The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[15.1] Twenty Questions

209K 4.5K 2.1K
By shirlengtearjerky

Chapter 15.1: Twenty Questions (Part 1)

Quick question: sinong naiimagine niyong Alphabet Couple? May ilan kasing nagsabi (or nabasa ko sa tweets nila) na Kathniel daw ang naiimagine nilang A&Z. Ako kasi sina Ritz Azul at Fred Lo. Hahaha!

Since Palanca Awards season na ulit (and I'm currently writing my one act play script!), inspired ang Chapter 15.1 & .2 by "Twenty Questions" ni Juan Ekis. Basahin niyo yun, isa sa favorite Palanca winners ko yun :)

May tinweet akong AZ dialogue last Monday sa Twitter! Positive ba yun or negative? Hmmm

#TSIB

-A&Z-

APRIL

Number 4 sa New Year's Resolution ko ang try new and exciting things. So far ito ang resolution na lagi kong ginagawa. Four months pa lang ang taong 'to pero ang dami ko nang nagawang new ang exciting: maglasing (that turned out very well), sumali sa isang quizcon (we lost), nagpasa ng article sa university paper under a pseudonym, kumain ng day-old chick (masarap pala!), sumakay sa eroplano, nagpa-wax ng underarms (kasalanan ni Kesh!) at..

nagnakaw ng halik kay Andreau Cortez.

Way to go, new and exciting.

I tried so hard to forget that moment. Sana pala malakas pa ang tama ko nung ninakawan ko siya ng halik. Ako 'tong mas may malay sa'ming dalawa nun! Porke maingay lang siya nanakawan na ng halik?

Pangarap ko pa naman dati na lalaki ang mag-iinitiate ng first kiss ko. Hah, asa. Ako ata ang lalaki sa'ming dalawa. Ako pa ang nag-initiate.

It was just.. a smack. Nothing more. The minute my lips touched his.. I froze. Natigilan din si Andreau nun. Hindi siya.. nakakakilig. Nakakatakot ang kiss na yun.

Siya ang unang lumayo sa'ming dalawa. Akala ko sisigawan niya ako or what. Hindi ako makapag-isip ng idadahilan sa kanya. Wait mali pala, wala na akong ibang maisip kundi Hinalikan ko si Andreau Cortez. He's your first kiss, Pascual.

Then.. he vomitted. Wildly. Di ko kinaya ang trajectory ng pagsuka niya. Good thing hindi siya sa'kin tumapat. Ugh. I could never forget the smell of his vomit and the embarrassment I experienced that moment. Ginising ko sina Ate Anya at Kuya Lean para tulungan akong buhatin si Andreau. More of sila na ang nagbuhat kay Andreau at nagpaiwan ako para linisin ang suka niya.

I was so scared. I kissed.. him. Andreau Cortez. Si Big Boss. Siguro kung siya ang humalik sa'kin kikiligin pa ako. Pero.. ako 'tong loka-loka na unang humalik. I.. took advantage of him. Buti sana kung willing siya kaso.. he's drunk.

Tulog pa rin si Andreau nang umalis kami ni Kesh sa pad niya. Sabi nina Ate Anya buong araw natutulog si Andreau pag lasing. God.. sana hindi niya matandaan 'yon. Sana hindi.. kasi natatakot ako. Baka kasi magalit siya tapos madamay pa sina Tristan at Ms. Marisse. Ayoko namang matapos sa ganun 'tong whatever na meron sa'min.

Good thing na hindi kami nagkita afterwards. Well.. iniiwasan ko talaga siya. Buti na lang busy siya sa acads at sa movie nila ni Jillian. Ilang beses din kaming nagkasalisi sa condo nina Ms. Marisse. Wala rin akong natanggap na text galing sa kanya, saying na "Scheherazade, let's talk" or something intimidating. Hinintay ko rin siyang puntahan ako sa dorm at kausapin ako. Kaso.. walang dumating. A month and a half akong naghintay pero.. wala.

God, a kiss made me super neurotic.

xxx

I couldn't hide from him forever, though.

Akala ko safe na ako from him pag natapos na ang semester. Nakaplano na didiretso ako sa San Ignacio after ng final exams Kaso.. pinilit ako nina Ms. Marisse at Tristan na sumama sa kanila sa Coron, Palawan ngayong Holy Week. May taping kasi ang Wanderlust dun at vacation na rin ng family nila.

Yes.. kasama si Andreau.

Sa airport pa lang plano ko na siyang iwasan kaso.. asa. Siya ang unang pumansin sa'kin. Todo ngiti pa siya sa'kin nang ipakilala niya si Mars, yung road manager niya na friend ni Ms. Marisse. In fairness nakakatakot si Mars. Ramdam ko na hindi ako feel ni Mars kasi.. inirapan niya ako.

I spent my first flight worrying about Andreau and the kiss. Sa lahat pa ng taong hinalikan ko, artista pa. Hindi ko tuloy malaman kung umaacting lang ba siya na walang alam or what. Nakakaloka!

Mas okay sa'kin na hindi ako pansinin ni Andreau. Ayokong maging awkward kami. Ang hirap kayang itawid from awkward to normal! Inabot ako ng isang taon tapos dahil lang sa isang halik.. mawawala yun?

Baliw ka talaga, Pascual. You just dug your own grave.

xxx

I never expected na si Tristan pa ang magpapa-awkward sa'kin sa harap bi Andreau.

It started with an innocent question.

"May boyfriend ka ba Ate Zade?"

Lahat ng tao sa van (Ms. Marisse, Andreau, Mars, driver at PAs) napatingin sa'kin. Binasag kasi ng tanong ni Tristan ang comfortable silence sa van namin.

"Uhmm.. wala. Bakit mo naman natanong, Tristan?" Buti na lang nasa likod ng van sina Andreau at Mars, nakakahiyang makita  niya akong nabublush dito.

"May nagpapatanong lang," sabi ni Ms. Marisse. May something sa smile niya na.. weird. "Don't mind Tristan, Zade. Apparently that guy's trying to make Tristan as his bridge to you."

Bridge? Ano 'to, high school? At sa isang six year old pa talaga! Ang pathetic naman nun! Magtatanong sana ako nang biglang natawa si Andreau sa likuran ko. Akala niya papansinin ko siya ha!

"Grabe, sino naman yun Tristan? You're too young to be a bridge!"

"Eh.. ano pong isasagot ko pag tinanong ako ulit?"

Saglit akong napaisip sa tanong niya. Golly, ang weak naman ng lalaking gumagamit ng mga bata para makakuha ng babae! "Tell him I'm not interested. Ah, you know what? I might tell him that personally. If he's really interested, sana siya na ang nagtanong." Andreau's snort interrupted my short lecture so I had to look back at him. "What's funny?" I asked him, not hiding my annoyance.

"Kakausapin mo talaga siya?"

Sa mata ko na lang siya tiningnan, any body part beyond that ay nakakadistract na (ex. his lips). "Wala namang masama dun, di ba? I'll just give him a piece of my mind!" Napangiti si Mars sa sinabi ko. Barado kasi si Andreau.

"Fine," he conceded. "Just don't correct his grammar or something, he hates that."

"Hey di ko na-- wait a minute. You know this guy?"

Andreau pretended he didn't hear anything and went back to sleep. I turned to Ms. Marisse for support pero tulog na rin ito.

Pinagtitripan ba ako ng buong pamilya nila?

Nakarating na kami sa resort pero wala pa ring sumasagot sa tanong ko. Grabe palang mambully ang Cortez-Valerio clan! Pati si Tristan napunta na sa dark side!

Hindi ko napansin na nasa tabi ko si Andreau habang kinukuha ko ang bag ko sa kabilang van. "Hey Zades. Why don't you say it now?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo dy-- Oh god. Ikaw yung nagpapatanong!?" gulat kong sabi. Triple shit, seryoso ba yun? So alam nga niya ang tungkol sa kiss at alam din  nina Ms. Marisse!

Kaya ba nila ako pinagtitripan? Oh god.

Tawang-tawa si Andreau sa reaction ko, to the point na hindi ko siya makausap nang matino. Nilapitan ko na lang si Tristan. "Tristan.. si Andreau ba yung nagpapatanong sa'yo?"

Umiling si Tristan. "Yung taga-kabilang unit po Ate Zade. Wag niyo pong sasabihin kay Mama na sinabi ko sa inyo ha?"

Ay shit. I remember that guy now. Nakasabay namin siya ni Tristan sa elevator once, months back. Hindi naman siya nagpakilala sa'kin or what tapos.. god ang creepy ni Kuya!

My gaze landed on Andreau, na kakatapos lang tumawa. "Ugh, ang bully mo! Sana makagat ka ng jellyfish!"

"Ate Zade.. ba't niyo inakala na si Kuya Andreau yon?" inosenteng tanong sa'kin ni Tristan.

Kill me now.

xxx

Nagsimula ang taping ng Wanderlust habang kumakain kami ng dinner. Dun lang din nagsink in sa'kin na eto ang first TV appearance ko pagnagkataon.

At katabi ko pa sa table si Andreau. Ano ba 'to.

Ang daming hinandang pagkain ng resort para sa'min (feel ko na talaga ano?) kaya feeling ko nasa fiesta ako. Malamang nakafocus kay Ms. Marisse ang camera, asa pa akong mabigyan ako ng matagal na exposure!

Tahimik kong ineenjoy ang pagkain ko (kailangang tahimik talaga pag kumakain ng seafoods, swear!) nang bigla akong kausapin ni Ms. Marisse. "Zade, what do you think about the dish?" tinuro niya ang ginataang hipon na kinakain ko.

Shit, magsasalita ba talaga ako? Sa'kin na pala nakafocus ang camera. Baka may tinga ako! Ang hirap magsalita!

"Uhmm.. masarap siya Ms. Marisse," parang tanga kong sagot. "I mean.. yung texture niya sakto yung pagkacreamy then gusto ko yung pagkaanghang niya."

Anong sinabi ko!? May sense ba yun? My golly ayoko na ta--

"Zade's right," biglang singit ni Andreau. Di ko napansin na parehas pala kami ng kinakain. "Bagay 'tong ginataang hipon sa yellow fried rice na 'to."

Wow. Did he just agree with me? O kasama yung sa script? May script ba? God nakakaparanoid 'to! Magmumukha akong tanga sa nationwide! Si Tristan naman ngayon ang kinakausap nina Ms. Marisse at Mars. Tuwang-tuwa si Little Boss sa chicken lollipop na infairness nga naman, ang sarap!

Nang dumating na sa dessert, parang biglang naexcite si Andreau. Halos tinikman niya lahat (syempre pasimple siya!) ng inihanda sa’min! Pasimpleng patay gutom din pala ‘tong PG na ‘to!

Huling nilabas ng waiter ang house special na halo-halo, na sobrang paborito ko. Well, leche flan, ice cream at ube lang naman ang kinakain ko dun. Proud pa ang chef sa pag-aannounce na iba’t ibang ice cream flavour ang ginagamit nila sa halo-halo nila. I was aiming for the one with the melon ice cream nang.. biglang may paa na tumapak sa paa ko.

“Ouch!” sinamaan ko ng tingin si Andreau. Wow, painosente pa siya! Maya-maya nakita ko na lang na kinakain niya yung halo-halo ko. Napunta tuloy sa’kin yung may buko pandan ice cream! Kadiri!

Hah. Two people can play this game, Cortez. Todo puri si Ms. Marisse sa sarap ng halo-halo kaya inexpect kong tatanungin din niya kaming dalawa. Kay Andreau siya unang bumaling. “Favorite kasi ni Andreau ang halo-halo,” kwento ni Ms. Marisse. “So.. what’s your verdict, Dreau?”

“It tastes go—aww!” nabitawan niya ang kutsarang may nalaman na melon ice cream. Masyado atang napadiin yung pag-apak ko sa paa niya. Good job, Pascual!

“Everything okay?” I asked him with mock innocence. Hah, pwede na rin ata akong mag-artista! Nag-alala tuloy sina Ms. Marisse at Mars sa reaksyon ni Andreau, lalo na ang head chef.

Andreau nodded quickly and continued speaking. “It.. tastes good. Masarap pala ang melon ice cream sa halo-halo. Kaya bawal i-share ‘to sa iba.” Pasimple niyang sinipa ang binti ko, buti di masyadong malakas.

Akala niya cute siya sa pasipa-sipa niya? Hell no. Kanina pa siyang nakakairita! Para sa finale, inapakan ko ulit ang paa niya, but this time sobrang diin na. He yelped in pain, at ang excuse niya? Leg cramps.

Yeah right, leg cramps. Lesson learned: wag na wag niyo akong aagawan ng melon ice cream.

xxx

As usual, late akong nagising kinabukasan. Hindi ko inakalang sobrang pagod ako sa biyahe namin, plus ang sarap sa pakiramdam nung malambot na kama. Kung pwede nga lang na dito na lang ako at hindi na lumabas!

Nag-iikot na sa resort sina Ms. Marisse pagbaba ko sa restaurant ng hotel. 11 AM na, sakto lang ang dating ko para sa lunch buffet. Yes, pagkakataon ko na ‘to para makakain ng anumang gusto ko at walang manghuhusga sa’kin! Tsaka matitikman ko na rin ang halo-halo with melon ice cream!

Sa pinakadulong part ako ng restaurant pumwesto para hindi ako mapansin ng ibang tao. Ang dami ko kasing kinuhang dessert! Nasa menu rin kasi ngayong lunch yung mga dessert na pinatikim sa’min kagabi. Ngayon, wala akong kaagaw na Andreau Cortez sa pabo—

“Are you hiding from everybody?”

Or not.

Agad kong tinabi ang halo-halo ko, baka kunin na naman niya. Tinawanan niya ako at walang paalam na nakiupo sa table ko. “Wow.. ang dami nating pagkain ah,” pang-asar niya.

“Whatever. Wag mo akong kausapin.”

“Ah.. okay..”

Parang tanga ka lang, Pascual. Alam mo namang pag sinabi mong wag ka niyang kausapin eh gagawin niya ang opposite nun. Kaya bago pa niya ako kulitin, inunahan ko na siya. “If you’re thinking na magsosorry ako sa’yo dahil dun sa kagabi, asa ka,” I told him while eating the halo-halo. “Ikaw muna ang magsorry sa’kin.”

“For what, exactly?”

Ang bilis naman atang makalimot nito! Eh yung kiss kaya nakalimutan na rin niya? “Inasar mo ako kahapon. About that guy thing.”

“Kailangan ko pang magsorry para dun?” Pinandilatan ko ang loko. Is he trying to be funny? Fail na naman kung oo. “Okay fine. I’m sorry. Nakakatuwa ka lang kasing pagtripan. You went red in an instant.”

Oh god he saw me yesterday. Okay Zade magpanggap ka na wala lang yan! “Apology accepted. Sorry din sa pag-apak ko sa paa mo. You kinda deserve it. After all.. you stole my ice cream.”

Muntikan na siyang masamid sa sinabi ko. “Was that really an apology or an insult?”

“Both. Take your pick.”

“Apology accepted,” he paused to drink some water. “Teka, sabi mo hindi ka magsos—“

“Gusto mo bang bawiin ko yung sinabi ko o hindi?”

“Fair point.”

Thank goodness sa dulo kami nakapwesto kundi pagtitinginan na siguro kami ng mga tao. Teka, ba’t ba ako ang naiirita sa kanya eh ako nga ang may atraso? Is this the guilt talking?

We finished our meals in silence. Sobrang sarap kasi ng desserts kaya nakalimutan ko saglit na may kasama pala ako. Ganun din naman ata siya. May papikit-mata pang nalalaman habang kumakain ng ice cream! Parang sira.

“So.. saan ang punta mo?” tanong niya sa’kin habang naglalakd kami palabas ng restaurant. In fairness, hindi masyadong mainit ngayon kahit tanghaling-tapat na halos.

“Naahh.. baka matulog na lang ako. Pagod pa rin ako from the flight.”

He chuckled. “Patty B.”

“Excuse me?

“Patty B. Patabaing baboy.”

Nanlaki ang mata ko sa insult na yon. He was the first one who called me fat.. ever. Hindi naman ako offended or what, nagulat lang ako na sa kanya pa manggagaling yon. “What the hell?”

“Hey, that nickname’s cute,” he tried his charm smile on me again.

“Cute mo mukha mo!”

“Di nga seryoso, saan nga punta mo?”

I stopped walking and faced him. Shit, not again. Ba’t ganun.. feeling ko parang may magnet siya sa katawan niya tapos.. naattract ako? Siguro may jutes yung halo-halo dito kaya kung anu-ano ang naiimagine ko. “I.. really don’t know,” I confessed. “Marami namang pwedeng puntahan dito kaso.. wala ako sa mood.”

“Oh.. so.. wala kang gagawin?”

“Matutulog na nga lang ako.”

“Wag na! C’mon, join me.”

Lord ayan na naman siya sa  join me niya. Hindi mo ba napapansin na naiilang ako sa’yo at iniiwasan kita? Ganyan ka ba kamanhid? O ako ‘tong may problema? Nawala na ata ang bluntness ko dahil sa kiss na yun. Eh di sana nasabi ko na sa kanya ngayon na Nga pala Andreau, tanda mo nung nalasing ka? Sobrang ingay mo kasi to the point na nairita ako kaya hinalikan kita. Hindi naman big deal yon. I just want you to know para updated ka. Okay, matutulog na ako!

“Uhmm.. where to?”

Saglit siyang napaisip. Wow, this is new. Wala siyang plano o Gantt chart sa trip na ‘to? Himala! “Ah! Basta.. pupuntahan natin yung mga hindi pa napuntahan nina Marisse ngayon. Is that okay?”

“Sana sumama ka na lang sa kanila, di ba? Mukhang bored ka n—“

“Wag ka ngang killjoy. I always do this during out of town trips. Kaso wala si Roldan so..” Busy nga pala ang best friend niya sa pag-aayos ng requirements for graduation kaya hindi ito nakasama ngayon sa trip.

“Andreau..”

“Think about it. Bukas pupuntahan din nina Marisse yung mga lugar na ‘yon.. kaso hindi mo maeenjoy kasi may cameras na nakapalibot sa’yo. Bawal kang magcomment ng kung anu-ano.. So?”

Ugh. Ang galing niyang mangumbinsi! May lahi siguro ‘tong budol-budol gang. “Wait te—“

“You can be my temporary best friend.”

Whoa. That was.. unexpected. “Oh. Is there such thing?”

“Of course. We can be best friends for this trip. Limited offer lang ‘to, Zade. Expires in three minutes.”

Wag kang papayag, Pascual. Alam mo namang madudulas ka tungkol sa kiss pag kasama mo siya. Wag kang tanga, please? Wag. Wa—

“Okay. Temporary best friend sounds.. fine. Let me just get my bag.”

xxx

Marami akong alam na synonyms para sa word na beautiful. I could enumerate them right now but they weren’t enough to describe this place.

Dahil feeling explorer si Big Boss, niyaya niya akong sumakay sa bangka para puntahan ang isang island malapit sa resort. Hindi ko naman first time sumakay sa bangka pero kinabahan ako kasi kasama ko siya. Yuck, ang cheesy ko ata ngayon masyado.

He couldn’t stop taking pictures. Okay na sa’kin yon kesa mag-usap kaming dalawa. What was there to talk about, anyway? Nothing. This place rendered me speechless. Ang puti at pino ng sand, ang linaw ng tubig.. ang tahimik ng lugar.. grabe, ang perfect nitong lugar na ‘to. Kung pwede nga lang ilagay sa bote tapos iuwi ko sa Manila!

Tahimik kaming naglalakad ni Andreau sa may beachfront, and I’m trailing behind him. I know this is very irrational pero nairita ako nang makita kong nakasando siya. Hello, hindi tinatago ang mga abs na ganyan dito sa sobrang gandang beach na ‘to! Dapat sini-share yan sa nature! For a minute there sinapian ata ako ng kaluluwa ni Kesh. Creepy.

Tumigil kami sa isang rock formation sa may shore. Grabe, nakakaamaze talaga ang nature! Hindi nakakasawang tingnan!

“Okay ka lang?” his question brought me back to reality. “Titig na titig ka sa dagat ah.”

“Yeah, okay lang. Ang.. ganda lang kasi nitong island na ‘to. Parang.. gusto mong ipagdamot sa mga tao sa sobrang ganda. Gets mo ba?” Tinawanan na naman niya ako. “What’s so funny?”

“You. You’re so innocent.”

May double meaning ba yun? Wala naman siguro di ba? “Hah. Sinusubukan mo na namang maging comedian. Epic fail ka na naman.”

“Hindi ako nagpapatawa, Zade. I’m just telling you what I see.”

“So.. eto lang gagawin natin dito? Tutunganga sa dagat? I’m not complaining, I could do that all day ka—“

“So.. what do you want to do?”

Ano nga bang pwedeng gawin sa mga ganitong awkward moments? Ayoko namang magswimming. Ayoko ring matulog. A—

“Alam mo yung Twenty Questions?”

His question surprised me a little. “Uhhmm.. the game? Oo naman. Why?”

“Tara, laro tayo!”

Ba’t ang energetic niya ata ngayon? Imbis na mahawa ako, natatakot ako sa energy niya. Baka mamaya biglang magtanong ‘to ng sobrang personal na tanong! “Uhmm.. sure ka ba? I mean.. hindi ka ba natatakot na baka ipagkalat ko yung mga isasagot mo? I’m a curious girl, I ask controversial questions.” Effective kaya ‘tong pananakot ko sa kanya? God I hope so.

“Naah. You’re not into gossip, anyway. Pampalipas oras lang naman ‘to. After all, you’re my temporary best friend. And best friends should know things about each other, right?”

He’s acting weird. Nakagat kaya siya ng jellyfish kanina at di lang niya sinabi sa’kin? Ang creepy niya kasi. “Seryoso ba talaga ‘to?”

“You said it yourself, you’re a curious girl. I’m sure marami kang gustong itanong sa’kin. I’m giving you a chance right now.”

Grabe.. natetempt ako. Pwedeng-pwede kong itanong sa kanya yung issue about sa kanila ni Roldan. Kaso.. “Pwede bang magsinungaling?”

“What? No. Honesty plays a big role in this game. Don’t worry, I won’t tell anyone about your answers. As long as you don’t tell mine. Deal?”

Well.. three hours pa kami dito sa island. Bumalik sa resort yung bangka.. wala naman sigurong mawawala kung maglalaro kami, di ba?

”Okay fine. Basta secret lang natin ‘to ha?”

He flashed that mysterious smile again. “Of course.”

xxx

We took a five minute break to think about our twenty questions. Akala ko madali lang ‘tong larong ‘to! Ngayon ko lang narealize na marami pala akong gustong malaman tungkol sa kanya. Ugh.

“Ready ka na?” tanong niya sa’kin. “Siguraduhin mong mapapaisip ako sa mga tanong mo ha?”

“Ako pa! Curious girl, remember?”

Napailing si Andreau. “I’ll start, okay?”

Are you having fun right now?

“What kind of question is that?” reklamo ko sa kanya.

“Pwede ka namang magtanong ng kahit ano ah! Sagutin mo na lang!”

“Fine. Actually.. yes. Okay na ba yun?”

Tumango si Andreau. “Pasang-awa. Your question?”

Shit, eto na.

Bakit mo ako inasar kahapon? Dun sa bridge shit?

“Whoa.. bigat agad ng unang tanong ah! Ano kasi.. kasama ako ni Tristan nung.. tinanong siya. Nacurious lang ako sa magiging reaction mo.. and I was right. Besides, I know the answer to his question. Gusto ko lang na ikaw ang magsabi sa kanya nun personally.”

Wait.. what? Paano mo nalaman na wala akong boyfriend?

He shot me an amused look. “Counted yan,” magrereklamo sana ulit ako kaso.. “Kahit anong tanong, counted. Easy answer: you said it yourself. And I’ve kind of inferred it from our early conversations. You don’t like Valentine’s Day, wala kang laging load and.. sa dalawang Valentine’s Day na magkasama tayo wala akong nakikitang date mo. And your blue dress kind of gave it away.”

Sa haba ng sinabi niya isa lang ang nagstick sa utak ko: sa dalawang Valentine’s Day na magkasama tayo.

When was the last time you cried and why?

“Uhmm.. three nights ago?” di ko na pinansin ang pagkaweird ng tanong niya. “But.. I’m not really sure why. Sometimes.. you just have to let out the things that are hurting you, even if you don’t know what they are. Sorry, ang weird ko.”

Bakit Andreau ang spelling ng pangalan mo?

“My parents are weird. They don’t want me to have a common name.”

“Wow, spelling lang naman ang naiba sa pangalan mo. Andrew pa rin naman ang pronunciation niyan.”

Why Scheherazade?

“Uhmm.. you see, my dad’s an illustrator. He used to draw for children’s storybooks. Sabi ni Mima sa’kin.. favorite story daw ni Papa yung Arabian Nights. Scheherazade yung name ng storyteller dun. Tas sabi niya sa sarili niya na if ever magkakaanak siya, Scheherazade ang ipapangalan niya. Hindi niya siguro naisip na mahihirapan akong i-explain ang pronunciation ng pangalan ko. Oh well, I love my name!”

Ineexpect kong tatawanan niya ang sagot ko. I was wrong. Nginitian lang niya ako. “Wow. Talo ang kwento ng pangalan ko ah.”

Gutom ka na ba?

“What kind— uhmm. Yes.” Binuksan ko ang shoulder bag ko at kumuha ng protein bar. “May dala kang ganito sa beach?

“Hah! Counted yan! Of course, I always bring food with me in case of emergency. Case in point, right now.”

What’s the deal with your big backpack?

“Talagang itatanong mo yan ah.”

“I’m just.. curious. Besides.. you hit me with your backpack. Lagi mong dala yun. Napansin ko lang na.. lagi kang kang may dalang bag.”

“Hmm.. mahilig kasi kaming lumipat ng lugar ni Mima. Nung bata pa ako.. never kaming nagtatagal sa isang place, maximum na ang 3 months. So.. laging nakaready yung backpack ko just in case lilipat kami. It.. kinda stuck. I always bring a lot of things with me. Gusto ko prepared ako lagi. Medyo OC lang.”

Have you ever been in love?

Kulang na lang mahulog si Andreau sa kinauupuan niya dahil sa kakatawa sa tanong ko. “Wala namang nakakatawa sa tanong ko ah! Sabi mo kahit ano!”

“S-sorry. I was just surprised. Mga dulo pa kasi dapat tinatanong yan.”

“Don’t stall.”

“Okay.. no.”

Why?

“You just wasted a turn on that question, Zade. Sasaguti—“

“Answer the question!”

“Because.. there’s work. And.. actually.. there’s no one worth the trouble anyway so why bother.”

WHOA BIG NEWS YON! Mababaliw si Kesh sa sagot ni Andreau woooo!!!

Ikaw Zade, have you ever been in love?

“No. And to answer the unspoken question.. I’m waiting for my soulmate.”

Naniniwala ka sa soulmates? natatawa niyang tanong.

“You shouldn’t really laugh at other people’s beliefs!”

“Oh. You’re serious?”

“Yes. I believe in soulmates, true love, destiny. The girly stuff. Wala namang masama dun ah.”

Sarah or Jillian?

“Sarah.”

“Whoa. That was fast. But I can’t really blame you for liking Sarah than Jillian. Mas maganda naman siya dun eh. And mukhang mas mabait.”

“Judgemental!”

Nakakuha ka na ba ng singko?

“Never. Pinakamababa ko na yung 2.5.”

“WHAT!? Are you kidding me!”

“Yeah. This sem lang, actually. Scriptwriting II. Badtrip nga eh, akala ko line of 1 ako dun. Ang hirap kayang gumawa ng script!”

Masama ba ako kung inisip ko na bagsakin si Andreau? Hello, lagi kaya siyang absent! Tapos.. 2.5! Yan nga ang grade ko sa lahat ng subject ko ngayong sem!

Do you miss your father?

I wasn’t expecting that question. “How did you know about my father?

“Again, I inferred from your stories. And you kept talking about him in past tense. Plus,, Nana Tinang kind of mention it to me.”

“Masama ba kung sasabihin kong.. hindi? I don’t know. At some point.. siguro. Kasi.. Papa died when I was.. 8 months old. I don’t have memories of him with me. So.. there’s nothing to miss about. Tsaka lumaki ako na si Tata Greg na yung tatay ko. He filled up the hole Papa left. Pero gusto ko siyang mameet, if given a chance. Nakakainggit din kasi yung iba na.. may totoong daddy. Aahh ewan! I’ve compartmentalized this since I was young kaya ang gulo ng sagot ko. Sorry.”

“I understand. Sorry for asking the question.”

“I have to admit, it’s better than the Sarah-Jillian question, kung sa level of surprise pagbabasehan.”

“11 questions to go, Zade. I still have.. 12.”

Why Comparative Literature?

“I love words. I love imagination. I love to read. I live for books and literature. I want to pursue something I’m passionate about. Nakakahiya man pero mas naiinlove pa ako sa fictional characters kesa sa totoong tao. Kasi.. they’re easy to learn and love. I can relate to them. I love losing myself to words. Kaya nga ang dami kong alam na words.”

“Wow. Mindblown. Very well said, Zades.”

Ugh, Zades. Sarap pakinggan pag siya ang nagsasabi! “Thank you. So.. why Film?

“It’s my parents’ passion. My mom’s a scriptwriter, dad’s a cinematographer. Pursuing film.. makes me feel they are still alive. That they’re with me.  Kaya kahit ang hirap ng schedule ko, sinusubukan ko pa ring pumasok. Kahit alam ko na yung ibang lessons. I’m studying because I know that would make my parents proud.”

Shit naman ‘tong si Andreau, di ako prepared na pabonggahan pala ng tanong ‘to! Nakakahiya namang umiyak dito! Pinag-isipan ko pa siya ng masama!

Parehas kaming natahimk after his answer. Ano pa bang irereklamo ko dun sa sagot niya?

“I believe it’s my turn,” bigla niyang sabi.

“Okay, shoot.”

“Since we’re already in the subject…

Who’s your first kiss?


-A&Z-

Sasabihin ba ni Zade o hindi? Haha! Anyway, kung may gusto kayong itanong sa characters for this Twenty Questions (10 each na lang ata sila?), please do comment or tweet me :)

See you bukas sa meetup!

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
2.7M 74.9K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
120K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
1.9K 745 27
Carmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer...