Good night, Enemy (Published...

Od Serialsleeper

15M 676K 450K

(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making th... Viac

Epigraph
1 : Are you okay?
2 : You'll be okay
3 : Hey there bear
5 : The boy who can't sleep
6 : The Meme Lord
7 : Run Chicken Run
8 : The walking mess
9 : Denver
10 : The things we do for love
11 : Wolves
12 : First Date
13 : Remember the enemy
14 : Game Night
15 : TKO
16 : A November-night's dream
17 : The shitty things
18 : Here's to the enemy
19 : Splinter in her heart
20 : Brayleefy
21 : Bearable
22 : Weakling
23 : Heartstrong
24 : Of hate and kindness
25 : Trust issues
26 : Unhealthy
27 : Dilemma
28 : Broken
29 : The tipping point
30 : You're the worst
31 : Punchfest
32 : Master Denbear
33 : The Question
34 : Enemyship
35 : Bad Christmas
36 : Bet on it
37 : Camo
38 : In the middle
39 : The 5 stages of Drunk Braylee (Part 1)
39 : The 5 stages of Drunk Braylee (Part 2)
40 : Triggeredt
41 : Worst Case Scenario
42 : If only they knew
43 : Patched
44 : Aggression
45 : Remember This
46 : The past and the present
47 : The Favor
48 : Of all people
49 : You have no idea
50 : The Goner
51 : That thing called Depression
52 : The Secret
53 : Pang
54 : Numb
55 : Star-crossed
56 : I told you so
57 : Out of sight, out of mind
58 : Better
59 : Honestly
60 : Dwindle
61 : Too Late
62 : The thing about acceptance
63 : In the zone
64 : Validation
65 : Here's to the allies
66 : The stars in the sky
67 : You should know
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Spin-off
Special Chapter #1
Special Chapter #2
ANNOUNCEMENT <3

4 : Bad bad bad

279K 10.7K 4.6K
Od Serialsleeper

 Braylee


        "Heartbroken?" the waiter asks as he places a milktea and slice of cake right in front of me. 

        "I can't show my face again," I couldn't help but pout and wail as I stare at strawberry-topped vanilla cake. 

        "Nakikita ko ang mukha mo," the waitrer says in a teasing tone but instead of getting mad, I let out a dying laughter mixed with wail and despair. A laughter I can only make knowing I am doomed.

        "If I wear a wig, will people still recognize me? It worked for Hannah Montana, it's gonna work on me too right?" I asked in desperation but the waiter just laughed while shaking his head. 

       "Sa huli, binulgar ni Hannah Montana ang sikreto niya," aniya at sa puntong yon ay agad akong napatuwid ng upo at nag-ngat ng tingin sa kanya.

        "Wait, you watched Hannah Montana?" hindi ko naiwasang magtanong. Tumawa ang waiter. Napatingin ako sa nameplate ng suot niyang white polo at binasa ko ang nakasulat dito—Apollo. 

         "Apat na magkakapatid, nag-iisang lalake—struggle is real," pabirong sambit ni Apollo saka biglang nag-dab dahilan para matawa ako.  "Nga pala, di mo ba 'yan sasagutin?" aniya at bigla na lamang tinuro ang cellphone ko.

         Tumatawag pala si Piper kaya dali-dali ko itong sinagot. "Where are you, Braylee?! Nagsisimula na ang game!" bulalas ni Piper. Sa lakas ng boses niya, bahagya ko pang inilayo ang cellphone mula sa tenga ko. 

         Natawa si Apollo sa naging reaksyon ko at nagpatuloy siya sa pagse-serve sa iba pang customers dito sa coffee shop.

        "P, sumama bigla ang pakiramdam ko sa dami ng tao. I'm really not into crowded places. I'm in a coffee shop just a few blocks away from where you are. Can I just stay here and wait for you guys?" tanong ko at narinig ko si Piper na mapabuntong-hininga.

        "Okay fine! O siya sige, mamaya nalang. Aawayin muna namin ang 'tong Roseshits, sinisimulan na naman kami ng Team Teletubbies!" sigaw nito mula sa kabilang linya at bigla na lamang akong binabaan.

        Sinasabi ko na nga ba't makaka-engkwentro na naman nila ang Team Teletubbies. Isa itong grupo ng mga estudyante mula sa Rosepike University; ang rival university namin.

       "Teddy! Andito ka lang pala!" Nagulantang ako nang bigla na lamang may naupo sa harapan ko. Muli akong napanguso at napadanguyngoy nang makitang si The Walking Stress pala ito at hawak pa niya ang ulo ng costume niya. Wait did he just call me Teddy?! 

      "Nananadya ka ba talaga!" Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor ko at taas-noong pinanlisikan siya ng mga mata, umaasang masisindak siya sa ginagawa ko. Kapag kasi ginagawa 'to ni Piper, nasisindak ako, siguro gagana rin 'to kay boy eyebags.

      "Pasensya ka na talaga, mali lang yung nasabi ko kanina. Medyo lutang lang talaga ako," paliwanag niya agad sabay taas ng magkadikit niyang mga palad, para bang nagmamakaawang patawarin ko siya. Wala akong nakikitang bahid ng ngiti sa mukha niya, sincere naman yata siguro siya sa paghingi ng tawad. Yata?

       Napabuntong-hininga na lamang ako at padabog na inilapit ang platito papalapit sa akin. Sumubo ako nang malaking piraso ng cake habang nanlilisik parin ang mga mata,  umaasang masisindak lalo si Boy eyebags at lalayuan ako.  Kaso imbes na masindak, tiningnan lamang ako ni Boy Eyebags na para bang naguguluhan siya sa ginagawa ko.

        "Pwede ba kitang makausap?" tinaas ni Boy eyebags ang noo niya upang magkaroon kami ng eye to eye contact. 

       "La--" natigil ako sa pagsasalita nang mapagtantong di ko pa pala nangunguya ang cake na sinubo ko. Napakalaking piraso nun kaya agad akong nagtaas ng kamay bilang 'excuse me' at tumagilid upang magpatuloy sa pagnguya.

       "Waiter, tubig!" narinig kong sumigaw si Boy Eyebags.

       Napahawak ako sa dibdib ko nang pakiramdam ko'y para bang mabibilaukan na ako. 

       "Tubig oh," nag-angat ako ng tingin at nakita kong inaabot na niya sa akin ang isang baso ng tubig. Tinanggap ko ito pero hindi ako nagpasalamat. Matapos niya akong pinahiya kanina, wala siyang makukuhang salamat mula sa akin. 

       Napabuntong-hininga ako at napasandal sa kinauupuan nang sa wakas ay naging bakante na ulit ang bibig ko. Napansin kong nakatingin parin pala sa akin si Boy Eyebags kaya dali-dali akong umupo nang maayos saka nilakihan ulit ang buka ng mga mata ko with matching tingala pa para masindak siya. Bad girl muna ako ngayon!

       "May problema ba ang mga mata mo?" bigla niyang tanong kaya parang gumuho ang 'siga vibes' na akala ko ay meron ako.

       "Hindi ka man lang ba nasisindak?" tanong ko at mas pinanlisikan pa siya ng tingin.

       "Are you trying to scare me?" Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti, parang natatawa. 

        My eyes went back to its same cute size and I couldn't help but pout again. "Why are you so mean to me? Baka mamaya ma-chismis ako sa school na malandi, lagot ka talaga sakin,"

       "Teka, pasensya ka na talaga," muli niyang giit pero sa kabila nito ay mukhang tawang-tawa parin siya. Huminga siya ng malalim at pilit na nagseryoso. "Ganito, ano bang magagawa ko para mapatawad mo ako?"

        Sa puntong iyon ay agad akong napangiti. Ipinatong ko ang magkabila kong siko sa mesa at ipinatong sa mga palad ang mukha ko. "Layuan mo po ako," malambing kong sambit habang may ngiti parin sa mukha.

        Bigla niyang ipinatong ang magkabilang siko sa mesa at gaya ko'y ipinatong niya ang mukha sa kanyang palad at ngumiti ng malapad. "Hindi po pwede. Kailangan ko po ang tulong mo," aniya at ginaya pa ang tono ng pananalita ko.

       "Hindi po kita tutulungan," giit ko gamit ang malambing parin na tono ng pananalita habang nakahalumbaba.

       "Alam ko pong mabait ka at tiyak tutulungan mo po ako," aniya pa kaya para tuloy tumubo ang sungay ko sa sobrang inis pero sa kabila nito ay patuloy parin ako sa pagngiti.

      "Ako? Mabait! Pshh! I'm meaner than you, boy eyebags," pabulong kong giit habang nakaharap parin kami sa isa't-isa.

      "Prove it," panghahamon niya habang nakahalumbaba at may ngiti parin sa mukha.

      "You handed me the water and I didn't thank you for it," taas-noo kong pagmamalaki. "I'm such a badass," I flipped my long brown hair at returned my palm under my jaw.

      He suddenly chuckled while still facing me. "That's the worst you've got?"

      I grimaced. "There's more! There was one time nag-away kami ng kuya ko kaya nung nag-dinner kami, di ko inabot sa kanya ang toyo at nagbingi-bingihan ako!" Taas-noo kong pagmamalaki.

       "Wowwww!" manghang sambit ni Boy Eyebags kaya kagat labi akong tumango-tango bilang pagmamalaki. "Ano pa?" tanong pa ni Boy Eyebags habang abot-tenga ang ngiti. Siguro convinced na siya na super badass ako.

        Habang nakahalumbaba parin gamit ang dalawang palad, napatingala ako sa kisame upang mag-isip. "Ah! Nung minsang nagkaroon ng sore eyes yung friend kong si Riley, tinanong niya ako kung pretty parin ba siya, I told him na super pretty niya parin niya kahit mukha na siyang adik dahil sa kulay ng mga mata niya!" I said with pride and even gave out an evil laugh while staring at the ceiling, raising my hands in an evil gesture.

        Tawang-tawa si Boy Eyebags dahil sa sinabi ko pero sa kabila nito ay nanatili siyang nakahalumbaba sa mesa at nakaharap sa akin. Infairness, medyo cutie talaga 'tong si Boy Eyebags kahit mukhang zombie.

        "Kwento ka pa! Bilib na bilib na ako sa'yo," aniya pa kaya proud na proud akong nagpatuloy sa pagk-kwento.

        "Last week, nagsimba ako kaso twenty peso bill nalang yung natira sa pera ko. Gusto kong mag-donate ng kahit five pesos man lang kasi fifteen pesos yung pamasahe pabalik sa dorm so ang ginawa ko, humingi ako ng sukli!" Pagmamalaki ko sabay taas-baba ng kilay ko at flip ulit ng buhok ko.

         Napaayos si Boy Eyebags ng umupo, inalis niya ang mga siko sa mesa at natawa, parang hindi makapaniwala sa narinig. "Damn, that's pretty bad." Natatawa man, napangiwi si Boy Eyebags. "D-don't do that one again, okay? Mapapagalitan ka ng matatanda pag ganun." 

         Naglaho ang ngiti sa mukha ko dahil sa naging reaksyon niya. "Never again. That was embarassing," pag-amin ko saka tumango-tango at tumango-tango naman siya pabalik.

         "Pero hindi parin ako kumbinsidong masama kang tao," giit ni Boy Eyebags na sa pagkakataong ito ay seryoso na ang tono ng pananalita pero may ngiti parin sa kanyang mukha.

         Nakahalumbaba parin, muli akong ngumisi. "I'm a rebel with a halo."

         "You are too pure for this cruel world, teddy." aniya habang nakatitig sa mga mata ko.

         "You're the one in a bear suit, I should call you teddy, teddy!" pagdidiin ko. "Wait where's my head? That's not my head!" paalala ko sabay turo sa ulo ng costume niya na nakapatong sa mesa.

         "Nasa dorm yung ulo mo, ibang costume 'tong nakuha ko." aniya sabay tapik sa ulo ng bear sa mesa.

         "Nga pala, ba't mo pala hinihingi ang tulong ko?" tanong ko pero bigla kong naalalang may kasalanan pa pala siya sa akin kaya dali-dali akong umayos ng upo sabay taas ng isang kilay ko. "Hindi sa tutulungan kita, pero wala lang, curious lang."

        "Tulungan mo ulit akong makatulog, utang na loob,"  seryoso nitong sambit, wala na ang ngiting kanina pa niya pinapamalas.

         "Wait, so you haven't slept ever since we met?" pagk-klaro ko at tumango-tango naman siya bilang sagot. Napasinghap ako at saglit na napapikit. Naku naman, super unhealthy na ng ginagawa niya. Super importante pa naman ng tulog para sa isang tao.

         Narinig kong tumunog ang chime at nang mapalingon ako sa direksyon ng pinto ay nakita ko ang isang grupo ng mga estudyante. Namumukhaan ko sila, hindi kami magkakilala pero sigurado akong pumapasok sila sa Filimon University gaya ko.

        "Sa labas tayo mag-usap, maghintay ka muna ng five minutes bago sumunod," sabi ko at agad na lumabas habang nakadungo nang sa gayon ay walang makakita sa mukha ko.


***

        Nang makarating sa parking lot, agad akong natigil sa paglalakad nang mapagtantong naiwan ang jacket ko sa loob. Narinig kong bumukas ang pinto at nang lumingon ako sa direksyon ng coffee shop ay nakita kong lumabas si Boy Eyebags bitbit ang jacket ko at suot na niya ulit ang ulo ng teddy bear costume niya. 

        "Ba't mo sinuot ulit?" natawa ako sa kanya. 

         Inabot niya sa akin ang jacket ko at nagsimula kaming maglakad-lakad sa gilid ng tahimik na daan.

        Tinanggal niya ang ulo ng oso at pinunasan niya muli ang pawisang noo. Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Ba't ka biglang lumabas? Kilala mo ba ang mga 'yon?"

       "Hindi. But baka may kakilala doon ang friends ko. I mean, may pagka-bugaw at malisyoso ang mga kaibigan ko eh."

         "Bugaw?" natawa si Boy Eyebags.

         Natawa rin ako sa sinabi ko pero parang ganun narin kasi. "There was one time, may boy classmate kaming nanghiram sa akin ng ballpen kaya siyempre pinahiram ko siya kasi may extra ballpen naman ako. Hind namin kilala yung boy kasi first time namin siyang naging kaklase, tapos yun na, ni-loveteam na nila ako sa kanya. Tinutukso na nila ako lagi sa kaklase naming 'yon kahit di naman namin siya kilala," tawang-tawa ako habang nagk-kwento at ganun din si Boy Eyebags habang nakikinig.  "Kahit yung lalakeng nag-serve sa amin sa jollibee noon, ni-loveteam na agad nila sa akin at hinalughog pa nila ang facebook para hanapin ang lalakeng yon. Kaya paano nalang pag nabalitaan nilang may kausap akong lalake sa isang coffee shop? Naku, hu-huntingin at is-stalk ka talaga ng mga yun." Dagdag ko pa.

         "Teka, hind ka ba manonood ng basketball game? Diba doon ka galing?" tanong ni Boy Eyebags habang hawak sa kaliwang kamay ang ulo ng costume niya.

        "Crowded places aren't for me," pag-amin ko at tumango-tango naman siya.

       "Doon tayo oh," pag-iiba ni Boy Eyebags ng usapan sabay turo sa direksyon ng soccer field sa hindi kalayuan.


       ****

           Umakyat kami sa bleachers at nang maupo ako ay agad kong ipinatong ang jacket sa tabi ko. Pumwesto naman si Boy Eyebags sa hindi kalayuan at nahiga habang nakatitig sa kalangitan. Susubukan niya ulti siguro na matulog.

          "Sorry pala kasi iniwan kita bigla doon sa nature park," sabi ko nang maalala ko ito. "My friend was rushed to the hospital."

         "Okay na ba siya ngayon?" tanong niya.

        "Physically yes, emotionally no," pag-amin ko. "I feel really bad for him. His own dad hurt him just because he was being himself."

        "No parent is perfect, Teddy" pahayag ni Boy Eyebags kaya napalingon ako sa kanya at nakita kong pikit mata na siya habang nakahiga sa bleachers.

        "But no parent should hurt his own kid especially when he's done nothing wrong. Being gay isn't wrong. Hurting someone, that's whats wrong."  giit ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at ipinatong ang dalawa kong siko sa ibabaw ng sandalan ng kinauupuan ko. Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituwin. Kung sana talaga nakakatupad ng kahilingan ang mga bituwin...

        "Nga pala, kung ayaw mo sa matataong lugar, ba't andun ka sa arena kanina?" tanong muli ni Boy Eyebags na hindi parin gumagalaw mula sa kanyang pwesto.

       "I lost a bet," pag-amin ko. "We do this betting thing for fun. Unfortunately, ako ang laging talo but it's okay since napapasaya ko naman ang mga kaibigan ko," napangiti ako nang sumagi sa isipan ko ang napakaraming kahihiyang dulot ng pagkatalo sa mga bet na ako lang din naman ang may kagagawan.

       "You really love your friends huh?" sambit ni Boy Eyebags.

      "You have no idea," napangiti akong muli. "My friends are not how they look like; I mean they may look happy and crazy when you see them but deep down, they're fighting battles that normal people of our age shouldn't. I just want them to be happy.... even just for awhile." hindi kumibo si Boy Eyebags pero nagpatuloy parin ako sa pagsasalita.

        Hindi nagtagal, pansin kong hindi na talaga kumikibo si Boy Eyebags. Pinagmasdan ko siya nang maigi at napangiti ako nang mapansing natutulog na siya. Mabuti nalang at suot niya pa sa katawan ang teddy bear costume kaya hindi siya lalamigin kahit magdamag siyang makakatulog dito.

         Ilang oras ko siyang sinamahan, siya tulog, ako nama'y nakatitig lang sa mga bituwin. Sa isang iglap, bigla akong nakatanggap ng text mula kay Piper.


      Piper:

Asan ka? We're at the coffee shop


*****


        "Hala!" Napangiwi ako nang makita ang van ni Warren na napakarumi dahil sa mga eggshells at tissue paper na nakapulupot rito. Nasa labas ng sasakyan ang mga kaibigan ko at mukhang badtrip na badtrip.

       "Anong nangyari?" bulalas ko.

      "Pinagbabato na naman ng team teletubbies ang sasakyan ni Warren gamit ang mga bulok na itlog at tinadtad pa ng tissue paper," kwento ni Riley na halatang inis na inis at mukhang beastmode na.

      Napabuntong-hininga na lamang ako. Ano pa nga bang bago? Noon pa kaaway ng grupo namin ang Team Teletubbies mula sa Rosepike University. Actually ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong manood ng basketball game, kasi alam kong makaka-engkwentro na naman ng mga kaibigan ko ang Team Teletubbies. Ayaw ko kasi talaga ng gulo at away. 

        "Mapapatay ko talaga ang Thorn na yan!" inis na bulalas ni Piper na kulang nalang ay isumpa si Thorn sa kalangitan.

        "Teka, nagpakita na si Thorn? Ginawa niya talaga 'to?" tanong ko. I mean matagal na kasing usap-usapan ang pagtigil ni Thorn sa paglalaro and since then minsan nalang daw siya kung makita ng mga tao. Thorn's like this mysterious legendary player of Rosepike University. 

        Actually kahit ako, ni minsan ay di ko pa siya nakikita. But I've heard a lot about him. He's done a lot of bad things to my friends especially to Warren. Yan ang dahilan kung bakit laging nakakaaway ng mga kaibigan ko ang team teletubbies; friends raw kasi ni Thorn ang mga yun. 


END OF CHAPTER 4

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
184K 6.9K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...