PORT THE EXPLORER!

Pilyosopher द्वारा

2.4K 87 53

Gusto mo bang malaman ang madugong training ni Port at kung bakit siya palaging handa? Gamer - check! Silent... अधिक

BLURB
PORTuges 1
PORTuges 2
PORTuges 3
PORTuges 4
PORTuges 6

PORTuges 5

127 4 7
Pilyosopher द्वारा

"Port! Nandito mga kaibigan mo!" Pagkarinig na pagkarinig ko kay Mama at sa tawanan nila Rhino at Jhax sa may sala ay agad kong inempake ang aking bag. Naging palagay na rin ang loob ni Mama kina Rhino at Jhax dahil napansin niya rin na mabuting mga bata sila.

Pagkababa ko kung nasaan sila ay nadatnan ko si Rhino na umiinom ng gatas.

"Pinainom sa akin ni Tita Perla yung gatas mo dahil baka matae ka na naman daw." sabay ngumisi si Rhino.

Malungkot na napatingin ako kay Mama at nginitian niya lang ako.

"Para sa iyo rin yan Port, tawag diyan eh Lactose intolerant. Your body reacts differently to dairy products." singit ni Jhax na may hawak ding baso ng gatas.

"So saan naman ang lakad niyong tatlo ngayon?" tanong ni Mama.

"Adventure po Tita Perla!" excited na sagot ni Rhino. Nakalimutan ko palang nabanggit na natanggal na ang benda sa ulo ni Rhino.

"Wow! Saan naman ang adventure niyo?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Hindi ko po alam kay Rhino, Tita." singit ni Jhax. Lumingon kaming lahat kay Rhino na bakas sa taas ng labi ang foam galing sa gatas.

"Secret po." sabay ngisi ni Rhino.

"Basta mag-ingat kayo." patango-tango si Mama. 

Tumayo si Rhino at linapitan ako sabay akbay sakin. "Tita, meron kami ni Port. Laging handa to." sabay palo saking dibdib. "Di ba tol?"

Tumango-tango na lang ako.

"Oh siya, alis na kayo at sana maging masaya yang adventure niyo."

Sunod nun ay isa-isa kaming nagpaalam kay Mama at naglakad na patungo sa sa terminal ng jeep. Gaya ng dati, ako lang ang nagdala ng bag.

"Manong, ito po ba yung sakay papuntang beach? Yung malapit lang? Kung saan naliligo yung karamihan?" tanong ni Rhino sa driver. Noong una ay hinanap pa nung driver kung sino nagsalita at nang napatingin siya sa gilid niya sa bandang ibaba ay nakita niya kaming tatlo na nakatingala sa kanya.

"Oi! Mga bata, bakit naman pupunta kayo sa beach na kayo-kayo lang?" kuryosong tanong nung driver. "Maraming nalulunod ngayon sa dagat. Marunong ba kayong lumangoy?"

"Di po naman kami maliligo." mabilis na sagot ni Rhino.

"Di tayo maliligo sa beach?" dismayadong tanong ni Jhax.

"Marunong ka bang lumangoy?" tanong ni Rhino.

"Oo!" pagmamayabang ni Jhax.

"Eh ikaw Port, marunong ka?" tanong ni Rhino sa akin at tumango ako.

"Nakalimutan ko, trinain ka na pala ni Tita ng survival skills." malungkot na komento ni Rhino.

"Paano yan boy, ikaw lang pala hindi makakaligo." pang-aasar nung driver.

"Tara! Hindi na tayo pupunta sa beach." pagmamaktol ni Rhino.

"May dala akong inflatable na life vest." singit ko at napanganga ulit sina Jhax at Rhino.

"My boy! That's my boy! Pati life vest naisip mong idala?" pagmamangha ni Rhino.

"Saludo na ako sa iyo Port." singit ni Jhax.

"Inisip ko kasi kung saan tayo pwedeng pumunta kaya hinulaan ko lang na baka gusto niyong magpunta sa dagat." sagot ko.

"Oh, paano ba yan Kuya, tara sa beach!" pang-aasar ni Rhino sa driver.

"Sige sakay na kayo sa loob at ibababa ko kayo pag malapit na tayo sa beach. Pero maglalakad pa kayo bago niyo makita beach dahil hindi naman tumatawid ang jeepney sa dagat."

"Matalino kami manong, alam namin yan." sagot ni Jhax.

Gaya nga ng sinabi nung driver ay binaba niya kami sa pinakamalapit na babaan papunta sa beach. Sobrang init nung araw na iyon kaya linabas ko ang shades ko nang makita ito ni Rhino at inagaw sa akin.

"Pahiram tol huh. Thanks!" sabay suot ni Rhino sa shades ko.

Dumukot ulit ako sa bag ko ng isa pang shades.

"Ui! Meron ka pang shades? Pahiram!" makaawa ni Jhax kaya binigay ko sa kanya yung shades. "Let's go!"

Nauna nang naglakad yung dalawa at nahuli ako sa likod nila habang dumukot ako sa bag ko ulit ng isa pang shades tsaka sinuot ito. 

Mayabang kaming naglakad na tatlo at napapatingin ang mga tao sa amin.

"Ang cute nila oh!" komento ng mga dalaga sa amin sabay nakikipisil sa mga pisngi namin. "Nakashades pa silang lahat!"

"Pagtanda niyo ligawan niyo ako huh?"

"Anong mga pangalan niyo?" Yan lang ang ilan sa mga narinig namin mula sa mga nakasalubong namin.

Nang nakarating na kami sa beach ay pinagmasdan muna namin ang dagsa ng tao. Ang dami ngang tao at mukhang masaya silang lahat.

"Doon na lang tayo." sabay nguso ni Rhino sa parteng walang masyadong tao. Agad akong naglabas ng payong para sa amin. Iyon nga lang at maliit lang ang nadala ko kaya nagsisiksikan kaming tatlo.

"Ano na gagawin natin Rhino?" tanong ni Jhax.

Napakamot sa ulo si Rhino at nagpatingin-tingin sa palagid nang lumaki ang pagkakangiti nito.

"Nakita niyo ba yung pinakapangit na lamang dagat sa balat ng tubig?" sabay turo doon kay Apolinario na nagsu-sun bathing sa hindi kalayuan. Maitim si Apolinario at nakasuot ng floral na neon color na two piece kahit kitang-kita ang dalawang monay na linagay niya. Nakasuot din ito ng sun glass at naka-pout ang pulang-pulang labi niya.

"I'm sexy and I know it!" kanta ni Apolinario. "Awww!" kahit yung mga taong naglalakad ay nagulat at natatawa pagkakita kay Apolinario. Yung iba ay kinukuhanan pa siya ng litrato pero akala ata ni Apolinario ay sikat siya dahil panay ito sa posing.

"Dapat natin ibalik si Apolinario sa kanyang pinanggalingan." napapabungisngis si Rhino bago niya ibinulong sa amin ang plano niya.

"Hi Apolinario!" bati ni Rhino sa bading. Maarteng nagbaba ng shades si Apolinario.

"Hello! cute na kapitbahay!" maarteng bati ni Apolinario. 

"Pwede bang magpatulong sa iyo?" nagpacute si Rhino.

Umayos ng upo naman si Apolinario at hahawakan sana si Rhino nang nandidiring umatras ito.

"Ay! Di ako kumakain ng bata ano. Pero kapag binata ka na eh malamang..." tsaka linabas ni Apolinario ang makapal at maduming dila nito. Nandiri kaming tatlo sa kanyang ginawa at nagsikuhan pa.

"Huwag na kaya natin itong ituloy?" bulong ni Jhax.

"Kaya nga natin ito gagawin di ba? Dahil nakakadiri siya." diin ni Rhino.

"Oh ano na? Anong petsa na? Saan niyo kailangan ang tulong ko?" maarteng tanong ni Apolinario.

"May umaaway kasi sa amin na bata eh ikaw lang kakilala namin dito. Iligtas mo naman kami." umarte si Rhino.

"Aba, isasama niyo pa ako sa away niyo? Sayang ang beauty ko."

"Beauty? Saan?" tanong ni Jhax.

"Gosh! Di mo ba nakikita?" sabay tayo ni Apolinario at nagposing sa harapan namin.

"Ang nakikita ko ay isang nanglulumahid na sioke na may suot na mamon sa bra." sarkastikong sagot ni Jhax.

"Aba! Kung makapanglait? Tapos magpapatulong kayo sa akin?" 

"Nagbibiro lang si Jhax, Apo." singit ni Rhino tsaka siniko ako ni Rhino. Cue ko yun sa part ko.

Dapat umarte daw ako na iiyak kaya tinakpan ko ang mukha ko sabay pekeng humagulgol. "Huhu."

"Yun na yun?" bulong ni Rhino  sakin. Sinilip ko siya. 

"Uulitin ko pa?"

"Malamang! Dalawang huhu lang ginawa mo."

"Huhu." pause "Huhuhu?" pause sabay silip ulit kay Rhino at sinenyasan niya ako na iiyak pa ako. "Huhuhuhu!" 

"okay na ba?" pabulong na tanong ko kay Rhino. Saglit na nadismaya si Rhino.

"Umiiyak ba kasama mo?" tanong ni Apolinario.

"Oo, Apo, ganyan yan umiyak parang robot. Sinuntok kasi siya sa tiyan nung kaaway namin kaya yan." pagsisisnungaling ni Rhino.

"Ay ang sama naman nung kaaway niyo. Sige! Saan yan?" Nagkatinginan kaming tatlo at pasimpleng pilyong ngumiti si Rhino sa likod ni Apolinario.

"Sige dadalhin namin siya sa iyo." 

Agad-agad naming iniwan si Apolinario at hinanap yung malaking mama na na-ispotan namin bago linapitan si Apolinario.

Buti at hindi pa ito nakakalayo kung saan namin siya nakita. 

"Manong-manong!" tawag ni Rhino sa mukhang bouncer na lalake.

Sabay lapit namin dito.

"oh bakit mga bata?" yumuko ito para titigan kaming tatlo.

"Mag nanghaharass po sa amin na bading." sabay iyak ni Rhino. Gulat kami nang may tumulong luha at mukhang totoo na umiiyak talaga si Rhino. Sumenya pa si Rhino na umiyak din daw kami. Humagulgol na rin si Jhax habang ginawa ko ulit yung pinakamalupit kong drama.

"Huhu." pause "Huhuhu?" pause "Huhuhuhu." Pwede na ata yun.

"Saan yang bading na yan para maturuan ng leksyon?" galit si Manong.

"Yun po!" sabay turo ni Rhino kay Apolinario na nakatingin sa amin. Eksaktong nakangiting kinawayan pa si Rhino at tinawag kami.

"Aba, malandi nga yang bading na yan huh. Tara turuan natin ng leksyon." Nagmamadali kaming lumapit kay Apolinario at nang mapansin ni Apolinario yung mamang kasama namin ay nag-iba ang timpla ng mukha niya. Agad agad itong nagbalot ng gamit. Sa pagmamadali pa nga niya ay nagkanda-hulog ang mga monay sa dibdib niya ngunit naabutan pa rin siya ni Manong na tumakbo papunta kay Apolinario. Sumunod na lang kami.

"Hinaharass mo daw ang mga batang ito?" mahigpit na hinawakan ni Manong ang kamay ni Apolinario na gulat na gulat.

"Sa-sabi nila may nang-aaway sa ka-kanila? Tsaka wa-wala akong hinaharass." papiyok-piyok na sagot ni Apolinario.

"Ano mga bata?" tanong ni Manong.

"Sabi niya po sa akin kakainin niya ako pag binata na ako." umiiyak na sagot ni Rhino.

"Aba?!" nanlaki ang mga mata ni Apolinario at naging speechless.

"Sinabi mo ba yun?" tanong ni Manong.

"Huh? Ah-eh...sinabi ko kapag lumaki na-" di na natapos ni Apolinario ang sasabihin dahil sinuntok na siya ni Manong at sapol ito sa mukha.

"Strike!" sigaw ni Rhino. Nag-iiyak naman si Apolinario na napa-upo.

"Bhelat!" tumatawang kutya ni Rhino.

"Walangya kang bata ka!" tili ni Apolinario. 

"Ipapa-blotter ko kayon lahat!" tsaka nagwala si Apolinario at sunod na sinugod si Manong at pinagsasabunot. Di rin namin inakala na di nakapalag si Manong sa atake ni Apolinario na habang sinasabunutan si Manong at pinagpapalo ay umaagos ang dugo sa ilong nito.

Ilang saglit pa ay may dumating na mga pulis para awatin ang dalawa sa kanilang away at tsaka dinala kaming lahat sa police station kung saan magbibigay daw kami ng statement.

"Mga bata, sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?" tanong nung Pulis sa amin tsaka kami nagsikuhan na tatlo.

"Ano ho ulit yun?" biglang umarteng bingi si Rhino.

"Sino po sa kanila?" tanong naman ni Jhax na biglang umarteng nabulag.

Sunod na tumingin sa akin ang Pulis. "Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo boy?"

Siniko ako ni Rhino at pasimpleng bumulong. "Pipi ka tol. Pipi."

Sinunod ko naman si Rhino at nagsimulang mag-sign language.

"Takte! Bulag, Pipi at bingi pala ang mga batang ito oh!" naaasar na nagkamot ng ulo ang Pulis.

"Chief! Huwag kang magpadala sa mga yan!" tutol ni Apolinario. May nakasuksok na cotton sa ilong nito at kita na ang black eye sa mata. 

"Mas maniniwala ako sa mga bata kesa sa inyong dalawa!" pinagduduro ng pulis si Manong at Apolinario.

"Sige ibente-kuwatro oras ang dalawang ito at pauwiin na ang tatlong bata." utos nung Pulis kaya kami nakaalis sa police station. Pagkalayo ay unang tumawa si Rhino at sumunod naman kami ni Jhax.

"Ang saya di ba?" tanong ni Rhino.

Tumango naman kami ni Jhax.

"Ulitin natin ulit ito!"

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...