My Tag Boyfriend (Season 1)

Door OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... Meer

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 30

634K 10.9K 4K
Door OppaAnja

A/N: Okay! Few reminders. Hindi ko pa na-eedit ang chapter na ito kaya pasensya na sa typo. Second, boring ito. Third, happy reading! XDD

Chapter 30

Sitti's P.O.V

          "Pwede bang maging tayo, Felicity Sandoval?"

          Saktong huminto yung music nang huminto na din kami sa pagsasayaw ni Kaizer.

          Nakatingin lang ako sa mukha nya, gulat at ganoon din sya sa akin. Ang pinagkaiba lang nung ekspresyon sa mukha nya, seryoso sya.

          "H-Huh?" nauutal na sabi ko sabay biglang bumitaw sa kanya.

          Hindi Sitti! Hindi! Mali ka dinig! Hindi nya sinabi iyon!

          'Hello?! Ayos ka lang?! Bakit naman sasabihin ni Kaizer ang bagay na iyon huh? Sino ka ba para yayain nyang maging girlfriend—kung iyon nga yung ibig nyang sabihin. Hello! Wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga babaeng estudyanteng naghahabol sa kanya eh!' sermon ng utak ko sa akin.

          Hindi sya nagsalita. Sabi na eh! Mali lang ako ng dinig!

          Pero ang pinagtataka ko eh kung bakit nakatingin lang sya sa mukha ko.

          Para kaming mga sira dito sa gitna na nagtitigan lang. Pero di katagalan ay ako na din ang umiwas ng tingin sa kanya saka napatingin sa malayo.

          'Bakit nya ba kasi sinabi iyon?! Nakakailang na tuloy!'

          "Seryoso ako Sitti."

          Napalingon ako ulit sa kanya nang bigla na lang syang magsalita ulit.

          "Gusto kong totohanin na lang ang lahat." sabi nya habang titig na titig sa mata ko. "Pumapayag ka bang maging girlfriend ko?"

          Hindi ako namali ng dinig! Totoo ang lahat ng sinabi ni Kaizer.

          "Ano na? Bakit ang tagal mong sumagot?" naiiritang sabi nya sabay pinagkrus yung mga braso nya sa tapat ng dibdib nya. "Ang tagal! Oo o hindi lang naman ang sasabihin eh!"

          Medyo nainis ako sa sinabi nya.

          Sya na nga may kailangan sa akin tapos sya pa yung nagmamadali sa akin?!

          "Teka nga lang pwede?! Nag-iisip pa ako!" sabi ko kahit na hindi naman talaga ako nag-iisip.

          Ano ba naman kasing iisipin ko dito? Eh isa 'tong malaking kabaliwan!

          Ako at si Kaizer? Bilang totoong magboyfriend at girlfriend? Luh! Di ko ma-imagine!

          "Bakit? Nagdadalawang isip ka pa ba?!" gulat na sabi nya.

          "Binigla mo naman kasi ako sa—"

          "Sa gwapo kong 'to?! Tatanggihan mo ako?!"

          Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa pagbubuhat na naman nya ng bangko—ay hindi! Ng sofa nya! Sofa!

          "Hindi ka naman proud na proud sa mukha mo ano?" sarcastic na sabi ko saka sya tinitigan mula ulo hanggang paa. "Eh mas gwapo pa nga yata si MM sa'yo eh!"

          "Sinong MM?!" bigla syang nagtaas ng boses. "Lalaki mo ba iyon huh?!"

          Mabuti na lang talaga at nung nasa ganito na kaming part ng pag-uusap namin ay nagresume ng pop music yung DJ ng dance party at wala ng nakakarinig sa pag-uusap at pagtataas ng boses ni Kaizer kundi kaming dalawa na lang.

          "Baliw! Anong lalaki ka dyan?!" taas-kilay na sabi ko saka ginaya yung pagko-cross arms nya. "Si Mobi yun baliw!"

          "Baliw! Ikaw yung baliw!" sabi nya. "Saka anong si Mobi? Paano sya naging MM huh? Dela Cruz epelyido noon kaya dapat MD!"

          Muntik na naman akong mahulog sa kinatatayuan ko. Pangalawang beses na 'to ah! Si Kaizer kumo-comedy! Ipasok nyo na nga 'to sa comedy bar at wag ng palabasin!

          "Wala ka na doon!" sabi ko sabay irap sa kanya. "Sa amin na lang iyon ni MM."

          Hindi ko alam kung paano na naman nalihis sa ibang topic yung pinag-uusapan namin.

          Pero kung ito yung paraan ni Kaizer para basagin yungt awkward moment sa pagitan naming dalawa, masasabi kong mapapasalamatan ko sya sa ginagawa nya—kung ganoon nga yung ginagawa nya.

          "Tawagin nyo iyon ni Mobi ano?!" hindi pa din nawawala sa boses ni Kaizer yung pagkainis sa hindi ko malamang dahilan.

          Seriously?! Ano bang problema nya sa MM?!

          "Pwes tawagin mo akong TB!" sabi nya sabay hinawakan ako sa magkabila kong balikat at pwersahan akong pinaharap ulit sa kanya. "At tatawgin kitang TG! Ayan! May tawagan na din tayo!"

          Imbes na mainis ako doon sa pamimilit ni yabang, bigla na lang akong natawa.

          "Pfft! TB?! Ano yun? Tuberculosis?!" sabi ko sabay tumawa ng malakas.

          Ilang beses na ba akong napatawa ni Kaizer? Pangalawa na yata? Yung una nung nalagayan kami nung ginawa nyang cake sa mukha ng isa't-isa. Ah basta! Dalawa na yata!

          Ewan ko ba sa tao na 'to. Pabago-bago ng mood. Bipolar talaga. Kaizer, the bipolar lord!

          "Baliw! Hindi iyon tuberculosis!" inis na sabi nya saka tinakpan yung bibig ko para huminto ako sa pagtawa. "Saka wag kang tumawa. Nakikita ko na gilagid mo." 

          Inis kong tinabig yung kamay nya sa bibig ko saka pinunasan yung bibig ko na parang diring-diri.

          "Saan ka galing kanina nung nawala ka ah?!" tanong ko habang pinupunasan ko ng panyo yung bibig ko.

          "Tsk! Ang arte!" sabi nya habang pinapanood ako na magpunas sa bibig ko. "Sa banyo bakit?"

          Nanlaki mata ko sabay humarap sa kanya. "Anong ginawa mo sa banyo?!"

          "Malamang nagC.R." bored na sabi nya na para bang ang tanga-tanga ng tanong ko sa kanya.

          "Anong ginawa mo sa C.R.?!"

          "Tsk! Bakit ba gusto mong malaman?!" naiirita na sabi nya. "Talagang gusto mong malaman huh?! Sige! Umihi ako! Ano?! Masaya ka na?!"

          "YUCK!!!" diring-diring sabi ko saka marahas na pinunasan yung bibig ko ulit. "Nagpunta ka ng C.R. tapos tinakip mo yang kamay mo sa bunganga ko?! YUCK! Kadiri ka Kaizer Buenavista!"

          "Baliw!" sabi nya saka marahang binatukan yung ulo ko. "Joke lang yun. Nagtago lang ako sa sira kasi hinahanap ako nung mga baliw na babae sa school na 'to."

          Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman."

          "Pero joke lang iyon. Dumumi talaga ako. At walang available na tissue sa banyo kanina."

          "YUCK!!!"

          Dinig ko yung malakas na tawa ni Kaizer habang pinapanood nya ako doon sa pagpapanic kong pagpupunas sa bibig ko.

          Baliw na sya! At hindi sya nakakatuwa!!!

          "Pero seryoso talaga ako sa sinabi ko sa'yo..."

          Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa kanya.

          "Gusto kitang maging girlfriend."

          Magsasalita pa sana ako kaya lang naunahan nya ako.

          "Gusto na yata kita, Felicity Sandoval."

Mobi's P.O.V

          "Hindi pa ba natin guguluhin yung dalawa?"

          Humarap ako kay Kris saka inabot sa kanya yung isang balot ng marshmallows ko.

          "Wow! Ibibigay mo sa akin 'to Mobillow?! Di nga?! First time mong namigay ng marshmallows ah! Salamat ah! Kahit hindi ako mahilig kumain ng marshmallows, tatanggapin ko pa din—"

          "Buksan mo."

          Biglang nawalang ng ekspresyon yung mukha ni Kris pero binuksan pa din nya yung marshmallows bag ko saka binalik sa akin.

          "Salamat friend ah? Salamat sa pagpapaasa sa akin. Mahal kita tandaan mo yan!"

          Hindi ko na lang sya muna pinansin saka pinanood sina best friend at best friend na magtitigan doon sa gitna ng field.

          "Saya-saya ni best friend ano?" plain na sabi ko habang may marshmallows sa bibig ko.

          "Oo nga eh!" natatawang sabi ni Kris saka ngumiti. "Ngayon lang ulit sya nagkabuhay mula nung iwan sya ni Mia."

          "Mahal nya kasi si Sitti."

          "Wee?! Di nga?! Sino nagsabi?!"

          Humarap ako ulit kay Kris. "Akala ko ba alam mo?"

          "Uy hindi ah! Joke ko lang yun! Inaasar ko lang yang si Kai Kai! Alam mo naman yan, pikon!" sabi nya sabay tawa.

          "Gusto nya si Sitti."

          "Di nga?!"

          Hindi ko na sinagot si Kris saka pinanood ulit yung dalawa kong best friend.

          "Akala ko ikaw may gusto kay Sitti babes."

          Humarap ako ulit saka sumubo ng marshmallows. "Hindi. Best friend ko sya."

          Nagkibit-balikat lang si Kris sa akin. "Okay! Sabi mo eh! Baliktad pala ako."

          "Paano ka naging baligtad eh parehas naman tayong nakatayo. Dapat nasa lupa yung kamay ko kung baliktad ka."

          "Hahaha!" sarcastic na tawa ni Kris. "Last mo na yan Mobillow ah? Ang cute mo!"

         

Sitti's P.O.V

          "Nangako ka di ba? Sabi mo susubukan mong pasayahin ako."

          Biglang sumeryoso yung paligid naming dalawa. Bumalik na naman kami sa "awkward zone".

          "Eh hindi naman—"

          "Okay lang." putol nya sa isasagot ko. "Hindi naman kita minamadali eh. Gusto ko lang malaman mo na gusto kong seryososhin yung meron tayo kahit wala naman talagang "tayo"."

          Napatingin na lang sa mukha ko. Hindi ko kasi alam ang isasagot.

          "At isa pa," sabi nya sabay tingin sa langit saka nya nilagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa ng pantalon nya. "Nakakapagod na magpanggap lalo na kung alam mong hindi na pagpapanggap yung nararamdaman mo sa tao kinukunsinti mo sa panlolokong ginagawa nyo."

          Binaba nya yung ulo nya saka nagtama ulit yung mata namin.

          "Di ba sinabi mo, na hangga't tumitibok ang puso ng tao, may karapatan syang magmahal. Na may karapatan syang sumaya?"

          Nagulat ako nang bigla nyang kuhain yung isang kamay ko at hinawakan iyon.

          "Gusto kong sumubok ulit. Gusto kong sumaya ulit." sabi nya saka mas humakbang ng isang dangkal palapit sa akin para maging sobrang dikit na ng mga mukha namin.

          "Gusto kong sumubok kasama ka, Sitti. At maghihintay ako sa magiging sagot mo. Hihintayin ko na sumobok ka din kasama ako."

          Lumipas ang ilang sandali na walang nagsalita sa amin.

          Pero ako na din ang bumasag sa katahimikan na iyon.

          "Pero hindi ba, sa isang relasyon, kailangan mahal nyo muna ang isa't-isa bago kayo sumubok?"

          Ngumiti sya sa akin. "Hindi mo ba ako narinig?" sabi nya saka mas nilapit yung mukha nya sa mukha ko saka bumulong sa tenga ko. "Gusto na yata kita, Felicity Sandoval."

          Matapos nyang mailayo ang mukha nya sa mukha ko saka ako ulit nagsalita.

          "Pero iba ang gusto sa pagmamahal, Kaizer." sabi ko. "Hindi mo pwedeng sabihin na lang basta-basta sa isang tao na mahal mo sya kung pagkagusto lang naman ang nararamdaman mo."

          "Hindi mo mamahalin ang isang tao kung hindi mo sya nagustuhan." sagot nya. "Mas lalo na namang hindi mo pwedeng basta na lang mahalin ang isang tao ng hindi muna sya nagugustuhan."

          Wala na akong maisagot doon sa sinabi nya kasi may point sya.

          "Hindi sa sinasabi kong mahal na nga kita." sabi ko. "Hindi pa ako sigurdo sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa'yo."

          Teka! Ano daw?! Nararamdaman nya para sa akin?!

          "Aaminin ko na," sabi nya saka napatingin ulit sa may langit. "Nagselos ako ng makita ko kayo ni Mobi na magkasama."

          "Huh?" ano daw?! Pinagselosan nya si Mobi?!

          'So totoo yung sinabi ni Mobi kanina na nagseselos sa amin si Kaizer?!'

          "Nakakatakot kasi," sabi nya saka humarap ulit sa akin. "Na makita yung taong nagpapasaya sa'yo na nagiging rason na din ng pagsaya ng ibang tao."

          "Pakiramdam ko iniwan mo ako nung naging malapit ka kay Mobi. Na pakiramdam ko, maagaw na namin sa akin yung girlfriend ko..." sabi nya saka ngumiti. "Kahit na nga tag girlfriend ko lang sya."

          "Yan ba ng ibig sabihin ng TG mo kanina?" biglang segway ko. "Tag girlfriend?"

          "Oo." sabi nya. "Slow mo ano?"

          "Sorry naman ah?!" inis na sabi ko. "So yung TB hindi tuberculosis kundi tag boyfriend, tama ba?"

          "Oo." sabi nya ulit. "At wag mong ibahin ang usapan. Nakita mong nagmomoment ako dito di ba?"

          "Di kasi bagay sa'yo." sabi ko saka sumenyas gamit yung kamay ko. Sige na! Tuloy!"

          Tumawa muna sya sandali saka nagpatuloy sa pagsasalita nya.

          "Noong una, inis na inis ako sa'yo, alam mo ba iyon?"

          "Obvious naman eh!"

          Hindi na nya pinatulan yung pagbabara ko saka nagpatuloy. "Akala ko, isa ka na naman sa mga desperadang babae na naghahabol sa akin. Na ginamit mo lang ang Facebook para mapalapit sa akin, para mapansin kita."

          "Pero habang tumatagal, nung unti-unti ko ng nakikilala kung sino ba si Felicity Sandoval, yung baliw na babae na nagkamali ng tag sa pangalan ko. Yung babaeng madalas kong pagbintangan ng kung ano-ano, nalaman ko na ako pala yung nagkamali sa ating dalawa."

          "Madami kang pina-relaize sa akin Sitti ng hindi mo namamalayan." sabi nya habang nakatingin sa mukha ko. "Ilang beses ka na din naging sakit sa ulo ko. Hindi na nga yata mawawala sa'yo ang pagiging pasaway."

          Nagpalipas muna sya ng ilang sandali.

          "Pero, ikaw din ang naging dahilan kung bakit sumaya ulit ako ngayon. At maraming salamat para doon Sitti."

          "Ah...eh...welcome!" nahihiyang sabi ko.

          "Kaya nga gusto kong makilala ka pa ng lubusan. Na gusto ko ding makilala mo pa ako. Na hindi lang ako yung lalaking mayabang na madalas mong kainisan noon."

          "Hanggang ngayon!" pagtatama ko sa kanya.

          "Hanggang ngayon." natatawang sabi nya.

          "Kaya TG," sabi nya. "Pwede ba tayong magsimula ulit?"

          Bigla nyang inilahad sa akin yung isang kamay nya. Napatingin ako doon saka ko binalik yung tingin ko sa mukha nya.

          "Kaizer Buenavista. 17 years old. Varsity Player. Taga-Eastton. Schoolmate mo. Nice meeting you, TG!"

          Napapangiti na lang ako sabay napapailing saka ko inabot yung kamay ni Kaizer.

          "Felicity Sandoval. 16 years old. Professional Facebook artist. Taga-Eastton at schoolmate mo din. Nice meeting you too...tuberculosis!"

          "Tag boyfriend!"

          Natawa ako sa biglang paglukot ng mukha nya. "Ay oo nga pala! Tag boyfriend pala!"

          Para kaming mga baliw na nagshakehands ni Kaizer na may malapad na ngiti sa labi namin.

          "Friends?"

          Ngumiti ako sa kanya. "Friends."

          "Pero sasagutin mo pa din ako di ba?" biglang segway ni Kaizer.

          "Pag-iisipan ko." sabi ko sabay bitaw sa kamay nya.

          Ngumiti na lang sya sa akin saka nya pinatong yung isang kamay nya sa ulo ko at marahang ginulo yung buhok ko.

          "Hoy ano yan!"

          Sabay kaming napalingon ni Kaizer sa nagsalita na si Kris na nakatayo na pala sa harapan namin kasama sila Mobi at Patty.

          "Guys!" biglang sabi ni Kaizer saka nya inakbay yung isang kamay nya sa balikat ko. "Gusto ko pala kayong ipakilala sa TG ko."

          "TG?" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

          "My Tag Girlfriend."

          Ngumiti silang tatlo sa amin saka napapatango sa ibig sabihin ng TG.

          Korni magbigay ng pet name ni Kaizer ano? Pero okay na din. Matutuwa ako na tawagin syang TB. Pfft! TB!

          At matapos ng kabaliwan ni Kaizer Buenavista, masaya naming in-enjoy ang dance party kasama ng mga bago kong kaibigan.

          Siguro tama nga si Kaizer.

          Kailangan naming magsimula mula sa pinaka una.

          Lihim akong napatingin kay Kaizer habang nagsasaya yung iba pa naming kasama at nagulat ako nang mapatingin na din sya sa akin sabay ngumiti sa akin.

          At bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko nang ngitian nya ako.

          Napahawak ako ng wala sa oras sa tapat ng puso ko saka pinakinggan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

          'Ano bang nangyayari sa'yo heart?'

A/N ulet: Okay, una sa lahat, gusto ko ulit magpasalamat ng madami sa mga TAGGERS na walang sawang sumusuporta sa mga MY TAG BOYFRIEND. Hindi man man nagrereply sa mga comments nyo, medyo matagal man ako mag-update at minsan matagal akong magreply sa mga private message nyo sa Wattpad man, sa Facebook ko at sa FB Page ng MTB, gusto kong malaman nyo na SOBRANG naaappreciate ko lahat ng comments, message at wonderful support nyo sa akin at sa buong cast ng MTB. Gusto ko ding malaman nyo na binabasa ko lahat ng comment nyo kahit hindi ako nakakapagreply. At ang pinaka importante sa lahat, gusto kong malaman nyo na mahal ko kayo mga TAGGERS! *nakikidrama kay Kaizer* XDD

Sana mabasa nyo din yung ibang gawa ko at masuportahan. It will be a pleasure na mabasa at mapasaya din kayo ng iba kong gawa. *endorse endorse*

P.S. Magcomment po kayo. Mas mahaba, mas masaya. :)

Para sa mga nagtataka pa din kung sino yung OP ni Kaizer na FC, hindi pa sya pwedeng mareveal kasi isa yun sa mga twist ng story kaya hintayin na lang natin full debut nya nee? *debut?! artist?!* XDD

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
4.2M 22.8K 7
[The Walkers Trilogy #2] [Sequel to 'The Perverted Vampire] Savannah Kier Walker will never be normal. From the very start, she knew that she's diffe...
10.2K 786 40
PHS Series #1 Para kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paa...
1.7M 98.3K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...