Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 13

7.4K 127 8
By PollyNomial

KABANATA 13 — Mailang Na Kung Mailang

Dala dala ko pa rin hanggang ngayon ang mga pangyayari kahapon sa restaurant. Vincent really looked upset with his mother. Buong magdamag niya itong hindi kinibo hanggang sa makaalis kami doon.

Matagal bago bumalik si Vincent nang umalis siya. Hindi nga namin alam kung saan siya nagpunta. Basta pagbalik niya, tapos na kami lahat sa pagkain. Kahit na mukhang bad mood siya ay nagawa pa rin siyang kausapin ni Madam Kristin na ipagpatuloy ang pagkain niya. Pero iling lang ang sinagot niya, kitang kita wala na siyang gana.

Si Carmela naman noon ay tahimik lang na pinagmamasdan siya. Hindi rin ito makasalita dahil siguro natatakot sa maaaring reaksyon sa kanya ni Vincent. Kahit ang nanay niya ay ganoon na din lalo nang hindi siya kibuin ni Vincent. Para bang tumiklop ito sa trato ng anak sa kanya. Gusto ko na nga lang umalis noon dahil naiilang na ako at nabibingi sa katahimikan nila. Lalo na nang palaging sumusulyap sa akin si Vincent nang may matatalim na mata. Tinitingnan niya ako na parang sinusukat niya ang kaluluwa ko.

Hinatid lang niya kami ni Madam Kristin sa FF at umalis rin siya kaagad kasama si Carmela. Walang bahid ng excitement sa mata ng dalaga nang hindi na siya pabalikin ni Vincent sa FF at sinabing sumama sa kanya dahil pagalit niya iyong sinabi.

Nagtataka ako. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganun ang arte niya ng hapong iyon. Parehas na parehas niya ang nanay na pabago-bago ng mood. Nung una ay todo siya kung makapang-asar. 'Yon kasi ang dating sa akin ng mga kinilos niya. Matapos naman ay nagagalit nalang siya bigla at hindi nangkikibo. Bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya noong nagkasama kaming dalawa.

Hindi ko maiwasang hindi isipin na baka kaya siya nagkakaganoon ay dahil nagseselos siya. It could be it, right? Pwedeng iyon ang rason kung hindi sana imposible.

“Ella!” tinawag ako ni DB nang makasalubong ko siya sa hallway papuntang opisina ko. “How’s your second day here at FF?” masiglang tanong niya sa akin nang makalapit ng husto.

Ngumisi at tumango tango ako. “Ayos naman. Marami na akong kakilala. Lalo na sa team ko ngayon.”

“Good! Mabuti at nakasundo mo agad sila.” Lumapit siya sa akin. Tumungo siya na aktong may ibubulong. “Eh si Auntie Kristin, na-meet mo na ba siya?” awtomatiko akong napangiwi sa pangalang binaggit niya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako maka get over na pabago-bagong personality ng matanda.

“I guess that answers the question?” nakangising sambit ni DB. Nilagay niya ang isang kamay sa gilid ng bibig niya. “You know what…” Bulong niya. “'Wag kang masyadong maglalapit diyan kay Auntie kung ayaw mong mabaliw.” Kumunot ang noo ko at umawang ang bibig. That’s exactly what I am feeling everytime I’m with her!

“I heard that, DB.” Halos mapatalon kaming dalawa ni DB sa nagsalita sa likod namin. Bigla nalang sumulpot si Madam Kristin!

“Auntie!” tumawa si DB habang nakangiwi.

“Ikaw, DB. Hindi porket empleyado mo ako dito at boss ka eh gaganyanin mo ako ah.” Banta ni Madam Kristin. “Bear in mind that when you get out of this building…”

“Opo, opo.” Yumuko yuko si DB at hinawakan ang dalawang kamay ni Madam Kristin. “Hindi na po iyon mauulit.” Magalang na sabi niya at saka hiyang ngumiti.

“Good. Now, can I borrow Ella? We need to talk about something.” Nakabaling si Madam Kristin nang sabihin iyan.

“Of course, Auntie! I’ll go ahead.” Sabi niya. Tiningnan ako ni DB ng mapanuri niyang mata. Bumeso siya kay Madam Kristin at sa akin saka pakembot kembot na naglakad patungong opisina niya.

Umiiling si Madam Kristin habang pinagmamasdan ang paggalaw ni DB.

“Ang batang iyon…” nakangisi niyang sabi. Bumaling siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Awtomatiko naman akong napatingin doon. “We need to talk.” Mula sa ngisi ay pumantay ang labi niya.

Eto nanaman! Ano naman kayang pag-uusapan namin ni Madam Kristin at mukhang panibong ugali nanaman niya ang makikilala ko?

“T-tungkol po saan?” hindi ko pinahalatang iniisip ko ang binanggit ni DB sa akin kanina.

“My son.” Nanlaki ang mata ko. Suminghap ako at hindi makatingin sa kanya.

Of course she’ll ask me about Vincent! Sa inasal ba naman niya kahapon sa nanay niya eh kanino pa dapat isisi iyon? Eh kami lang naman ang nadoon. At ako ang pinag-uusapan nang biglang mag-walk out si Vincent sa amin.

“A-ano pong tungkol sa anak n-niyo?” kinakabahang tanong ko.

“Let’s go somewhere private first.” Hinawakan niya ang braso ko at iginiya ako paalis ng hallway.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ni Madam Kristin ang papuntang rooftop.

Nang nadoon na kami ay saka nagsalitang muli si Madam Kristin sa gitna ng mahanging rooftop.

“I will get to the point, Ella.” Seryosong sabi ni Madam Kristin. “Vincent acted strange yesterday. At alam mong ikaw ang pinag-uusapan natin nang maging ganoon siya.” tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata. Wala pa siyang tinatanong pero parang hinahanap na niya ang mga sagot sa mga mata ko.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.

“Anong mayroon sa inyo ng anak ko, Ella?” mahina ngunit mariing tanong niya. I knew this is coming. Sa inakto ni Vincent, malamang kahit si Carmela ay may hinala na sa aming dalawa. Why did he even act that way in front of his mother? Ayan tuloy! Ngayon sigurado na akong wala ngang alam si Madam Kristin sa kung anong namagitan sa amin ni Vincent noon.

“W-wala po, Madam.” Sabi ko. Kumunot ang noo niya matapos ay tinaas ang isang kilay.

“Kung wala ay bakit parang halos sumabog siya nang sabihin kong ipapakilala kita sa bunso ko?” ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko! Kinakabahan ako at hindi ko alam ang mga isasagot ko kay Madam Kristin.

“M-may… K-kasi po…” eksaheradang namilog ang mga mata ko nang makaisip ako ng pwedeng isagot. “Pasaway po kasi ako nun, bagsak, palaging nagrerebelde nung college ako at nung professor ko siya. Baka po ayaw niya lang ako para sa kapatid niya.” Sunod sunod at mabilis na sabi ko. Napangiwi ako nang biglang pumorma ang ngiti sa labi ni Madam Kristin.

“Is that really it?” tanong niya na parang namamangha.

Sunod sunod ang naging tango ko. Sana… sana ma-convince ko siya sa walang kwentang palusot ko.

Sopistikadang humalakhak siya. Hinangin ng ilang hibla ng buhok niya dahil sa malakas na hangin. Ganun din ako kaya inayos ko iyon at hinawi sa tenga ko.

“Ang anak ko talaga!” tumawa ulit siya. “How can I forget? He’s always been like that everytime Terrence goes on a blind date. Kesyo baka hindi maganda ang babae, hindi bagay para sa kanya, hindi matalino o ano pa. Masyado siyang mausisa sa mga dine-date ng kapatid niya.”

Laglag ang panga kong pinagmasdan siya nang marinig ang sinabi. Ganoon talaga si Vincent? Hindi ko alam na magwo-work ang naisip ko palusot. Nangingialam nga siya sa mga babae ng kapatid niya. Anong klaseng tao kaya ang kapatid ni Vincent? Masyado ba itong perfect kaya dapat perfect rin ang babaeng ibabagay sa kanya?

“Well, with you, I will not agree with Vincent’s verdict.” Sabi ni Madam Kristin na nagpahupa ng nerbyos ko sa katawan. “I like you for my son, Terrence Andrei.” At bumalik lang ulit ang pagpintig ng mabilis ng puso ko nang banggitin niya iyon. “I hope one day, you two will meet.”

Iyan ang maghapong nasa isipan ko kaya naman hindi ko maituloy ang nabiting drawing sa sketchpad ko. Top part palang ng gown ang nagagawa ko at hindi ko na iyon madagdagan dahil tulala nalang ako buong maghapon.

No! This can’t be! I can’t meet Vincent’s brother! Ano 'to? Dati siya, ngayon kapatid naman niya ang peg? No way! And… Hinawakan ko ang dibdib ko. This only belongs to one person, one man…

Pilit kong iniisip kung paano ko kakausapin at tatanggihan si Madam Kristin sa alok niyang makilala ang bunso niyang anak. I still don’t know the guy but I just can’t imagine myself dating him. Ang kapatid ng mahal ko!

What came to her mind at naisipan niyang perfect ako para sa anak niya? Well not perfect pero, parang ganun na rin ang sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong klaseng tao ba ang kapatid ni Vincent. Kung anong itsura niya. Kamukha ba niya ang Kuya niya? Anong ugali niya? What’s with him at palagi siyang may blind date na tinatanggihan naman ng kuya niya?

Kinagat ko ang labi nang may part sa aking gusto na pala siyang makilala. No, no, Ella. Don’t get yourself into trouble. I still don’t know if Vincent still loves me or did he really love me but the way he acted yesterday, I will not let that happen again. Although it hurt me when Madam Kristin said that maybe he’s just being selective with his brother’s girls, I still hope that the reason why he’s like that.

Iilang araw palang ako rito sa FF, dalawang araw palang! Tapos ay unang kilala palang sa akin ni Madam Kristin ay nireto na niya agad ako sa anak niya. Wala naman ata akong nagawang maganda para gawin niya iyon. Hindi maganda ang unang kilala namin. Ni hindi pa namin nakikilala ng mabuti ang isa’t isa. Pero gusto na niya ako para sa bunsong anak niya.

Hindi ko na namalayan, gabi na pala. Maliwanag na ang labas ng building dahil sa mga lights ng mga matatanaw na gusali. Tiningnan ko ang oras at alas-syete na pala ng gabi. Kakaisip ng mga bagay bagay ay heto ang kinahantungan ko. Not a productive day for me.

Sinimulan kong ligpitin ang mga gamit ko. Nang matapos ay kinuha ko ang bag ko at lumabas ng opisina. Kinontak ko si Manong Eddie at sinabing sunduin na niya ako dahil uuwi na ako. Hanggang 7 lang naman kasi ang mga empleyado at designers dito sa FF. Wala nang tao sa ibang opisina dito. Kahit si Madam Kristin ay hindi ko na natanaw sa office niya. I don’t know where’s Nash and DB. Ang balita ko ay nagpipili na daw ang dalawa ng maaaring pagdausan ng event kasa ang mga organizers.

Kasalukuyan kong hinihintay ang pagbukas ng elevator nang may aninong tumabi sa akin. Nakita ko ang anino sa nakasarang pinto ng elevator. And right that moment when I saw the shadow, my heart suddenly skipped. Sunod sunod ang tibok. Anino palang, kilalang kilala na nito.

I didn’t dare to look. What is he doing here? At this hour? May posisyon rin ba siya dito sa FF?

“Pauwi ka na?” nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang marinig siyang magsalita. Paos ang boses niya at halos bulong nalang iyon.

Tumango ako pero hindi ko siya tiningnan. Sa anino lang sa harap ko ako nakatingin. Dalawang magkatabing anino. Isa sa kanya, ang isa ay sa akin. Anino palang, samu’t saring pakiramdam na ang namumuo sa akin. Baka hindi ko na maatim kung titingnan ko pa siya. Baka sumabog na ako.

“Nandito ako kasi susunduin ko sana si Carmela. I was late and she already left. Hindi niya ako nahintay.” Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. He answered my mind’s question pero sana hindi nalang! Lumunok ako. Kahit gusto kong tingnan siya nang masama ay hindi ko magawa. Ayokong sumugal.

“Oh…” mahinang sambit ko sa kanya. Ayoko namang mapahiya siya nang hindi ako sumagot sa kanya.

“Ikaw, may susundo ba sa’yo?” tanong niya. Ngayon, ramdam ko na ang mga tingin niya sa akin. Nanunuot. Damn! I hate his eyes! Damn again! Where is that freaking elevator? Ang tagal naman!

“No one, just my driver.” Sagot ko nang biglang bumukas ang elevator. Dali dali akong pumasok. Pagharap ko ay nakita ko siyang nakatayo pa rin sa labas. I was taken aback when I saw his eyes and the way he looked. Ayan na ang pagsabog. Kulang ang salitang gwapo para ipaliwanag ang itsura niya! He’s always been like that noong pang nasa college ako. Pero bakit ang lungkot ng mga mata niya?

Kumurap siya at saka mabagal na pumasok ng elevator. Ako na ang pumindot. Papuntang ground floor at parking lot ang pinindot ko. Alam ko naman doon siya eh dahil may kotse siya. Ako sa harap nalang ng building maghihintay kay Manong Eddie.

Malabong pigura niya ang nakarepleksyon sa pintuan ng elevator. Ngayon na-realize ko na sana pala naghagdan nalang ako. Masyadong masikip ang espasyo dito para sa aming dalawa. Ang hirap huminga.

Tenth floor lang naman kami nanggaling kaya mabilis lang makapunta ng groundfloor. Agad akong lumabas nang hindi siya nililingon o nagpaalam manlang. Dire-diretso ako sa labas ng building at tumayo doon para hintayin ang driver ko.

Tiningnan ko ang oras. Rush hour na at baka ma-late ng pagpunta dito si Manong Eddie. Sana pala ay inagahan ko ang tawag sa kanya.

Napailing ako sa sarili ko. Paano ko nga naman iyon maiisip kung parating siya nalang ang nasa isip ko?

“Oh, asan na sundo mo?” halos atakihin ako sa puso nang bigla nalang may magsalita sa gilid ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko at tinigilan nang magtanong kung bakit na naman siya nandito ngayon.

“Kakatawag ko lang na sunduin niya ako eh. Baka ma-late siya.” ayos! Nasabi ko yan ng hindi pumipiyok.

“Oh.”

Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa malayo. Binalik ko ang tingin sa daan.

“Ella…” napapikit ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

“Hm?”

Rinig ang paghinga niya ng malalim bago magsalita. “Are you considering my mother’s offer?” nilingon ko siya nang tanungin niya iyon. Nagulat ako sa tanong niya Alam ko na agad ang tinutukoy niya. So it really is a big deal to him, huh? “About my brother?” pagkumpirma niya.

Humarap ako sa kanya at tumingin sa mga mata niya. I really love staring at his eyes but I can’t endure it. Palagi akong rumeresulta sa pag-iiwas ng tingin.

“I don’t know.”

“I think you do…” nag-igting ang bagang niya. Kita ko rin ang paglunok niya. Sinikap kong 'wag nang ibalik ang paningin sa kanya. Sa tawid ako tumingin. Sa mga sasakyang dumadaan. Kahit saan, 'wag lang sa kanya.

“I am not interested, Vincent. But your mother talked to me again about it. Kanina.” I informed him. Since big deal naman sa kanya kung sino ang dine-date ng kapatid niya, at mukhang ayaw niya sa akin para dito, mabuti pa’t ipalam ko na ito sa kanya para siya nalang ang gumawa ng aksyon.

“'Wag kang papayag, Ella.” Utos niya. Ma-awtoridad ang pagsabi niya noon kaya naman tiningnan ko siya ng masama. Gusto ko siyang singhalan pero hindi ko nagawa dahil sa malulungkot niyang mga mata.

“B-bakit… Ano bang ibig mong sabihin, Vincent.” Mariin siyang pumikit nang itanong ko iyon. Hindi ko siya maintindihan. Kung ayaw niya sa akin para sa kapatid niya, bakit hindi nalang niya ako diretsohin?

Hindi ko na kasi gusto itong mga naglalarong konklusyon sa isip ko. At the back of my mind, palagi kong naiisip na baka kaya ayaw niya ako para sa kapatid niya ay dahil gusto niyang sa kanya lang ako. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip iyon. Dahil bukod sa hindi ako sigurado, natatakot akong malamang hindi iyon totoo. I am hurting again because of him. I hate it! Ang sabi ko, ayokong nasasaktan niya ako. Dahil mahal ko siya! At palagi kong sinasabi na matibay ang pagmamahal ko sa kanya pero natatakot akong mabuwag iyon dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya.

Umihip ang malakas na hangin kaya napaahawak ako sa braso ko. Nakapikit pa rin siya habang nakayuko at mukhang wala na siyang balak dumilat at sagutin ang tanong ko. Nakakunot ang noo niya. Hindi ko siya mabasa dahil bukod sa nakapikit siya, ay humaharang na ang namumuong luha sa mga mata ko.

Vincent Formosa, can you just get out of my life again? Pwede bang bigla ka nalang mawala? Iyong hindi ko alam. O kung hindi mo magawa, kung hindi nakikiayon ang tadhana, pwede bang 'wag nalang tayong magpansinan kahit na magkasalubong man tayo? 'Wag mo akong kakausapin ng ganito. Iyong parang may nararamdaman ka pa sa akin. 'Yong tipong mahal mo pa rin ako. Kasi hindi naman eh. Hindi naman 'di ba? Dahil kung oo, dapat ay matagal mo nang sinabi sa akin iyon at pinilit mo na akong bumalik sa’yo nung una palang na nagkita tayo matapos ng limang taon. Higit sa lahat, sa limang taon na iyon, sana ay hinanap mo ako…

Tumunog ang cellphone ko. Nakatingin pa rin ako kay Vincent nang dumilat siya at dumiretso ang tingin sa tumutunog sa loob ng bag ko. Inalis ko ang tingin sa kanya at kinuha ang phone at sinagot.

“Hello, Manong Eddie?” sagot ko sa tumawag habang kinukusot ang mata kong medyo basa dahil sa pinigilang luha.

“Ma’am Ella, pasenya na ho at hindi ko kayo masusundo.”

“Bakit naman po?” tanong ko agad. Tumalikod ako kay Vincent at ang isip ko ay lumipad na sa kung paano ako uuwi. Taxi?

“Nagkaroon ho kasi ng emergency sa bahay namin. Tinakbo sa ospital ang anak ko. Papunta na ako diyan nang tumawag ang asawa ko. Dala ko po ang sasakyan ninyo.”

“Ganun po ba? Alam na ho ba ito ni Daddy?” naintindihan ko si Manong Eddie. Mahalaga naman ang pamilya sa lahat. Makakauwi naman siguro ako kahit na wala siya.

“Opo, Ma’am. Pero ang hindi ho niya alam ay hindi ko kayo masusundo. Ang sinabi ko po ay ang mga kaibigan niyo nalang ang maghahatid sa inyo sa bahay.” Ang tinutukoy ni Manong Eddie ay si Cody at Nerissa. “Nandyan pa naman po sila hindi ba?” tanong niya.

Ngumiwi ako at nilingon ang building. Nadaanan ng mata ko si Vincent na mataman akong tinitingnan. Hindi ko nalang muna siya pinansin.

“O-opo…” pagsisinungaling ko. “S-sa kanila nalang ho ako sasabay.” Sabi ko at saka kinagat ang labi.

“Mabuti naman ho.” Rinig ko ang maluwag na paghinga ni Manong Eddie sa kabilang linya.

“Sige, Manong Eddie. Baka kailangan na kayo diyan.” Paalam ko.

“Salamat po, Ma’am Ella.” Matapos nun ay in-end ko na ang tawag.

Nagpantay ang bibig ko. Kung ganun ay magta-taxi na nga ako. Wala na rin kasi sila Nerissa at Cody. Maaga silang nagpaalam kanina dahil pupunta na sila doon sa apartment na nakuha nila malapit dito kung saan ang FF. Isang apartment ang nakuha nila na may dalawang kwarto. Mura lang daw ang upa. Pilit ko ngang dun nalang sila sa bahay namin tumira pero nahihiya na daw sila sa mga magulang ko kahit na ilang araw pa lang ang nakakalipas.

“Problem?” tumindig ang balahibo ko sa baritonong boses ni Vincent. What’s new? Palagi naman iyan ang reaksyon ko kapag siya ang nagsasalita.

“Uuna na ako…” sabi ko. Sinilip ko ang daan para makita kung may taxi ba na paparating. Puro kotse lang ang mga dumadaan kaya bumagsak ang balikat ko.

“Oh, asan na yung sundo mo?” tanong niya. Nakapamulsa siyang tiningnan ang mga nagdadaanang sasakyan na parang iniisa isa iyon kung alin ang sa akin.

“W-wala eh. Hindi daw makakarating yung driver namin.” sagot ko. Tiningnan ko siya at napansin ko ang saglit na pagtaas ng labi niya. “Magta-taxi nalang ako.” Kinagat kong muli ang labi lalo na nang dumilim ang tingin niya sa akin.

“You should just come with me.” Namilog ang mata ko sa sinabi niya. May bigla akong naalala sa mga salita niya pero pinilig ko ang ulo ko. “Dadaan ako sa bahay nila lola. Sa white house dun sa… village ninyo.” Malungkot ko siyang tiningnan. Alam niyang amin ang village na tinitirikan ng bahay ng mga Ricafort. Naalala ko ang nangyari nung unang magkita kami roon.

Gusto kong tumanggi. Sinulyapan ko ang relo ko. Alas-otso na ng gabi. Hindi pa naman siguro mahirap maghanap ng masasakyan sa ganitong oras? Sa New York naman, kapag ganito ay mas marami ang taxi na bumabiyahe. Siguro naman ay ganoon din dito?

“Mahihirapan ka nang maghanap ng taxi. Wala ka nang masasabayan 'di ba?” sabay naming tiningnan ang building na halos patay na ang lahat ng ilaw. Yung sa baba nalang ang maliwanag pa. “I guess you must be with someone 'pag uwi mo? Rules?” ngumiti siya.

Kung hindi ako nagkakamali ay nasabi ko iyan sa kanya five years ago. Hindi ako pwedeng umuwi nang mag-isa. Kailangan, kung hindi driver at basta malapit na kaibigan, may naghahatid sa akin.

Hindi ako sumagot sa kanya. I want to think of an excuse. May dadaanan pa ako? Pero saan? Iba nalang ang tatawagan ko? Pero sino? Damn, Ella! You suck at making excuses!

“C’mon, Ella. I know what your thinking. Gusto mong tumanggi. Don’t, cause I won’t let you. Not this time.”

“Pero kaya ko namang mag-isa, Vincent.” Lumunok ako ng tumalim ang tingin niya sa akin.

Umiling siya. “You can’t. At bakit pa kailangan kang mag-isa kung nandito naman ako para samahan ka?”

“P-pero…” wala na akong masabi. Natutunaw na ang mga salitang ni hindi ko pa nga nababanggit dahil sa mga titig niya. Parang hinihipnotismo niya ako na pumayag sa gusto niya.

Should I? Isa nanaman ba ito sa mga hamon sa akin ng tadhana? Nakikipaglaro nanaman ba siya? At kapag pumayag ako ay mananalo siya at matatalo naman ako?

“No buts. Simpleng hatid lang sa inyo 'to, Ella. No big deal. Bakit ba ayaw mo? Naiilang ka ba sa akin?”

Hindi pa rin ako sumagot. Nakipagtitigan nalang ako sa kanya. Naiilang nga ba ako sa kanya? Iyon nga lang ba? Alam na alam kong hindi lang iyon ang dahilan. Sumisigaw ang puso ko ng ‘oo, naiilang ako sa’yo!’ pero hindi ko iyon maisatinig. Dahil bukod doon, natatakot rin ako. Nag-aalala para sa sarili ko.

“'Wag kang mag-alala, Ella. I am, too. Yung nararamdaman mo, nararamdaman ko rin. Mas higit pa, but I just can’t leave you here alone. Mailang na kung mailang. Hindi kita iiwang mag-isa.” Matapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ako sa braso at hinila papuntang parking lot ng building kung saan ako nagtatrabaho.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
351K 10.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
4.5K 729 34
Violet fell in love with her brother's best friend but there's a catch...They have a secret past. [COMPLETED]