CHAPTER 42-B
THE SUFFERING
Hanna’s POV
Pano ko sasabihin kayla Mama lahat?? Ayokong mag-alala sila. Kailangan ko na bang tumigil sa pagaaral?
Ilang bukas na ata ng elevator pero hindi pa rin ako sumasakay.. but then... I need to keep moving. I need to be strong. When I noticed that there's no people in the elevator, pumasok na ko. At pagkatapos na pagkatapos ko pa lang, naiyak na ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may pumasok. Bigla na lang akong napatigil.
“You. Mall- girl?”
“Mall-girl?” Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha ko.
“Anong ginagawa mo dito?”
Sino ba tong tao na to??? ISIP ISIP ISIP Ah tama yung masungit na lalaki sa mall. “Wala ka na dun. Pwede ba?? Naglalabas lang ako ng sama ng loob. May problema ka ba?!”
“What?!! Dito ka pa talaga naglabas ng sama ng loob? At bakit mo ko sinisigawan??" I glared at him.. maya-maya he sighed. Nag-iwas na lang kami ng tingin sa isa't-isa. Nang bumukas yung elevator, lumabas ako agad.. Pero---
"HEY!!!" Bigla siyang may hinagis sa akin.
“Ano ba?!”
“Wag kang aalis na ganyan ang itsura mo baka akalain nila multo ka.” He smirk at me. THE NERVE!!! At yun sumara na yung elevator. Nakita ko na lang yung panyo niya. Natawa na lang ako bigla. Masungit siya pero may pagkagentleman din pala.
After kung magemo umuwi na agad ako. Nakalimutan ko may pasok pa ko sa trabaho. Kailangan kahit sandali lang makapasok ako.
***
After kong magtrabaho umuwi na agad ako. Bigla na lang akong napatigil dahil sa nakita kong kotse.. at nakasandal dun si Carlsvin. Nakatingin siya sa akin. Nag-simula na ulit akong maglakad papunta sa kanya. Nang malapit na ko tumayo na siya at lumapit sa akin.
“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ko dito ah.”
Bigla ko na lang syang niyakap at naiyak na naman ako bigla. When I hugged him.. I feel that I'm protected.. that my guardian angel is here to protect me.
He hugged me back. “Namiss mo ko no? Wag ka ng umiyak.” He's patting my head.
“Hmmm.”
“Alam mo bang tapos na yung OJT ko?”
“Talaga?” Bigla akong napalayo sa kanya.
“Hmmm.” Then he laugh. “I miss you.” He brushed away my tears.
“Me too.”
After nun, hinaya ko muna siyang pumasok ng bahay. He greeted Lola. Nagkwekwentuhan kami sa sala nang dumating si Mama. Carlsvin greeted her.. pero tumango lang si Mama. At pumasok sa kwarto niya. Carlsvin looked at me.. he knows.. he knows that something change.. but all he do is to smile at me, like saying that he's alright and that he understand everything.
“Pagod lang sya siguro." I held his hand. " Sige na gabi na rin. Umuwi ka na.” And smile at him.
“Para namang hindi mo ko namiss.”
“Sige na. Delikado pag-gabi. Sige na.”
“Ok." Nag-paalam na siya kayla Mama at Lola. Hinatid ko naman siya sa labas.
"Babalik ako bukas ok?”
“Ah tatawagan na lang kita. Ahh hindi, tetext na lang kita. Busy ako ngaun eh. Magtatapos na kasi yung school year eh. Maraming projects.”
“Ano?!”
“Sige na huh. Promise, pag hindi bukas sa isang araw ok?”
“Hay naku. May magagawa pa ba ko?”
“Thank you." Pumasok na siya sa kotse. “Ingat ka ha?” Ipbinaba niya yung bintana.
“Ok. Teka wala bang kiss?”
“Lika.”
OoO...Hinawakan ko yung pisngi niya at lumapit sa kanya...PAK!
“Aray.”
“Sige na.” Tatawa tawa kong sabi sa kanya.
“Kala ko sasagutin mo na ko.”
“Sige na ang kulit mo.”
“Bye.” Parang batang sabi niya bago umalis. Siguro mabuting hindi muna kita sagutin. Siguro kapag maayos na lahat.
Kapag hindi na magulo.
At the school.
“What????? Ginawa nila yun. Anong gagawin mo ngayon ha?” Umiiyak na siya ngayon.
“Bakit ka umiiyak dapat ako nga di ba?” Naiiyak na din tuloy ako.
Kinuwento ko na din sa kanya lahat... After nun patuloy pa rin ang buhay. Sa bahay naman napapansin din nila Mama na medyo lagi na rin akong late umuwi kahit sinasabi ko na club activities lang yun. Si Carlsvin naman napakakulit, minsan tuloy hindi na ako nakakapasok sa trabaho. Minsan tinatakasan ko na lang. Ayoko kasing malaman niya o kahit nila Mama kung anong nangyayari sa akin sa school.
Pag-uwi ko nagulat na lang ako na makitang umiiyak si Mama at Lola.
“Ma, La anong problema?”
“Totoo bang wala ka ng scholarship at ang mga Montezor ang dahilan?”
“Ma? Panong-“
“Kinausap ko si Jsey. Anak, mas makakabuti kung lalayuan mo na sila. Lalo na si Carlsvin.”
“ Ma namna. Wala naman siyang kinalaman dito. Alam mo yun.”
“Alam ko pero hindi titigil ang Ate niya. Alam mo bang tinanggal ako sa trabaho ngayon??? Paano na tayo ngayon?”
“Po???”
“Dahil sa matagal ko ng kilala yung Boss ko sinabi niya sa akin na may binangga daw tayong malaki ang impluwensya sa ekonimiya. At yun ang mga Montezor. Anak making ka sa akin.”
“MA!! Ayoko po.”
“Hanna!!!”
“Tama na yan. Tumigil na kayong dalawa.” Pigil sa amin ni Lola.
“Ma, alam niyong kahit kalian hindi ko kayo sinuway. Pero ngayon gusto kong ipaglaban yung taong alam kong mahal ako at mahal ko.”
“Pag di ka nakinig-“
“Tama na. Hanna huwag kang sumagot sa Mama mo. At ikaw anak. Tumigil ka na.”
Tumingin ako kay Mama bago lumabas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko narinig kong sumigaw si Mama.
“Ma!!!!!” Bigla akong bumalik.
“La??? Ma anong nangyari?” Nakita kong walang malay si Lola.
“Bilis humingi ka ng tulong. Bilisan mo!” May dumating na ambulansiya. Dinala namin sa ospital si Lola. Pareho kaming umiiyak ni Mama. It's my fault.. again!!!
Lumabas na yung doctor. “We have to operate her. As soon as possible.” Para kaming binagsakan ng langit ni Mama. “ B-bakit po?” tanong ni Mama habang umiiyak.
“Heart attack. Kailangan as soon as possible para hindi na magkaroon ng complications. If we operate her now, magiging ok na lahat.”
“Magkano po ang kailangan?” tanong ko.
“Gagastos kayo dito ng mahigit P300,000.”
“Ano po?”
“Pasensya na kayo. Aalis muna ko para icheck siya ulit. But I’m telling you. As soon as possible.”
“Anong gagawin natin anak? Wala na kong trabaho.”
Umiyak kami ng umiyak ni mama. Kasalanan kong lahat to. Kung hindi ko sinagot si Mama. Kung tumigil lang ako kaagad. Kailangan ko din bang sisihin ang Montezor? Anong gagawin ko?
Pauwi na ako para kumuha ng mga gamit nang may tumawag sa akin. Si Tita Elizabeth to ah. I cleared my throat before answering.
“Hello tita bakit po kayo napatawag?”
“Can we talk? Don’t worry sandali lang. Importante lang.”
“Sige po.” Nagpunta kami sa isang restaurant. Walang ibang customer.
“Do you want something?”
“I’m not hungry Tita.” I can see that she's restless.. "Ok lang po ba kayo Tita?”
Then she look straight at me and --- “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa....Leave my son.”
******