Come Back Home

adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... Еще

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH BOOK 2: Chapter 6

3.9K 151 31
adrian_blackx

RHIAN'S POV

Pagkahatid sa akin ni Glaiza kagabi, nakaramdam ako ng kakaibang saya. Kaso medyo awkward, kasi dati ang daldal namin kapag magkasama, tapos ngayon medyo ilag na. Nakakamiss din yung dati.

Sana maibalik yung dati. Pero alam ko naman na mahirap ng maibalik yun. Lalo na't nasaktan ko siya ng sobra. Hindi ko naman talaga ginusto yun eh. Pero kailangan.

Maaga akong dumating sa Univerisity para icheck yung car ko. Buti na lang sinundo ako ni TJ lara ihatid.

"Ano ba to TJ, may dahon ka pa. Hahahaha" sabi ko sa kanya. Paano may dahon sa may bandang balikat niya.. Saan saan ba nag sususuot tong lalaki tong. Kaya nag tawanan kami. Sakto naman na dumating si Glaiza.

"Good morning Glaiza" pagbati ni TJ sa kanya. Napansin ko na medyo masama ang tingin niya sa aming dalawa.

"Morning" cold na pagkasabi ni Glaiza at agad din itong naglakad ng mabilis.

Ano kaya problema nun?

"Sis. Mukhang selos si exlalu mo. Hahahah" bulong ni TJ sa akin. Actually napansin ko rin eh.

So selos nga siya, kilig ako..

"Hahaha. Ewan ko sayo. Sige na pasok na ako.. May aayusin pa ako eh" agad na akong pumasok sa univerisity..

Binati naman ako ng mga estudyante dito.. Dumiretso ako sa faculty room namin para makapag ayos ng gamit.

Habang nag aayos ako ng gamit, biglang pumasok si Chynna.

"Rhian and Joross, may meeting tayo sa office ni Glaiza, pag-uusapan daw yung name nung team natin. Dapat within 5 minutes andun na" sabi ni Chynna sa amin, at mukhang hingal na hingal.

Grabe naman kasi..

"Osige sunod kami ni Rhian" sagot ni Joross sa kanya.

"Sige, tawagin ko lang yung iba. Hay! Grabe ang dami. Si Glaiza kasi sa akin inutos." Pagrereklamo nito.

Kahit kailan talaga tong si Glaiza.

Binilisan ko na lang ang pag aayos ko ng gamit, para naman matapos na at makapunta na sa meeting, pero syempre nag paganda muna ako, para pak na pak diba?

"Tara Rhi. Baka hinihintay na tayo" sabi ni Joross sa akin. Kaya agad na kaming pumunta sa office ni Glaiza.

Ilang sandali lang ay andun na kami. Kami na lang pala ni Joross ang hinihintay.

"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kayo tinawag ni Chynna ah?" Sabi ni Glaiza sa amin.

Grabe umagang umaga ang init ng ulo.

"Chill ka nga lang Glaiza!" Saway ni Chynna sa kanya. Kaya medyo kumalma na rin siya. Pero umirap ito sa amin.

Problema ba ng babaeng to?

"So kaya ako nagpatawag ng meeting dahil sa gagawin nating name ng team. At ang usapan is about sa mga greek gods.. And may naisip na ako kung anong ipapangalan sa team natin. Good thing naka pag search na ako bago pa ang meeting, and ang naisip kong name is Zeus." Sabi ni Glaiza.

Yung ibang kasamahan namin, mukhang hindi nagustuhan ang ipapangalan sa team namin. Kahit naman ako eh.

"Kaya Zeus, kasi tayo ang god of all gods. The ruler ika nga! Dapat tayo ipakita natin na hindi tayo basta basta" She said.

"Uhmm. Pwede bang huwag na lang Zeus and can I suggest?" bigla kong nasabi..

"And why is that Ms. Ramos. May problema ka ba sa Zeus?" Tanong naman ni Glaiza sa akin.

"Well wala naman. Tama ka nga naman Zeus is the god of all gods. Pero masyado ng common ang Zeus, Poseidon, Hades, Athena etc. dapat yung medyo hindi common. Para naman makilala ang ibang gods. Like Kratos, the god of strength and power" paliwanag ko.

"God of strength and power? Parang Zeus din yan eh, may strength and power din naman siya. Mas powerful pa" she said. Kahit kailan talaga si Glaiza ayaw patalo.

Nakakalimutan ata niyang palaban ako hindi ako basta basta nagpapatalo.

"Pero kasi masyado ng gamit at common yung Zeus. Don't you get it? Mas maganda naman na may marinig naman silang bago. Yung iba naman" paliwanag ko sa kanya.

"Mas maganda na yung gumamit tayo ng common atleast... Kilala. Hindi yang sinasabi mo Kratos?" Pagdedepensa nito. Ayaw talagang paawat. Ayaw talagang makinig.

"Ok. Bakit hindi na lang tayo mag vote? What do you think?" Suggest ko sa kanya. Para magkaalamanan.

"NO! Zeus ang ipapangalan sa team natin, and that's final!" Pagdedesisyon nito.

"Ang unfair mo naman! Kaya nga T.E.A.M eh. Para magtulungan at magkaisa. Pero sa ginagawa mo. Sinosolo mo. Sa name pa lang, ikaw na agad? Paano naman kami?!" Nakakapikon na talaga siya,.

Kaming dalawa lang talaga ang nag sasalita. Tahimik yung iba.. Siguro gulat sila.

Bago pa kami mag simula ni Glaiza, para na kaming aso't pusa kaya di na to bago. Lalo na kay Chynna na laging nakakasaksi ng mga ganitong eksena.

"Baka nakakalimutan mo Ms.Ramos, ako ang team leader dito!"

"So? Hindi naman porket ikaw ang team leader ikaw na lahat" pagtataray ko dito. Kung mataray siya. Ibahin niya ako.

"Tsong. Para matahimik na. Mag vote na lang para matapos kayo. Para kayong aso't pusa eh. Hindi na kayo nag bago. Nakakarindi. Jusko" Sabat ni Chynna sa usapan.

Aso't pusa talaga kami.

"Fine! Ok tutal 13 tayo. So minus 2 me and Rhian. Bale 11 na lang ang mag vovote" Glaiza Said..

Kumuha si Glaiza ng papel at inabot yun sa buong team

"So ganito lang ang gagawin niyo. Isusulat niyo kung Kratos ba o Zeus. Kung ano ang pinakamarami. Yun ang magiging name ng team." Paliwanag ni Glaiza.

Agad agad naman nag sulat yung mga kasamahan ko..

Pagkatapos ng pagsusulat, inabot nilang lahat kay Chynna.

"Sorry Glaiza, nanalo ang Kratos,. So Rhian wins. 9 ang nag vote sa Kratos and 2 lang nag vote kay Zeus. So it will be Kratos then" paliwanag ni Chynna.

Natuwa naman ako sa naging resulta, at medyo naging proud sa sarili dahil mas pinanigan ako ng mga kasama ko.

"And Glaiza, sorry pero agree ako kay Rhian kaya kay Kratos ako. Sorry tsong!" Paghingi ng tawad ni Chynna kay Glaiza.

Halos mapatawa kami dahil sa kanya. Si Glaiza, hindi makapaniwala na natalo siya.

"Ok then. Kratos na kung kratos. Sige na lumabas na kayo. So yung mga advisory class niyo, ibalita niyo na yung team. Para may magawa ng cheer" she said

Halata sa mukha ni Glaiza na inis na inis siya. Well better luck next time.

Lumabas na kaming lahat sa office ni Glaiza.

"Grabe ka Rhian ah. Hahahaha. Porket naging ex mo yan ah!" Bulong ni Joross sa akin.

Baliw talaga to. Baka may makarinig pa sa kanya..

"Sira. Hindi naman kasi pwedeng ganun eh. Una pa lang di na niya hiningi opinyon natin. Ang unfair nun. Tsaka bakit ayaw niyong magsalita sa kanina?" Tanong ko kay Joross.

"Kasi sa mga ganitong bagay. Seryoso at nakakatakot talaga si Glaiza, mas gugustuhin mo na lang na lamunin kami ng lupa kaysa makabangga siya. Pero mabait naman si Glaiza. Pero kapag ganito. Kaaway namin siyang lahat. Gusto kasi laging perfect. Kaya dahil dun, laging nanalo team namin. So ayos rin" Paliwanag niya sa akin.

Grabe, ayaw talagang magpatalo at magpaawat.

"Hayaan niyo na, hahaha, tara na nga sa faculty, marami pa tayong kailangan ayusin. Maghahanap pa tayo ng magandang design ng costume." Hinatak ko na si Joross papunta ng faculty para makapag simula na kami.

---

Kinabukasan sinimulan na ng mga estudyante ang practice nila. Basic lang naman. Mabuti na lang mabilis silang makaunawa, kaya wala kaming naging problema.

Itong si Glaiza, nakaupo lang sa sulok at parang walang pakielam sa mga nangyayari. Kaya agad ko tong nilapitan.

"Glaiza, kami dun nagpapakababad sa init ng araw para maayos yung position ng mga bata, tapos ikaw pa chill chill ka lang?!" Pagrereklamo ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng masama.

"Bakit sino bang nagsabi na magbantay kayo diyan sa may araw. Tsaka hindi ako nagcchill dito. Nakikita mo naman na hawak ko tong phone ko diba? May mga kausap ako. Kausap ko yung mag dedesign ng mga props." Sabi nito sa akin at biglang tumayo at umalis sa harapan ko.

Grrrrr! Ginagalit talaga ako ng babaeng to! Lintik lang ang walang ganti.

Sa sobrang inis bumalik na lang ako sa mga kasama ko. Hays.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong sa akin ni Karla..

"Wala naman. Hayaan mo na. Pero ito tandaan mo momshie... Lintik lang ang walang ganti" sabi ko sa kanya. Mahal ko si Glaiza, pero naiinis ako sa kanya ngayon.

Kahapon pa mainit ang ulo sa akin eh. Halos sa akin iutos lahat. Palibhasa siya ang TL. Basta ang init ng ulo niya sa akin kahapon. Hindi ko alam kung bakit. Akala ko ok kami, hindi pala. Kaasar.

"Naku. Si Glaiza nanaman ba? Hahahaha. Naku masanay ka na diyan. Ganyan talaga yan. Kapag masungit na. It means stress na yan. Kaya hayaan mo na." Paliwanag niya sa akin

"Oh well. Anong magagawa ko diba? Bahala na. Gusto mo ng water?" Tanong ko sa kanya.

"Naku. Huwag na. Ok pa naman ako salamat na lang Rhian."

"Ok sige. Sandali lang ako. Balik ako. Bili lang ako sa canteen" I said. Tumango lang siya.

Papunta na ako sa canteen ng bigla kong nakita si Glaiza, at may kausap sa phone.. Siguro nga stress na nga talaga siya.. Tapos sinungitan ko pa.

Ngunit nagkamali ako. Lalapitan ko na sana siya ng biglang may lumapit sa kanya na babae at nakipag beso beso pa. Pero laking gulat ko ng nakita ko yung babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga.

Akala ko ba galit si Glaiza sa kanya pero bakit parang ok sila. Bakit andito si Sanya?

Dahil nawalan na ako ng ganang bumibili ng tubig sa canteen. Bumalik na lang ako kung saan ako galing.

Sakto naman din naman yung pagdating nung dalawa.

"Oh akala ko ba bumili ka ng tubig?" Tanong sa akin ni Karla. Nagtataka bakit wala akong dalang bottle water.

"Hindi na. Hindi na pala ako nauuhaw" sabay ngiti sa kanya.

"Guys!" Biglang tawag sa amin ni Glaiza.

"Nga pala. This is Sanya, my friend. I think yung iba sa inyo kilala siya. Well bumisita lang siya dito." Sabi ni Glaiza sa amin.

"Hoy Sanya! Ikaw di ka nagsasabi na uuwi ka pala ah!" Sabi ni Chynna. Agad naman itong lumapit sa kanya at niyakap to.

"Pasensya ka na Chyns. Si Glaiza lang ang nasabihan ko eh." Sa gitna ng usapan nila, biglang napatingin sa akin si Sanya.

Oh anong tinitingin tingin mo diyan? Sus..

"Oh Rhian. Andito ka rin pala. Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.

"Well I'm good.." Sabi ko sa kanya.

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Karla sa akin.

"Ofcourse magkakilala kami. Diba Rhian?" Ningitian ko na lang siya. Dahil kapag nainis ako, baka masuntok ko to!

"Sige na, tapos na ang chikahan.. Magkita na lang tayo nila Chyns sa coffee shop later ah. Sige na may gagawin pa kami." Sabat ni Glaiza sa amin

"Ok. See you. Bye" Mabuti naman at umalis na tong Sanya na to. Nakakaasar. Nakakainit ng ulo.

Nakakaasar.. Ano to? Bawi bawi? Kasalanan ko ba kung nag selos siya sa amin ni TJ? Di naman namin sinasadya yun eh, pero ito... Sadya talaga eh..

LINTIK LANG TALAGA ANG WALANG GANTI!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ano ba ang plano mo Rhian? Kung ano man ang plano mo. Please lang huwag mo na akong idamay, hindi keri ng beauty ko na makipagharutan sayo!" Kasama ko si TJ ngayon.

"Sige na sis! Pleaseee!" Pakiusap ko sa kanya.

"AYOKO! Kadiri ka Rhian ah. Tantanan mo ko sa plano mo!"

"May ipapablind date ako sayo. Pogi! Bagay sayo!" Sabi ko sa kanya.

Sana naman pumayag na siya.

"At sino naman?" Sabay ngiti ng malapad.. I got you! Hahahaha

"Ehh, kaso ayaw mong pumayag eh!" I said..

"Papayag na, basta please huwag masyadong sweet! Baka masuka ako! Ewwww!" Arte talaga ng baklang to. Kaloka.

"Basta pagselosin lang natin. Ikaw naman. Bukas ikaw ulit maghatid sa akin, talos pasweet effect ulit tayo!" I said. Sana man lang umubra tong kalokohan ko. Hays,

"Hoy babae! Hindi porket pinagdinner mo ko dito. Hindi porket may ipapakilala kang boylet sa akin. Magiging driver mo na ah. May kotse ka kaya!" Taray talaga ng baklang to

"Ehhh. Paano yan? Sige na. Ang arte mo naman!"

"Girl.. Ako na ang bahala.. Kalma ka lang. Ako ang bahala." Sabi niya sa akin. Naks naman tong sis ko.

Agad ko naman siyang niyakap. Salamat naman at napapayag ko siya sa gusto ko.

"Oo na. Nakakastress. Yung beauty ko naman! Sinisira mo!"

"Hahahah. Sorry na bes! Masaya lang"

Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isipan ko, pero kasi nilamon ako ng selos. Iba kasi ang tingin ni Sanya kay Glaiza eh. Alam ko yun. Dahil ganun akong tumingin sa kanya. Ganun ko tignan si Glaiza na puno ng pag mamahal.

Sa halos dalawang taong pagkawala ko, si Glaiza lang ang hinahanap hanap ko. Nababaliw sa kakaisip kung ano na ba ang lagay niya. Alam kong labis ko siyang nasaktan. Pero heto ako ngayon, nais kong bumawi sa kanya. Nais kong ituloy ang naudlot na pagmamahalan naming dalawa.

Kaya bahala na talaga kung ano ang mangyayari. Kung sakaling hindi na ako mahal ni Glaiza, magpaparaya ako. Pero kung alam kong ako pa rin ang laman ng puso niya. Susubukan kong bumalik sa buhay niya. Mahirapan man ako, wala akong pake. Basta ang alam ko mahal ko siya at gagawin ko lahat bumalik lang kami sa dati.

---

Tulad ng dati naming gawi, nagpapapractice sa labas. Ito kasi si Glaiza, walang patawad. Buti na lang sementado at may mga puno sa paligid at hindi masyadong mainit..

Speaking of Glaiza, andun nanaman siya sa sulok hawak ang laptop niya.. Hinayaan ko lang siya dun, dahil mukhang busy din. Maging head ka ba naman tapos dumagdag pa tong pagiging team leader niya.

Ilang sandali lang ay lumapit sa amin si Glaiza.

"Kamusta pagppractice nila? Ayos ba?" Tanong niya sa amin.

"Well may kulang eh" sabi ni Joross.

"Ano?" Tanong ni Glaiza sa kanya.

"To be honest di ko rin alam eh" sagot ni Joross sa kanya.

At tama naman siya parang may kulang pero di namin alam kung ano yun.. Agad na pumunta si Glaiza sa mga students. Mukhang kakausapin niya ata.

"Guys! From the start! 1...2...3... go!"

Nagsimula na sa cheer ang mga student, pero isang sentence pa lang pinatigil na niya.

"Alam ko na ang kulang sa inyo. Kulang kayo ng determination! Oo alam namin na napapagod na kayo, kasi araw-araw na lang nating ginagawa to. Pero dapat maging masaya tayo. Mag enjoy tayo sa ginagawa natin. I know na nakakastress to. Pero ibigay natin ang 101%, hindi para manalo. Kundi mag bigay ng magandang performance na hindi malilimutan ng bawat manunuod.. Kaya dapat galingan niyo. Galingan natin Team Kratos! Kaya natin to!" Sabi ni Glaiza sa kanila. At mukhang nabuhayan naman sila ng loob. Ito talaga ang kailangan namin ngayon ang determination.

Nakuha naman ni Glaiza ang loob ng mga bata. At mukhang ginaganahan na nga sila. Iba talaga kapag si Glaiza ang nagsalita.

"Galing mo dun ah" sabi ni Chynna sa kanya.

"Ako pa ba? Hahaha. Sige na magpapractice na kayo. And Rhian, come with me. May sasabihin ako." Sabi ni Glaiza. Hindi ko alam kung bakit pero bahala na.

"So since medyo related ka sa arts. Ikaw ang makakasama ko sa pag gawa ng props. Medyo marami tayong kakailanganin at bibilhin. And don't worry hindi lang naman tayo ang gagawa, may mga students din tayo na hindi kasali sa bleachers, so may mga katulong tayo sa pag gawa. " Paliwanang ni Glaiza sa akin.

"So kailan tayo mag sstart?" Tanong ko sa kanya.

"Ngayon bibili tayo ng mga materials. And tulad ng sabi ko, marami tayong kakailanganin na materials,. And kasama natin si Sanya, para may katulong tayo." She said. Bwisit. Kasama pa tong Sanya na to.

"Ah ok." Sagot ko sa kanya.

Medyo tumahimik kami ni Glaiza, pagkatapos namin pag usapan yun. At biglang may tumawag sa phone ko.. Sakto si TJ.

"Hello mare!" TJ said...

"Hello TJ. How's your day? Kumain ka ba ng lunch mo? Baka naman pinapabayaan mo sarili mo ah" I said. Natatawa ako.

"Ano bang pinagsasabi mong bruha ka?"

"And btw, hindi matutuloy date natin ngayon ah" sabi ko, hahaha. For sure umuusok na ilong nito.

"Anong date? Hoy babae! Walang date na magaganap!" Galit na nga.

"Kasi kailangan namin bumili ng materials para sa props. Kaya sana tulungan mo kami. Kailangan namin ng lalaki na medyo alam mo na" I said.

"Ano ako? Kardador?! Hay naku sasabunutan talaga kitang bruha ka!"

"Talaga? Thank you. See you later. Siguro mga... Wait ask ko si Glaiza ah" sabi ko sa kabilang linya.

"Ayun, kaya naman pala. Kasama si Glaiza." Sagot naman niya.

"Glaiza anong oras?" Tanong ko sa kanya.

"5:30pm" she said. Medyo cold ah. And after niyang sagutin, tumayo ito at pumunta sa mga nagppractice.

"5:30 daw. Hahahahhaa. Sorry Tj. Wala na si Glaiza, pumunta na dun sa kabila" I said.

"Alam mo ikaw. Gaga ka! Osiya. 5:30. Babush!" Binaba na agad ni TJ ang telepono niya.

So ito na talaga... Bahala na... Sana mag work...

----

AN:

Hello guys! Hahahaha. Sensya na kung natagalan nanaman ako sa pag update. 😂😅 peace na po tayo..

And sa mga nag aabang ng update sa SCL. Gagawin ko palang po. Hahahaha. Basta sipagin. 😂

Good night sa inyo! Sweet dreams. :)

Don't forget to votes guys. 😁😀

-A.B.

Продолжить чтение

Вам также понравится

184K 7.6K 47
When two hearts find each other, they will beat together. Si Glaiza Galura ay isang artista na pa extra-extra, pero ang musika talaga ang nagpapasay...
MAYBE ONE DAY (Completed) ajldlkbv20

Любовные романы

267K 9.2K 37
Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Never expected that a single person could b...
252K 7.3K 81
What will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18
131K 5.4K 27
My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤