The Star

De AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Mais

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 88

7.7K 178 45
De AngelMelay

STARRING 88

PAGKIKITA

Lumipas ang isang buong sem at natapos ko naman ito ng walang kahirap-hirap. Tulad sa Manila ay Dean's Lister din ako dito. Iba pala talaga kapag sa Maynila ka nasanay mag-aral. Mas mabilis kasi ang phasing ng subjects doon. Sanay kami na mag-aral ng apat-hanggang anim na 100-paged chapter kada araw.

Medyo malaki na rin ang tiyan ko. Hindi biro pala ang manganay. Hanggang gabi ay nagsusuka ako at nahihilo. Mabuti na lamang at laging nakaagapay ang pamilya ko sa akin. Kada buwan ay dinadalaw ako ni Dale kasama si Vanity, o si Mama at Papa ko. Wala namang nakaalam sa mga kababata ko kaya tahimik naman ang buhay ko.

Sembreak na at naandito sina Cedric, Cha at Kyle sa bahay ni Tiya. Kanina pa nila ako niyayaya na magpunta sa maliit na mall dito para sumamang maggala. Bibili din kasi sila ng mga gamit nila na gagamitin sa internship. Buti pa sila at maka-duty na sa hospital. Bawal ako dahil buntis nga ako.

"Sumama ka na, Stephanie." Pilit sa akin ni Cha. Kanina niya pa ako pinipilit. Anya kung hindi daw ako sasama ay hindi manlilibre si Cedric.

Apat na buwan nang nanliligaw sa akin si Cedric at anim na buwan na ang tiyan ko. Kahit na ganito ang kalagayan ko ay nagawa niya pa rin akong tanggapin at ligawan. Ayoko namang magpaligaw sa kanya pero makulit siya. Mabait naman siya at mapagmahal. Pero.... sadya atang kay Franz pa rin tumitibok ang puso ko. Siya lang at wala nang iba!

"Ayoko. Dito na lang ako sa bahay." Sagot ko naman. Ewan ko ba. Ganito ata ang buntis, tamad na tamad kumilos. Minsan nga, kahit maligo ay tinatamad ako.

Halos mapatalon ako nang biglang hawakan ni Kyle ang binti ko. "Tingnan mo. Namamanas ka na dahil sa kulang ka sa lakad. Sumama ka na." Sabi niya habang iniinspiksyon ang aking paa. Tama naman siya. Namamanas na nga ang aking paa. Kasi naman kain-tulog lang ako dito sa bahay ni Tiya.

Pero kung nagulat ako, mas nagulat si Kyle na bigla siyang hampasin sa balikat ni Cedric. "Hoy! Ano ba? Bitawan mo nga si Stephanie?" Galit na asik niya.

Para namang nahintakutan si Kyle na binitawan ako. Tumayo pa siya at lumayo sa kinauupuan namin. Si Cedric ang pumalit sa pwestong kinauupuan niya sa kabilang gilid ko.

"Sama ka na?" Kumbinsi pa niya sa akin.

Sabagay, naiinip na rin ako dito sa bahay. Kapag naandito ako ay wala akong ginawa kundi alalahanin ang mga nakaraan namin ni Franz. Miss na miss na miss ko na siya ng sobra! Kumusta na kaya ang pinagbubuntis ni Fatima? Siguro ay pitong buwan na iyon ngayon.

"Sige na nga." Sagot ko at pumasok na sa kwarto para makaligo at magbihis. Tanging palakpak na lamang ni Cha ang narinig ko sa sala.

Tama sila. I need fresh air. Nalilibang ako habang naglalakad kami dito sa mall. Ang dami kong nakikitang mga paninda. Ang dami kong nasasalubong na iba't-ibang tao. Ito nga ata ang kailangan ko. Para naman kahit sandali ay mawalay si Franz sa utak ko.

Kasalukuyang namimili ng mga damit sina Cha at Kyle habang kami naman ni Cedric ay nagkukwentuhan lang. Ikinukwento niya sa akin na nagrequest daw siya sa teacher namin na dito muna siya sa malalapit na hospital i-assign. Anya para daw mabantayan niya ako habang hindi pa ako nanganganak.

So sweet diba? Dapat sana ay kikiligin na ako, pero wala akong maramdamang ganoon. Hindi ko alam kung anong mali sa puso ko. Natutuwa ako sa mga ginagawa niya, pero wala iyong pakiramdam na nagliliparang mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi kaya patay na sila sa loob ko kaya ganoon?

"Kain na tayo." Yaya ni Cedric nang matapos silang mamili.

"Yes! Libre ni Cedric!" Palatak ni Cha na naging dahilan para magtawanan kami.

Pumasok kami sa isang restaurant dito sa Balayan. Ito ang pinakamamahaling kainan dito sa probinsiya, pero wala naman nitong ganito sa Maynila. Nakakain na ako dito ng madalas kapag sinasamahan ako ni Cedric magpacheck-up sa OB ko. Aaminin kong, masarap din talaga ang pagkain dito.

Ipinaghila ako ni Cedric ng upuan at pinaupo sa tabi niya. Sa tapat ko ay nakaupo si Cha at sa tabi niya si Kyle. Kung titingnan mo kami ay parang group date kami.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Cedric sa akin.

"Bahala ka na." Sagot ko nang maisip ko ang pagkaing paborito ko. "Calamares" sagot ko.

Umorder na sila at syempre, inorder ni Cedric ang tanging pinili kong calamares. Naamoy ko pa lang nang inihain ay parang umuurong-sulong na ang laway ko. Naglilihi pa rin ba ako?

Kumain kami at nagbiruang apat. Masarap silang kasama. Magaan. Hindi tulad noong nasa Maynila ako na lagi kaming natatakot na pagkaguluhan ang mga kaibigan kong stars. Dito ay simple ang buhay at payapa.

Pinayagan naman ako ni Cedric na kumain ng konting minatamis. Bilin kasi ng doktor ay iwasan ko daw ang maaalat at matatamis na pagkain habang buntis ako. Baka daw kasi makasama sa baby ko.

"Ang tagal naman lumabas nito." Sabi ni Cedric habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi na ako nagulat dahil sanay na akong kinakausap niya ang tiyan ko. Hindi na ako kumontra kasi kapag ganyang hinihimas niya ang tiyan ko ay gumagalaw ang baby sa loob ko. Para bang natutuwa siya sa boses ni Cedric.

"Wow! Excited ka na ba sa step-son mo?" Tanong ni Kyle. Alam na kasi namin na lalaki daw ang magiging anak ko.

Namula ako sa sinabi ni Kyle. Ewan ko ba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ako kumportable na ibang ama ang ipakilala sa anak ko... kahit biro lamang iyon.

"Ayaw pa nga akong sagutin ni Stephanie eh." Nagtatampong sabi ni Cedric.

Umiwas ako nang tingin sa kanya kasi hindi ko kayang sagutin o magcomment man lang sa sinabi niya. Pero ganoon na lang ang paninigas ko nang mahagip ng paningin ko ang isang taong miss na miss ko na ng sobra! Nakaupo siya sa kabilang dulo ng resto. Halos apat na lamesa lang ang aming pagitan.

  

"Franz?" Mahinang sabi ko. Bakit siya naandito? Anong ginagawa niya sa probinsiyang tulad nito? May show ba siya dito? May mall tour ba ang minomodel niyang bago? Bakit dito pa sa Balayan, Batangas?

Dahil sa pagkakabanggit ko ay sumunod ang tingin nila sa aking tinititigan.

"Oh may gad! Si Franz Roff!" Pigil na pigil na kilig na sabi ni Cha. 

Buhay pa pala ang mga alaga kong paru-paro. Para silang nagising sa matagal na pagkakahimlay at nagsimulang magliparan sa tiyan ko. Lalo na at nakikita ko ngayon si Franz sa hindi kalayuan. Mas lumaki ang katawan, mas gumwapo, mas pumuti, at mas humaba ang bangs niya.

"Lapitan natin." Yaya ni Kyle. Wala naman kasi silang alam na may ugnayan kami ni Franz at hindi rin nila alam na pinsan siya ni Cedric. Magkapatid ang tatay ni Franz at ang nanay ni Cedric. Cedric Roff Garcia ang buo niyang pangalan.

Umiling agad ako. "Ayoko." Mabilis kong kontra sa kanila.

"Sige na, Stephanie. Paborito ko siya eh." Pagpupumilit ni Cha. 

"Kayo na lang." Sabi ko. Kahit kaladkarin nila ako ay hindi ako lalapit sa kanya.

Lumapit lalo si Cedric sa akin. "Una na tayo?" Bulong niya sa akin.

Marahan akong tumango. Ayoko munang magpakita kay Franz. At mas lalong ayoko na makita ko si Fatima na mukhang galing sa restroom habang inaalalayan ni Franz na maupo sa tabi niya. Kasama nila si Ate Gi at Kuya Max. Malaki na ang tiyan ni Fatima. Nakakainggit na hindi nagbago ang kanyang itsura. Hindi tulad ko na lumaki ang ilong at nangingitim ang mga leeg. Siguro ay babae iyong anak niya.

"Mauna na kami. Antayin namin kayo sa parking." Sabi ko kina Cha. Lalo na at nakikita kong unti-unti nang dumadami ang dumudumog sa lamesa nila para magpalitrato. Nahihirapan na nga ang guard na sawayin ang mga tao kaya isinara ang pintuan ng restaurant.

Nang sabihin ko iyon ay agad na nakigulo na si Cha doon sa mga fans na lumalapit kina Franz. Hinila niya si Kyle papunta doon. Ako naman ay inalalayan ni Cedric para makatayo sa upuan at nang makalabas na kami.

Gad! Miss na miss ko na si Franz. Gusto ko siyang yakapin. Pero andyan naman si Fatima kaya nasasaktan na naman ako. Kaya ang ginawa ko na lang ay tinitigan ko muna siya nang matagal bago kami lalabas ng kainang ito. Para bang sinasaulo ko ang mukha niya mula dito sa malayo.

Nang biglang mapaangat ang kanyang tingin at mahuli ang akin. Nakakunot ang kanyang noo na titig na titig sa akin.  Ang kanyang mga mata ay nanglalalim na parang kulang na kulang sa tulog. Nakaawang ang kanyang mga labi sa gulat. Tiyak na hindi niya inaasahang makikita ako.

"Sht! Halika na, Cedric!" Mabilis na hingit ko si Cedric paalis na doon. Nakita ko kasing napatayo na si Franz at parang lalapit sa amin. Mabuti na lamang at makapal ang tao.

Alistong inakay ako ni Cedric papuntang parking lot. Hindi na ako lumingon sa likod dahil natatakot ako na masundan niya ako. Alam kong imposible, pero ayokong magbakasakali. Tahimik na ang buhay ko kaya ayoko nang makigulo sa kanila ni Fatima.

"Mahal mo pa siya?" Tanong ni Cedric na bumasag sa katahimikan nang makasakay na kami sa kotse.

Sa sobrang buti sa akin ni Cedric ay hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. "Oo. Hindi naman nawala iyon eh. Kaya nga siya ang ama ng anak ko." Malungkot na amin ko.

Naihilamos niya ang kamay niya sa mukha. "Bakit ba lahat ng babae ay nasisilo noon? Alam mo bang ang dati kong nobya ay nakipag-break pa sa akin matapos ko siyang ipakilala sa pinsan kong iyon? Nagparaya ako. Kinumbinsi ko si Franz noon na mahalin siya para sa akin. Pero ang walang kwentang iyon, hindi ako pinagbigyan. Ang sabi niya ay nakalaan lang daw ang puso niya sa kababata niya." Bunyag ni Cedric na nakagulat sa akin.

"Ha?? Kailan nangyari iyan?" Interesadong tanong ko. Kasi tiyak akong ako iyong kababatang sinasabi niya. Wala namang ibang kababata si Franz maliban sa amin ni Von. Hindi naman pwedeng maging si Von iyon. Malamang na ako iyon!

"Noong second year highschool." Inis na sagot ni Cedric.

Napaawang ang mga labi ko. Talaga ngang matagal na akong mahal ni Franz tulad nang sinabi niya noon sa akin. Imagine, highschool? Ilang taon na iyon?

"Kilala mo ba iyong kababata niya? Hindi ba't naging magnobyo kayo? Sino ba iyon?" Sunod-sunod na tanong ni Cedric.

Tumitig ako sa mga mata niya at buong tapang kong sinabi na, "ako." 

Nanglaki ang mata ni Cedric sa sinabi ko. "Ikaw iyong kababata niya?" Nagulat na tanong niya.

Napabuga ako nang hangin. "Wala nang iba, Cedric. Ako iyon." Sabi ko pa sa malungkot na boses.

Ginulo niya ang kanyang buhok. "Kaya ba ayaw mo akong sagutin dahil pinsan ako ni Franz? Dahil ba iniisip mong manloloko din ako?" Seryosong tanong niya sa akin.

Umiling ako at agad na pinasinungalingan ang sinabi niya. "Hindi, Cedric. Never kong inisip iyon sa iyo. Nagkataon lang na hindi pa ako talaga handang magmahal ulit." Seryosong paliwanag ko.

Malungkot ang mata na tinitigan niya ako. Pinisil pasumandali ang palad ko. "Kaya kong mag-antay, Stephanie. Sana ay matutunan mo akong mahalin." Madamdaming sabi niya.

**

Isang linggo ang lumipas nang makita ko si Franz. Niyaya ako nina Cha na magpunta daw kami sa Munting Buhangin para magswimming. As usual, libre na naman kami ni Cedric. Ngayon ko lang napagtanto, iba talaga ang lahi nang mga Roff. Lahat ata ay mapepera!

Naka-short ako ni Dale nang pangbasketball at t-shirt ng kapatid ko. Sina Cha naman ay mga naka-swimsuit. Sana ay makapanganak na ako para maisuot ko ulit ang swimsuit ko. Ewan ko ba. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko, ang pangit- pangit ko!

Napapailing na lang ako nang ang mga babae sa kabilang cottage ay parang mga bubuyog na nagkakagulo kay Cedric. Kanya-kanyang papansin. Kanya-kanya pakikipagkilala. Hindi ko maiwasang maalala na naman si Franz dahil kaugali niya ito. Masungit! Hindi mahilig makipagkaibigan. Masyadong mapili.

"Hindi ka pa ba maliligo?" Lapit niya sa akin. Naka-shorts lang siya at labas ang kanyang abs. Kung tititigan ko siya, tamang exposure lang ay pwede rin itong model eh. Kaya halos mapigtas ang mga underwear ng babae kanina.

Umurong ako ng konti palayo sa kanya. Naiilang kasi ako sa mga nakakatakot na titig sa akin ng mga babaeng nakikipagkilala sa kanya kanina. Para bang kakainin nila ako ng buhay.

"Ayoko. Ang pangit ng suot ko." Sagot ko. 

"Sige na, maligo ka na." Pagpupumilit niya.

"Ayoko talaga." Pinal na tanggi ko.

Dahil hindi ko mapilit ni Cedric ay kinawayan niya ang mga kasama namin. Nakakunot ang noong pinanuod ko lang siya. 

"Bakit?" Tanong ng medyo namumula nang si Deb.

"Maglalakad-lakad lang kami. Magkita na lang tayo sa bar na iyon maya-maya." Sagot ni Cedric sabay turo sa bar sa may likod namin. Mukhang may something na celebration doon dahil may mga banderitas pa at ang daming tao.

Humarap sa akin si Joel. "Maligo ka muna, Stephanie. Aalalayan ka naman namin eh." Paghimok pa niya sa akin.

Sasagot sana ako nang si Cedric ang sumagot para sa akin. "Hindi. Ayaw niya! Alalayan mo iyang sina Tin, Cha at Deb. Huwag mong problemahin si Stephanie." Asik ni Cedric.

Tumaas ang kilay ni Joel at hinatak na si Cha palayo sa amin. Kumaway naman sina Deb, Tin at Kyle sa akin at sumunod na. Ito talagang Cedric na ito. May pagka-overprotective talaga.

"Bakit mo naman sinungitan si Joel?" Malumanay na sita ko sa kanya nang naglalakad na kami sa buhanginan.

"Ang lakas makabastos eh. Alam niya namang nangliligaw ako sa iyo tapos siya daw ang aalalay sa iyo? Ano ito gaguhan?" Paliwanag niya na sumiring sa gawi nina Joel na akala mo naman ay makikita pa nila sa layo naming ito.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Natutuwa kasi ako sa kanya. Parehas sila ni Franz sa pagkaseloso, pero parehas sila ni Von sa pagiging vocal sa nararamdaman. Ito na naman! Sila na naman ang naaalala ko.

"Concern lang ang ating mga kaibigan sa akin. Wala naman akong nakikitang masama doon." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Tss.." Tanging sabi niya at nakabusangot na nauna nang maglakad.

Ako? Naestatwa ako sa pwesto ko. Naalala ko si Von at Franz sa pag-tss niya. Sa Manila kasi ay trademark na ng dalawa iyon kapag naiinis sila sa akin at ayaw na nilang pahabain ang usapan.

"Steph!" Tawag sa akin ni Cedric. Medyo malayo na pala siya sa akin. Napansin atang naiwan na ako dito kaya tinawag na ako.

Naiiling na sumunod na ako sa kanya habang inaantay niya naman akong makalapit. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya mula sa likod at mahinang tinulak siya papuntang bar. Hindi naman ako iinom. Gusto ko lang umusisa kasi parang ang saya nang mga tao doon.

Tamang-tama na nasa unahan ko si Cedric kaya may espasyo sa unahan ko. Nakahawak pa din ako sa magabilang braso niya para hindi kami magkahiwalay sa siksikan ng mga tao. Medyo bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ito na naman ang phobia ko sa dami ng tao. Pinagpapawisan na naman ako habang papasok kami lalo sa loob.

Ang lakas ng tugtugan at panay ang yugyugan ng tao. May nakita akong banner sa may taas ng stage.

WELCOME COLOURS!

Oppss.. 

Buferring..

Colours? As in C.O.L.O.U.R.S? Dadating dito sina Von?

Nagpalinga-linga ako para makita kahit isang myembro ng banda nila dito. Pero sadyang madami ang tao kaya wala. Ang isa pa, hindi na ako makahinga ng ayos dahil sa dami ng tao. Hindi ko talaga kayang kontrolin ang phobia ko. Napahinto ako sa paglakad kaya napahinto na rin si Cedric. Pakiramdam ko kasi nagsisikip na ang paghinga ko.

"Cedric, ayoko na. Lumabas na tayo. Nahihilo ako." Daing ko sa kanya.

Nataranta si Cedric sa sinabi ko. "Tara. Tara!" Agad siyang umakbay sa akin at ang isang kamay ay iniharang niya sa unahan ko para hindi mabangga ang tiyan ko.

Ang mga tuhod ko ay nanglalambot. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa siksikan ng tao. Parang ilang minuto lang ay hihimatayin na ako. Medyo mabuway na ang lakad ko. Napahawak ako sa braso ni Cedric, na nakaharang sa gawing tiyan ko, para hindi ako mapaupo. Nanglalamig na nga ang mga palad ko sa kaba.

Dahil mabuway na nga ako ay muntik na akong mapasubsob ng mula sa gilid ay may mahinang nakabangga sa akin. Imagine, danggil lang ay muntik na akong mapasubsob? Ganoon kalambot ang mga paa ko dahil sa nerbyos sa daming tao. Mabuti na lamang at alistong niyakap ako ni Cedric para hindi bumagsak.

"I'm sorry, Miss." Malalim ang boses na sabi noong nakabangga sa akin.

Pakiramdam ko, tumayo lahat ng balahibo ko. Ultimo buhok ko sa ulo ay tumayo ata. Kilala ko ang boses na iyon kahit pa ang lakas ng tugtugan. Dahan-dahan akong lumingon sa nakabangga sa akin. Napalunok ako sa kaba. Ibang kaba ito! May halong excitement.

Pero paglingon ko ay batok na lang ang nakita ko. Pero ang bulto, ang pananamit, ang batok, ang tabas ng buhok, ang kulay niya ay siyang-siya. Kilalang-kilala ko. Kahit ihalo ang mga kababata ko sa isang libong tao, makikilala at makikilala ko sila dahil ganoon ko kasaulo ang bawat detalye nila.

"VON!!" Sigaw ko sa lubos nang aking makakaya. Napakunot ang noo sa akin ni Cedric dahil sa pagsigaw ko. Ang mga tao ay natigilan at napatingin sa akin. Pero ang tinawag ko, na may kalayuan na ng 10 hakbang, ay hindi ako narinig.

"Cedric, tawagin natin, please? Parang awa mo na!" Pakiusap ko kay Cedric na naka-support pa rin sa akin. Nanginginig na ang buo kong katawan.

Nagtiim ang bagang ni Cedric pero hindi ko pinansin. Nilingon ko si Von na mukhang papunta na ng backstage. Hindi ko naman kayang makipagsisiksikan doon.

"Cedric, tawagin natin si Von. Please?" Pagmamakaawa ko.

"VON!!" Sabay na sigaw namin.

Parang slow motion na lumingon siya sa amin. Nalaglag ang kanyang panga ng makita ako. Nakatulala lang siya. Nanglalaki ang mata. Habang ako ay bumagsak na ang mga luha. Hindi ko ininda na buntis ako. Tumakbo ako palapit sa kanya at halos talunin ko ng yakap ang balikat niya.

"Steph." Basag ang boses na sabi niya. Ang higpit nang yakap niya sa akin na animo'y mawawala ako sa paningin niya. Ramdam kong miss na miss ko na si Von at ganoon din siya. Wala tuloy akong paglagyan ng kaligayahan na nasa harap ko na ang soulmate ko.

________________________________

A/N:

Ano kayang mangyayari? Iuuwi na ba ni Von si Steph?

Ang hahaba ng bawat chapters ko ah.. Sulit na ang 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE ninyo! Enjoy!

Continue lendo

Você também vai gostar

620K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
88.3K 4.3K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
16.2K 1.1K 51
(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA...