Gangster vs. Assassin - Publi...

By XavierJohnFord

6.4M 116K 14.7K

Xavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin... More

Gangster vs. Assassin
Prologue
Chapter 1: The Black Death Assassins
Chapter 2: The Warlords Platoon
Chapter 3: The Constellate Assassins
Chapter 4: The Dragon Empire Gang
Chapter 5: The Ordinary Life
Chapter 6: The Plan of Meeting Them [Black Death Assassins & Warlords Platoon]
Chapter 7: The Meet Up
Chapter 8: The Succession Plan (Part 1)
Chapter 9: The Succession Plan (Part 2)
Chapter 10: The "Real" Masquerade Ball
Chapter 11: The Girl from the Past
Chapter 12: Kissing Bandit (Part 1)
Chapter 13: Kissing Bandit (Part 2)
Chapter 14: Two tamed Dragons
Chapter 15: Face to Face
Chapter 16: The Battle begins here (Part 1)
Chapter 17: The Battle begins here (Part 2)
Chapter 18: The Token of Death
Chapter 19: Postponed
Chapter 20: The Queen's Pendant
Chapter 21: Welcome to GVA Battle 2012
Chapter 22: Mechanics, Rules and Regulations
Chapter 23: GVA - First Day
Chapter 24: The Bonus Prize
Chapter 25: The Battle Cross (1st Match)
Chapter 26: Excretive Killers
Chapter 27: The GVA Bidding
Chapter 28: Connections
Chapter 29: Her Brother- Unfold
Chapter 30: Synthetic Decision
Chapter 31: Lady_Apocalypse
Chapter 32: Beyond Those Plan
Chapter 33: Declaration of War
Chapter 34: Pandora's Battle
Chapter 35: Touch Move
Chapter 36: Falling Stars - Part 1
Chapter 38: Execution of Plans
Chapter 39: Traitors
Chapter 40: Apollo X49 - Selena
Chapter 41: Solar and Lunar
Chapter 42: Twisted Comeback
Chapter 43: His Evil Plans
Chapter 44: The Scheduler's Plan
Chapter 45: The Final Battle
Epilogue
GVA Book Release Announcement

Chapter 37: Falling Stars - Part 2

90.2K 2K 429
By XavierJohnFord

HINDI NATUTUWA SI Xenon sa ngising pinapakita ni Kasiragi sa kanya. Waring nang-uuyam. Tila nang-aasar. And mind you, malapit na s'yang mawalan ng pasensya.

"Sorry, pare. Pero mukhang dito na talaga magtatapos ang inyong ikalawang journey."  Tumawa si Kasiragi pagkatapos. "You're weapon is nothing, compared to us."

Napasulyap siya sa gauntlet.

3:45 minutes...

Shit! They're running out of time. At halos 3,000 life points nalang ang natitira sa kanila. Nung dumating kasi silang dalawa ni Silent Keeper ay nakita niyang pulos may tama na ang mga braso at binti ng tatlo. Tama na galing sa bala ng baril.

Yes, tama ang sinabi ni Kasiragi. Their weapon is useless if their enemies have guns. It's not a simple guns we're talking about here. They've expected more than others do of what will happen to their weapons. And since this is more likely a highly advanced weapons, they're not just holding a simple guns.

May kung anong klaseng heat combustion ang kasama sa mga bala lalo na't kung ito'y kakalabitin gamit ang gatilyo. Na once tumama sa balat ay magdudulot iyon ng walang katumbas na hapdi, sakit at sugat na siyang nararanasan ng tatlo.

They need to be more extra careful. They also need to think a one big shot plan, na makakatulong sa kanila para patayin ang mga ito.

Muling nagpapaputok ang grupo nila at mabilis naman silang nakapagtago sa bawat edges ng hedge sa paligid nila. They were in a big giant maze puzzle. Halos katabi lang talaga ito ng GVA Infirmary at sa pagkakaalam niya ang bawat exit ng maze ay diretso sa cliff ng island na kung saan puro malalaking alon at bato ang sasalo sa'yo mula sa pagkahulog.

Pagkabaril ng mga ito ay muli silang bumawi ng atake. They also threw arrows. From their metallic bows.

May narinig siyang dumaing.

"'Wag mong maliitin ang hawak naming pana, pare! Baka ito pa ang maging sanhi ng kamatayan niyo!" bulanghit niya pabalik sa naging saad ni Kasiragi.

Metallic Bow ang napunta sa kanilang sandata. Nababalutan iyon kakaibang electromagnetic currents na dumadaloy sa hinihila upang tumira. Mabuti na nga lamang ay may hawakan roon na kung saan isa palang eletromagnetic resistor na siyang pipigil sa kanilang makuryente. Electric Arrows naman ang gamit nilang bala sa pana na lilitaw lamang kung hihilahin mo 'yun resistor holder.

Innovation of techonology nga naman.

And since this is GVA you're talking about, may kakaiba naman sa hawak nilang sandata. Bukod sa eletricity ang kanilang bala ay may dalawang blade naman ang nakadikit sa magkabilang dulo ng bow na kinakabitan ng dalawang elastic bond.

At tulad ng inaasahan ay nasa blade ang kakaibang particle na kumikinang sa paligid ng patalim, gaya ng sa sandata ng Constellate. Umuusok iyon at alam niyang sobrang init no'n.

"'Wag kang pasisiguro, Xenon--!" hindi na niya ito pinatapos pa ng sasabihin nito bagkus ay itinaas niya ang hawak na bow, hinila ang elastic bond; sabay bitaw.

"Laban na!" hiyaw niya kasabay ng pagbitaw niya sa pana.

Kumawala roon ang tatlong kidlat na hugis bala ng pana at pumunta sa kung saan. Narinig niya ang boses ni Kasiragi.

Nakalimutan niyo na bang malakas ang panrinig niya?

Sunod no'n ay narinig niya ang ilang putok ng baril at tumama iyon sa mga balang pinakawalan niya. Maliliit na pagsabog ang naging epekto ng salpukan ng kanilang bala.

Nilapitan niya si Silent Keeper.

"I have a plan."

"Ano 'yon?"

"You take care of them."

"Iyan na ang plano mo?"

"No. Don't let them harm Voice Box and the others, SK (Silent Keeper). Ikaw ang magiging mata nila sa kalaban. We only have 3K life points left and we need to conserve that. 'Yan na nalang ang natitira nating tsansang manalo kung sakaling 'di ko sila mapatay lahat."

"You're planning to take them down ng ikaw lang? Nagpapakamatay ka ba?"

"But of course not. Nakalimutan mo 'atang ako si Xenon, p're?"

Nginisian na lamang siya ng binata bago bahagyang tinulak at binigay sa kanya ang pana nito.

"You need that as much as I am. 'Yung kanila nalang ang gagamitin ko."

Tinanguhan na lamang niya ito at isinukbit sa likod ang bow na bigay sa kanya ni SK.

"Now. Let's finish these."

Tumakbo na siya sa bawat maze edges at muling pinakiramdaman ang mga kalaban.

Ginamit niya ang matalas na pakiramdam at panrinig para mapagtanto kung sa'n naroroon ang mga kalaban.

"You still have 2:35 minutes, Xenon. Ano? Susuko ka na ba? Mayroon pa kaming 4500 life points samantalang kayo--"

Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito. Napangisi siya dahil sa katangahang taglay nitong gagong 'to.

Hinila na niya ang elastic bond and estimated his target's position. May katabi si Kasiragi na isa. Ang tatlo ay nasa paligid lang niya.

Binitawan na niya ang bala. Alam niyang mabilis na tumarak sa dibdib ng katabi ni Kasiragi ang balang kanyang pinakawalan.

Muling natahimik ang paligid. Nagngingitngit sa galit si Kasiragi. Alam niya 'yun. Dahil nilagasan na niya ng isa ang kakampi niya.

4000

Nakita niya sa kanyang gauntlet. Meaning, sa pagkamatay ng isang miyembro ay nabawasan ang life points ng WLA.

Nakarinig siya ng mga yapak sa 'di kalayuan. Muli siyang nagtago sa isa sa mga edges ng hedge na kinalulugaran niya. Nang lumagpas ang isang myembro ng kalaban ay mabagal at maingat niya itong sinundan.

Mukhang tama ang kanyang hinala. Puntirya nito ang mga kagrupo niya nang dumaan ito sa kanyang dinaanan kanina.

Nang sobrang lapit na nito at nagpakita kina SK ay mabilis siyang lumabas rin sa pinagtataguan at maagap na hinatak ang bow na hawak na siyang tumama sa likod ng kalaban. Napasilip siya sa harapan ng binata. Nakita rin niyang mukhang kakatapos lamang tumira ni SK at doon niya napagtantong sabay silang tumira mula sa likod at harap.

Nakita nilang nagkikikisay sa kuryente ang kanilang tinamaan hanggang sa bumagsak na lamang ito at nawalan ng buhay.

Mariin niyang tinanguhan si SK, maging ang iba pa. Mukhang maayos ayos na ang pakiramdam ng tatlo ngunit nandoon pa rin ang pagngiwi nila na ang ibig sabihin ay may kaunti pa ring hapdi.

Tumalima na kaagad siya at muling pinakiramdaman ang natitirang WLA.

Hindi na siya nag-aalala sa mga kagrupo niya dahil alam niyang kaya na ng mga ito ang susugod na kalaban. Remember, tatlo lang ang sugatan sa kanila at may hindi. Hindi napuruhan ang mga braso at kamay kaya alam niyang makakalaban pa ang mga ito.

Napatigil s'ya nang may magkasa ng baril eksakto sa kaliwa at kanan ng kanyang gilid. Mabilis siyang tumalon ng mataas at bumagsak sa lupa nang kinalabit na ng mga ito ang gatilyo.

It formed a huge explosion. Maybe because of the two bullet synchronizingly released.

Tinukod niya ang kanyang kamay upang makatayo at mabilis na pinuntahan ang dalawa.

Naabutan niya ang isa. Isang babaeng black american. Ikinawit niya ang kanyang braso sa leeg nito at itinapat ang dulo ng bow na may patalim.

He was about to cut her throat, nang biglang umigkas ang dalaga sa pamamagitan ng pagsiko nito sa kanyang tagiliran.

Nabitawan niya ito at mabilis na naitutok ang baril sa kanyang noo.

"This is interesting. A history. I didn' expect that the current God of Death will die with my own hands," aniya at ngumisi. "Say goodbye, son of Frontier."

Hindi na niya tinangka pang gumalaw pa. He saw SK standing up infront of him a meters away and aiming his bow to this girl.

SK released the elastic bond right after black american girl said those unexpected statement. But he will mind it later.

Nakita niya kung paanong natulala ang babaeng ito matapos matamaan ng lightning arrow ni SK. Umatras ito sa kanya at doon nagkikikisay hanggang sa bumagsak at mawalan ng buhay.

1:45 minutes...

Tinanguhan niya si SK nang makita niyang katabi lang nito ang isa sa umatake sa kanya ng sabay at wala na ring buhay. At mabilis na muli siyang kumilos.

May isa pang natitira.

Ang leader ng WLA.

"'Wag ka na magtago, Kasiragi. Hindi mo 'ko kaya--"

Hindi natapos ang kanyang bulanghit nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyang kanang braso. Ngunit imbes na indahin ay nagawa pa niyang barilin rin ito ng pabalik, dahilan upang mawala muli sa kanyang paningin si Kasiragi.

You suprised me there motherfvcker!

Maagap siyang nagtagong muli sa isa sa mga hedges at tiningnan ang natamong sugat.

Shit! Masakit!

Walang patid ang daloy ng dugo sa kanyang braso kung kaya't pumunit siya ng tela mula sa kanyang damit at mahigpit iyong itinali sa kanyang sugatang braso na may lapnos.

Napatigil siya nang may marinig siyang daing ng babae.

Pinakiramdaman niya itong muli at saka nanlalaki ang mga matang napagtantong ang mga Constellate iyon.

Tumakbo siya mula sa kinaroroonan ng mga ito.

Gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang mga Constellates na pilit nilalabanan si Kasiragi.

Nakita niya kung paano pinagtulungan ng tatlo si Kasiragi ngunit nang mabitawan ang hawak na baril ng binata ay siyang gulat niya nang tumalsik sina Virgo at Aries. Habang hawak naman sa leeg ni Kasiragi si Aquarius.

Ikinasa niya ng mabilis ang hawak niyang sandata at mabilis na pinuntirya ang lalaki. Alam niya ang susunod nitong gagawin. Leader ito ng White Larynx Assassin-- grupong eksperto sa pagpatay sa pamamagitan ng paglapirot nito sa leeg ng kalaban.

Gayon na lamang ang kanyang pagsinghap nang si Aquarius ang tinamaan ng kanyang lightning arrow. Ngunit mas nanlaki ang kanyang mata nang nakalaylay na ang leeg ng babae at wala nang buhay.

Nahuli siya!

Nakita niya muling ngumisi sa kanya si Kasiragi.

Napakuyom siya ng kamao.

"Tingin mo talaga, hindi kita kaya, Xenon?" utas nito ngunit siya'y nanatiling nakayuko. "Kahit anak ka pa ng pinakamalakas na Assassin ay walang wala 'yan sa kaya kong gawin sa buhay mo!"

Nagtatagis ang kanyang bagang na iniangat niya ang kanyang ulo at sinalubong ng isang nakakapangilabot na titig si Kasiragi. Ano bang pinagsasasabi ng gagong 'to?

Nakita niyang napaatras ng bahagya ang binata pagkakita sa kakaibang klase ng titig na binibigay niya rito.

"AQUARIUS!!!" hiyaw ng dalawa pang Constellate.

Napapitlag siya nang biglang sumugod muli ang dalawa. Unang nilapitan ni Virgo si Kasiragi at kinuha naman ni Aries ang baril ng binata.

Inihagis ni Kasiragi ang katawan ni Aquarius sa kung saan at maagap na hinawakan ang leeg ni Virgo. Iniangat nito ang dalaga dahilan upang masakal ito.

Napatingin siya kay Aries na nakuha na ang baril at kinasa iyon bago kinalabit diretso kay Kasiragi.

Mukhang nakaramdam ang kalaban kung kaya't mabilis niyang iniharang ang katawan ni Virgo at ito ang tinamaan ng bala ng baril.

Nakita niya kung paanong nanginig ang kamay ni Aries sa nangyari. Tila nabagsakan ito ng mabigat na bagay at napaupo sa lupa.

Maging siya ay hindi na napansing hindi pala siya humihinga sa mabilis na pangyayari.

Natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Waring pinoproseso pa ng kanyang utak ang nangyari.

Prinotektahan siya ng tatlo ngunit namatay ang dalawa sa kanila. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kung'di galit. Galit na galit siya kay Kasiragi. At lalong galit na galit siya sa kanyang sarili. Kung hindi sana siya natigilan at natuod ay malamang natulungan niya ang mga ito. Ngunit hindi! Pinagmasdan lamang niya ang mga ito at walang ginawa!!!

He glared at Kasiragi intensely. So much energy was building up on his system because of what happened. So much, that to the point he was again crossing his limitation of power.

He gripped his bow grimacing. He even stepped his foot a bit and run towards Kasiragi.

Nakailag si Kasiragi sa una niyang wasiwas ng bow na may blade. He even saw in his eyes that he was startled of how fast did he make to run towards him in a short period of nanosecond.

Muli niyang inatake si Kasiragi na nasangga pa rin nito. Nasuntok siya sa pisngi nang hindi niya namalayan ngunit dahil sa nararamdamang boost of power ay mabilis niyang nasuntok pabalik ang kalaban.

Napatinuhod ito sa lupa at kitang kita kung gaano nagdudugo ang bunganga nito. Kitang niya rin sa mukha nito ang pagkagulat sa lakas ng suntok na ginawad niya rito.

That is his real power. Once you did something to him, he will just take it back to you 10x stronger and faster.

Nilapitan niya ito, hinablot ang kwelyo at iniangat sa lupa.

Mas tiningnan niya ito ng mas madilim. Mas nakakatakot. 'Yung tipong hindi mo nanaising makita ito sa kanyang mata dahil katumbas ng kanyang titig ay ang pintuan ng impyerno. At natutuwa ang kanyang sarili dahil bakas na bakas na sa mukha ni Kasiragi ang takot na gusto niyang ipadama rito.

"A-Ack!" daing ng kalaban.

He was about to kill him when the both of them heard something. Parang tunog ng isang alarm.

Nagulat na lamang silang dalawa na may pwersang pumagitan sa kanilang dalawa at tumilamsik ng ubod ng lakas.

Napasapo sa kanyang dibdib si Xenon at napaubo dahil sa epekto nang nangyari sa kanilang dalawa ng kalaban.

Kapwa silang napatingin sa kanilang gauntlet.

0:00... time is up!

Congratulations... Warlords Platoon, for having 3500 life points against WLA-- 1500 life points.

You win!

Pinilit niyang tumayo kahit hirap na hirap na siya dahil sa bugbog ng katawan. Maging ang sugat na kanyang natamo sa braso muling kumirot sa hapdi.

It's still bleeding. Halos punuin ng kanyang dugo ang buong braso niya.

Susubukan na sana niya muling kwelyuhan si Kasiragi ngunit may kung ano na namang humarang sa kanilang dalawa.

"Tapos na ang laban, Xenon," anas ng kalaban. "24 hours ang activation power ng force field ng gauntlet sa oras na naubos ang 5 minute battle. Ibig sabihin, hindi mo pa 'ko mapapatay."

Nagtagis ang kanyang bagang sa inutas at sa tawa nitong malademonyo.

Damn this gauntlet!

"Congratulations, Xenon."

Mabilis siyang napalingon sa babaeng nagsalita.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mata nang makita si Cindy Sy, hawak sa leeg si Aries. Nakangisi ito sa kanya at tila hindi niya magugustuhan ang susunod nitong gagawin.

"Cindy..."

"Yes, honey? Missed me?"

Sa puntong iyon ay hindi niya mawari kung ano susunod niyang gagawin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi s'ya kaagad makapag-isip ng maayos lalo pa't marami siyang katanungang gustong tuldukan.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I'm still Emmanuel's daughter, Xenon. May karapatan akong manghimasok sa laro," aniya. "At sa pagkakataong ito... may dahilan na 'ko para makialam. Dahil sa katangahang ginawa ng babaeng ito at ng mga kapatid niya."

"Ugh!" daing ni Aries nang higpitan ni Cindy ang pagkakasabunot sa dalaga.

"N-No..."

"Anong hindi, mahal ko? Nilabag niya ang patakaran ng Pandora's Battle hindi ba? Nakialam sila at ginamit pa ang sandatang hindi sa kanila."

"Let her go, Cindy."

Ngumisi si Cindy. "You just gave me a valid reason to kill her, Xenon."

Pagkasabi noon ni Cindy ay nilaslas nito ang leeg ni Aries at sinipa mula sa likuran dahilan upang daluhan niya ito. Habang nakangisi namang umalis Cindy.

"A-Aries..." mahina niyang usal.

Tiningnan siya ni Aries habang nagkikikisay ito dahil sa dugong nalabas sa leeg nito.

Ngumiti ang dalaga. Dahilan upang bumigat ang kanyang pakiramdam. Hinawakan rin nito ang kanyang kanang pisngi at nagwika...

"P-Patawarin m-mo s-sya... Xenon," tinitigan niya ito at alam niya kung sino ang tinutukoy nito. "D-Dahil... kung h-hindi? M-Mawawala na s-siya ng tuluyan... s-sayo."

Iyon lamang ang huling wika ni Aries bago tuluyang tumigil ang paghinga nito.

Inilapag niya ang katawan nito sa lupa at mariing kinuyom ang kamao.

Noon niya na-realize ang isang bagay. Na sa bawat labang tatahakin nila sa islang ito ay kaakibat ang pagsisising bakit pa nila tinahak ang daang ito? Na sa bawat pagkakaibigang mabubuo sa loob ng larong ito ay siyang bigat ng pakiramdam 'pag sa oras na kinuha na ng kalaban ang buhay ng mga taong naging malapit sa'yong puso.

Napatingin siya sa langit matapos pinagtabi tabi ang labi ng tatlong magkakapatid. Sa kanyang pagtingin ay saktong may bumagsak na tatlong bituin.

Malungkot siyang napatingin muli sa tatlong Constellate. Falling stars from heaven? It symbolizes them. Ang kanilang kinang ay nagtapos na. Ang liwanag ng kanilang pangalan ay nagkaroon na ng hangganan.

Muli siyang napakuyom ng kamao nang maalala ang babala ni Aries ukol kay Xyrene. Matamang siyang tumakbo paalis ng maze.

Para sa hiling mo, Aries. Sige, tutulungan ko si Xyrene. Susubukan kong iligtas ang babaeng iyon sa katangang kanyang gagawin.

* * *

"I'VE BEEN WAITING for you. I thought, hindi ka na darating." Nakangising saad ni Hidalgo nang maaninag niya sa kanyang harapan ang isang taong natatakpan ng dilim. Dito sa loob ng kanyang office.

Hindi nagsalita ang taong nagtatago sa dilim. Bagkus ay lumapit ito sa kanya ng dahan dahan at may halong panganib.

Muling uminom ng whiskey si Hidalgo. Hindi alintana ang taong may balak na masama sa kanya. Nakangisi pa nga ito at tila walang halong takot ang babakas sa mukha nito.

Muli pang lumapit ang taong sa kanya'y papalapit. Nang sa wakas na natamaan ito nang sinag ng buwan mula sa bintana ay nakita niya ang kabuuan ng estranghero.

Nakaputi ito mula damit pang itaas hanggang baba. Kita ang sexy nitong tyan at mataas ang heels na suot pangyapak. Nakatali ang buhok nito sa likod at higit sa lahat ay nakatakip ang ibabang bahagi ng mukha nito.

Napapitlag ng bahagya si Hidalgo nang landasin ng kanyang mata ang mata ng dalaga.

Kitang kita niya mula rito ang pulang nagbabagang mata nito.

Siya lang ba? O sadyang namamalikmata lamang siya?

Tama ba ang kanyang nakikita? Pulang pula ang mga ito at talagang nangingibabaw ang kulay nito sa dilim.

Piniksi niya ang kanyang sarili at muling sinalubong titig nito.

"Papatayin mo 'ko. 'Yan ang pakay mo hindi ba?" saad niya habang nilalagyan muli ng alak ang kanyang baso.

Ngunit nabasag lamang ang basong iyon at mabilis niyang tiningnan ang taong nasa kanyang harapan.

Nakapostura pa itong katatapos lamang ibato ang patalim na tumama sa kanyang tagayan.

"Silent treatment, huh?" nakangising usal ni Hidalgo.

Habang sinasabi ang mga iyon ay lihim nitong kinakasa ang baril na nasa kanyang kandungan lamang.

"Uunahan mo 'ko? Pasenya ngunit mauuna ka--"

Nawala sa kanyang harap ang estranghera nang maikasa ni Hidalgo at itututok sana roon.

Lumukob ang katahimikan.

Pinakiramdaman niyang muli kung nasaan ito. Inalerto niya ang kanyang sarili dahil baka maunahan siya at mapatay ng ganoong kabilis.

"BOO!" nagulat siya nang mapagtantong nasa likod na ito ngayon.

Paano nitong nagawang makapunta sa kanyang likuran nang hindi namamalayan?

"Ugh!" mahina niyang impit nang sakalin s'ya nito mula sa likuran.

"G-Gan'yan lang ba ang kaya... mo?" tanong niya rito.

Mukhang nainsulto niya ito base narin sa muling pagkakahigpit ng braso nito sa kanyang leeg.

Napatingin si Hidalgo sa harapan niya nang maramdamang may muling pumasok sa kanyang opisina.

Gayon na lamang ang kanyang ngisi nang mapagtantong si Xenon iyon. Lider ng Warlords Platoon.

"XYRENE!" sigaw ni Xenon nang makapasok sa opisina ng isa sa mga Chief Death Officer.

Dito kasi siya tinuro ng gauntlet nang alamin niya kung nasaan si Xyrene.

Napatingin siya paligid at nagtataka na sobrang dilim.

Napasinghap siya nang makarinig ng isang boses na tila bumubwelo ng atake.

"Argggh!"

Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang isang babaeng nakaputing damit mula pantaas hanggang baba. Kita ang tyan na masasabi niyang may hubog.

Ngunit mas napasinghap siya nang makita muli ang ekis na peklat nito sa tagiliran.

Hindi siya nagkakamaling si Xyrene ito.

"Mabuti nalang rin pala at nandito ka, Xenon."

Napatingin siya kay Hidalgo. Opisina pala ito ng Death Commander. Ngunit anong rason mo, Xyrene, at nandirito ka? Papatayin mo siya? Sa anong dahilan?

Pinanatili niya ang kanyang seryosong mukha kay Hidalgo. He needs damn answers... now!

"Papatayin niya ako," simpleng saad nito sa kanya.

As expected.

"You killed, Constellate's parents."

Iyon ang una niyang pagkakataong narinig muli ang boses nito. Malamig at hindi mo mababakasan ng takot miski katiting.

Pero ano 'yung narinig niya?

Napatingin muli siya kay Hidalgo. Nakangisi itong nakatingin kay Xyrene.

"Ano naman iyon sa'yo?"

Pinigilan niya ang kanyang sariling sugurin ang hukluban na 'to?

Ano lang iyon sa kahit kanino? Gago 'ata 'to. Ito pala ang dahilan kung bakit naging mga mamamatay tao ang tatlo niyang kaibigan simula noon palang. Ayon sa kanila, kailangan nilang patayin ang taong pumatay sa mga magulang nila. Iyon lang ang pinanghahawakan noon ng Constellate. Hanggang ngayon, kahit patay na sila.

"Ikaw ang may dahilan kung bakit sila naging ganoon?"

Tiningnan siya ni Hidalgo na may ngisi sa labi. "Hindi ako ang naging dahilan kung bakit sila naging Assassin, Xenon. Pinatay ko lang ang magulang nila. 'Yun lang at--"

"'Yun lang? LANG? Tangina mo pala e! Sumali sila rito para matulungan ng GVA sa gagawin nilang paghihiganti tapos sangkot ka lang pala sa mga dapat paghigantihan? At sa Constellate pa?! Putangina mo!"

Nanggigil na siya. Ngayon alam niya kung ano ang dahilan ni Xyrene kung bakit ito naririto at nakilos ng mag-isa. Gusto nitong tulungan ang Constellate. Pero kung ano ang dahilan ng pagtulong nito saka na niya aalamin.

Nagtatagis ang kanyang bagang tinutok ang hawak na pana at hinila ang pisi upang ihandang bitawan at mapatay si Hidalgo.

"Ano bang problema mo, Xenon? Ano ngayon sa'yo kung ako nga? Eh 'di patayin nila ako. Sa kanila ako nagkasala at hindi sa'yo."

"Patay na sila?! Paano pa nilang magagawang patayin ka kung patay na sila?!!!" hindi na niya nagawang kontrolin pa ang kanyang sarili at nabulanghit ang mga iyon.

"A-Ano...?" narinig niyang saad ni Xyrene sa tabi.

Mas nagtagis ang kanyang panga nang ngumisi lamang ang tarantadong Hidalgong 'to.

Puta!

"Eh 'di malas nila dahil hindi na nila ako mapapatay."

Kahit gigil na gigil na siya ay hindi nagawa pa rin niyang suminghap nang mabilis na lumapat ang kamao ni Xyrene sa mukha ni Hidalgo.

"May d-dahilan ako... kung bakit k-ko pinatay ang pamilya niya, Xenon."

Isang suntok muli ang natanggap nito mula sa dalaga.

"Nagtraydor sila sa amin. M-May balak silang pabagsakin ang organisasyong tinatag ng magulang mo... ni Frontier."

Sa ikatlong pangatlo ay narinig na naman niya ang kaparehong statement nito. Kay Kasiragi na 'di niya alam kung nasa'n na; sa black american na pinatay ni SK kanina... at ngayon kay Hidalgo.

"MANAHIMIK KA NA!!!" sigaw ni Xyrene at akmang sasaksakin na nito ang matanda ay mabilis niyang binitawan ang pagkakahawak ng pana at tumama iyon sa braso ng dalaga.

"Ugh!" daing nito at napasalampak sa sahig.

Wala siyang pakialam kung magsisigaw ito sa sakit. Bagkus ay muli niyang tinutukan si Hidalgo.

"Anong sinabi mo?!!! Paanong ako ang anak ni Frontier?!!! Anak ako ng mga Villareal!"

"Ampon ka lang, Xenon!"

Napatigil s'ya roon at napailing iling.

"Hindi... hindi."

"Iyon ang katotohanan. Ang pamilya mo ang kumuha sa'yo mula kay Leandros-- kaibigan ni Frontier. Ang pamilyang nakasama mo ang naging dahilan kung bakit namatay ang mga tunay mong magulang-- sina Leonna Casiraghi at Thomas."

Muli siyang napailing iling at napatulala. Teka, ano bang nangyayari? Bakit ganito? Bakit may mali. Hindi niya kayang maniwala sa mga sinisiwalat nito.

Hindi. Hindi totoo 'yan!

"'Wag kang makinig sa kanya, Xenon!!! Lahat ng sinabi niya ay lahat pawang kasinungalingan--"

"Gusto mo nang patunay?" napaangat ang kanyang tingin kay Hidalgo.

"Siya," sabay turo lay Xyrene. "Myembro siya ng isang organisasyong naglalayong patayin ka. Pinadala ng gobyerno dahil anak ka ng pinakadelikado at kinatatakutang Assassin."

Natigilan siya sa sinabing iyon ni Hidalgo. Para siyang tinakasan ng hininga nang marinig ang patunay nitong may koneksyon naman talaga sa babaeng kanya ngayong kinamumuhian.

Sa kabilang dako ng silid ay may tatlong nakikinig, tatlong taong naghihintay ng susunod na galaw mula sa kanilang pinuno na ngayo'y natataranta ang mukha. Nagkatinginan ang tatlo. "She lied to us?!"

"HINDI! NAGSISINUNGALING KA!" hiyaw ni Xyrene.

"Paano ako magsisinungaling, huh? 'Diba pinatay mo ang nobya niya? Actually, hindi ka nagtagumpay dahil hindi mo napatay si Xavier. Kaya ka nandito ay para ituloy ang misyon mo. Misyong patayin ang anak ni Frontier. Tama ba, Dark Scheduler?"

Natigilan siya rito at napatingin kay Xyrene.

Dark Scheduler?

Muling nagbalik ang alaalang nakipagkita siya sa isang nagngangalang Dark Scheduler. Dahil may kinalaman ito two years ago.

So, ito na 'yung dahilan noon? Kung bakit may kinalaman si Dark Scheduler ay dahil iyong taong iyon mismo ang papatay sana sa kanya? At iyon ay walang iba kung'di si Xyrene?

Nakita niya itong tinanggal ang maskara sa mukha at umiiling iling. "Please! 'Wag kang maniwala sa kanya-- PLEASE!"

Muli niyang tinutok ang kuryenteng palaso sa dalaga. Naglalandas na ang kanyang luha sa pisngi at mabilis ang kanyang paghinga.

Tangina! Lahat ng pinakita sa kanya ng babaeng ito ay pawang mga walang katotohanan? Lahat laro para sa plano niyang patayin siya?

"You killed her, Xyrene! Ta's ngayon... NGAYON, MALALAMAN KONG AKO PALA DAPAT ANG PAPATAYI  MO!!! LAHAT NG PINAKITA MO SA'KIN AY PURO KASINUNGALINGAN?!!! TAPOS SASABIHIN MONG 'WAG AKONG MANIWALA SA KANYA?!!!"

"Please-- SA AKIN KA MANIWALA!"

Napatawa siya ng pagak. "Maniwala?! Sa'yo?! Sa anong dahilan, huh?!!! SINIRA MO ANG BUHAY KO! SINIRA MO ANG BUHAY KONG SANA AY MASAYA KUNG 'DI MO PINATAY ANG NOBYA KO! AKO NALANG SANA... AKO NALANG SANA ANG PINATAY MO! Kasi... k-kasi... hanggang ngayon, para mo na rin akong pinatay. Ngunit mas masakit 'to kasi araw-araw, minu-minuto... para akong namamatay. Araw araw akong tinutupok ng sakit sa lahat ng nangyari."

"I'm sorry..."

"Sorry?! Xyrene, alam mo bang kaya ko na siyang kalimutan dahil ngayon ay mahal na kita? Mas mahal na kita kesa sa kanya? Pero tangina naman, Xyrene... kaya 'kong makipag-ayos sa'yo. Kaya kitang patawarin... pero, ANO 'TO?!!! ANO 'TONG NALAMAN KO?!"

Parehas na silang iyak ng iyak ngayon. Parehong umaagos ang luha dahil sa katotohanang nalaman.

"BAKIT KUNG KAILAN KITA MINAHAL AT KAYANG PATAWIRIN SAKA KO MALALAMANG NILOLOKO MO LANG AKO?!!! LAHAT NG PINAKITA MO AT PINADAMA MO, LAHAT NG 'YON 'DI TOTOO?!!!"

Muling umiiling iling si Xyrene habang nahikbi at walang patid ang luhang naglalandas sa pisngi nito. "Please, Xavier... just this once. 'Wag kang maniwala sa kanya at hayaan mo akong makapagpaliwanag. Nagmamakaawa ako. Sa akin ka makinig."

Siya naman ngayon ang umiling iling at nanggigil na tinutukan ito ng pana.

Lumapit sa kanya ang dalaga. Dahan dahan. Tumigil sa kanyang harapan, ilang metro lamang ang distansya.

"Patawarin mo 'ko, Xavier. Maniwala ka. Lubos akong humihingi ng tawad. Pero hindi dahil totoo ang sinabi niya. Patawad kasi dahil sa'kin nasasaktan ka. Nasasaktan kita. You said you love me? I'm happy. Super happy, kasi gano'n din ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ka man maniwala pero 'yun ang totoo. Kahit balik-baliktarin mo man ang mundo ng ilang beses, totoong... mahal kita. Sobra pa sa pagmamahal na sinabi mo."

Napahawak ng mahigpit si Xavier sa hawak na sandata. Gusto niyang magsaya dahil mahal rin siya ng babaeng ito. Pero muling bumabalik ang kanyang galit sa t'wing naaalala niyang niloko lamang siya nito at pinaniwala sa mga bagay na hindi naman dapat.

"May isang tanong ako sa'yo. Sa tanong na 'to gusto kong sagutin mo 'yun base sa panang hawak mo. 'Wag kang mag-alala, dahil parehas tayong makikinabang rito."

Napatitig siya rito ng ilang saglit at hinayaan ang sariling makinig. Hindi niya pinansin ang mga luha nito. Kailangan niyang ignorin iyon dahil kung hindi ay baka biglang lumambot ang puso niyang galit na galit para rito.

"Paano kung buhay pala ang nobya mo at andito siya sa tabi mo. Sino ang mas pipiliin mong mabuhay? Siya na matagal mo nang mahal? O ako na gaya ng sabi mo ay mas mahal mo ngayon?"

Natigilan siya sa naging tanong nito. Ang sabi niya sasagot siya sa pamamagitan ng hawak niyang palaso.

"Ibaba mo ang pana kung ako... at bitawan mo ang hila mong bala kung siya."

Muling gumulo ang isipan niya. Ano bang klaseng tanong 'yon? Bakit ganito ang pakiramdam niya? Hindi 'to tama. Naghahalo halo na ang emosyong lumulukob sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit ko tinatanong 'to sa'yo?" Muling naglandas ang mga luha ng dalaga habang pinagpapatuloy ang sinasabi nito.

"K-Kasi... paano nga kung buhay siya at nandito ngayon sa harap mo? E 'di dalawa na ang mahal mo. Sino naman ang pipiliin mo? Kasi, isa lang ang pwedeng mabuhay sa aming dalawa, Xavier. Hindi pwedeng kaming dalawa. Kaya mamili ka!"

Gigil na gigil na ang kamay niya. Hindi na niya alam ang gagawin sa tanong na binigay ng dalaga.

Pero ano raw? Isa lang ang pwedeng mabuhay? Ibig sabihin mas gusto pa nga nitong mamatay ang yumaong nobya kesa ang mabuhay ito? Makasarili. Tuso. Iyon ang nasa utak niya ngayon. Mas lalo siyang nagngitngit dito. Bakit ba niya 'to minahal? Mali. Maling mali.

"Ano? Mamili ka--"

Binitawan na niya ang bala ng panang hawak. At kaagad iyon naglandas sa dibdib nito.

Miski siya ay natigilan sa ginawa. Napatulala sa ekspresyon ng dalaga.

Nakita niya itong napaatras. Nagkikikisay ng bahagya ngunit napanatili ng dalaga ang pagkakatayo.

Nanlalaki ang kanyang matang napaatras ng bahagya nang makitang ngumiti ang dalaga. Ngiting may halong lungkot... lungkot sa kanyang desisyon. Ngiti habang may naagos na dugo sa bibig nito.

"S-Sana... w-wala ka nang galit na n-nararamdaman n-ngayon. Sana... napagbayaran k-ko na ang kasalanang... p-pinaniniwalaan mo. At s-sana... maging masaya ka na, sayang pinagkait ko s-sayo sa mahabang panahon."

At sa oras na 'yun. Doon niya nakita kung paano ito natigilan ng paghinga at bumagsak sa lupa.

Kasabay sa pagbagsak na 'yon ang pagkakagising niya sa galit na lumukob sa kanya. Pagsisising... hindi niya dapat hinayaan ang galit niya ang nagdesisyon.

Nilapitan niya ito at inangat ang ulo. Walang patid ang luhang bumabagsak sa mata niya. Para siyang tinakasan ng lakas habang pinagmamasdan ang dalagang pinagkaitan niya ng pagkakataong magpaliwanag. Naulit na naman ang katangahan niya. Ang pagiging makitid ng utak niya. Pinangunahan na naman siya ng demonyong nasa loob niya, ngayon ay nawala ang babaeng... sunod niyang minahal ng labis kasunod ng kanyang yumaong nobya.

Sa ikalawang pagkakataon ay napatingin siya sa langit. At sa gabing iyon at sa oras 'ding iyon ay may muling bumagsak na bituin sa langit.

Bakit ba 'tong lahat ay nangyayari sa kanya? Bakit lahat ng mahal niya nawawala?! Bakit?! Wala ba talaga siyang karapatang magmahal?

"Ahhhhhh!!!" sinigaw niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayong gabi.

Nang dahil sa maling desisyon. At maling paniniwala...

.

.

.

Nawala siya. Iniwan siya. At lahat ng iyon ay kasalanan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
397K 13.7K 53
(FORMERLY: The Perfect Prince and the Wild Princess) She used to be the sweet little princess. He used to be the snobbish and proud prince. Pero umii...
158K 7.2K 37
[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!] Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo The search for the Queen of Death has been the major goal of Ev...