Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 18.2: Conversation

563 9 3
By chumeleven

(A.N: Dahil mahal ko kayo, dear readers, another update! ginaganahan si author mag-update ngayon. Hehe. Dedicated to Tabitopseunghyun! Thank you sa pag-add ng story ko sa RL mo.)

(---JEREMY’S POV---)

Lumabas ako ng room dahil hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung anong dahilan ni Jen kung bakit niya ako sinama sa trip na to. Gusto ko siyang kausapin pero bantay-sarado naman siya ni Adrian.

Naiintindihan ko naman si Adrian. Kahit sino naman siguro ay ganoon ang gagawin kapag binastos ang girlfriend nila.

Malapit na ako sa beach nang mapansin ko na may nakahiga doon. Pilit kong inaninag kung sino yun.

Si Jen…

Umiiyak siya. Lalapitan ko sana siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang nakikisama ang langit sa nararamdaman ngayon ni Jen. Agad siyang sumilong sa isang cottage malapit sa infinity pool. Sinundan ko siya. Ayoko din naman mabasa sa ulan.

Nakaupo siya sa isang bar stool na hindi nabasa ng ulan. Lumapit ako at umupo sa katabi niya na stool.

                “Jeremy?!”

                “Hi Jen!” masayang bati ko sa kanya. Agad niyang pinahid ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya.

                “A-anong ginagawa mo dito? B-bakit hindi ka pa natutulog?”

                “Hmmm, sabihin na natin na hindi rin ako makatulog katulad mo. Gusto sana kita kausapin kanina kaso bantay-sarado naman sayo si Adrian. Jen, I’m sorry sa nagawa ko. I’m really sorry. Sana mapatawad mo ako.” Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kanyang mga mata.

                “Jeremy, matagal na kitang napatawad. Ayoko lang sana na maulit pa yun.” Tinanggal niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

                “Jen, I know na sinabi sayo ni Mama ang tungkol sa kalagayan ko. Noon nakita kitang lumabas sa office niya na umiiyak, may kutob na ako.” Dumaan muna ako sa office ni Mama noon makita ko si Jen. Si Mama ang nagkusang sabihin kay Jen ang totoong kalagayan ko at doon ko lang din nalaman na may taning na ang buhay ko.

                “Jeremy…”

                “Jen, I love you more than my life. Please, give me a chance to show it to you.” Nakayuko lang si Jen at tila malalim ang iniisip. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

                “I-I’m sorry. I shouldn’t have said that. I-I just really want to show you how much I love you for the very last time. I know what’s running in your mind now, I’m a selfish guy who is head over heels for you, but I can’t help it and I can’t stop it either.”

                “Jen...” tumayo ako at hinawakan ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya.

                “Wi-will you marry me?” doon na ulit nagsimula sa pag-iyak si Jen. Hindi na mahalaga kung may singsing man ako o wala. Ang mahalaga, nasabi ko na sa kanya ang nilalaman ng puso ko.

                “Jeremy...” tumayo ako pero hawak ko pa din ang kamay niya.

                “Jeremy... I’m so-sorry but I can’t answer your proposal now.”

                “I-it’s ok. I’ll wait for your decision. Kahit ano man ang maging desisyon mo, tatanggapin ko. This will be the first and last time that I’ll propose to you. Hindi na kita guguluhin pa.”

                “Th-thank you.” Tumayo siya at agad na tumakbo papunta sa forest room kahit napakalakas ng ulan. Naiwan ako doon at nakaupo habang nag-iisip kung tama ba ang ginawa ko.

Nagtatalo ang puso ko at ang utak ko. Sa puso ko, alam kong tama ang ginawa ko. Tama lang na malaman ni Jen kung gaano ko siya kamahal pero ang utak ko, tumututol sa ginawa ko. Hindi ‘oo’ at hindi rin ‘hindi’ ang sinagot sa akin ni Jen. Nabuhayan ako ng konting pag-asa. Kahit papano, may posibilidad na pumayag si Jen na magpakasal sa akin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---YUMI’S POV---)

4 AM pa lang?

Naalimpungatan ako ng biglang kumulog ng napakalakas. Bumabagyo? Kahapon lang, ang init-init tapos ngayon, bumabagyo. Tumingin ako sa likuran ko, nakita ko na wala si Jen.

Biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Jen na basang-basa dahil sa ulan at umiiyak. Bumangon ako at nilapitan siya.

                “J-jen? Saan ka galing? Bakit basang-basa ka? Magpalit ka ng damit. Dali. Baka magkasakit ka nyan.” Tumango lang siya at nagpalit ng damit.

Pagkalabas niya ng banyo ay umupo siya sa tabi ko at niyakap ko siya. Sana naman ay handa na siyang sabihin sa akin kung ano man ang problema niya.

                “Jen, andito ako. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo. Tutulungan kita. Diba, mag-bestfriends tayo?” kumalas siya sa pagkakayakap niya at nag-umpisang magkwento.

                “Y-yumi. Ki-kinausap ako ni Tita Beth at humingi ng isang pabor sa akin. Hindi lang basta pabor. Isang malaki at mabigat na pabor.”

                “Pabor? Anong pabor?” Hindi si Tita Beth ang tipo na tao na mahilig humingi ng pabor, hanggang kaya niya solusyunan o gawin ang isang bagay ay hinding-hindi ito hihingi ng pabor pwera na lang kung hindi nya kaya o nagigipit na siya.

                “P-pwede ko daw bang pakasalan si Jeremy.” Ilang minuto akong hindi nakapagsalita sa sinabi ni Jen. Pakasalan si Jeremy? Hindi pwede! Mahal ni Jen si Adrian, hindi niya pwedeng itapon na lang basta-basta iyon.

                “Y-yumi. M-may taning na ang buhay ni Jeremy. M-may stage 3 lung cancer na siya at mabilis na kumakalat ang cancer cells sa katawan niya. Iyon ang dahilan kung bakit hiningi sa akin ni Tita Beth ang pabor na yun.” Ang galing talaga magbasa ng isip ni Jen. Pero sapat na dahilan na ba yun para pakasalan niya si Jeremy? Kung mahal talaga ni Jeremy si Jen ay hahayaan niya itong maging masaya sa piling ni Adrian.

                “Y-yumi. Nag-propose ng kasal sa akin si Jeremy kanina.” Hindi ko na napigilan mag-react. Sunud-sunod na pasabog ang sinasabi niya sa akin ngayon.

                “Ano?!” Tinakpan ko ang bibig ko nang medyo napalakas ang reaksyon ko sa sinabi ni Jen. Sana lang ay hindi nagising sina Adrian at Jiro na nasa katabing kwarto lang namin. Buti na lang at malakas pa din ang ulan.

                “So-sorry, Jen. Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na nangyayari lahat ito sayo at dala-dala mo ang problema mo simula pa noon isang buwan.” Niyakap ko siya ng mahigpit.

                “A-anong sinagot mo kay Jeremy?” sana naman ‘hindi’ ang sinagot niya.

                “W-wala akong binigay na sagot. Naiintindihan ko si Tita Beth. Hindi rin naman madali ang pinagdadaanan niya. Kung ako ang nasa posisyon niya ay baka ganun din ang ginawa ko. Nawalan na siya ng asawa at tapos ngayon, si Jeremy, mawawala na din sa kanya. Sa huli, siya na lang ang maiiwan. Mag-isa. Alam ko ang pakiramdam noon, Yumi. Noon naaksidente ang mga magulang ko, naramdaman ko yun.”

                “H-huwag mong sabihin na...” hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang sumingit si Jen.

                “Oo, gusto kong ibigay ang pabor na hinihingi sa akin ni Tita Beth.”

                “Jen! Hindi pwede! Paano si Adrian?! Basta-basta mo na lang ba itatapon yun pagmamahal mo sa kanya?! Alam mo bang hindi lang si Adrian ang masasaktan sa gagawin mo?! Pati ikaw, masasaktan.” Hindi ko napigilang ilabas ang inis ko sa sinagot sa akin ni Jen. Hindi pwede! Team Jedrian ako!

                “Alam ko! Alam ko...”

                “So-sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit yan ang naging desisyon mo. Kung mahal ka talaga ni Jeremy, dapat ka nyang palayain. Dapat hayaan ka niyang maging masaya.”

                “Yumi, hindi ko naman basta-basta itatapon ang pagmamahal ko kay Adrian. Sa puso ko, siya pa rin ang mahal ko. Ginagawa ko lang to para kay Jeremy. Gusto kong maging masaya siya hanggang sa huling araw niya dito sa mundo. At kung kami talaga ni Adrian ang para sa isa’t isa, tadhana na ang gagawa ng paraan para mabalik ang dati sa lahat.” May punto si Jen. Tadhana nga ang gagawa ng paraan, pero ang bawat tao ay may sariling pag-iisip at choice sa buhay. Pwede nilang kontrahin ang tadhana kahit kailan man nila gusto.

               “Alam ko na masasaktan ko si Adrian sa gagawin ko, pero kung mahal talaga ako ni Adrian, hihintayin niya ako. Kung hindi man, siguro nga, hindi kami ang para sa isa’t isa. Eto na rin siguro ang paraan para tumanaw ako ng utang na loob kay Tita Beth sa lahat ng naitulong niya sa akin.”

                “Lecheng utang na loob yan!” yan ang tanging nasagot ko kay Jen. Naiinis ako sa desisyon ni Jen, pero hindi naman tama na hayaan ko lang siyang mag-isa. Susuportahan ko kung yun man ang desisyon niya.

                “So-sorry, Yumi. Buo na ang desisyon ko.” Napabuntong-hininga na lang ako.

                “Sorry din. Kung yun talaga ang desisyon mo, susuportahan kita.” Niyakap ko ulit siya sa pangatlong pagkakataon.

                “Yumi, pwede bang tayo lang ang nakakaalam nang tungkol dito? Ayoko sana na may makaalam na iba. Ako na ang bahala magsabi kay Adrian.”

                “Sige, basta ipangako mo sa akin na kakausapin mo si Adrian tungkol dito.” tumango siya.

                “Tumahan ka na nga. Baka sabihin ni Adrian, pinapaiyak kita. Tingnan mo, lalong lumalaki ang eyebags mo. Ang panget mo na.”

                “Oo na po.” ngumiti din siya. Ako naman ang napaisip. Kailangan may gawin ako para mabago ang isip ni Jeremy. Oo, tama. May paraan para mabago ang isip ni Jeremy.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Ma-dramang update ulit.

Kanino kayo naiinis? Kay Jen o kay Jeremy? O both?

Vote at comment po kayo. Thank you! :D

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
140K 7.7K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...