BOOK I: Touch Her and You'll...

Von ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 32

2.5K 81 16
Von ayemsiryus

Chapter 32 – Her Lies

Third Person

Nagmulat siya ng kaniyang mga mata kasabay rin nito ang pag-agos sa kaniyang isipan ng mga nangyari kinagabihan. Lahat ng kaniyang nalaman, narinig at nagawa. Tila isang pelikula na naka-fast forward.

Pagtingin niya sa kaniyang kamay, nakahawak doon ang taong naka-upo sa ibaba ng kamang hinihigaan niya.

"I love you... ako na ang bahala sa labang 'to, Ciel," muling pag-alingawngaw nito sa kaniyang isipan. Malinaw na malinaw niya 'tong narinig kagabi, habang siya'y nagpapanggap lamang na tulog. Nahihiya siyang harapin ang kaniyang kasintahan dahil sa kaniyang iniasta sa harap nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya, parang may bumulong sa kaniya na halikan kagabi si Nique. Matapos niyang masira ang tiwala nito, ganoon ang ginawa niya. Nakakahiyang bagay para sa kaniya.

"Gising ka na pala," natigil ang kaniyang pag-iisip nang marinig niya ang boses nito.

"Ahm... oo," halatang-halata na wala siyang masabi.

"Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo ako ginising agad? Alam kong nagugutom ka na. Tara, doon na muna tayo sa bahay nang maipagluto kita," pag-anyaya nito habang tinutulungan siyang makatayo. "Masakit pa ba ang katawan mo?" dagdag na tanong pa nito.

"Hindi na gaano... kaya ko naman nang kumilos," at tinanguhan na lamang siya nito. "Nasaan ang kotse mo?" tanong ni Ciel pagkalabas nila ng elevator. Ang loob ng headquarters ay napakatahimik, at magulo rin. Mukhang wala pang nagtatangkang bumalik na sub-reapers.

"Nasa bahay ang isa, may kotse rin naman ako dito. Pero kailangan kong maiuwi ang big bike ko," paliwanag nito. Hindi na siya sumagot at pinagmasdan na lamang ang malaking motor na nasa harap niya. Hindi niya alam na may ganoon pala si Nique, katulad ng kotse nito na kulay abo, napakaangas din tingnan ng kaniyang big bike. Naghahalo ang kulay itim, puti at abo sa kabuuan nito. Hindi na 'to kataka-taka. Si Nique ay isang unique na babae, hindi bagay sa kaniya ang kulay pink na karaniwang paborito ng iba. "Sakay na," pag-anyaya nito na agad naman niyang sinunod. Buong byahe ay tahimik lang sila, parehong nagpapakiramdaman at parehong dinarama ang malamig na hanging humahampas sa kanilang mga balat habang bumabyahe sa katahimikan ng kalsada.

Nang makarating sa bahay ni Nique, agad nilang napansin ang isang pamilyar na kotse sa harap nito, na nasa likod naman ng kotse ni Ciel na iniwan nila kagabi. Agad silang bumaba at dumiretso sa nasabing sasakyan.

"Anong ginagawa mo dito, Ate?" tanong ni Nique sa kaniyang kapatid na siya palang lulan ng sasakyan.

"Ahm... to have a word? With you? The both of you?" sagot nito habang bumababa sa kaniyang kotse.

"A word, e?" si Nique.

"Yeah, a word. Marrette is coming, too," sagot nito.

"Kailangan nga nating mag-usap. Pumasok na tayo sa loob, sumabay ka na sa amin ni Nique na mag-almusal," sabat ni Ciel, saka naunang pumasok sa loob.

Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo kagabi, stupid plans. Sa isip ni Ciel.

I hope this will be a peaceful talk. Napapabuntong-hiningang turan ni Leeam sa kaniyang isip.

Pagkapasok ay dumiretso sila sa dining area. Naupo ang dalawa habang si Nique ay naghanda na para magluto.

"Pahiram ng cellular phone mo," sabi ni Ciel habang nakalahad ang kamay sa harap ni Leeam. Agad namang ibinigay ng huli ang hinihiram ng dalaga. "Tatawagan ko lang si Marrette," paalam niya saka pumunta sa living room.

Bakit naman niya tatawagan si Marrette? Tapos lumayo pa? Pwede namang dito sa harap ko mag-usap, ah! Iritableng sabi ni Nique sa kaniyang isip.

"Jealous," pang-asar ni Leeam sa kaniyang kapatid nang makitang bahagya 'tong natigilan.

"Shut up," malamig na tugon nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Tinawanan lang siya ng kaniyang kapatid.

"To be fair with you, there's nothing you need to be jealous about," napatingin si Nique kay Leeam nang sabihin niya 'yon. "If there's one person between you and your girlfriend who needs to be jealous... that's Criza," seryosong dagdag pa ni Leeam.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Nique pero nagkibit-balikat lang si Leeam at hindi na sumagot pa.

I don't get it. Sa isip ni Nique at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Sa living room.

"Hello—,"

"I already said that I'm coming, Leeam. Ano pa bang kailangan mo?" pagputol ni Marrette sa kaniyang sinasabi sa kabilang linya. Napabuntong-hininga muna si Ciel bago sumagot.

"This is me," pagkasabi niya non ay biglang natahimik ang kabilang linya.

You've got to be kidding me. Sa isip ni Marrette. Hindi siya pwedeng magkamali, kilalang-kilala niya ang boses ng kausap niya ngayon.

"C-Criza?"

"Ako nga,"

"H-hello, I'm sorry for being rude. I didn't know that it was you—," mahinahon na ang boses ng kaniyang kausap. Malayo sa paraan ng pagsasalita nito kanina.

"Okay lang. Nasaan ka na? Ikaw na lang ang wala dito," tanong niya.

"Susunod na ako," sagot nito sa kaniya.

"Sige," tanging naisagot niya. Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit niya naisipang tawagan si Marrette. Pilit siyang naghahagilap ng rason pero sadyang wala siyang makita.

"May sasabihin ka pa ba?" natigil siya sa pag-iisip nang muling magsalita si Marrette.

Sige, magsalita ka lang. Gusto ko pang marinig ang boses mo. Pero mas ayos sana kung si Reeam mismo ang tumawag sa akin ngayon. Sa isip ni Marrette habang nagbibihis at naghahanda na sa pag-alis. Parang bigla siyang sinipag na pumunta sa bahay ng kaniyang bestfriend, hindi tulad kanina na nag-iisip na siya ng libo-libong mga dahilan para hindi na siya pilitin ni Leeam na pumunta pa.

"Ah, pwede ba tayong mag-usap?" lakas-loob na tanong ni Ciel. Ito na siguro ang dahilan kung bakit naisipan niyang tawagan si Marrette.

"Nag-uusap na nga tayo, e," pabirong sagot ng kaniyang kausap.

"Ah, e—,"

"Biro lang. Oo naman, tungkol saan ba?" pilit pinasisiglahan ang boses, pero sa loob-loob niya'y kinakabahan na siya. Parang may kutob na siya sa kung anong pag-uusapan nila pero napakalabo naman kung 'yon nga.

"Mamaya mo nalang alamin. Dalian mo na sa pagpunta dito,"

Kinukulang ako sa lakas ng loob na i-open ang bagay na 'yon. Napapakagat-labing turan ni Ciel sa kaniyang isip.

"Ito na, pasakay na sa kotse,"

"Hihintayin ka namin,"

"Hihintayin mo ako?" nangingising tanong ni Marrette sa kabilang linya.

"Oo,"

"Hihintayin mo ako?" pilyang pag-uulit nito.

"Namin... hihintayin ka namin," napapikit ng mariin si Ciel dahil pagkatapos niya 'tong banggitin, nanahimik ang kabilang linya.

Sana nga hinihintay niya ako. Sa isip ni Marrette.

Stupid, stupid, stupid! Sa isip naman ni Ciel.

"Yeah right, sana nga hihintayin 'niyo' ako. Sige na, ibababa ko na 'to," bago pa man siya makasagot ay naibaba na ni Marrette ang tawag.

Yeah right, lokohin mo lang ang sarili mo, Marrette. Hinding-hindi ka hihintayin ni Reeam. Sita ni Marrette sa kaniyang sarili saka nagsimulang magmaneho.

Binabaan ka tuloy! Sita naman ni Ciel sa kaniyang sarili at bumalik na sa dining area.

"O? Tapos na kayong mag-usap?" napataas ang kilay niya nang hindi pa man siya nakakaupo ay nagsalita na si Nique habang nakatalikod sa kaniya. Napatingin siya kay Leeam pero nagkibit-balikat lang 'to. "Hindi ka na nagsalita?" tanong nito pagkaharap sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa harap nito.

"Hmm! Bakit ba ang sungit mo?" sabay pitik sa noo ni Nique. Agad naman nitong hinawakan ang kaniyang noo at nanlaki ang mga mata.

"H-how could you?!" sabay turo nito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala.

"What?!" natatawa niyang tanong. Napaka-priceless ng facial expression na nakikita niya ngayon sa mukha ng kasintahan. Lalo pa siyang natawa nang marinig ang malakas na tawa ni Leeam.

"M-MASAKIT 'YON AH!" nagrereklamong sigaw ni Nique.

"Para pitik sa noo lang? Ganyan ka na mag-react? Pero kapag nasusuntok ka sa mukha at iba't-ibang parte ng katawan, wala lang? Kapag nasisipa ka, wala lang? Worst kapag nababaril ka, wala lang? Kapag sumasalo ka ng bala ng baril, wala lang? WEAK KA PALA, E!" mas lalong nanlaki ang mata ng kaniyang kasintahan.

"A-anong sinabi mo?!" pero tinawanan niya lang 'to at hindi sinagot.

"Tama na nga, kumain na tayo," pag-anyaya ni Leeam saka nagsimulang maghain.

Kasalukuyan na silang kumakain nang dumating si Marrette.

"Good morning," pagbati nito sa kanila, o mas dapat yatang sabihin na pagbati niya kay Ciel.

Iwas lang, Marrette. Hindi naging maganda ang pag-uusap niyo kagabi. Pagkausap ni Marrette sa kaniyang sarili.

"Good morning din. Kain ka," sagot naman ng dalaga saka tumayo para kumuha ng plato't mga kubyertos para kay Marrette. Saka 'to hinila paupo sa upuan at inasikaso. Matapos ay bumalik na sa kaniyang kinauupuan sa tabi ni Nique.

"Salamat," naiilang na sabi ni Marrette ng may tipid na ngiti sa kaniyang labi, nginitian na lang rin siya ng dalaga.

Hindi naman makapaniwala ang kambal sa kanilang nakita. That was nice, Ciel. Lalong-lalo na si Nique.

Ang katahimikang namamayani sa kanila ay binasag ni Ciel.

"Don't do anything stupid," seryoso nitong sambit. Nagpalitan naman ng tingin ang tatlo. Nangangapa sa kung ano ba ang ibig sabihin ng dalaga. "Naiintindihan niyo ba ako?" tanong pa nito.

"A-ano ba ang ibig mong sabihin, Criza?" si Leeam.

"I don't want the three of you, to die for me," saka niya isa-isang tiningnan sa mata ang tatlo, sa mata nilang halata ang pagkagulat.

Paano niya... Sa isip ni Nique.

"W-what are you talking about? There is no such thing—,"

"I heard everything, stop it Marrette," napamaang si Marrette sa kaniya.

"Ciel, hindi naman namin gagawin ang bagay na 'yon," sabat ni Nique nang siya ay makabawi sa pagkagulat, marahas na napalingon sa kaniya si Marrette.

"Dapat lang, at sinisigurado ko lang na hindi niyo nga gagawin ang bagay na 'yon," maawtoridad na sagot ng dalaga.

"There is no other way, Criza," matatag na sabi ni Marrette habang hindi inaalis ang tingin kay Nique.

"Marrette," si Ciel.

"I'm just being realistic here. Why can't you just accept the fact? Para matapos lang ang gulong 'to, dapat na may mamatay sa inyong dalawa. As easy as that," tila nagpantig ang tenga ni Nique sa kaniyang narinig.

"As easy as that? As easy as that, huh! Marrette, you suck! Ano ba talagang problema mo? Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?!" napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at dinuro-duro ang kaniyang kaibigan.

"Napag-usapan? Ang alin? 'Yong binabalak mo bang lumaban ang dapat nating gawin? You're just risking Criza's life, especially yours! And I can't afford to lose you—I mean, I know that you can't afford to lose each other! You're insane!" sagot naman ni Marrette.

Letse, muntik na! Sa isip ni Marrette.

Can't afford to lose her, huh. Sa isip naman ni Leeam.

"I can't afford to lose Nique too, Marrette. Tapos madadamay pa kayong dalawa ni Leeam sa gulong ginawa namin. I don't like your plan. May ibang paraan pa," sumabat na si Ciel habang pumapagitna sa dalawa.

Where is the peaceful talk that I'm hoping? Sa isip ni Leeam habang pinapanood ang tatlo. Hindi niya maintindihan si Marrette at ang kaniyang kapatid. Idinadaan nila sa init ng ulo kaya hindi magkaintindihan.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang mag-ring ang cellphone ni Nique.

"Si Dad, sagutin ko na muna," paalam niya sa mga kasama at pumunta sa living room.

"Reeam Dominique," pambungad sa kaniya ng kaniyang ama.

"Yes, Dad? Is there any problem?" seryosong tanong niya.

"Kapag may problema lang ba ako tumatawag sa'yo, o sa inyo ng kapatid mo?" seryoso ring tanong sa kaniya nito.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Dad," nagpapaumanhing tono na sagot niya.

"Alam ko, alam ko. Binibiro lamang kita," sa boses ng kaniyang ama, alam niya na nakangiti ito habang sinasabi ang mga salitang 'yon kaya kahit papano'y napangiti rin siya.

"Hmm. Why did you call, Dad?" tanong niya ulit.

"We will be having a family dinner later at the main house, I'm expecting the three of you there," sagot nito.

"For what?"

"We need to talk,"

Talk and talk and talk and talk. Sa isip ni Nique.

"Okay. I guess it's about time," sagot niya. Napagdesisyunan niyang isama at ipakilala na sa kaniyang mga magulang si Ciel, ang kaniyang kasintahan.

"For?"

"You'll know it later. See you. Bye," at binaba na niya ang tawag.

"Anong sabi ni Dad?" tanong ni Leeam pagkabalik niya sa dining area.

"May dinner mamaya. Kasama ka Marrette. Binabalak ko ring isama si Ciel," seryosong sagot niya.

"And why is that?" si Leeam.

"Of course, para ipakilala siya. Alam na ng pamilya niya kung ano ang mayroon sa aming dalawa, it's about time na malaman na rin ng pamilya natin," halata sa boses nito na pinal na ang kaniyang desisyon.

"Wrong move, Reeam. By the way, I can't go. I'm not feeling well," si Marrette saka tumayo at nagsimulang maglakad papalabas ng dining area.

"I hate to say this, but... I need you later, Marrette. Kailangan ko kayo ni Ate," sambit ni Nique na siyang nagpatigil kay Marrette.

Alam ko, pero masyado na akong maraming nagawa para sa relasyon niyo. Matabang na turan ni Marrette sa kaniyang isip.

Natatawa siyang humarap muli sa direksyon ng kaibigan.

"Why? Kasi alam mo ang maaaring mangyari kaya kailangan mo kami ni Leeam? Alam mo ang maaaring mangyari pero itutuloy mo pa rin? Well, my decision is final as the same as yours. Hindi ako pupunta mamaya sa dinner," sabay talikod at pinagpatuloy ang pag-alis.

Fuck, Marrette! Why can't you just cooperate?! Inis na turan ni Nique sa kaniyang isip.

"Marrette—!"

"Stop, don't follow her," napatigil si Nique sa tangkang pagsunod nang magsalita ang kakambal niya. "You," sabay turo kay Ciel. "Follow her. This is your chance," maawtoridad na utos nito.

I know that you want to talk to her. If you really heard everything last night... it means, you heard the last part, too. Si Leeam sa kaniyang isip.

"Ate—!" napatigil sa pag-react si Nique nang makita niyang tumakbo palabas ang kaniyang kasintahan para sundan ang kaniyang kaibigan. "Ciel—!" sa ikatlong pagkakataon ay napatigil siya nang hawakan siya ng kaniyang kapatid sa balikat.

"Bigyan mo sila ng pagkakataon na mag-usap, babygirl," napabuntong-hininga naman si Nique nang maintindihan ang nais mangyari ng kaniyang kakambal, saka pumirmi at piniling hintayin na lamang bumalik si Ciel.

Gagawa rin ako ng paraan para magkausap kayo ni Marrette. Dahil sa inyong tatlo, kayong dalawa talaga ang dapat mag-usap. Sa isip ni Leeam.

Sa labas.

"Marrette!" nang maabutan ay hinigit niya 'to sa braso papaharap sa kaniya.

"What?" nabigla siya sa lamig na naramdaman niya nang sumagot ito.

"A-ano ang maaaring mangyari mamaya?" kinakabahan niyang tanong. Parang ibang tao kasi ang nasa harap niya ngayon, hindi niya makita ang Marrette na nakilala niya.

"Marami,"

"Gaya ng ano?"

"I can't say. Sabihin nalang natin na kakailanganin mo ng magpoprotekta sa'yo," seryoso ang mukha nito pero nakita niya ang sandaling pagguhit ng maraming emosyon sa mga mata nito.

"A-at wala ka doon para... protektahan ako?" wala sa sariling tanong niya habang titig na titig sa mga mata ng kausap.

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ng kaniyang kausap. "Nasa tabi mo mamaya si Reeam, 'yong kaibigan ko. You don't need me, Criza. You don't need me," malamig na sambit nito.

I will protect you with my own ways. I will protect you for Reeam. Sa isip ni Marrette. Mga katagang hindi maisatinig.

"Marrette," hindi makapaniwala ang dalaga sa kaniyang narinig.

"May sasabihin ka pa ba?"

"Totoo ba?" nagsisimula nang magtubig ang kaniyang mga mata.

"Ang alin?"

"Huwag ka na magpanggap. Totoo ba, Marrette?"

"Hindi kita maintindihan—,"

"Totoo ba na m-may... may n-nararamdaman ka p-para..." napatigil si Ciel sa pagsasalita at kumabog naman ng todo ang dibdib ni Marrette sa kaba.

Fuck! Alam na niya? Alam na nila?! Sa isip niya.

"...sa akin?" pilit pinapatatag ang boses na tanong ni Ciel habang lumuluha. Agad namang napaiwas ng tingin si Marrette sa kaniya. Tila nakahinga ng maluwag dahil mali pala ang nalalaman ng dalaga.

Letse, kinabahan ako doon, ah. Napapabuntong-hiningang turan ni Marrette sa kaniyang isip.

"N-narinig ko lahat kagabi. Pero gusto ko pa ring marinig mula sa'yo dahil hindi ko matanggap," si Ciel.

"Alam mo na pala," sagot niya, hindi na siya nag-abala pang alamin kung ano at paano niya narinig ang lahat dahil wala rin namang saysay. Dahil rin sa isinagot niya ay mas lalong napaiyak si Ciel. "Hindi mo matanggap? Alam ko naman na hindi mo talaga matatanggap ang nararamdaman ko para sa'yo, huwag mo nalang sana ipamukha? Kasi masakit," sarkastikong dagdag pa nito.

I'm sorry, Criza. Pero kailangan kong gawin 'to. I'll let you think na tama ang nalalaman mo. Sa isip ni Marrette.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"E, ano pala?"

"Hindi ko matanggap na may nararamdaman ka para sa akin dahil alam ko na sa ganoong paraan nasasaktan kita. Nasasaktan na pala kita ng wala akong kaalam-alam!" muli ay napaiwas siya ng tingin. Hindi niya rin matanggap na umiiyak 'to sa harap niya, hindi niya matanggap na siya ang dahilan ng pagluha ng babaeng espesyal para sa kaniyang bestfriend.

"Tama na, Criza. Tahan na,"

"I hate you! I hate you! I hate you!"

"But I love... y-you," madamdaming sambit nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Ciel. "And I'm sorry for... l-loving you," dagdag pa nito.

I'm sorry. I'm sorry for lying. Sa isip ni Marrette. Mga kataga na siyang gusto niya talagang sabihin.

"Marrette,"

"Sorry din kung hindi man ako makakatulong sa pagprotekta sa'yo mamaya. Nagkatotoo yata ang sinabi ko kanina na hindi maganda ang pakiramdam ko," pilit ang ngiting sabi niya.

"May isa pa akong tanong,"

"Shoot,"

"Bakit gusto mo na ang plano mo ang masunod?" walang pag-aalinlangan niyang tanong. Gusto niyang malaman kung bakit ipinagpipilitan ni Marrette ang suhestyon niya.

"Dahil gusto ko nang mamatay, at gusto ko ring ikaw ang maging dahilan non," wala ring pag-aalinlangan nitong sagot.

"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Ciel. Hindi katanggap-tanggap ang rason ng kaniyang kausap at mas lalo pang bumigat ang kaniyang damdamin dahil naiisip niyang siya ang magiging dahilan ng pagkawala nito sa mundo.

"Basta. Alam ko naman na hindi sila papayag sa gusto kong mangyari. But it doesn't mean na hindi rin mangyayari ang gusto ko. Kapag kinakailangan, Criza. Remember, I'm willing to risk my life for you. I'm willing to die for you," seryoso nitong sambit habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mukha ni Ciel.

I want you to live and be happy with Reeam. Si Marrette.

"Pero bakit ikaw? Bakit ikaw ang gagawa non?"

"Reeam can't do that, dahil alam kong hindi ka papayag. Hindi mo kakayanin na masaktan siya ng dahil sa'yo. Hindi mo kakayanin na mawala siya sa'yo. Kung mangyari 'yon, malaki ang chance na sumunod ka pa sa kaniya. Sayang ang ginawa niya para mabuhay ka. Leeam is not capable of doing that, she has her own life. Marami pa siyang dapat gawin. Wala pa ngang lovelife 'yon. And that leaves to me, Criza,"

I just want Reeam to be happy... and her happiness is you. That's why I'm willing to protect you until my last breath. Sambit ni Marrette sa kaniyang isip.

"Manahimik ka. Tumigil ka, Marrette! Walang mamamatay sa atin! Ano ka ba naman!" dahil sa frustrations na nararamdaman, pinaghahampas na niya sa dibdib ang kausap.

"Please. Hayaan mo na ako. Mas gusto kong mamatay kaysa buhay nga ako pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko. I'd rather die, Criza," dahil doon ay tuluyan nang nanghina si Ciel at napaupo na siya sa sahig.

I'd rather die than living with the pain of not having her. Napapapikit na sabi ni Marrette sa isip.

Ako... ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya. Umiiyak na sambit naman ni Ciel sa kaniyang isip.

"I'm sorry for making you cry," mga huling katagang binitiwan ni Marrette saka sumakay sa kaniyang sasakyan at walang lingon na nagmaneho paalis.

I'm sorry for making you cry because of my lies. Ang tunay na ibig sabihin ni Marrette sa kaniyang huling sinabi.

Goddamn it, Marrette... I'm sorry. Sa isip ni Ciel.

ayemsiryus

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
189K 4.4K 30
" Weird Girl with a Weird Name .. " " Vampire yan ! " " Waaaah . Nakakatakot. " Yan ang madalas na naririnig ko pag dumadaan siya, si Creo Summers. P...
586K 21.6K 58
The Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Centrias University. Nalipat...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...