Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

SM Special Update 3 (April 28, 2012)

822K 11.2K 1.5K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: April 28, 2012


Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

Secretly Married Special Update 3 ^_^v

"Sige pa, ingatan niyo sila Kade at Psyche okay? Yung diapers paki-check palagi, yung likod baka basa ng pawis. Si Psyche mabilis po yun umiyak. Ha? Ipakarga niyo na lang po kay manang, alam niya na po kung paano ang gagawin... Yung formula sukat na yun nasa green na bag, yung mga pamunas nasa unang bulsa sa harap. Yung mittens po baka matanggal pakitingin din po ah...okay pa byebye! Kita-kita po mamaya." Kausap ni Phoebe sa phone ang papa niya.

Puputulin niya na sana ang tawag ng may maalala siya.

"AY PAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" abot langit ang sigaw niya. "Teka lang. Hello nandyan ka pa ba? Ayan pa. Yung ano.. yung ano po.." sumulyap siya kay Kent. "Yung ano po... yung gatas... may gatas po na nasa ref... yun na lang po muna yung ipainom niyo sa mga bata... opo pa, yun po kasi yung ano... gatas ko yun... ginamitan ko kanina ng breast pump..."

Nakita nyang natatawa-tawa si Kent sa gilid habang nagmamaneho.

"Opo pa, yun na lang muna bago yung formula ha? Bye."

"Tawa-tawa ka diyan!?!!" sigaw niya kay Kent na kahit nananahimik, ay kitang kita naman ang mga mapangasar na mga ngiti.

"Wala..." nakangiti pa ring sabi ni Kent na nakatingin lang sa kalsada.

"Bakit natatawa ka nung nabanggit ko yung... yung breast pump?!!?"

"Di ako sa breast pump natatawa! Hahahaha!" hindi na lang ngiti ang ginawa ni Kent. Tumawa na rin ito ng medyo may kalakasan.

"I'm not laughing... Natutuwa lang ako sayo, bakit kailangan mong mahiya sa mga ganung bagay? Parang hindi naman kita tinuruan kung paano gamitin yun?"

"Waaaaaaah!!?!?!" gusto ng tumalon ni Phoebe palabas ng sasakyan. "B-bakit ka ba ganyan kung mangasar?!"

"Bakit ka ba naasar baby ko?" natatawa pa ring sabi ni Kent... "Normal lang yun tulad sa mga panahong ganito na kailangan nating iwan yung kambal, hindi maganda para sa kanila ang puro formula, sayang naman ang bili ko sa breast pump.

"Eh kasi... Di ko naman kasi talaga alam kung paano gamitin yun, kaya nga tinanong ko sayo kagabi kung paano, at... malay ko bang ganun yun, akala ko musical instrument eh..."

"Musical Instrument?!?! Hahahahahaha!"

"HINDI KO NGA ALAM EH!! SIGE MANGASAR KA PA! IKAW NA NGA NAKA-TSANSING KAGABI!!!"

:33333

"Anong tsansing dun, I'm your legal husband, besides ikaw nga itong engot na hindi alam kung paano gamitin ang breast pump gayong ikaw yung naman ang nanay, tsk..."

"Oo na... ako na talaga ang engot na nanay..."  sabi ni Phoebe bago humarap na lamang sa bintana.

"Phoebe..." sabi ni Kent na nakahalata na nagbago na ang mood ng asawa.

"Inaantok ako, tulog muna ako." Pumikit na si Phoebe.

"Tsk..." naghanap si Kent ng shoulder para maitigil sandali ang sasakyan.

"Phoebe..." tinawag niya ang asawa na nakapikit. Di ito natinag kahit alam niyang hindi pa naman ito nakakatulog.

"Wag ng stubborn, c'mon... Let's talk..." tinanggal niya ang seatbelt para lumapit ng kaunti sa 'natutulog' na asawa.

Pero natulog-tulugan pa din si Phoebe.

"Sige hindi ka babangon diyan? Gusto mo na bang sundan si Psyche? Dito sa kotse?"

"Kasi naman!!! Hindi ako nakikipagbiruan sayo Mr Fuentabella!" mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbangon ni Phoebe. Masama ang tingin na ibinigay nito kay Kent.

"Neither do I Mrs Fuentabella. We talked about this right? Sabi nating papagusapan lahat even the pettiest of things. Sorry na?"

"Hindi naman ako galit..." mahinang sagot ni Phoebe.

"Kiss mo nga ako kung di ka galit?"

"Kent naman..."

"I know... Nagtatampo ka... So I'm sorry." Kinuha ni Kent ang kamay ni Phoebe at hinalikan. "I'm sorry for always making you upset."

"H-hindi naman Kent, ako naman may kasalanan eh, breast pump na nga na lang, di ko pa alam. Nanay na nga ako di ko pa rin alam. Tama ka naman... engot talaga... engot pa rin..."

"Baby ko..."

"Tara na..."

"Wag na tayong mag-away please..."

"Di naman tayo nagaaway." Malamig na sagot ni Phoebe.

"Tsk..." naaasar na rin si Kent. "Phoebe, magusap na lang tayo ng maayos para maging maayos na rin ito hindi yung huhulaan ko kung anong naiisip at problema mo!"

"Tignan mo hindi mo na naman alam ang problema!!!" nagtaas na rin ng boses si Phoebe.

"Alam ko!!! Nagtampo ka dahil nasabihan kita ng engot dahil hindi mo alam kung paano gamitin ang breast pump. Nainis ka din sa pangaasar ko kanina habang tumatawag ka kina papa. At naasar ka pa rin ngayon dahil humahaba ang usapan. At hindi madaling mawawala ang pagkainis mo. Kilala kita. I know you. I know you better than everyone else, kaya wag kang magsisinungaling na walang problema. Alam nating simpleng bagay pinagaawayan na natin kaya please magbati na tayo okay?"

"Alam ko... Pasensya ka na ang tanga ng asawa mo... Sabi ko na sa'yo wag mo na ako dalhin sa interview mamaya eh, baka mapahiya ka lang..." naiiyak-iyak na sabi ni Phoebe. Ang totoo ay papunta sila ngayon sa isang afternoon show para sa isang exclusive interview sa Fuentabella Family. Dadaan lang muna si Phoebe sa mall habang may saglit na shooting si Kent bago ang interview.

"No... Sorry na. Forgive me? Marami lang talaga akong bagay na nasasabi na hindi naman dapat. You know how I love everything about you. I love your flaws, it makes you perfect... perfect for me..." pinahid ni Kent ang konting pumatak na luha sa pisngi ni Phoebe.

"And yung interview. Alam mong hindi kita pinipilit. Alam mong ayaw din kitang idamay sa mundo ko at ilang ulit din ako pinilit ni Mel para dito. Pero sabi nga ng manager ko. Just this once. I'll show the world how I'm proud of you... Para hindi ka na rin kahit papaano magselos... Malay mo mabawasan ang fangirls ko diba?"

"Pero kung ayaw mo, pwede namang magdate na lang kayo ni Jhone while I do the interview."

Tumango-tango na lang si Phoebe.

"Pinapatawad mo na ako?" tanong ulit ni Kent.

"Wala naman yun... Pasensya ka na, kung ganito ako... Parang yun lang, totoo naman... ako naman talaga yung may kasalanan palagi tska ang dami kong kapalpakan---"

"Shhh... Tama na" niyakap ni Kent ang asawa "I love you, and I'm glad you stayed. I'm glad you married me and I'm happy you are the mother of my children... Wag mo minsang didibdibin ang mga sinasabi ko kung napapansin ko man ang mga bagay na nagagawa mong mali. I love you so much baby ko..."

"I love you too..."

"Wag ka ng umiyak ah... Sorry na..."

"Sorry na rin..."

Hinalikan muna siya ni Kent sa mga labi bago ito bumalik ng maayos sa kinauupuan at muling nagmaneho.

Kanina pa naghihintay si Jhone sa isang bench ng mall.

"Aba ang loka. Napakatagal!" tumingin siya sa orasan, 30 minutes ng late ang bestfriend. "Ano naman kayang nangyari dun? Ang sabi kanina paalis na daw. Eh napakalapit lang naman ng bahay nila. Wag mo sabihing na-trapik eh hindi naman traffic ngayon.

Tinawagan niya na ang kaibigan.

Ilang beses din nag-ring ang telopono bago may sumagot.

"Hello?"

"Aba Fibboy palaboy! Nak ng teteng namumuti na ang mata ko dito at tinutubuan na ako ng ugat, wala ka pa rin at hindi ka pa nagpapasabi kung nasaan ka na nakarating? Aba sabi mo kanina paalis na kayo ng asawa mo, aba where na youuuu?" malakas na sabi ni Jhone na medyo napatingin pa sa kanya ang ilang nakaupo rin sa mga kalapit na bench

"Sorry Jhoney *sniff* parating na... Dito na malapit na, ibababa na lang ako *sniff* ni Kent dito sa harap sa unang entrance."

"Huh?" napatakbo naman si Jhone palabas sa tinutukoy ni Phoebe na entrance. "Hoy gurl! Umiiyak ka ba? Bakit inaaway ka na naman ba ni sungit ha??" nagaalalang tanong niya.

"Naku hindi, wag kang magalala. Okay lang ako. Dito na kami sa harap sige baba mo na bye."

Nawala na nga sa linya si Phoebe.

"Nandito na daw sila??? Saan?"

Narating niya naman ang entrance na sinasabi ni Phoebe at nakita nga niya ang sasakyan ni Kent na nakarampa sa tabi.

Walangyang to, PDA.

Nakita niya kasing may dalawang taong nagyayakapan sa gilid ng sasakyan.

"HOY!!" gulat niya sa dalawa, na agad namang nagbitiw.

"Bye na..." sabi ni Kent

"Bye dad. Tawag ka na lang po..."

"Hi Kent... Tara na gurl!" yaya ni Jhone sa kaibigan.

"Ehem.. Ehem..." biglang naubo-ubo kunwari pa si Kent na parang may gustong sabihin.

"Ay wait lang Jhoney ah..."

Lumapit naman si Phoebe kay Kent at hinalikan sa labi.

"Sige na sige na alis na. Mamaya may makakilala pa sa iyo dito, o kaya baka mahuli ka pa ng pulis diyan bawal kaya magpark dito!" pagtutulak ni Jhone kay Kent para umalis.

"Bye..."

Inabot pa ng tanaw ni Phoebe ang papaalis na sasakyan at napansin ni Jhone na parang nagbblush pa ito.

"Talaga naman tong dalawa oh! Parang may mga teenager pa rin eh! Akala ko pa naman iiyak iyak ka, tapos kung makapagyakapan naman kayo parang sa airport ka niya ihahatid!"

"Medyo may konting ayaw nga kami kanina kaya ako naiiyak..." sabi ni Phoebe habang sinasakbit ang kamay sa braso ni Jhone "namiss kita Calissa!!!" naglakad na sila papasok sa mall

"Tapos may pa-ehem ehem pang nalalaman si Ken Tomas! Kiss lang pala! Nyaaaaaaah! Cheesy nakakainis!"

"Hanap ka na rin kasi ng asawa mo para di ka naiinggit..." natatawang sabi ni Phoebe.

"Asawa agad? Grabe ka naman! Wala pa ngang boyfriend eh! Nga pala. Ano? Sasama ka nga ba talaga sa interview mamaya? Isasama niyo rin ba sina Kade at Psyche live on national television. Grabe parang royale family lang ah!"

"Di ko nga rin alam eh... Kaya nga tayo nandito para magusap kung sasama ba talaga ako kahit um-oo na ako dati. Sabi naman ni Kent ayos lang kung ayaw ko. Sa tingin ko rin naman hindi niya talaga ako pinipilit dahil hindi niya naman gusto talaga..."

"Pero dahil nandito na rin lang tayo, gawin na natin ang napagusapan. Parlor! Here we go!!!!" excited si Jhone na magpaganda silang dalawang magkaibigan. Dibale na kung ano ang magiging desisyon ni Phoebe, pero pupunta pa rin sila sa parlor para magpaganda, at mamimili ng mga bagong damit ni Phoebe dahil ngayon-ngayon lang ulit bumalik ang balingkinitang pangangatawan nito.

Bago sila makarating sa parlor sa loob ng mall, may nakita si Phoebe na isang standee ni Kent sa isang clothing line na ini-endorse nito.

"Waaah ang cute ng standee! Sana may ganito rin ako sa bahay namin." Masayang sabi ni Phoebe sa harap ng standee. "Nakawin ko kaya ito?"

"Grabe Phoebe! Nandiyan na naman si Kent sa inyo, buhay, gumagalaw at handing gahasain ka gabi-gabi, bakit kailangan mo pa ng standee?"

Hinampas ni Phoebe si Jhone sa braso.

"Gahasain ka diyan!!! Hindi ang cute kasi para kung wala siya diba, at least may standee ako na kasing laki niya talaga!"

"Naku tara na nga!!! Matagal kaya magpa-parlor, papaayos pa natin yang buhok mo! Humaba na ng tuluyan kaaalaga mo kina Kade. Matatagalan pa tayo, picture-an mo na lang si Kent at iprint mo sus!" hinila na ni Jhone palayo si Phoebe

Pero bago pa sila makalayo, may ilang kadalagahang lumapit din sa standee ni Kent sa labas ng store.

"Kyaaaaaah!!!! With a minimum purchase of 2,000 pesos, may chance manalo ng standee na ito?!?!?! I like!!!" parang nagwawalang sabi ng isang teenager ng mabasa ang promo na nakalagay sa labas ng store.

"Grabe!!! Ang gwapo talaga ni Kent Fuentabella!!!! Di pa rin ako makapaniwala, na sa itsura niyang yan! May asawa at mga anak na siya! Swerte naman ng asawa nun!" sagot ng kasama nito na nagniningning din ang mata habang nakatingin sa standee.

"Wala akong paki! Di naman kagandahan ang asawa nun. Pffft! Baka nga mas maganda pa tayo dun eh! Hahahaha!"

"Friend, friend, hinay hinay lang tara na" awat ni Jhone dahil alam niyang nagiinit na ang dugo ng bestfriend sa mga naririnig.

"Ehem ehem!" dumaan si Phoebe sa harap ng dalawang naguusap. Pero hindi siya pinansin ng mga ito at patuloy na nagusap.

"May nabalitaan pa nga ako. Alam mo ba daw, nung nag-aaral pa yung sina Fafa Kent. Schoolmates silang tatlo nila Elisa R. at Harley!"

"Sus matagal kong alam yun!!!" pagmamalaki ng kasama nito.

"Hindi naman yun eh! Ang talagang nabalitaan ko, eh nasa lowest section daw yung naging asawa ni Kent Fuentabella! Ibig sabihin, bobita!!!"

"Ohhh?!?! Poor Kent! Hahaha! Oy Miss, alam mo namang tinitignan namin yang standee tapos diyan ka pa tumayo!" pagbati nung isang babae ng mapansing nakaharang si Phoebe sa pagitan nila at ng standee.

"Ahh... Ahhh...Fibboy!" agad namang lumapit si Jhone sa nagbabadyang gulo.

"Tara na nga, mukhang may kaagaw tayong mashoshonda sa standee. Mga fans talaga ni Kent, of all ages..." mapangasar pa na sabi nung isa bago ito naglakad palayo.

Makakahinga na ng maluwag si Jhone ng biglang may di inaasahang nangyari.

"Hi Mrs Fuentabella..." malakas na sabi ng isang babaeng di inaasahang makikita nila Phoebe at Jhone sa lugar na iyon. Kasama ang di umano'y 'yaya' nito. Nakatayo sa harap nila, si

Elisa Romualdez.

"Where's Kent? Shooting?" patuloy na nagtanong ito.

Horror-struck naman ang dalawang babaeng naguusap kanina na kulang na lang ay lumubog sa kinatatayuan.

Nararamdaman naman ni Phoebe ang tensyon lalo na sa ikinikilos ni Jhone. Pero siya na rin mismo ang nagsalita.

"Preparing for the afternoon show. I hope you can watch later. The Fuentabella family will be interviewed live. My husband ang I, and our kids..."

Nakapagdesisyon na siya... Payag na siya at buo na ang loob niya para ilabas ang pamilya niya sa buong mundo.

*later*

Happy 6m!

Continue Reading

You'll Also Like

23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
4.8K 445 15
Paano kapag nagtagpo ang hindi kasikatang writer na si Gypsy at ang 'wattpad legend' na si Lloyd? Magkakasundo kaya sila lalo pa at puno ng kabittera...
526K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
14.4M 744K 71
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...