Dedicated sa lahat ng nag-add ng story na to sa kanya-kanyang Reading List.. :)
Super natutuwa ako :)
Thank you! :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 34.1 - Happy Monthsary Sweet Wine!
(Apol)
“Happy Monthsary Sweet Wine.”
Muntik na akong hindi makapag-salita pag-bukas ni Alex ng pinto. Buti nasabi ko parin.
Ano bang tama ang nagawa ko sa buhay ko at biniyayaan ako ng sobrang ganda at mapagmahal na babaeng ganito.
Sobrang ganda ng Sweet wine ko.
Lahat ng plano namin ni Mon nagawa niya. Magte-thank you ako bukas sa kanya. Sa ngayon, kay Sweet ko lang ang oras at panahon ko.
Nakatulala parin si Alex sa pinto.
Maya-maya umiyak na siya.
Tumakbo siya sa akin at yumakap.
“*Sob* *Sob*. Naman eh! Akala ko kinalimutan mo na!” Sabi nito habang umiiyak.
Nakayakap parin ako sa kanya pero hinarap ko ang mukha niya sa mukha ko.
“Pwede ba naman yun? Pano ko makakalimutan ang monthsary natin? Isang buwan ng natupad ang pangarap ko. Isang buwan ka ng akin.” Pinunasan ko ang luha ni Alex at kiniss ko siya sa nose.
“Alam mo bang kanina pa ako umiiyak sa Rockwell? Kanina pa ako malungkot.” Nag-pout siya. Ang cute!
“Pwes, wag ka na malungkot sweet wine. Buti nga hindi nadulas si Mon sa plano ko tonight eh. Nagustuhan mo ba yang dress na pinabili ko kay mon?” Tumawa ako.
“Kasabwat pala si Mon! Kayo talaga! Akala ko pa naman naging galante bigla si Mon at nanlibre!” Hinampas niya ako ng mahina sa braso habang yung isang kamay nakayakap parin sakin.
“Shempre hindi magiging surprise kung walang tutulong sakin.” Sabi ko sa kanya at kiniss ko siya sa noo.
Tumanggal siya sa pagkakayakap sakin at tumingin sa buong paligid na naka-smile.
Pinuno ko ng maliliit na Mickey mouse stuffed toys ang buong room niya.
May isang giant Mickey mouse stuffed toy sa gitna ng bed niya na may hawak na malaking poster. May picture namin sa upper left side tapos nakasulat sa buong card – “Happy Monthsary. I Love You Forever Sweet Wine ko.”
Pinuno ko din ng Yellow Tulips ang room niya. Favorite niya daw yun sabi ni Mon. May isang bouquet din ng Yellow Tulips sa bed niya.
Nag-akyat ako ng maliit na round table and two chairs na magkaharap at nilagay ko sa end part ng bed.
Nakatakip pa yung food.
Ang kislap kislap ng mga mata ng Sweet Wine ko. I’m glad that I made her happy.
Maya-maya naglakad siya papuntang cabinet niya. May kinuha siya.
“Apple pie.” Sabi niya at inabot sakin ang hawak niya.
Naka-gift wrap ito ng hearts na gift wrapper.
“Sorry ha. Hindi ko kasi alam kung anong dapat ibigay pag monthsary eh. Hindi ko man lang natumbasan ang ginawa mo.” Parang nalungkot siya.
“Ano ka ba Sweet wine. Ikaw na ang best gift para sakin. Nung nakilala palang kita hanggang sa maging tayo at hanggang ngayon at forever.” Sabi ko sa kanya.
Binuksan ko ang gift niya sakin.
“I love these.” Nag-smile ako sa kanya.
Nagustuhan ko naman talaga. Oakley na shades, Billabong na wallet at cap. Na-appreciate ko.
“Thank you Sweet Wine.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
“O tama na. Magpicture picture muna tayo!” Kinuha niya ang digicam sa cabinet niya at pinicturan lahat lahat.
“Picture naman tayo na nagkikiss.” Sabi ko sa kanya.
“Sus! Style mo sa tiyansing o!” Natatawang sabi nito.
Nagpicture kami magkasama. Naka-kiss ako sa cheeks nya, naka-kiss siya sa cheeks ko, wacky, serious etc.
Kinuha ko ang camera sa kanya.
“Ako naman magpipicture satin.” Sabi ko
“One, Two—“ bila ko siyang kiniss sa lips. *click*
“Waaa! Andaya mo!” Sabi niya sakin habang kinukuha yung camera niya.
“Upload ko sa fb ha?” Sabi ko sa kanya.
“Sige sige bukas.” Sabi naman niya.
Pumunta na kami sa table na sinet-up ko para mag-dinner.
Umupo na kami.
Binuksan ko yung cover ng food.
“Kare-kare?” Nagulat siya.
“Favorite mo yan diba?” Nagsmile ako. Nag-smile din siya.
Nagsimula na kami kumain. Pag-nguya na pag-nguya niya, nanlaki ang mata nya. Ang cute talaga.
“Apple pie? Sinong naglut—“ Tanong niyang gulat na gulat.
“Ako. Sino pa ba?” Kunyare wala akong alam.
“Bakit lasang—“
“Lasang ano? Hindi ba masarap?” Nag pout ako.
“Masarap. Sobrang masarap. Parang—“
“Parang luto ng mama mo? Shempre sa kanya ko hiningi ang recipe.” Ngumisi ako.
“What?! Bakit?! Paan—“
“Tinawagan ko. Mabait pala ang mama mo no?” Sabi ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim.
“Explanation Please.” Seryosong sabi ni Alex.
“Ikaw naman masyado kang seryoso. Ok ganito yun. Sabi ni Mon sakin, Kare-kare daw ang favorite food mo. Pero ang talagang gusto mo daw eh yung kare-kare ng mama mo. Binigay ni Mon sakin yung international number ng mama mo. So ayun tinawagan ko.” Nag-explain ako sa kanya.
“Tinawagan mo tapos?” Tanong niya
“Tapos hiningi ko yung recipe.” Sagot ko.
“Paano mo hiningi?” Ang kulit ng sweet wine ko talaga.
“Sabi ko, Hello po Mrs. Tan, pwede po ba mahingi ang recipe ng kare-kare nyo.” Malapit na ma-badtrip to. Hehehe.
“Apolonio Estefano Cuenca! Alam mo kung anong ibig kong sabihin!” Lamakas na ang boses ni Alex.
“Ok ok. Cool ka lang sweet wine. Ganito yun. Tumawag ako sa mama mo. Nagpakilala ako na housemate mo. Sabi ko balak kitang lutuan ng Kare-kare na recipe niya kasi yun ang gusto mo. Binigay naman niya. Tapos nagtanong siya kung anong meron at kung bakit kita gustong lutuan ng kare-kare.” Nag-explain ako.
“Anong sinabi mo?” Kalmado na sa wakas.
“Sabi ko First Monthsary natin.” Tinignan ko si Alex.
“ANO??!” Tumayo siya.
“Sorry sweet wine. Hindi ko gustong pangunahan ka kaso hindi ko na din alam ang isasagot ko eh. Ayoko naman magsinungaling.” Inabot ko ang kamay niya.
Umupo siya ulit. Maputlang maputla.
“A-anong sabi ni mama.” Tinanong niya ng tahimik.
“Nagsisigaw siya.” Nag-smile ako kay Alex.
“Nakukuha mo pang ngumiti? Galit si mama saken! Anong gaggawin ko?” Parang naiiyak na si Alex.
“Teka kasi patapusin mo ako. Sinigaw niya bigla sa phone na “Yes! Hindi Lesbian ang anak ko! May boyfriend na! Kelan kayo ikakasal iho? Matutuwa ang daddy niya” Ganyan mismo ang sinabi niya.” Kinwento ko kay Alex.
“Wag mo nga ako pinagbibiro.” Sabi lang nito.
“Promise! Yan ang sinabi ng mama mo.” Tinaas ko ang right arm ko na parang nagpapanatang makabayan.
“Talaga hindi siya galit? Inisip pala nilang lesbian ako?” Nag-shake siya ng ulo niya.
“Ikaw naman kasi man-hater ka ng walang dahilan.” Sabi ko sa kanya.
Tinuloy namin ang pagkain.
Gustong gusto niya ang niluto ko. Ang sarap ng feeling. Ang hirap din kaya mag-gisa ng bagoong na walang bawang pero dapat parang meron. Ah basta magulo. Hehe.
Maya-maya tumayo ako.
“Sweet wine, may gift ako sayo.” Sinabi ko sa kanya.
“Ano ka ba naman Apple pie. Sobra sobra na tong ginawa mo tapos may gift ka parin?” Peron aka-smile siya.
“You deserve more than all these.” Sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ang maliit na box sa bulsa ko.
In-open ko yung box.
Nilabas ko yung necklace sa box at sinuot ko sa kanya.
Tinitigan niya yung pendant.
Heart ito na may naka-ukit na drawing ng apple sa gitna.
“Para laging nasa puso mo ako.” Sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at niyakap niya ako.
“Kahit pa wala nito, lagi kang nasa puso ko. Mahal na mahal kita Apple pie ko.” Tumulo ang luha niya.
“O, wag kang iiyak. Gusto ko lagi kang masaya. Sana napasaya kita ngayon.” Inangat ko ang chin niya malapit sa mukha ko.
“Hindi mo lang ako ngayon napasaya. Araw-araw. Sana hindi ka magbago. Sana lagi kang ganito.” Sabi ni Alex.
“Hinding hindi ako magbabago. Sana ikaw rin. Sana lagi mo akong mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo.” Sinabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
“I love you Apolonio Estefano Cuenca.” Sabi ni Alex.
“Mahal na mahal kita Alexandra Sophia Tan.” Kiniss ko ko siya sa lips.
Natapos ang kiss.
“Hays. Kung pwede lang hindi matapos ang gabing to.” Sabi ni Alex habang naka-yakap parin at nakatitig sakin.
Tinitigan ko siya at nagsalita ako…
“Pwede naman natin pahabain eh. Tabi tayo matulog.”