BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 07: The Blue Eyed and The Council

16.8K 247 12
By vixenfobia

Confession 07: The Blue Eyed and The Council

 

 

Aldous’ POV

 

“Tawagin mo na ang kapatid mo at magbreakfast na.” Tumango ako sa utos ni mama saka ibinaba ang baso ng juice ko sa center table. Kung hindi ko lang kapatid ang babaeng 'yon at kung hindi lang nakakatakot ang nanay kong gangster kapag hindi sinunod, talagang hindi ako magsasayang ng pagod umakyat sa kwarto ng Lax na 'yon.

Umakyat na ako at kumatok sa kwarto niya. “Alice Lax Grey! Gumising ka na diyan. Bumaba ka na raw doon!” sigaw ko pa. Paulit-ulit lang akong kumatok na halos gusto ko na lang sirain ang pinto ng kwarto niya. 8:25AM na at hindi pa rin siya bumababa, hindi ganito kalate ang usual na gising ng babaeng ito. Minsan nga ay ala-sais pa lang gising na 'yon.

“Ali-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hindi naman pala nakalock ang pinto ng kwarto niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito at sinilip siya doon. She’s standing in front of her balcony facing me her back. “Gising ka naman pala, hindi ka manlang sumasagot.”

 

“Shinde...” Mahina, malamig at walang buhay na sambit nito. For the 3rd time hearing her in this tone makes me shiver. Hindi ko na nagawang humakbang pa papalapit sakanya, tila ba'y napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Mas nadagdagan ang kaba ko ng lumakas ang hangin mula sa balcony papasok sa kwarto- nililipad ang mahaba nitong buhok.

“S-Shinde? (Die) Lax,”

 

“It’s...” she paused turning her gaze on me. Napaatras ako ng makita ang itsura niya, mas nanlamig ang buong katawan ko sa nakikita ko. She’s grinning evily and staring at me with those cold blue-eyes. “...Alice.”

 

 

The Blue-eyed Alice is now standing in front of my very eyes. Bakit? Bakit lumabas ito ngayon? Wala naman siya ngayon sa panganib kaya bakit lumabas ang Alice na ito?

“Aren’t you happy now? Your sister Alice is now in front of you,” malamig na sambit nito habang nakatitig pa rin sakin. Nagsimula itong humakbang papalapit sakin habang tinutumbasan ko naman iyon ng hakbang paatras. Pasimple kong pinihit ang doorknob sa likod ko para tumakas papalabas. Aaminin ko, natatakot ako ngayon sakanya. Ito ang pangalawang beses na lumabas ang Blue-eyed Alice sa katauhan niya- ang totoong Alice. Dahil ang nakita kong Alice sa Arendelle Forest ay pahapyaw pa lang ng totoong pagkatao niya.

“Lax-”

 

“Your sister is Alice, aren’t you happy seeing me now?” Hindi ko na mabilang kung ilang lunok ang ginagawa ko sa bawat segundo kahit na alam kong tuyong-tuyo na ang lalamunan ko at wala na akong laway na malulunok. She tilted her head on the left side before smirking. “You don’t like me, do you?” Isang hakbang na naman ang ginawa nito habang dahan-dahan kong binuksan ang pinto. “You’re afraid of me now, aren’t you? You do, right?” Huminto ito tatlong hakbang ang layo mula sakin.

And finally, makakatakas na ako. I opened the door and about to run when she caught my shirt and bang my back against the wall. Napapikit ako sa sakit dahil sa lakas ng impact nito. She’s just an inches away, and her eyes were as cold as ice- they’re staring at me intently.

Minsan na lang ako nagdamit sa bahay, pahamak pa.

“L-Lax...” daing ko habang hinigpitan niya ang hawak sa kwelyo ng damit ko habang siya naman ay blangko pa rin ang mukhang nakatingin sakin. Pakiramdam ko pinapasok ng mga titig niya ang buong pagkatao ko. “B-Bakit?”

 

“Am I that scary?” Umiling ako bilang sagot sa mahinang tanong nito. “Then why are you running away?”

 

 

Dahil hindi ka lang nakakatakot, sobrang nakakatakot pa. Gusto ko sana sakanyang sabihin 'yan pero hindi ko alam kung anong pwede niya saking gawin pag nagkataon. Hindi ko alam kung magagawa ko ba siyang kontrolin. Ni hindi ko nga magawang tumakas sa mga hawak niya ngayon.

“Lax, wake up.”

 

“It’s... ALICE!” sigaw nito saka hinigpitan ang hawak sa damit ko hanggang sa masakal na ako. Hindi na ako makahinga. Pinilit ko siyang tingnan kahit na nahihirapan akong idilat ang mga mata ko. Her eyes is now in deep blue- no, it’s becoming light blue.

“T-Tama na...” hawak ko ng dalawang kamay ko ang isang kamay niya sa leeg ko, nagbabakasakaling magawa kong pigilan ang lakas niya.

“Alice!” Agad siyang napalingon sa labas ng kwarto ng marinig malakas na sigaw mula dito. Narinig ko ang malalakas at nagmamadaling yabag ng paa ang papalapit samin. Si mama.

“Anak, ano bang ginagawa mo sa kapatid mo? Balak mo ba siyang patayin?” Takot na tanong ni papa.

“Alice... stop this,” pagmamakaawa ni mama.

Nilingon ako ni Alice at naramdaman ko ang dahan-dahang pagluwag ng hawak niya sa leeg ko, sunud-sunod akong napaubo habang hawak ang leeg ko habol ang hininga. Kaunti na lang, kung natagalan pa ang pagdating nina mama ay mawawalan na talaga ako ng hinga sa higpit ng sakal niya. Nakita kong bahagyang napaatras si Alice habang nakayuko.

“Ayos ka lang ba anak?” Nag-aalalang tanong ni mama noong makalapit sila sakin. Tumango naman ako rito bilang sagot bago ibaling muli kay Alice ang tingin ko. Nanatili itong nakayuko ng mga ilang segundo pa bago iangat ang ulo samin. “Alice...” bulong ni mama.

“G-Gomen, Grandpa.” Huling sambit nito bago tuluyang bumagsak sa sahig na walang malay.

Agad naman kaming tumakbo papalapit sakanya kahit na hirap pa rin akong huminga. “Alice?” Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero hindi siya gumigising. “Ma, nawalan na siya ng malay.”

 

“Dalhin mo muna siya sa kama niya anak.” Tumango naman ako bago tuluyang buhatin si Alice at marahang ibaba sa kama niya. Umupo si mama si side niya habang nakatayo naman kami ni papa sa gilid. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nila, napakuyom ako ng kamao sa hindi ko malamang dahilan.

“Bakit siya naging ganiyan ma?”

 

“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina? It’s about Tanda, your Grandpa,” sagot nito habang marahang hinahaplos ang ulo ni Alice.

Pinagmasdan ko ang kwarto niya, hindi naman magulo kaya obvious na hindi siya nagwala dito pero nasa tabi ng kama niya ang litrato nila ni Grandpa. Muli kong tiningnan ang mukha ng kapatid ko.

Why Alice? Bakit ka biglang lumalabas? Are you planning to be you kaya ka lumalabas sa pagkatao ni Lax?

Max’s POV

 

Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Alice bago ito halikan sa noo. Inalis ko rin ang litrato nila ni Tanda sa kama niya at itinago ito sa drawer ng side table niya, nasa labas na kasi si Steve at ang kapatid niya. Lumabas na rin naman agad ako at nakitang inaabangan ng dalawang lalaki ang paglabas ko. Marahan kong isinara ang pinto at sumandal rito pagkaraan.

“Natutulog pa ba siya?” Bungad na tanong ni Steve.

Tumango ako rito. “Mahimbing na nagpapahinga,” sagot ko para hindi na lumala ang pag-aalala ng asawa ko sa anak niya. Sabay silang napabuntong hininga sa narinig.

“Ma, bakit lumabas na naman ang Blue-eyed Alice?”

 

Napatingin ako kay Colix sa tanong niya. “Sa sala na tayo mag-usap,”

 

***

 

Ibinaba ko ang tsaa sac enter table saka naupo sa tabi ni Steve habang kaharap naman namin si Colix. “Remember the first time she had her blue eyes?” I paused habang tumango naman sila. Ang seseryoso naman nitong mga lalaking ito. If Alice was here, she’s probably teasing these two with their faces. Epic.

“That day, that’s the day Grandpa died.”

 

I nodded with Colix’s answer. “Alam niyo naman sigurong malapit si Tanda at Alice noon at malamang ay hindi kinaya ni Alice ang pagkawala ni Tanda dahil nakita niya mismo ang nangyari at doon nagsimulang lumabas ang mas malalim niyang pagkatao.”

 

Humigop ako ng tsaa bago magpatuloy. “Blue eyes ang tatak ng angkan ng Yoshima. Hindi namana ni Tanda ang kulay ng matang iyon pero ganoon ang kulay ng mata ng tatay ni Tanda. Hindi nakuha ni Tanda ang kulay, hindi rin nakuha ni mama at hindi ko rin nakuha. Akala namin ay naputol na ang Blue-eyed generation ng Yoshima but unfortunately ay namana pa ito ni Alice.”

 

“Unfortunately? Bakit naman ma? Astig nga e,”

 

“Hindi mo ba nakita kung gaano kadelikado ang Blue-eyed Alice kanina? Naku naman itong batang 'to!” napafacepalm na sagot ni Steve. Feeling cool ang itlog. Tss.

“Tama rin naman ang papa mo, delikado ang blue-eyed... mas delikado ito sa ordinaryong si Alice. Alice Lax Grey is still in Gangster Clan at dumadaloy sakanya ang dugo ng mga gangster na ninuno natin kaya kahit anong pilit niyang mamuhay sa isang tahimik na paraan bilang si Lax ay hindi pa rin maiiwasang lumabas ang totoong pagkatao niya lalo na tuwing maaalala niya si Tanda.”

 

“Maswerte na lang ngayon at hindi ka niya napuruhan pero kapag dumating ang araw na tuluyan ng lumabas si Alice sa katauhan ni Lax, sana makaya niya. She doesn’t have any idea how dangerous she is,” I sighed. “Kaya Colix, do me a favor.”

 

“Hmm? Ano 'yon ma?”

 

“Protect your sister. Protect Alice from changing into a Demon. Protect her no matter what.”

 

 

 

 

Alice’s POV

 

“Saan tayo pupunta?” I managed to ask kahit na may subo akong tinapay sa bibig at inaayos ang ribbon sa likod ng dress ko. Nasa kusina kami ngayon habang pinagkakain na namin ang breakfast, hindi na ito aabot sa dining table. Sumandal ako sa kitchen counter habang pinagmamasdan si mama at papa na parehong naka-apron at nagpeprepare ng breakfast namin. Si Aldous naman ang nagtitimpla ng juice at naghahanda ng freshmilk, so malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanang tagakain lang ako.

“Sa council,” sagot ni mama saka ako pinalo sa kamay ng mahuling nangunguha na naman ako ng tinapay.

“Anong council? Para saan? May meeting ka ma?”

 

“Meeting?” she paused saka ako nilingon. “Sort of,”

 

“Saan pala 'yon?”

 

“Remember the Yoshima Academy?” I nodded. “Sa likod ng academy ay may council,”

 

“Oh~ talaga? I wanna see that council house. Kamukha ba 'yan ng council niyo sa Japan? Yung BRTG Danzou?”

 

Hindi siya sumagot pero nagkatinginan sila ni papa saka parehong ngumiti sakin. “Kain na tayo,”

 

“Ano pang kakainin natin ma? Ang takaw ng anak mo, naubos na niya.” Sinamaan ko ng tingin si Aldous habang nakangisi lang ito sakin. Kahit kailan papansin ang isang 'to. Tss.

***

 

“May I drive?” Isinabit ko ang kanang braso ko sa braso ni papa para maglambing. Baka sakaling gumana at payagan ako magdrive ng Gallardo.

He turned to me saka tiningnan si mama na nasa harapan ng itim na Lotus. Alam ko na ang sagot niya base pa lang sa itsura ng mga tingin na 'yan. “Gomenasai baby,” Sinimangutan ko siya habang nangungunot ang noo. Imbes na magsalita ay lumapit na lang ako sa sasakyan at inis na umupo sa backseat. Katabi ko pa si Aldous na natutulog na naman.

“Hindi ka muna pwede magdrive Lax.” Tiningnan ko si mama sa driver’s seat habang tiningnan ako sa rear view mirror. Tumango na lang ako saka nangalumbaba sa bintana habang napapabuntong hininga. They’re so unfair. I’m 18 yet ayaw nila akong gamitin ang right and freedom ko to use a car. They’re impossible.

Narinig kong bumukas-sara ang pinto ng passenger’s seat sa harapan ko pero hindi ko ito tiningnan. Si papa lang naman 'yan at nagtatampo ako sakanya. Bakit ba naman kasi takot siya kay mama? Bakit nagpapaunder siya sa babae? Ganoon bang nakakatakot si mama para sakanya? Tss. Pati pagdedesisyon kung papayagan ako magdrive o hindi nakadepende pa kay mama? Ano bang inaalala nila sakin? It’s as if I’m going to turn into a monster the moment I hold the steering wheel, though, I admit na nangangati akong magpatakbo ng mabilis.

Napairap na lang ako sa hangin as mama started the engine. We’re on our way.

Pinagmasdan ko lang ang paligid habang unti-unting bumabagal ang takbo ng sasakyan namin. Mukhang maiipit pa kami sa traffic nito pero maaga pa naman. I fished my headphone in my backpack saka ito sinuot, better listen to music kaysa patayin ko ang sarili ko sa boredom ng traffic.

I was about to shut my eyes when I saw someone... familiar?

I narrowed my eyes para mas makita ang mukha ng rider ng Black Ducati. The rider is a she based on her outfit. Nakablack skinny jeans ito at itim na leather jacket habang may puting spaghetti strap clothes sa loob, pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot nitong itim na helmet. Siguro familiar lang ito sa pangangatawan na masyadong skinny.

Nevermind. Mas mabuting ipagpatuloy na lang ang naudlot kong pakikinig sa music.

*Knock Knock*

Don’t mind it Lax. Mga batang yagit lang 'yan. Ipinaling ko ang mukha ko sa kabilang side habang nanatiling nakapikit.

“What is he doing here?” rinig kong bulong ng katabi ko and because of curiousity ay napadilat ang mga mata ko, bumungad sakin ang magkasalubong na kilay ni Aldous habang nakatingin sa bintana sa side ko.

Sinundan ko ang tinitingnan niya at bumulaga sakin ang nakakainis na mukha ni Oz, ngiting-ngiti pa ito habang kumakaway sakin. “Shinde-” (Die)hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hatakin ako ni Aldous papaharap sakanya habang nanlalaki ang mga mata nito. Tinitigan niya ako sa mata habang hawak ang magkabilang pisngi. I raised him a brow dahil sa kalokohan niya. “Doushitano?” (Why?)

Hindi agad siya sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Pinagmamasdan niya lang ang mga mata ko na parang may kakaiba rito. I glanced at the rear view mirror and saw mama staring at us.

“Aldous?”

 

“Hmm?”

 

“Bitaw na bago pa ako mainis sayo,”

 

Tumango naman siya at mabilis na sumunod sa sinabi ko. He sighed before turning his gaze outside the window. “It’s safe... good thing,”

 

 

Ano bang pinagsasabi ng batang ito? Tss. Abnormalidad.

Sumilip ulit ako sa labas ng bintana at inaasahang andoon pa rin si Oz habang nakatingin samin wearing his annoying face but this time, it’s new that he wasn’t there waiting for me to pushed him away. Sakto rin namang umandar na ang sasakyan namin at nakitang mabilis na rin ang pagpapatakbo nito ng motor niya diretso lang habang lumiko naman kami sa first intersection.

“May gusto ba sayo ang lalaking 'yon?” Marahas kong nilingon si Aldous sa tabi ko habang ramdam rin ang tingin sakin ng mga magulang ko. Is he seriously asking me that?

“That’s insane dude,” I said letting out a smug.

“Eh bakit palaging nakasunod sayo 'yon?”

 

“What? Palaging nakasunod ang lalaking 'yon sa kapatid mo?!” OA na sigaw ni papa sa passenger seat na napapalingon pa sa pwesto namin.

“Yes papa, always. Psh.”

 

“L-Lax? Anong? Boyfriend mo ba 'yon?”

 

Halos tumalbog palabas ng mata ang eyeballs ko sa tanong ni papa. “Pa!?” sigaw ko sakanya. Nababaliw na itong dalawang lalaking 'to. “Ma, malayo pa ba?” ibinaling ko na lang kay mama ang atensyon ko dahil naiirita lang ako.

“Here,” sagot nito saka bumaba matapos iparada sa labas ng isang gubat ang sasakyan. Sumunod rin agad ako pababa para makaiwas na sa pang-aalaska at tamang hinala ng dalawang lalaking kasama namin.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Para siyang isang gubat at kakaunti lang ang nagdaraang tao at sasakyan sa lugar. Is Yoshima Academy located inside? If it is, then it’s cool.

“Lets go. Mag-ingat lang sa daraanan and wag ng lumiko sa kung saan, okay?” Mama.

“Hai,” sagot naming tatlo in chorus habang nasa likuran kami ni mama at nakasunod.

Ang tataas ng puno at gubat na gubat talaga ang dating nito. May mga matataas na kakaibang halaman at may iilang parte ng lupa ang may kalambutan, medyo nakakatakot kasi feeling ko kumunoy. Baka lamunin ako ng buhay, hindi ko pa naaachieve ang peaceful life na ipinangako k okay tito Codie.

Muntik pa akong mauntog sa likod ni mama ng bigla itong huminto, napasimangot ako sa ginawa niya. Tiningnan ko sila na nakatingala sa isang malaki at mataas na gate, kamukhang-kamukha ito ng gate ng mansion mula kulay hanggang sa desenyo. Sa gilid ng malaking pader ay may Yoshima Academy na nakaengrave, sobrang laki nito na malayo ka pa lang ay kitang-kita at mababasa mo na.

“Is this your school?” tanong ng kapatid ko.

“Ito nga. Nakakamiss pala,” kakornihang sagot ni papa. Napairap na lang ako sa hangin.

“Later na magreminisce, lets go to the council.”

 

 

I don’t know why but I am somehow really interested with that council they’re talking. I have this feeling of what it is but, I can’t stop myself from wanting to know it. I just feel like, I need to go there and that later on... I am- NO! Scratch everything. I don’t need to know and I’m not interested, okay?

I heaved a sigh trying to calm my nerves.

Sinundan ko na lang ulit sina mama ng magsimula itong maglakad papunta sa likurang parte ng academy na mukhang parte pa rin ng gubat... at sa hindi kalayuan ay isang malaking bahay o bakasyunan o rest house o hide out? Is this the council they’re talking?

“We’re here.” Kinuha ni mama ang isang susi mula sa bag niya saka binuksan ang pinto nito.

Wow. Yan lang ang masasabi ko sa ngayon. Wow, as in wow.

Tulad ng mansion, Japanese-European din ang desenyo sa loob nito. Halos wala na ngang pinagkaiba bukod sa mas malaki lang talaga ng sobra-sobra ang mansion ni Great Granpa kaysa rito. May sala, kitchen, dining area at limang kwarto- kung iimaginin pa lang talagang malaki na ito.

“Ma, ito ba ang council na sinasabi mo? Mukha lang itong bahay e,”

 

“Ganito ang council...

 

 

...ng BRTG.”

 

 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nginisihan niya lang ako bago komportableng umupo sa couch at nagbukas pa ng TV. Tinabihan naman siya ni papa na agad na umakbay sakanya. Hinanap ng mga mata ko si Aldous na naglalakad palapit sa main door at binuksan ito. Iniluwa naman nito ang tatlong tao- isang lalaki at dalawang babae.

They stared at us in curiousity.

“S-Sino kayo?” tanong ng maliit na mukhang manikang babae. “C-Colix?” gulat nitong tanong ng makita ang kaharap niya. Kilala niya pala ang kapatid ko?

“Tch. Andito na naman pala ang lalaking ito,” mataray na sambit naman ng isa pa nilang kasamang babae habang nakataas pa ang kanang kilay nito.

“Hoy babae! Feeling mo naman gusto kita makita? Umasa ka pa. Hindi ka maganda para gustuhin manlang tingnan. Bakit di ka gumaya rito kay Clover? Cute na, mabait pa. Hindi tulad mong bakulaw.” Pambubuyo ng kapatid ko sa babaeng masungit. Nakita ko namang namula 'yong babaeng cute na Clover ata ang pangalan. Clover? Familiar name.

“Anong!? Yah! Hindi ako bakulaw Aldous! At wala sa itsura ko 'yan, kaya nga Charm ang pangalan ko kasi puno ako ng charm sa katawan. Umaapaw ang karisma ko. Damuho na ito!” sigaw sakanya pabalik noong babaeng masungit na Charm ang pangalan.

Teka, she called him Aldous? As in, on this bishie’s first name? Pero ako lang ang may karapatang tumawag sakanyang Aldous and he never allow anyone to call him that except me.

Dahan-dahang humakbang papalapit sakanya si Aldous habang nakangiting manyak na naman ito saka siya kinorner sa dingding malapit sa door frame. Nanlalaking mga mata naman siyang tiningnan ng babae pero mababakas mo pa rin ang inis sa mukha nito.

“Dare calling me with my first name everytime and even naming me damuho!”

 

“Eh ano naman ngayon. Karapatang pantao ko 'yon, gunggong!”

 

 

Mas lumawak ang ngisi ni Aldous habang inilalapit ang mukha niya sa babae. Hmm... I smell s*x here, do I?

“Get a room,” plain kong sabi kaya awtomatiko silang napalayo sa isa’t-isa. Nilingon naman nila ang pwesto namin nina mama at mukhang doon lang natauhan na may iba pa silang kasama rito sa loob. I eyed them one by one habang bahagya naman silang napapabow. “Maupo muna kayo, mamaya na ipagpatuloy 'yan.” Agad naman silang sumunod at umupo sa sofa. Umupo na rin ako sa tabi nina mama kaharap ang tatlo habang nasa tabi ko ang feel at home humilata na si Aldous.

“Tita Max? Tito Steve?” mahina at nahihiyang sambit ng cute na si Clover.

“Yes hija, mabuti naman at natatandaan mo pa kami. Maliit pa kayo ng kuya mo noong huli namin kayong nakita,” sagot ni mama sa dalaga.

“Paano naman po namin kayo makakalimutan, e malapit po kayo kay papa saka dito po kami nag-aral sa Y.A”

 

“Ganoon ba? Then good to hear, hope you enjoyed your stay here.”

 

“Oo naman po and by the way, ito po pala ang kuya ko si Spade Montelava, 18 years old. Kakagaling lang po niya sa Italy and decided na mag-aral dito sa Pilipinas kaya papasok po siya sa Steins kung saan kami nag-aaral and ito po si Charm Ackerman, 17 years old na classmate po namin ni Aldous,” ngiti pa nito matapos ipakilala ang mga kasama.

“Eh ikaw? Ayaw mo ba ipakilala ang sarili mo?” nilingon ako nito na para bang nahihiya so I smiled a bit para hindi naman siya kabahan na kaharap ako. Nakita kong tumingin muna siya sa katabi ko na wala namang pakialam sa paligid niya.

“Ah, Clover Montelava po, 17 years old. Kapatid ni kuya Spade at classmate ni Charm and Aldous.”

 

“Oh~ that’s good na may kakilala manlang itong lalaking 'to sa block niya.” Tumango ito saka ngumiti sakin. “Since ako na lang ang hindi niyo kilala, I’m Alice Lax, Aldous’ girlfriend.”

 

“Ha?!” sabay na sigaw ng dalawang babae sa harapan ko. Napangiti ako ng makita ang reaksyon ng dalawa habang napapangisi lang ang nakapikit kong katabi. Natutuwa lang 'yan na pinagtitripan ko ang mga kaklase niya.

“Why? May mali ba akong nasabi?”

 

“W-Wala po.” Sabay na sagot ng dalawang dalaga habang nakayuko. Mas lumawak ang ngiti ko sa mga ginagawa nila, feeling ko tuloy may gusto ang dalawang it okay Aldous. Oh well, who knows? Wala namang makakatanggi sa appeal ng lalaking 'to and hindi nagkakamali ang woman’s gut feel.

“Hmm… so this is the BRTG Council huh, bakit kayo nandito?”

 

“My dad assigned us to stay here.” Nabaling ang tingin ko sa ngayon lang nagsalitang si Spade. Ngumiti ito ng bahagya bago muling magpatuloy sa sinasabi.

“Ace? And why?”

 

“Hanggang sa mabuo po namin ang BRTG,” sagot naman ni Clover sakin.

“Mabuo? Why? Bakit niyo naman gustong buohin ang Black Royal Tono Gang?” curious kong tanong. Nagtiningnan naman silang tatlo kaya mas nacurious ako. Napakunot ang noo ko sa inasal nila bago tingnan sina mama at papa na tahimik lang sa tabi ko habang napaayos naman ng upo si Aldous.

“Dahil nagbalik na po Silver Wolves,” mabagal at mahinang sambit ni Charm.

Silver Wolves? Who’s them? How these three kids know this kind of stuff?

© Gingerlu

A/N: BRTG (Black Royal Tono GangMax's former gang from the Book 1. Tono stands for Lord, Black Royal Lord Gang.

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
752K 12.5K 38
Gianna Princess Thrice Williams,isang sophomore college student na bumalik ng Pilipinas para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya nya,But wh...
2.6M 69.9K 33
Gorgeous, Rich, and Bitch-- Three words describe this girl. Her dad sent her in their own university for her to study. Then, she pretend to be a nerd...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...