Love Me, Hate Me

By shinkumi

1.5M 22.2K 1.7K

Gio Andrei Dela Vega changes his partner like how he changes his clothes. Yet it is a wonder for Lian Isabell... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 15

32.1K 665 42
By shinkumi

Chapter 15

Don't Call Me That!

Packing for the training camp was harder than I thought. I don't have a single idea what to bring as a manager. If I'm going there for a vacation, it will be a lot easier. But I'm going there as the basketball team's manager. What can I bring that will help them through their training?

Kinuha ko ang aking cellphone para mag-search. Ang mga lumabas lang ay toiletries, first aid kits, salonpas, at extra snacks. Kung ito lang naman ay puwedeng-puwede ko itong bilhin.

Bukas na ang training camp kaya kailangan ko nang bumili ngayon. I grabbed my wallet and went out. Tamara, Yvonne and Jelyn went out with their suitors. Mukhang nagtuloy-tuloy ang progress nina Erzo, Rex at Zen. Wala naman akong problema roon basta ʼwag lang nilang sasaktan ang mga kaibigan ko dahil doon ko sila hindi mapapatawad. They're like sisters to me.

"Oh? Mabebs!"

Napatingin ako sa tumawag sa ʼkin. I saw Adam walking with Gio. They were wearing casual clothes.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Adam.

"May bibilhin lang ako para bukas."

Nagliwanag ang kaniyang mukha at siniko si Gio. "Nice timing! Nagpapasama sa ʼkin si Gio na bumili ng mga dadalhin din niya bukas. Bakit hindi na lang kayong dalawa ang magsama?"

Kumunot ang noo ni Gio habang nakatingin kay Adam. "The fuck, dude?" Hinawakan niya ang ulo ni Adam at pinanggigilan ito. "I dragged you with me for a reason."

Napangiwi si Adam habang pinipilit alisin ang kamay ni Gio sa kaniyang ulo. "Wala ka lang makasama kaya pati akoʼy binulabog mo!" sigaw niya. "May date ako mamaya!"

"Let's go, idiot." He dragged Adam by the back of his shirt.

Nakatakas si Adam mula sa pagkakahawak ni Gio. Tumakbo siya patungo sa ʼkin at tumago sa ʼking likod.

"Si Mabebs na lang ang isama mo!" Tinulak niya ako nang mahina sa likod. "Ciao!"

Bago pa ako maka-react ay nakatakbo na paalis si Adam. Naiwan kaming dalawa ni Gio na nakatayo sa tapat ng aking dorm.

"That piece of—" Hindi na niya itinuloy ang kaniyang pagmumura. Humarap siya sa ʼkin. "Where are you going?" Iniikot niya ang susi sa kaniyang daliri.

"Sa grocery store lang atsaka sa pharmacy," sagot ko. Sumunod ako sa kaniya nang lumakad siya patungo sa kotse niyang naka-park.

Nang makarating kami sa kotse niya ay ʼagad siyang sumakay. Bubuksan ko na sana ang pinto sa passenger seat ngunit naka-lock ito. Kumunot ang aking noo. Kinatok ko ang bintana ngunit hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Pinaandar na niya ang makina ngunit naka-lock pa rin ang pinto hanggang sa tuluyan na niyang pinaandar ang kotse.

Naiwan akong nakanganga at nakatulala sa parking lot. Unti-unting uminit ang aking pisngi sa kahihiyan. Buong akala ko'y pasasabayin niya ako sa kaniyang kotse. Siguro'y sa pagkakataong ʼto ay nakangisi siya na parang nang-aasar pa.

Kapag naabutan ko siya mamaya sa grocery store, lagot siya sa ʼkin!

Pagkarating ko sa grocery store ay hindi ako kaagad naghanap ng mga bibilhin ko. Una kong hinanap si Gio para makapaghiganti ako sa kaniya. Bawat aisle ay sinisilip ko para mahanap siya at pagkarating ko sa mga instant noodles section, naabutan ko siyang may hawak na noodles at ang isang kamay niya ay nakahawak sa cart.

Pumunta ako sa kabilang aisle para kumuha ng isang toilet paper. Bumalik ako sa kung nasaan siya at ibinato ko sa kaniya ang hawak ko. Humagalpak ako ng tawa nang sumapol ito sa ulo niya.

"What the fu—" Tumingin siya sa ʼkin. Umigting ang kaniyang panga. Ang medyo singkit niyang mga mata ay masama ang tingin sa ʼkin.

Napa-squat ako sa sahig dahil sa pagtawa. Ang epic talaga ng mukha niya kapag nagugulat. Para sa ʼkin, the best revenge na talaga ang gulatin siya nang ganito. Buti na lang walang tao sa aisle na ʼto.

Mabilis siyang nakalapit sa ʼkin. Hinawakan niya ang aking ulo gaya nang ginawa niya kay Adam kanina ngunit hindi niya masyadong diniinan. "You little..."–inalis niya ang pagkakahawak sa ʼking ulo–"...why are you here?"

Tumayo na ako at inirapan siya. "Nandito ako para maghiganti sa ginawa mo sa ʼkin kanina!"

He chuckled. "Why? Sino baʼng may sabi na isasabay kita?"

Umamba akong susuntukin siya pero kaagad siyang nakahakbang palayo. "Kahit na! Alam mong pareho tayo ng pupuntahan pero hindi mo man lang ako isinabay!"

Hindi niya ako pinansin at itinulak na palayo ang cart. Napasimangot ako. Guguluhin ko na lang siya habang namimili siya.

Habang sinusundan siya ay kumuha ako ng basket. Hindi naman ganoʼng karami ang bibilhin ko.

Nagpunta siya sa aisle ng mga junk foods. Kumuha siya ng sobrang daming junk foods. Iba't-iba ito pero pinakamarami ang mga potato chips.

"Hoy, hindi fieldtrip ang pupuntahan natin kundi training camp!" Binawasan ko ang mga junk foods na kinuha niya. "Moderate lang dapat ang pagkain niyo ng ganito!"

"Bakit ka ba nangingielam?" Muli niyang ibinalik sa cart ang mga junk foods na inalis ko. "We'll gonna burn it anyway so what's the problem?"

Ibinalik kong muli sa shelf ang mga junk foods. "Kahit na! Masama pa rin kung kakain kayo ng madaming junk foods!"

He looked so done with me when he started to push the cart again. I smiled triumphantly. Ang sarap talaga sa feeling kapag nanalo ako sa kaniya. Siya kasi ʼyong tipong gusto ay palaging nasusunod. Ngayong nandito ako, hindi puwede ʼyon.

Sunod niyang pinuntahan ay aisle ng mga sabon at shampoo.

"Ako na ang bahala sa mga ganito," sabi ko at kumuha ng mga sabon. "Ano bang shampoo niyo?"

Itinuro niya ang shelf kung saan nakalagay ang isang brand ng shampoo ng panglalake. Kumuha ako ng isang bote at inilagay sa basket na bitbit ko.

"Bakit kumuha ka pa ng basket? Dito mo na lang ilagay."

Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip ʼyon? Para wala akong bitbitin.

Inilipat ko sa cart niya ang mga laman ng basket at ibinalik ito sa dulo ng aisle. Nagtaka naman ako nang bitawan niya ang hawakan ng cart.

Ngumisi siya sa ʼkin. "Now, push." Ipinamulsa niya ang kaniyang mga kamay at lumakad na pauna.

Walanjo! Ako pala ang pagtutulakin!

Ang ginawa ko, bago pa siya makalayo ay itinulak ko ang cart hanggang sa tumama sa likod niya.

"What the fuck, Isabelle?" Lumingon siya at nandoon na naman ang ekspresyon sa kaniyang mukha na nagpapatawa sa ʼkin.

Ang singkit niyang mga mata ay nanlalaki. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Bahagyang namumula ang kaniyang pisngi.

"Ikaw ang magtulak niyan." Binelatan ko siya at nauna na akong maglakad.

Nadinig ko siyang bumubulong-bulong pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Palihim na lang akong natawa. Siguro kung lalake ako ay kanina pa niya ako nasuntok sa sobrang inis niya. Tutal palagi rin naman niya akong iniinis, iinisin ko pa siya lalo.

Humiwalay muna ako sa kaniya para magpunta ulit sa aisle ng mga tissue. Kumuha ako ng anim na rolyo. Pagbalik ko sa aisle ng mga chocolate kung nasaan siya kanina ay naabutan kong may dalawang babae na siyang kausap.

Kahit saan yata dalhin ang lalakeng ʼto ay hindi puwedeng hindi siya lalapitan ng mga kababaehan.

Imbis na lapitan siya ay inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtitingin ng mga chocolates at marshmallow. Puwede kaming gumawa ng bonfire sa gabi at magtunaw ng marshmallow. Kumuha ako ng dalawang balot ng marshmallow, isang balot ng chocolate at chocolate biscuits.

"Mabebs, kanina pa kita hinihintay."

Kinilabutan ako nang maramdaman kong may umakbay sa ʼkin. Dahan-dahan akong tumingala at napangiwi ako nang makita si Gio na sobrang lapad ng ngiti.

" ʼDi ba ang sabi ko naman sa ʼyo ʼwag kang masyadong lalayo sa ʼkin?"

Aalma sana ako ngunit hinawakan niya nang mahigpit ang balikat ko.

"Gago, masakit!" bulong ko sa kaniya.

Humarap siya sa dalawang babae. Dahil nakaakbay siya sa ʼkin ay nadala ako. Mukha silang disappointed habang nakatingin sa aming dalawa.

"I'm sorry, girls. Nandito na ang mabebs ko."

Muli akong kinilabutan nang madinig ko mula sa kaniya ang word na "Mabebs". Kahit kailan ay hindi niya pa ako tinatawag nito, ngayon pa lang. Ano'ng trip niya?

Mukhang nahiya ang dalawang babae at dali-daling umalis. Nang mawala na sila sa aming paningin ay inalis na niya ang pagkaka-akbay sa ʼkin.

"Ano ʼyon? Bakit ʼdi mo sila i-reject gaya nang palagi mong ginagawa?"

Madalas siyang nagmumura o kaya naman nagsasabi ng masasakit na salita sa tuwing nangre-reject siya.

Itinuro niya ang batang nakasakay sa cart. "There's a kid in there. I don't want her to hear me."

Bumalik siya sa cart at nagpatuloy sa pagtitingin sa kabilang shelf ng mga chocolate. Naiwan naman ako sa aking pwesto. Habang tumatagal na nakakasama ko siya ay nagugulat ako sa iba't-iba niyang side.

"Mabebs," tawag niya.

This time, imbis na kilabutan ay nag-init ang aking mukha. "D-don't call me that!"

Ngumisi siya. "Why?" tanong niya. "Why are you letting those bastards call you like that but you won't let me?"

Inilagay ko sa cart ang mga kinuha ko mula sa kabilang shelf. "Kinikilabutan ako kapag ikaw ang nagsasabi!"

Hindi ko siya hinintay at nauna nang maglakad. Ayokong mapansin pa niya ang pamumula ng aking mukha. Mas nakakahiya ʼyon. Siguradong aasarin niya ako.

"I'll keep calling you Isabelle then."

Para na siguro akong hinog na kamatis ngayon. Maging ang tainga ko'y sobrang init.

"Puwede namang Lian, ah?" tanong ko. Hindi ko siya nililingon.

"Everyone calls you that already," sagot niya. "Ayoko ng may kapareho."

Nakarating na kami sa cashier. Tinulungan ko siyang maglapag sa counter ng mga kinuha namin.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at iniabot ko sa kaniya. "Ito ʼyong para sa mga kinuha ko."

"No need." Kinuha niya ang isang card mula sa kaniyang wallet. "Just pay for my food later," dagdag niya nang makita niya akong nakasimangot.

Napangiti naman ako. Ayoko ng palagi akong nililibre. Hanggat maaari ay gusto kong mabayaran ʼyong taong nagbabayad para sa ʼkin katulad sa ganito. Mabuti na lang nakuha niya ʼagad ang gusto kong iparating gamit ang facial expression ko.

Ipinalagay niya sa echo bag ang mga pinamili namin. Siya na rin ang nagbuhat. Mukha kaming mag-jowa na namili ng mga pagkain namin.

Ay, letse! Ano ba naman ʼtong pumasok sa isip ko?

"Ikaw naman ang mamili kung saan tayo kakain."

Wala naman talaga akong balak kumain pero dahil sabi niya'y bayaran ko na lang ang kakainin niya ay wala na akong magagawa.

"I want burger," aniya.

Dinala ko siya sa isang restaurant na kilala sa masarap nilang burger. Hindi naman siya nagreklamo at sumunod na lang sa ʼmin.

"Hi, Sir! Table for?"

Napa-poker face na lang ako nang magsalita ang waitress. Ako ang naunang pumasok pero hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako at lumapit siya kay Gio.

Humalukipkip ako at tiningnan sila. Pinagtaasan ko ng kilay si Gio na nakangisi sa ʼkin.

"Table for two," sagot ni Gio. "Mabebs, which seat?"

I was about to complain about him calling me with that again but I stopped when I saw the waitress looking down at me. She's a lot taller than I am.

Taas-noo ko siyang tiningnan. Literal kasi maliit ako. Kailangan ko talaga siyang tingalain. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa sama ng tingin niya sa ʼkin. Problema ng kawayan na ʼto?

Hindi ko siya pinansin at lumakad patungo sa isang table na walang laman. Sumunod naman sa ʼkin si Gio at ipinatong ang mga pinamili namin sa kaniyang tabi.

"Here's your menu, Sir," nakangiting sabi ng waitress. Talagang hindi ako nag-e-exist para sa kaniya.

I could see Gio's smirk before he covered his face with the menu. Sinipa ko naman siya sa ilalim ng lamesa.

Ibinaba niya ang menu hanggang sa mga mata niya lang ang kita. Itinaas niya ang isa niyang kilay.

Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. Ibinaling ko ang tingin ko sa waitress na abala sa pagtitig sa tukmol sa harapan ko. "Miss, hindi mo ba ako bibigyan ng menu?"

"I'm sorry, Ma'am," aniya. Labas pa sa ilong ang pagso-sorry niya habang inaabot sa ʼkin ang menu.

"Sir, suggest ko lang po–" Hindi natapos ang pagsasalita ng waitress.

Ibinaba ni Gio ang hawak niyang menu at ngumiti sa ʼkin. "Baby, what do you want to eat?"

Nabitawan ko ang menu.

B-baby?!

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 93.7K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
94.3K 3.2K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
381K 5.1K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...