PORTuges 6

62 3 12
                                    

Grade Five.

Malaki na raw tinangkad namin sabi ni Mama. Pumipiyok na rin mga boses namin at marami na rin kaming pinagsamahan nila Rhino at Jhax ngunit isa na ito siguro sa pinakanakakatakot na adventure namin - ang magpatuli.

"Saan ang mga magulang niyo?" tanong nung nurse saming tatlo. Nakapila kaming tatlo para magpalista sa libreng tuli. Ayaw sana ni Mama sa libre kaso nabola siya ni Rhino.

"Miss." inilapit ni Rhino ang mukha sa dalagang nurse sabay kindat at nag-ayos pa ng postura. "Big boys na kami kaya di na namin kailangan ng kasama."

"Mga bata pa rin kayo!" pagalit na sumbat nung nurse.

"Ouch! Miss, konti na lang pwede na kitang ligawan eh." 

"At sino naman nagturo niyan sa iyo? Kabata-bata mo eh napakabolero mo!" sabay piningot nung nurse si Rhino.

"Aray ko po! Masakit huh." reklamo ni Rhino na umatras palayo sa mesa kung saan nakalapag ang listahan ng magpapatuli.

"Miss. may dala po kaming waiver mula sa mga magulang namin." singit ni Jhax sabay labas ng printed waiver niya na may lagda ng magulang niya. Tahimik ko ring inilabas sa bag ko ang folder kung nasaan rin ang waiver ko.

"Oh hayan Miss huh, may waiver na kami." - Rhino.

"Dalawa lang ito. Wala sayo." asik nung nurse.

"Huh?" napatingin sa akin si Rhino at parang tinatanong ako kung meron akong dalang waiver. Ilalabas ko na sana yung pineke kong waiver nang inakbayan ako ni Rhino.

"Magkapatid kami miss." 

Napakunot ng noo yung nurse. 

"Saang banda? Chinito ka eh itong sinasabi mong kapatid mukhang espanyol."

"Magkaiba kami ng erpat." mabilis na sagot ni Rhino.

"Ahhhh... Sige na, isulat niyo na pangalan niyo dito."

Habang sinusulat namin pangalan namin ay siniko ako ni Rhino.

"Palpak ka naman Port, di mo man lang ako ginawan nang pekeng waiver din?" maktol ni Rhino.

"Me-meron." tipid kong sagot.

"Seryoso? Bat di mo sinabi?" galit na bulong ni Rhino.

"Ilalabas ko na eh."

"Sa susunod, umayos ka huh!" sabay turo sa akin ni Rhino. "Pero love pa rin kita. Do not worry!"

Pagkatapos naming isulat ang aming pangalan ay naghantay na kami na matawag ang aming mga pangalan. Dahil medyo nahuli kaming dumating ay matagal-tagal din kaming nag-antay at habang tumatagal ay lalo kaming kinabahan. Puro sigaw at iyak ang aming naririnig sa loob ng operating room. May isang batang lalake pa na tumakbo palabas na walang suot na salawal. 

Maya't maya ay sunod-sunod na tinawag ang aming pangalan. Agad na tinuro nung nurse kung saan kami hihiga. Pinili naman naming tatlo yung magkakatabing kama. Pinili ni Rhino yung nasa gitnang kama.

"Sige hubarin niyo na salawal niyo." utos nung isang doktor. Maraming tao sa loob kaya nahihiya kaming nagtanggal ng salawal.

"Higa na." utos ulit nung doktor. Sumunod naman kami. "Una namin kayong tuturukan ng anistesya huh."

"Wait dok!" pagpipigil ni Rhino.

"Bakit? Aatras ka?" tanong ni dok.

"Pwede ba kaming maghawak-kamay?" tanong ni Rhino. Napatawa ng bahagya yung doktor.

"Sige, mag holding hands na kayo." mas lalo naman kaming nahiya ni Jhax pero pwersang hinawakan kami ni Rhino.

"Kaya natin to mga tol. Manalig lamang tayo sa Diyos. Di niya tayo iiwan!" ani ni Rhino.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 30, 2019 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

PORT THE EXPLORER!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu