PORTuges 3

253 11 4
                                    

"Ma, mga kaibigan ko po." napalunok ako habang nakatitig lang si Mama kina Rhino at Jhax. Si Rhino ay halatadong namamangha na makita ang bahay namin habang parating

sinasaway ni Jhax naman ito.

"Tita astig ng bahay niyo huh! Puno ng post it notes. Makakalimutin siguro kayo." masayahing komento ni Rhino. Napilitang tumawa naman si Mama.

"We-welcome mga anak. Ako nga pala si Tita Perla niyo."

"Di ba Port, Maitim ang apilyedo niyo?" hirit ulit ni Rhino. Ayaw ko mang tanggapin ay napatango ako sa tanong.

"Ayos Tita! Perla ka na Maitim ka pa!" humahalakhak na banat ni Rhino. Ikinagulat namin lahat ang sinabi ni Rhino lalo na si Mama na napahawak pa sa kanyang dibdib.

Binatukan naman ni Jhax si Rhino.

"Umayos ka nga." saway nito.

"Jo-joker din pala itong mga kaibigan mo anak." napipilitang komento ni Mama.

"Ako po si Jhax at itong sira-ulong may benda sa ulo naman eh si Rhino." pakilala ni Jhax na pagkatapos ay nakipagkamayan sa Mama ko.

"Bakit nga pala may benda ka sa ulo hijo?" kuryosong tanong ni Mama na hinawakan ng bahagya ang ulo ni Rhino.

"Secret po!" humahagikgik na sagot ni Rhino. Lumingon tuloy sa akin si Mama at yumuko sabay bulong. "May sira ba sa ulo itong kaibigan mo Port?"

"Hindi ko po alam."

Umayos ulit si Mama at hinarap sina Rhino at Jhax.

"Paano pala kayo nagkakilala?"

"Ah! Nakita ko po si Port sa palengke tapos hinatak ko na rin po si Jhax. Nagkaroon kami po ng pustahan tapos ako nanalo kaya naging magkaibigan kami." paliwanag ni

Rhino.

"Pinilit po ako ni Rhino." seryosong sumingit si Jhax na pinandilatan ng mata si Rhino.

"A-ayos ang pagkakakilala niyo huh." nakangiwing sagot ni Mama. Napansin ko ngang nagpapawis na si Mama halatadong kinakabahan sa uri ng kaibigan na ipinaharap ko sa

kanya. "Port kailangan nating mag-usap mamaya." nakangiti si Mama ngunit alam kong hindi siya masaya sa nangyayari.

"Ah eh bukas na lang po kayo mag-usap." singit ulit ni Rhino. Nasapo na ni Jhax ang noo.

"Huh?"

"Kasi po ipapaalam po namin si Jhax na doon muna sa bahay matulog ngayong gabi."

"Wa-wala kaming napag-usapan ni Port tungkol diyan Hijo."

"Kaya nga po sinasabi na namin ngayon." inosenteng ngumiti si Rhino. Bumuntong hininga na lang ako at ako mismo ay hinihintay kung paano tutugon si Mama.

"Pero may pasok pa siya bukas."

"Sabado po bukas Tita Perla." singit ni Jhax.

"Ah-eh sabado pala bukas Port?" napilitang tumawa ulit si Mama sa sarili niyang pagkakamali. Panay ang tingin ni Mama sa akin at pinandidilatan ako ng mata. Halatadong

galit na siya.

"Papayag na po kayo?" tanong ulit ni Rhino.

"Ano?"

"Hoy Port kunin mo na gamit mo." utos ni Rhino.

"Pe-pero hindi pa ako pumapa-"

"Salamat po Tita Perla! You're the best! Love you!" hindi na pinatapos ni Rhino si Mama na magrason. Nagawa pa ni Rhino na yakapin si Mama. In fairness magaling si

PORT THE EXPLORER!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu