin.

Narinig ko naman ang nakakabwisit na tawa ni Coller habang napapailing ito. “Ilabas niyo na nga 'yan,” sambit nito bago humarap sa kanina pang tahimik na si Aldous. “Ikaw rin newbie.”

 

 

Nakita kong tumango lang ito bago lumabas ng hindi ako nililingon. Nakakainis! Ano bang problema ng lalaking 'to? Una, nakisawsaw na siya sa laban na hindi naman dapat sakanya. Pangalawa, dahil sa ginawa niya ay araw-araw na ring pepestehin ng Temple Island ang buhay niya. Pangatlo, haharap siya sa gulo na hindi naman dapat sakanya. Pang-apat, tinatanggap niya lang lahat 'to at panglima, kanina pa niya ako hindi pinapansin!

Leche! Leche siyang damuho siya. Tch!

Imbes na magreklamo ay nanahimik na lang ako habang kinakaladkad ng dalawang kapre na ito palabas ng sasakyan. Wala naman akong mapapala kung makikipagtalo pa ako sa mga walang emosyong ito, sasakit lang ang lalamunan ko kakasigaw at kakapalag.

Dinala nila kami sa loob ng G Co. at doon tumambad sakin ang mga usok mula sa mga kaaalis lang na sasakyan na lumalaban sa racing. Mga ordinaryong taong nakahalo sa mga mafia at gangster habang nagkakagulo sa kaniya-kaniya nilang mga manok sa laban. Sa kabilang side naman nito ay motor racing. Muli ay kinaladkad na naman nila ako papunta sa isang tabi at itinapon sa matigas ng bench. Leche! Ang sakit sa pwet. Sinamaan ko lang ng tingin ang dalawang lalaking katabi ko pero tulad kanina ay wala naman silang pakialam.

Nakatayo lamang si Aldous sa harapan ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaharap niyang si Coller. Walang salitang lumalabas sa bibig nilang dalawa, tanging seryosong mukha lang ni Aldous at ngising aso ni Coller.

Ano bang binabalak niya?

 

 

“Hanggang ngayon, curious pa rin ako sa'yo newbie. Ano ka ba ni Charm at pinagtatanggol mo siya ngayon?” tanong ni Coller habang nakaturo pa sakin. Ibinaling ko kay Aldous ang tingin ko pero napataas lang ako ng kilay sa ginawa niya.

Bigla na lamang itong tumawa habang nakataas pa ang dalawang kamay nito na nakahawak sa likuran ng ulo niya. Tinitigan niya si Coller saka ito ngumisi. “Pwede tapusin na lang natin ang deal na 'to? Masyado kang madaldal. Di ka tumulad sa dalawang kasama mo, mas tahimik pa sa estatwa.”

 

“Anong!?” akmang susuntukin ni Coller si Aldous pero hindi niya naituloy ng hindi manlang kumurap ang kaharap niya. “Huh! Tama ka, tapusin na ito ng makuha ko na si Clover sa inyo-”

 

“Hindi mo siya makukuha. Gago!” putol ko sa sinasabi niya.

Binalingan niya lang ako ng tingin saka nilapitan at mahigpit na hinawakan sa panga. “Minsan nga magmumog ka ng holy water, Charm the cussing machine.” Sabay marahas na binitawan ang mukha ko. Sige lang, may utak pa ako para dito ka katayin at pagmumurahin.

Sinamaan ko naman ng tingin si Aldous ng humalakhak siya. Kung nakakasugat ang tingin, duguan na ang damuhong ito! Aish! Yung init ng lagnat ko, naconvert na sa init ng ulo dahil sa apat na lalaking ito. Napabuntong hininga na lang ako saka isinandal ang katawan ko sa bench na inuupuan namin ngayon, doon ko lang din napansin na hindi na pala hawak ng dalawang kapre ang braso ko.

Pasimple ko silang tiningnan na parehong nakaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok. Kahit anong gawin nila, di na mag-iimprove 'yan.

“If you’re thinking to escape, magsasayang ka lang ng pagod.” Dahan-dahan akong napaharap kay Kris na hindi naman ako nilingon.

“Hindi naman kami ganoon katanga para patakasin ka ng basta-basta,” sabat naman ni Tao na napapatingin sa paanan ko.

I heaved a sigh kasama ang matinding irap. Ginalaw-galaw ko ang paa ko at doon lang napansing pinosas nila ako sa paanan ng upuan. Mga tuso.

“Let’s do this in a motor race. Game?”

Naattention ang buong katawan ko sa narinig. Hindi kasi pwede.

 

 

“Yun na 'yon?” tumango si Coller bilang sagot. “Okay,” simpleng sagot ni Aldous habang nag-iinat pa ng mga braso.

Baliw ba siya? Hindi pwede. Hindi niya kasi kilala si Coller kaya siya nagdesisyon agad ng ganyan. Coller is the current ‘God of motor racing’ dito sa G Co., at 'yang mga tao sa paligid namin… lahat 'yan kilala siya. Lahat nga ngayon ay nakatingin sakanya pero hindi lang siya nilalapitan dahil alam nilang hindi pwedeng istorbohin ang lalaking ito tuwing my business.

Paano naman siya mananalo sa laban na 'yan?

“Aldous, wag mong ipahamak si Clover dito! Wag kang pumayag!” sigaw ko kay Aldous saka inilipat kay Coller ang tingin. “At ikaw naman, napakaunfair mo! Pataasan na lang ng grades o patagalan matulog-”

 

“Charm!”

 

 

Napahinto ako sa pagsasalita ng marinig ang warning tone ni Aldous. Umiiling lang siya na para bang sinasabing manahimik na ako at kaya na niya ang lahat. I was in deep disappointment, and for the first time, mag-aalala ako para sa damuhong ito na kahit sa wild dreams ko ay hindi ko naisip na mararamdaman ko para sakanya.

He smiled. That boyish smile of his… telling me to trust him. ”Relax,”

 

 

 

 

Third Person’s POV

 

“Pustahan tayo, yung newbie ang mananalo.” Nagtatakang napalingon si Charm sa katabi niyang si Tao sa sinabi nito. Ibinaba ng binata ang salaming kanina pa nito kaharap saka sumandal sa bench habang nakacrossed arms pa.

Tumawa naman si Kris bago magsalita. “Kahit kailan sa talunan ka kumakampi. Syempre si Coller ang mananalo, 'yan ang forte niya noon pa.”

 

“Talunan?” ngumisi si Tao. “Oo nga pala, dahil sa'yo ako kumampi noong mga panahong ikaw ang kalaban ni Coller,” dugtong nito na nakapaghatid ng matinding inis kay Kris sa ala-ala ng nakaraan, hindi na nito napigilan pa ang sarili at hinatak na lamang bigla ang kwelyo ni Tao na nakangisi lang naman.

“Shut up.” Mariing sambit ni Kris.

Litong-lito naman si Charm sa nangyayari sa dalawang katabi niya, nasa harapan niya ngayon si Tao at Kris na nagkakainitan na dahil lang sa pustahan at ngayon siya pa ang naiipit sa gitna.

Paa ko lang ang nakaposas. Isip ni Charm saka niya pinag-untog ang dalawang lalaki. Awtomatiko namang lumanding ang mga palad ng binate sa kanya-kanya nilang noo para maibsan ang sakit. Sabay nilang sinamaan ng tingin ang babae sa gitna nila pero hindi naman natinag ang dalaga.

“Mga bugok. Paa ko lang ang nakaposas kaya pwede umayos kayo diyan.” Umirap pa ito bago magcrossed arms.

Nanahimik na silang tatlo at matiim na tiningnan si Aldous at Coller na naghahanda na para sa laban nila.

***

 

Tahimik na nag-aayos si Aldous ng sarili upang maghanda para sa laban niya kay Coller. Pasimple itong napapangiti habang pinagmamasdan ang motor na nasa harapan niya. Nag-inat ito ng katawan bago umupo sa motor at isinuot ang helmet.

“Namiss ko ito. Sana wala si Alice, baka isumbong ako kay mama.” Bulong nito sa sarili. Lingid sa kaalaman nito ay pinagmamasdan lamang siya ng tatlong tao mula sa hindi kalayuan.

Tiningnan niya si Coller na nakahanda na rin habang nakangisi. Pinihit nito ang manibela dahilan upang bumuo ito ng napakakapal na usok mula sa tambutso, inaasahan nitong maiinis ang mga taong naroroon upang manood ngunit kabaliktaran pa ang nangyari, naghiyawan pa ang mga ito at ang iba'y napatayo pa.

Doon niya lang napagtanto ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagtutol ni Charm kanina noong pumayag siya sa deal, dahil kilala na sa G Co. ang galing ni Coller sa motor racing ngunit imbes na kabahan sa naisip ay natuwa pa ang loob niya.

Sa wakas, may makakaharap na ako na matino. Isip niya habang ibinabaling sa harapan ang tingin. Ibinaba na niya ang salamin ng helmet niya saka pinihit ang manibela ng isang beses bago tuluyang alisin ang pagkakaneutral ng motor niya, hudyat na handa na siya sa pagsisimula ng isang laban.

“The participants are now in heat! Whoa! Mukhang magandang laban ito para sa ating God of Motor Racing na si Coller Greene dahil palaban ang ating new challenger na si Aldous Colix Grey! Guys, are you ready?” sigaw ng Emcee. “F*cking make some noise!!” sigaw muli nito kasabay ng malakas na tugon ng mga taong naroroon sa G Co. parang mga nauulol na aso ang mga taong naroroon sa sobrang ingay na ginagawa nila, buhay na buhay. Hindi na nga malalaman kung sino ang mafia at gangster na nahalo sa mga manunuod dahil iisa na lamang ang asal nila.

“Whoa! That was a great hit. Hahaha. So lets start the game.” Sigaw muli ng emcee. Napahigpit ng hawak ni Aldous sa manibela at ganoon rin si Coller habang parehong nakatingin sa track. “Ready, set… GO!” sabay putok ng baril.

Napatayo si Charm mula sa kinauupuan nito habang pinagmamasdan ang dalawang maglalaban, silently praying Coller wouldn’t be in the mood to play in dirt.

Nagsimula na si Aldous na paharurutin ang dala niyang motor habang nasa unahan niya si Coller. Pinihit niyang muli ang manibela trying to overtake Coller’s but he failed. Para silang nagpapatinterong dalawa gamit ang mga nagbibilisan nilang motor, bawat pihit ni Aldous pakanan ay agad rin naman siyang haharangan ni Coller papakanan. Sinubukan muli nito pakaliwa naman ngunit naharangan lang siya.

Napamura si Aldous sa isip niya habang si Coller naman ay napapangisi habang pinagmamasdan niya si Aldous sa side mirror.

Aldous’ POV

 

Kanina pa ako pinaglalaruan ng lokong 'to, akala naman niya wala akong binatbat sakanya. Psh. God of Motor Racing my ass.

Muli kong pinaharurot ang motor ko na halos nakabuntot na ako sakanya, bawat liko ko naman ay hinaharangan niya. Napangisi ako ng makitang tinitingnan niya ako sa side mirror ng motor niya. Bad driver, tsk. Dapat sa daan ka lang nakatingin. Mabilis kong iginewang ang motor ko pakanan at sa inaasahan ay mabilis niya rin itong hinarangan. Mas pinabilis ko pa ang ang pagpapatakbo saka ito iniliko sa kaliwa at isinampa sa gutter hanggang sa magkatapat na kami. Sinalubong ko ang gulat niyang tingin sakin at palihim siyang nginisian kasabay ng mabilis na pagpapaharurot sa motor ko hanggang sa malagpasan ko ito.

It’s my turn to watch him in my side mirror from behind.

Clover’s POV

 

“God of the Motor Racing?” tanong ni Alice-nee habang nakatayo kami dito sa gilid ng track at pinagmamasdan ang laban ni Colix at Coller.

“Ewan.” Sinamaan niya ng tingin si Oz ng marinig ang sagot nito. “Ano na naman? Hindi ko nga alam.”

 

“Sa Steins ka nag-aaral tapos hindi mo kilala ang Temple Island even that guy na lumalaban kay Aldous!”

 

“Psh,” simpleng sagot ni Oz-kun habang inis na namulsa. Hindi naman ako makasingit sa pag-uusap nila dahil sa takot kong mapagbalingan ng galit nila sa isa’t-isa. Para silang tigre at lion kung mag-usap, nakakatakot.

Ibinalik ko na muli ang tingin ko sa track. Kanina lang ay pinaglalaruan ni Coller sa likuran niya si Colix at hindi ito hinahayaang maunahan siya, para silang naghaharangang-daga sa gitna ng nakamamatay na daanan. Pero biglang bumaliktad ang sitwasyon, in just a blink,  naungusan na ni Colix si Coller and I know he’s going to play dirt.

“That bullsh*t is planning to mess,” mahinang bulong ni Alice-nee sa tabi ko. Napahawak na lang ako sa mga kamay ko, nagdadasal na sana ay matauhan si Coller at wag ng ituloy ang laro niya.

Isang lap na lang naman, magbehave na sana siya.

May kinuhang kung ano si Coller sa bulsa niya saka ito ibinato sa motor ni Colix and good thing mabilis na naiwasan 'yon ni Colix dahil kung hindi ay sabog ang gulong nito sa likod. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Coller kapag may nangyaring masama kay Colix sa mga kalokohan niya.

Pasimple kong sinilip si Alice-nee sa tabi ko na bahagyang nastiff ng makita ang maduming laro ni Coller sa loob ng track pero seryoso lang naman itong nakatitig sa dalawa. Inulit na naman ni Coller ang paghagis ng kung ano sa motor ni Colix pero hindi na naman siya nagtagumpay, pinipilit rin nitong pantayan ang motor ni Colix.

Napangisi si Alice-nee na ipinagtaka ko, doon ko nakitang nadaplisan si Colix sa kanang braso ng patalim na inihahagis ni Coller, it looks like a shuriken. Napahigpit ako ng hawak sa sarili kong mga kamay.

“Alice!” Nabalik ako sa realidad dahil sa gulat sa sigaw ni Oz-kun. Hindi ko manlang napansin na nawala na pala sa tabi ko si Alice-nee. Nakita ko na lamang na nagtatatakbo ito papalapit sa track habang sinusundan ni Oz-kun.

Anong binabalak niya? Kinakabahan ako.

Gustuhin ko mang sundan sila pababa, ipapaubaya ko na lang kay Oz-kun ang pagbabantay kay Alice-nee. Kailangan ko lang bantayan si Colix from Coller’s dirty tricks.

Ngayon naman ay binabangga na ni Coller ang motor ni Colix ng mapantayan niya ito. Kaunti na lang, nasa finish line na sila at matatapos na ang lap. Mauna ka lang kahit isang segundo Colix para naman hindi masayang ang pinaghirapan mo.

Hindi ko inaasahan ang susunod na pangyayari, I almost drop my jaw seeing the whole drama.

Nagtatakbo si Alice-nee sa gitna ng track na parang walang katakot-takot na masagasan o mahagip ng dalawang racer habang hindi naman magkanda-ugaga ang dalawang lalaki sa pag-iwas sakanya. Palagpas na sana sakanya si Coller ng bigla nitong iharang ang kaliwang braso kaya nauntog doon ang leeg ni Coller diretso bulusok sa kalsada. Tumilamsik sa kung saan ang nagwild nitong motor habang siya sapo ang leeg na napapaubo. Huminto naman agad si Colix ng marating niya ang finish line at dali-daling inalis ang helmet habang gulat na nakatingin sa ate niyang nakatayo sa harapan ng nakaluhod na si Coller.

Nagtatakbo na ako papalapit sa loob ng track dala ang kabado kong sistema. “Onee…” Ano ba naman kasing magkapatid na ito?! Parehong mahilig pumasok sa gulo.

Marahas na hinatak ni Oz-kun ang kaliwang braso ni Alice-nee pero hindi naman siya nito hinarap. “Are you out of your mind Alice?! Paano kung nasagasaan ka ng dalawang 'yon ha?!” bulyaw niya rito.

“Aldous’ will never hurt me,” nakangisi pang sagot nito kaya mas nainis ang mukha ni Oz. “But I’m not sure with this dirty trickster guy,” dugtong pa nito saka masamang binato ng tingin si Coller na wala pa ring tigil sa pag-ubo. Pakiramdam ko nadurog ang esophagus niya sa lakas ng impact 'non.

“Insane lady,” napapabuntong hininga ni Oz na napamewang pa. “Nasaan na ba 'yang Colix na 'yan ha?!”

 

 

Oo nga pala, si Colix.

Awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Colix the moment I heard his name, and there I saw him… he’s safe, thank God. Lalapit na sana ako sa kinatatayuan niya ng sundan ko ng tingin ang lugar na tinititigan niya. Si Charm pala. Pinuntahan niya si Charm na binabantayan ni Tao at Kris. Agad namang umalis ang dalawang bantay matapos nilang may iabot kay Colix na umupo pa sa harapan ni Charm.

Napaiwas na lang ako ng tingin at ngumiting pilit. At least, I know he’s safe.

© Gingerlu

Continue Reading

You'll Also Like

1K 167 21
Dreams are not meant to happen in reality. Iniisip ng iba na kabaliktaran ito ng mangyayari sa hinaharap. May iba ring nagsasabi na isa itong pangita...
1.5M 22.5K 52
SERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013
20.2M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...