Love Centrism (Completed)

By bluenote14

1.9K 37 15

EDITING. -typo -grammar -spelling -mga ganern :) thank you :) More

PROLOGUE
CHAPTER 1
Chapter 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
Chapter 28
Last chapter
AN

CHAPTER 4

63 1 1
By bluenote14

LOUISE

The moment I woke up I took a bath and left.

Nag iwan ako ng letter sa side ng table na mag bbreakfast lang ako. Mahirap na baka kaladkarin nanaman niya ako palabas ng kinakainan ko. Nakakahiya na yun. sayang din yung food ko no. last bite na yun eh. 

Wala talaga ako sa mood na makasama yung taong yun. Bwisit padin ako sakanya bahala na siya sa buhay niya. Mag sosolo ako sa project.

Dinala ko na din yung DSLR para pag tapos ko kumain eh kukuha na ako ng mga pictures. Sayang talaga ang oras pag tumunganga pa ako.

Naglakad lakad ako. Nag hahanap ng makakainan ayoko na dun sa kinainan ko kagabi. Baka maulit ulit yung nangyari. Kaya naghanap ako kahit mejo may kalayuan. Ayos lang exercise na din.

Sakto kaunti palang ang kumakain. Nag punta na ako sa counter at umorder. Dun ulit ako sa pinaka sulok. Nilagay ko yung earphones sa tenga ko at kumain para walang distorbo.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng may kumalabit saakin.

"miss, can I join you?"

Nag angat ako ng tingin sa hinayupak na taong umistorbo sa masarap kong pagkain. Hindi ibang tao. At tama ang description ko. Hinayupak.

Walang iba kundi yung kinaiinisan ko. At Naka smile siya saakin. Ngiting aso. Okay lang mukha naman siyang aso eh.

Walang 'ya ka Liam Kung makangiti ka dyan eh kala mo wala kang atraso.

Akala mo ganun ganun nalang yun?

Speaking of atraso. Anong tinitingin nito sa kamay ko?

Umupo siya sa harap ko.

Aba aba! Hindi ko naman pinayagan to na makiupo saakin ah.

Ow shoot!

"patingin nung kamay mo?"

I shook my head as a sign of no.

"Louise."

K! fine! Asar!. Ang bossy bossy niya. Nakakasar.nako naman sumusunod. Tsss sunodsunuran. 

Dahan dahan kong inilapag sa lamesa yung kamay ko. Hinawakan naman niya at hinimas himas.

"sorry Louise"

Tumango nalang ulit ako. Ayoko mag salita.

"Louise kausapin mo naman ako oh."

"sige"

"di ka na galit?"

"ewan."

Bahala ka sa buhay mo. Wala akong ganang kausap ka.

"teka lang" sabi nya "miss, a glass of ice please." tawag niya sa isang waitress

"yes sir."

"a-anong gagawin mo?"

"gagamutin yang kamay mo."

"w-wag na, kakain na ako."

Saka ko kinuha yung kamay ko. At kumain.

Pero siya nakatingin padin saakin.

Bahala ka kung ano man ang iniisip mo. Hindi ko na problema 'yon.

Liam

ibang klase talaga tong babeng to.

Grabe kung makapag silent treatment. Sanay na?

Pero sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng to. Ganito pala to magalit.

Pero mas gusto ko pa tong lambingin kesa sa girlfriend ko ewan ko ba kung bakit. Ilang araw na nga ako hindi nag paparamdam duon eh.

"sama ka saakin mamaya ha. May pupuntahan tayo."

"..uhm... ikaw nalang kukuha pa ako ng mga pictures eh."

"sige na please? Mabilis lang yon." Sana naman sumama siya

"Please?" dugtong ko

Tinitignan ko lang siya sa mata. Sana naman pumayag na siya. Siya lang ang dadalin ko dun sa special place na yun at wala ng iba. Iniingatan ko yung part na yun kasi nakakarelax siya. Aside saakin dun din nag pupunta sila mama pag na-i-stress sila.

Kaya please Louise pumayag ka na para maka bawi naman ako,

"oo na sige na. tapos nun lubayan mo na ako at kukuha pa ako ng mga litrato."

No need haha nag handa na ako!!!! Aalis na din tayo the day after tomorrow.

"thank you!"

Ang lapad ng ngiti ko promise Louise babawi ako sa kasalanan ko

Thank you Lord tinulungan mo ako. Binulungan ng anghel si Louise para pumayag sa gusto ko

"malayo pa ba? Pagod na ako eh."

May bwanang dalaw ba tong babaeng to ? ang sungit eh

Kanina pa ito nag rereklamo pero wala akong magagawa kailangan ko habaan ang pasensya ko kung hindi baka mag away nanaman kami.

Hmmmmmm.... Tiis tiis Liam tandaan mo babawi ka pa.

"malapit na."

Mga ilang sandali pa nakarating na kami. Natuwa ako sa itsura niya napahinto siya well I know na impress siya. sa ganda ba naman nitong lugar na to hindi siya ma iimpress. Pinaka iingat ingatan itong lugar na ito. Andito man kami o wala.

"uhmm.. Louise. Sorry ha."

"sorry saan?"

"na nasaktan kita kagabi. Sorry h-hindi ko kasi alam gagawin ko pag may nangyari sayo lagot ako sa mommy mo. Pinag katiwala ka niya saakin tapos papabayaan lang kita. Sana .. hindi ka na magalit. Sana patawarin mo na ako."

"ayos lang."

Ano ba yan ? yan lang na alam mong sabihin Louise? Nag sorry na ako ano pa bang gusto mong gawin ko ? Effort yun ah. Hindi ako nag sosorry sa babae ng ganun ka sincere. 

"napatawad mo na ba ako?"

"yah"

"okay ka lang ?"

"yah"

Pag tapos niyang sabihin yun Umupo siya at yumuko. Yung matutulog na. nakapatong yung kamay niya sa table.

Ano kayang nararamdaman nitong babaeng to.? Masama ba ang pakiramdam niya ?

"maaasahan ba kita?" tanong nya

"hmm ano ba yun?"

"pwede ka na ba mag take ng pictures? Para naman may output tayo. Matutulog lang ako sandali."

"okay sige. Dito ka nalang? Safe ka naman dito eh.babalikan kita."

Sayang sana kasama kita ngayon na kukuha ng mga pictures kaso ako yung inutusan mo eh. At ikaw mag papahinga. Sige pagbigyan kita. Total may atraso naman ako sayo. 

Mag hahanap muna ako ng magandang place bilang kabayaran sa mga kasalanan ko.

Louise

Ang sakit ng ulo ko peste. Ayoko ipag katiwala yung project sayo Liam kaso kailangan ko talaga mag pahinga muna at sulitin ang magandang view. Kahit masakit na ang ulo ko at pakiramdam ko eh tratrangkasuhin ako sa lamig.

Nilibot libot ko muna ang tingin ko sa paligid at pinicturan ko din ang ganda kasi talaga eh. Hindi ako makapaniwala. Feeling ko nasa heaven ako.

I closed my eyes and feel the cold breeze of the wind that touches my skin and into my face . Nakaka relax at the same time nakakasakit. Dahil malamig. Di nagtagal nakatulog na din ako. But my mind is still awake. Pero di ko nakayanan lalo na yung nararamdaman ko kaya tinulog ko na. please my savior pumunta ka na saakin at alagaan ako. Kahit ngayon lang muna. I just want to experience the feeling of having someone who's willing to take care of you unconditionally.

Liam, ngayong nag sorry ka na please lang magpaka tino ka na . At sana ayusin mo yung output natin.

I believe everything in this world needs a second chance to prove himself. Cause not everyone is perfect. I make mistakes, we make mistakes. But repeating the same mistake twice and more?  I beg to disagree. 


Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...