Jeff’s Pov
2 Days na rin ang nakalipas after nung insedente sa may back gate, kaya lang naman ako nagmamadaling umalis ay dahil sa tinawagan ako ni faye at sinundo ko siya ang hilig lang talaga niya mangsurprise sabi nya kasi the other day pa ang dating nya..tss...
, si faye ay kaibigan ko, pero di sya nagaaral sa precious academy. Nameet ko sya one year ago nung may gig kami sa isang bistro, sinabi nya na idol na idol niya daw ako at ako daw ang pinakapaborito nya sa banda, ang kulit kulit pa nga nya noon ehh, lagi nya akong inisstalk ,kilala din siya ni jigs, kaya nga lang ako lang talaga ang kinukulit niya . Oo, nairita ako noon sakanya, pero nung nagtagal ...nasanay na rin ako, naging makaibigan kaming dalawa hanggang sa umalis siya pumunta siyang Australia para sa 6 months vacation nya nandun kasi ang parents nya, akala ko noon magiging okay na yung buhay ko nung umalis siya ,hindi pala..., siya kasi ang tumayong ate ko mas matanda kasi siya ng 2 years sakin, sakanya lang ako ngasasabi ng mga problema ko at mga sekreto ko. Naging madali lang ako nagtiwala sakanya kasi magaan ang loob ko sakanya. At ngayon na nagbalik na siya alam ko na may taong handang makinig saken ulit.
nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa precious kakadismiss lang kasi namin.
“so, kelan mo ba ako ipapakilala kay Aki?” tanong ni faye
oo nga pala di pa nya namemeet si Aki, di kasi sya sumama sa gig namin. Minsan lang at wrong timing din tong si Faye kasi di nya naabutan si Aki pag nanunuod siya.
Ngumiti lang ako sa tanong niya...
“so, smile nalang pala ang makukuha kong sagot?
.... di ka parin nagbabago Jeff Reyes.. Tsk.” Pagrereklamo nya.
Humiga ako ng malalim.
“He has a boyfriend now” sabi ko sakanya..
Nagulat siya sa sinabi ko..at hinampas nya ako...
“a-aray..”
“ikaw , ang torpe mo parin.... ang bagal mo kasi” sabi niya
Oo, gusto ko na si Aki, matagal na..hindi lang ako nagpapahalata...
natatakot kasi ako noon...
at hangang ngayon naman, ayoko kasing isugal kung anu ang meron kami .
“I give up” sabi ko.
“bakit ka maggigive up... wala ka pa namang nasisimulan , tsaka boyfriend palang yan...tsss, di pa asawa..hello?” sabi nya..
Pero tama naman siya, wala pa akong nasisimulan...
“you’re right, pero--- “ kinut nya ang linya ko.. mga babae talaga ang hilig magcut ng linya
“pero, torpe ka na naman .... the last time you email me, di mo finollow yung suggestions ko, “
Huminga siya ng malalim
“If you won’t tell Aki, what you feel. ..I will” sabi niya tapos nagsmirk lang siya.
“subukan mo lang...” kalma kong sabi lang.. Tapos ininom ko na ang frappe ko.
But I know her, she means what she said... and besides, she gets what she wants...
“Jeff!!!”
Napatingin ako dun sa sumigaw ...
“shit” napacurse tuloy ako..
It’s Aki with Kuya Jiro na nasa likuran niya,
Wrong timing....
Lumapit sila samen, at naupo si Aki sa may table namin, di nya ata napansin na may kasama ako....
“uyy, bat asent ka kahapon, tapos ang dayadaya mo, iniwan mo ko sa may back gate nung isang araw.... ---ayy sorry, may kasama ka pala...
Hello po ..” sabi niya at nginitian nya si faye...
“babes, ako na magoorder ha” sabi ni kuya sakanya
“babesin mo mukha mo.... Aki nga kasi ang pangalan ko, hindi babes..shoo” sabi niya kay kuya...
Natawa lang si kuya, at umalis na siya para magorder...
“so, you’re Aki pala” sabi ni faye habang nakangiti..
At alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngiting yan....
“oo, hehe...” sabi ni Aki
“I’m faye , Jeff’s f----“
“my girlfriend” sabi ko...
“what?!” sabi ni faye..halatang gulat na gulat siya..
I have no choice but to lie, for me to save myself...
“I-it’s not true Aki, Im just his friend, because he is in love with y----- ”
Di ko na pinatapos ang sinabi nya dahil hinalikan ko siya...
I have to shut up her mouth, bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin...
“faye, wag ka ng magdeny... bagay naman kayo ni tol” masayang sabi ni Aki.
Natulala si Faye sa ginawa ko...
Dumating na si Jiro sa table namin,
“babe tara na baka malamig na tong kape ni mama pagkarating natin sainyo”
“che, kelan mo pa nagging mama ang mama ko?” sabi ni Aki
“nung naging tayo” sabi naman ni Kuya
Tinignan lang siya ni Aki ng masama,
“cge jeff una na kami, bye faye..nice meeting you” sabi ni Aki
“bye bro” sabi naman sakin ni kuya Jiro ...
At naiwan na kami ni Faye....
“bakit mo ginawa yun?” seryosong tanong niya sakin
“It’s for the good” sabi ko.
“tss, you don’t know what you did... I have to go” sabi nya
At umalis na siya...