Gangster vs. Assassin - Publi...

By XavierJohnFord

6.4M 116K 14.7K

Xavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin... More

Gangster vs. Assassin
Prologue
Chapter 1: The Black Death Assassins
Chapter 2: The Warlords Platoon
Chapter 3: The Constellate Assassins
Chapter 4: The Dragon Empire Gang
Chapter 5: The Ordinary Life
Chapter 6: The Plan of Meeting Them [Black Death Assassins & Warlords Platoon]
Chapter 7: The Meet Up
Chapter 8: The Succession Plan (Part 1)
Chapter 9: The Succession Plan (Part 2)
Chapter 10: The "Real" Masquerade Ball
Chapter 11: The Girl from the Past
Chapter 12: Kissing Bandit (Part 1)
Chapter 13: Kissing Bandit (Part 2)
Chapter 14: Two tamed Dragons
Chapter 15: Face to Face
Chapter 16: The Battle begins here (Part 1)
Chapter 17: The Battle begins here (Part 2)
Chapter 18: The Token of Death
Chapter 19: Postponed
Chapter 20: The Queen's Pendant
Chapter 21: Welcome to GVA Battle 2012
Chapter 22: Mechanics, Rules and Regulations
Chapter 23: GVA - First Day
Chapter 24: The Bonus Prize
Chapter 25: The Battle Cross (1st Match)
Chapter 26: Excretive Killers
Chapter 27: The GVA Bidding
Chapter 28: Connections
Chapter 29: Her Brother- Unfold
Chapter 30: Synthetic Decision
Chapter 31: Lady_Apocalypse
Chapter 32: Beyond Those Plan
Chapter 33: Declaration of War
Chapter 34: Pandora's Battle
Chapter 35: Touch Move
Chapter 37: Falling Stars - Part 2
Chapter 38: Execution of Plans
Chapter 39: Traitors
Chapter 40: Apollo X49 - Selena
Chapter 41: Solar and Lunar
Chapter 42: Twisted Comeback
Chapter 43: His Evil Plans
Chapter 44: The Scheduler's Plan
Chapter 45: The Final Battle
Epilogue
GVA Book Release Announcement

Chapter 36: Falling Stars - Part 1

93.3K 1.8K 307
By XavierJohnFord

"ANONG NANGYAYARI? TOTOO ba 'yon?" may halong panggigilalas na usal ni William pagkarating nila sa gang unit. Halos lahat silang lima ay tila napatulala na lamang sa kanilang nasaksihan kanina. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung tila nakapanuod ka ng isang magic show? Walang miski isa kanila ang inaasahan ang ganoong klase ng teknolohiya. Lahat sila ay sadyang hindi maka-getover sa nakita.

"I guess, all of us were in shock. A-At hindi makapaniwala sa kakaibang... hypothetical scene." Untag ni Charles nang lumulukob pa rin sa kanila ang katahimikan.

"Do you have any idea what is really happening, Xenon?" napatingin si Xavier kay Marco.

Sa totoo lang ay maging siya ay hindi makapaniwala sa nasaksihan kanina. Hindi siya makapaniwala na pupwede pa lang magkaroon ng isang special abilities ang mga simpleng deadly weapon at kalimitang sa mga pelikula lamang niya napapanuod.

"No, I don't have any idea. Maging ako 'di rin makapaniwala."

"Halos lahat naman ay gano'n ang reaksyon." Untag ni Harold.

"So, mga 'tol. Kung ang mga weapon nila ay may gano'ng klaseng special features. Ibig sabihin pati 'yung atin ay may ganoon rin? Whoah! I can't wait for our turn."

Sinamaan nila ng tingin si William.

"Oh bakit? I was just too excited kung anong klaseng special specs ang mayroon sa weapons natin. May masama ba 'dun?"

"The more powerful weapon you have, the more dangerous is at stake. You have to remember that." Xavier uttered at him.

William gave his scowled look and asked. "What do you mean by that, dude?"

"Hindi mo ba napansin ang facial expression ng mga Constellate habang nakikipaglaban sila?" tanong ni Marco.

"Facial Expression?"

"Yes, sa hilatsa pa lamang ng mukha ng tatlo ay panigurado ay nahirapan silang gamitin yung sandata nila sa lakas ng capabilities na nilalabas nito. That's the reason why madaling nanghina sina Virgo at Aquarius habang wala si Aries nung time na 'yun at naghahanap ang kapatid nila ng solusyon." Paliwanag ni Marco.

"At ang isa sa rason no'n ay hindi pa nila nila gamay ang sandata kaya madali silang nanghina?" tanong ni Charles.

"Exactly. Kahit hindi sabihin ng tatlo ay pilit nilang nilalabanan ang panghihina ng mga panahong 'yun. And I'm a hundred percent sure na ang pinakananghihina sa kanila ngayon ay walang iba kung'di si Aries." Pagpapatuloy ni Marco.

"Kailangan natin silang puntahan." Saad ni Xenon kanila ay kapagkuwa'y tumayo.

"Teka, bakit natin sila pupuntahan? Magkiki-celebrate ba tayo sa victory nila?" sinamaan muli ni apat si William. "Ano na naman!"

"We need to ask them several questions regarding sa sandatang nahawakan nila." Pagpapaliwanag ni Xenon.

Mabilis na pumunta ng Infirmary ang limang binata.

"Xenon!" tawag sa kanya ni Harold. Nilingon niya ito at nakita niyang may tinuturo ito sa kanya.

He took a glance on his wrist at doon niya nakitang lumiliwanag ang Identifier. Tiningnan niya ang screen at doon niya nakita ang mga nakasulat na...

Warlords Platoon vs. White Larynx Assassins...

Kapwa nanlalaki ang mga mata ng limang binata nang makita ang pintuan ng kwarto ng Constellate na sira at nakabagsak sa sahig.

* * *

"ARE YOU REALLY sure na okay ka lang, Ate?" tiningnan ni Aries ang kapatid na si Virgo nang magtanong ito.

"Y-Yeah, I'm o-okay." She lied.

"No, you're not." Ani Aquarius.

Pinili niyang isandal ang kanyang likod sa headboard ng kamang hinihigaan niya sa Infirmary at mariing hinahawakan ang magkabilang gilid ng kanyang suot.

Hindi s'ya okay. Kumpara sa dalawa niyang kapatid ay alam niyang mas naubusan siya ng lakas sa naging laban nila. Ni hindi niya nga lang mawari kung bakit o sadyang sanhi ito ng sandatang may kakaibang capability.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makaramdam ng kirot.

"Ate!" anas ng dalawa at dinaluhan siya.

"I'm okay. Sige na magpahinga na kayo. Alam kong nanghihina pa kayo."

"Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?"

Sinamaan niya ng tingin si Virgo. "Oo nga! Kaya kayong dalawa ay magpahinga na."

Sinunod siya ng dalawa at muling bumalik sa kanilang hinihigaan. Tiningnan niya ang mga benda ng dalawa. Pare-parehas silang nakabenda ang dalawang kamay sa kadahilanang nalapnos iyon ng sobra sa taglay na lamig ng hawakan na samurai sword.

Napatingin siya sa bintana nang sa tingin niya'y humupa na ang sakit na nararamdaman at bumuntung hininga.

"Mom, Dad. Mukhang 'di na namin matutupad ang paghihiganting nais namin sa inyo." Bulong niya sa kawalan.

"Mukhang hanggang dito na lamang kami. Tila ito na ang aming hangganan."

"Ate." Muli siyang napatingin sa dalawang kapatid na umusal ng kanyang ngalan.

Nginitian niya ang mga ito. Ngiting may bahid ng lungkot. Kapagkuwa'y tumango sa isa't isa.

"Parating na sila." Anas niya.

Pagkasabi niyang iyon ay siyang rinig nila ng tatlong beses na pagkatok sa kanilang pinto. Hindi sila sumagot bagkus ay umayos ng upo sa kani-kanilang upuan.

Bumukas ang pinto at pinakita no'n ang taong inaasahan na nilang pupunta.

"DS..." mahinang usal ni Aries.

"Aries." Saad rin ni Xyrene.

Pagkapasok ng huling myembro ng Black Death Assassins ay siyang tingin sa kanya ng mariin ng leader na pinagsisilbihan niya.

"Nakuha mo ba ang lahat ng kailangan nating malaman?" paunang tanong nito sa kanya.

Tumango siya at kinuha niya sa kanyang suot na maikling shorts ang USB na naglalaman ng tinutukoy nito. Inabot niya ito sa dalaga.

"Lahat ng detalye ay nandyan na lahat. Maging ang mga pangalang sangkot sa pagpatay sa aming magulang. Tinupad ko ang nais mo, Xyrene. Kaya tulungan mo kaming makapaghiganti sa taong pumatay sa aming mga magulang."

Muling nagbalik sa kanya ang alaala noong humingi si Xyrene ng tulong. Ito iyong araw ng Token of Death. Araw na kung saan nagpakilala siya sa unang pagkakataon bilang si DS at walang ni isang suot na maskarang magtatago sa tunay nitong mukha.

"Willing akong tulungan ka pa tungkol sa pumatay sa magulang niyo kung tutulungan mo rin ako sa gusto ko."

Napakunot noo siya sa sinaad ni Dark Scheduler at napatawa ng pagak.

"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?" tanong niya rito na may pagkamangha.

Hindi kasi siya makapaniwala na ang isa sa pinakadelikadong tao sa buong mundo ay humihingi ng tulong. Hindi kasi ito madalas nahingi ng tulong sa iba dahil alam niya ang kapasidad ng kakayahan ng babaeng nasa kanyang harapan.

Isang demonyo ang ang humihingi ng tulong sa kapwa demonyo? Sounds interesting.

"Mukha ba 'kong nagbibiro?" seryoso nitong tanong sa kanya na siyang kinaseryoso na rin niya.

Mukhang hindi maganda 'to.

Kung ganitong kaseryoso ang paghingi niya ng tulong sa kanila ay nakatitiyak siyang isang digmaan ang ilulunsad. Isang labang tatatak sa kasaysayan. And she's really capable of marking a new history.

"Paano muna ako makakasiguradong hindi mo 'ko tatraydurin, DS?"

"Walang mangtatraydor, kung walang babalimbing at manggagago. At isa pa, mangtraydor man ang isa sa atin o hindi sa labang papasukin natin ay may mamamatay at mamamatay whether you like it or not."

Tiningnan niya ang seryosong mukha ng demonyo. Tama ito. Sa larong GVA, walang makakaligtas sa karit ni kamatayan. Though nasa harapan niya si satanas ay maaari pa rin itong mamatay sa pinaplano nito kung saka-sakali. But she doubt it bigtime.

Nakita niyang humalikipkip ito. "Alam kong hindi ka tatanggi, Aries. Both of us will be benefited kung tutulungan mo 'ko. Kung 'yun e walang mangtatraydor."

Siya'y mapangisi. "Kumbinsido kang tatanggapin ko yang pakiusap mo? Nagpapatawa ka 'ata. Paano kung hindi kami pumayag?"

Nawala ang kanyang ngisi nang ang demonyong kanyang nasa harapan naman ang ngumisi at naglabas ng patalim.

Naalerto silang tatlo.

"Alam kong alam niyong tatlo na kahit ganitong kaliit na patalim ay kaya ko kayong patayin, 'di ba? Dito mismo. Sa lugar na walang nakakakita."

Napalunok silang tatlo ng mariin. Hindi dahil sa takot kung'di dahil nag-aalala sila kung sakaling bigla itong susugod.

Totoo rin ang sinabi nito. Hindi naman sa pangliliit sa kanilang kakayahan ay talagang wala silang laban sa babaeng ito. Kumpara sa abilidad nilang tatlo na pinagsama ay walang wala ito sa kakayahan ni DS. She's a monster in the making... no she's really a monster.

"Ano ba ang ipapagawa mo?"

"Gusto kong kayo ang maging mata ko sa loob ng GVA private areas. Sa offices, sa operations. Kunin niyo ang lahat ng mga mahahalagang papeles na maaaring makatulong sa'kin. Sa galing niyo sa pagtatago at sa kakayahang hindi kaagad mahuhuli ng mga kawani ang dahilan kung bakit ko sa inyo ito pinapagawa. Walang mintis ang galing niyo sa ganyang bagay that even the security ay nagagawa niyong lusutan nang hindi nakikilala."

"Should I be proud dahil mula sa'yo ang papuring 'yan?" tanong niya nang nakangisi.

"Well, it's up to you. Ano kaya niyo ba? Kung hindi ipapagawa ko sa iba."

Nagkatinginan silang tatlo at kapwa nagsitanguhan.

"Don't worry, sa kooperasyon niyo ay nakakasigurado akong mahahanap niyo rin doon ang mga katanungang hinahanap niyo."

Napabuntung hininga ng malalim si Aries bago nagwikang...

"Count us in."

Inabot ni Xyrene ang USB-ing bigay ni Aries. "Makakaasa ka."

"Xyrene..." untag niya nang tumalikod na ito at akmang lilisan na.

Lumingon sa kanya ang dalaga.

"May isa lamang akong katanungan sa'yo."

Napatuon sa kanya ang tingin ng dalaga. "Ano 'yon?"

Suminghap muna siya bago muling nagsalita.

"Sa ginawa naming pagsisiyasat. May nalaman akong konektado sa buhay mo..."

She saw how does her lips twisted a bit because of her topic.

"Bakit mo sinisisi ang ama ni Xavier sa pagkamatay ng mga magulang mong sina Ariesa Gustave at Lord Javier Gustave?"

Nakita niya kung paanong nanlaki ang mga mata nito ngunit panandalian lamang iyon at tumingin sa bintanang katabi niya.

"Kinakailangan ko ng paghuhugutan ng galit, Aries. Kailangan kong patibayin ang dingding na ginawa ko para sa paghihiganting gagawin ko. Sa pagbalik ng alaala ko. May mga bagay na nagbago... mga planong dapat 'di natuloy, at... mga taong hindi dapat nadamay sa galit ko."

Napatutulala siya saglit sa tinuran ni Xyrene. Siya lang ba o sadyang nakita niya ang pagguhit ng kalungkutan sa mga malalamlam nitong mata? Namamalikmata lang ba siya?

"Nung oras na bumalik noon ang alaala ko. Nagising ako sa isang katotohanang papatay ako ng maling tao. At iyon ay si Howie Villareal, Aries," nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito. "Lahat ng nasa paligid ko niloko ako ng mga panahong nawala ang alaala ko. Lahat tinraydor ako."

Tiningnan siya ni Xyrene.

"Bukod sa mga kagrupo ko, kayong tatlo na lamang ang pinagkakatiwalaan ko. Hindi dahil ginawa mo ang gusto ko kundi dahil alam kong hindi mo gagawin ang ginawang nilang panloloko."

Natahimik siya ng ilang saglit.

"Hindi kita maintindihan, Xyrene. Sino ba ang mga nanloko sayo at ano yung dahilan kung bakit ka nila niloko?"

"Mas mabuting 'wag mo nang alamin pa."

"Pero--"

"Constellates... may isa pa 'kong hihilingin sa inyo."

Napatuon silang tatlo kay Xyrene.

"Ang dahilan kung bakit pinatay ang mga magulang ninyo ay dahil tinraydor nila ang Grand Royale Assassins. And I bet you knew about these."

Tumango si Aries.

"Leandro Hidalgo. The Chief Death Commander. Siya ang nagpapatay hindi ba?"

Muling tumango si Aries at napakuyom ng kamao.

"Sige. Akong bahala sa kanya," napaangat siya ng tingin kay Xyrene. "Basta't gawin mo ang nais kong gawin mo."

"A-Ano 'yun?" nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba.

"Protektahan mo si Xenon."

She was shocked. Teka, bakit?

"Bakit pa? Kaya niya ang sarili niya--"

"Basta. You need to protect him. Kahit na anong mangyari naintindihan niyo?"

"Pero bakit--?"

Huminga muna ng malalim si Xyrene bago nagpatuloy.

"Kailangan ko nang umalis... wala nang oras."

"Teka--!" hiyaw nilang tatlo ngunit nakalabas na ang dalaga at iniwanan sila ng may katanungan.

"Bakit kaya niya gustong protektahan natin si Xenon?" tanong ni Aquarius.

"Wala akong ideya." Sagot ni Virgo.

"Miski ako. 'Di na alam ang mga nangyayari."

Ilang minuto ang nagdaan nang bigla silang nagulat sa lakas ng lagabog sa pintuan ng kwarto.

Naalerto silang tatlo.

Nang tuluyan nang bumagsak ang pintuan ay inilabas noon ang limang taong hindi nila inaasahang papasok.

"White Larynx?" tanong ni Aries na may panggigilalas.

Nginisian sila ni Kasiragi.

"The gate from hell is open and I will be your entrance ticket."

* * *

"MAY NAKUHA KA na bang lead?" tanong ni Blare sa kagrupo nitong si Jerkew. Ito kasi ang kanyang inutusang maghanap ng impormasyon sa anak ni Frontier.

"Mayroon."

Blare turned his head on him. "Ano ang nakalap mo?"

"Maaaring si Xavier ang anak ni Frontier."

Napakunot noo siya sa balita ni Jerkew.

"Iyan ba ang narinig mo sa Death Keepers?" tanong niya rito.

Tumango bilang pag sang-ayon si Jerkew.

"Inutusan kasi nung pinuno ng Death Keepers  na si Aries na kailangan nitong bantayan si Xenon. Walang sinabing dahilan pero iginiit pa rin na kailangan nilang gawin ang utos nung babaeng 'yun."

Rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha. Kung susuriin mo nga naman ang ginawang utos nung Schedulist na 'yon sa mga Constellate ay masasabi mo talagang kataka taka iyon. Malakas si Xenon. Masakit man aminin ngunit mas malakas talaga sa kanya ang binata. Kaya hindi mo maiintindihan kung bakit kailangan itong bantayan, to think na babae pa ang magbabantay.

"Nakinig ka bang mabuti sa usapan nila?" tanong niya kay Jerkew na siya nitong kinatango.

"Oy, pare, kamusta na kayo nung black american na babaeng member ng White Larynx? Musta ang sex life sa kanya? Lintik ka rin e, talagang kinama mo siya para lang malaman ang mga nalalaman no'n bilang espiya ng Death Keepers ah." Anas ni Bliss.

Ngumisi lang si Jerkew saka sumagot. "Gamitan lang 'yan tol. Malibog rin 'yung babae e at madaling mauto."

Hindi nakikinig ng usapan si Blare sa kanila. Nakahawak siya sa kanyang baba at tila malalim ang kanyang iniisip ukol sa ulat sa kanya ni Jerkew.

Hindi nga kaya ito ang anak ni Frontier? Pero paanong ito ang naging anak? Nakakapaghinala. Nakakapagtaka.

"Nakakaloko naman 'yan tol." Utas ni Jackass na kasalukuyang nainom ng tsaa sa may veranda ng unit.

"Sinabi mo pa." Magkasabay na utas ng magkambal na Bliss at Breass.

Napatawa siya ng pagak. Sino nga naman ba kasi ang mag-aakala na maaaring si Xavier ang anak ni Frontier. Akalain mo 'yun? Ang mortal niyang kaaway ay maaaring anak ng pinakamakapangyarihang Assassin?

"Breass, Bliss. Subaybayan niyo ang bawat galaw ni Xenon." Utos niya sa kambal.

Nagkatinginan ang dalawang kambal bago muling tumingin sa kanya ng sabay.

"Bakit kami?" magkasabay na tanong nito sa kanya.

Mabilis s'yang kumuha ng unan sa sofa at binato sa dalawa. "'Wag na kayong magreklamo mga gago!"

"Pero, Blare, pare. Paano na ang paghahanap sa pumatay sa kapatid mo--?"

Sinamaan na niya ng tingin si Jerkew. "Sabi ko nga tatahimik na 'ko."

Napabuntung-hininga siya kapagkuwa'y nagsalita. "Kailangan muna nating makuha ang Bonus Prize bago ko pagtuunan ng pansin ang paghahanap sa putanginang iyon."

* * *

"BAKIT GUSTONG IPABANTAY sa inyo ng Death Keepers si Xenon!" tanong ni Kasiragi kay Aries habang hawak nito ang leeg ng dalaga.

"H-Hindi k-ko rin a-alam." Nahihirapang utas ni Aries sa binata.

Naramdaman ng dalaga na mas humigpit ang pagkakasakal ni Kasiragi sa kanya.

"Si Xenon ba ang anak ni Frontier?!"

Kahit na sakal siya ni Kasiragi ay hindi niya napigilan ang hindi manlaki ng mata sa tanong ng binata sa kanya.

Iyon nga kaya ang dahilan? Kung bakit pinapabantayan ni Xyrene sa kanila si Xenon? Dahil ito ang anak ni Frontier? Bakit hindi pumasok sa utak niya iyon kanina?

"Sumagot ka!"

"H-Hindi... k-ko a-alam!" sagot niya rito.

Mas naramdaman niyang tila itotodo na ni Kasiragi ang pananakal sa kanya at tutuluyan na siya.

"Aries!" hiyaw ng dalawa niyang kapatid.

"Nakinig ka sa usapan namin kanina hindi ba?!" bulanghit ni Virgo na kinatingin sa kanya ni Kasiragi.

Hindi makakilos ng ayos si Virgo dahil sa lalaking hawak siya.

"Kung nakinig ka ngang mabuti, may narinig ka bang sagot kay Xyrene nang tinanong rin siya ni Aries kung bakit namin kailangang protektahan si Xenon?!"

"Oo nga. Gamitin mo 'yang utak mo! Paano namin masasagot ang tanong mong hindi naman namin alam ang sagot dahil hindi sinabi ang dahilan-- ugh!" daing ni Aquarius dahil matapos magsalita ay hinigpitan ng black american ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Manahimik ka!" sigaw ng black american girl sa tainga ni Aquarius.

"Aray! Sakit ah!" daing niya rito.

"B-Bitawan... m-mo... a-ako!" napatingin pabalik si Kasiragi kay Aries. Nagtagis ang kanyang bagang dahil may punto ang sinabi ng dalawang kapatid nitong hawak niya.

"Kung wala akong makukuhang impormasyon sa'yo ay mas mabuting patayin na lang kita!" hiyaw nito at mas tinodo na ang pagsakal kay Aries.

Ngunit may bagay ang biglang tumarak sa kaliwang braso niya.

"Ugh!" napatingin siya sa direksyon kung saan nanggaling ang maliit na kutsilyong pang-ospital na tumarak sa kanya.

Dahan dahan niyang binunot sa kanyang braso ang patalim na ngayo'y dugong dugo na.

"Hindi dapat sinasaktan ng mga lalaki ang mga babae, pare. Lalong lalo na pag pisikal." Nagtagis ang kanyang bagang nang makita si Xenon. Nakalagay ang isang braso sa bulsa habang pinaglalaruan ng isa nitong kamay ang isa na namang maliit na patalim.

"Kasiragi! Ang Identifier!" mabilis siyang napatingin sa braso niya at nakitang nagliliwanag ang suot nitong Identifier. He turned his head to Xenon at doon niyang nakumpirmang sila ang maglalaban dahil sa suot gauntlet na suot na ng lider ng Warlords.

Dalawang laban sa loob ng isang araw? Anong kagaguhan na naman ni Emmanuel ito?

Ano kaya ang armas nila?

Napangisi siya sa excitement na nararamdaman. Kung saka-sakali pala kung totoo man ang kanyang iniisip, makakalaban niya pala ang anak ni Frontier. Pero pota, kailangan niyang makasiguradong ito ang sagot na hinahanap niya. Ang sagot sa Bonus Prize.

Mabilis siyang napabalikwas patalikod nang maramdaman niyang binato na ni Xenon ang hawak nitong patalim.

Mas mabilis na s'ya ngayon. Tss.

Lumabas silang apat sa bintana ng Infirmary. Kailangan na niyang mabuksan ang weapon code nila.

Let's kill each other beybi!

* * *

NAGKATINGINAN ANG LIMANG Warlords bago napagpasyahang sundan na ang kanilang kalaban. Unang lumabas sina William, Harold, at Charles. Habang silang dalawa ni Marco ay inalalayan ang Constellate.

"Xenon..." napatingin si Xenon sa mukha ni Aries nang hawakan nito ang kanyang braso nang mailapag na ito sa hinihigaan nila kanina.

"Kahit na anong mangyari... 'wag kang mamamatay." Napakunot noo siya sa sinabi nito.

"Nangako ako kay Xyrene..." hindi na niya ito pinatapos at nagsalita.

"Kung ako sa'yo, 'wag mong pagkatiwalaan ang babaeng iyon, Aries--"

"Hindi, Xenon. Makinig ka... may gagawing masama si Xyrene mamayang gabi. 'Wag kang mamamatay sa laban niyo ng WLA at tulungan mo siya mamaya."

"At bakit ko siya tutulungan?!"

"Dahil--"

"Dahil ano? S'ya ang dahilan, Aries. Kung bakit naging ganito ako ngayon. Kung bakit naging Assassin ako at napasok sa ganitong laro ta's sasabihin mong tulungan ko s'ya sa kung anong kagaguhang gagawin niya?"

"Xenon! Ikaw ang papatay sa kanya hindi ba?! Paano mo siya mapapatay ng personal kung mapapatay siya sa gagawin niya mamaya? Paano mo makakamit ang hustisyang hanap mo, huh?!"

Napatigil siya saglit sa sinambit ni Aries. May katwiran ito. Sa kamay niya dapat mamamatay ang dalaga at hindi kung sino lang. Kailangan siya.

Pero, Xenon. Magagawa mo nga kaya siyang mapatay?

Ipinilig niya ang kanyang ulo sa ganoong klaseng tanong. Oo, kaya niya. Kaya niya itong patayin.

Napabuntung-hininga siya at kapagkuwa'y tumango.

"Sige..."

"At pasabi sa kanyang patawad. Dahil hindi ko na magagawa ang hiling niya sa'kin."

Saglit niya itong pinagmasdan. Bakit tila may laman ang sinabi nito? Ang habilin nito?

"Tara na, Xenon. Umandar na ang five minute rule battle sa gauntlet mo! Nakuha na nila ang sandata nila! Bilisan mo!"

Iwinaksi na lamang niya ang nakita niya sa mga mata ni Aries at mabilis na pinuntahan ang kanyang mga kagrupo. Shit!

4:40 minutes...

* * *

"HOW DARE YOU to use, Frontier's discovery and invention in this kind of battle, Emmanuel?!" singhal ni Selena nang walang pasubali itong pumasok sa conference room na kasalukuyang pinanunuod ng mga nasa loob ang nagaganap na laban sa pagitan ng Warlords at WLA.

Mabilis siyang hinarangan ng dalawang bouncer ngunit mas mabilis niyang binayagan ang dalawa sabay pinihit ang mga braso na siyang dahilan upang madapa ang mga ito sa lupa.

"Whoah whoah! Chill out, Selena."

"'Wag mo 'kong machill out chill out dahil wala sa usapan natin 'to!"

"Wala ba? Bakit nakalimutan ko?"

Nagtagis na ang kanyang bagang at mabilis na nilapit ang kanyang mukha kay Emmanuel habang nakatukod ang isang kamay niya sa lamesa.

"Hindi mo pa alam kung paano ako kumilos, Emmanuel. 'Wag mong hilinging sagarin ang pasensya ko dahil 'di mo 'yon magugustuhan."

Hindi na siya nagulat nang hawakan nito ang kanyang panga ng sobrang higpit. Nasasaktan siya ngunit mas pinili niyang pigilan iyon kesa makita nitong talagang masakit ang ginagawa nito sa kanya. Tinapangan pa lalo niya ang kanyang mukha.

"Wala kang karapatang pagbantaan ako ng ganyan, Selena. Kung ayaw mong--"

"Ano? Ang mapatay sa mga kamay mo? Bakit? Tingin mo kakayanin mo? Kaya mong patayin ako?"

Nakangisi na siya nang makitang biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito sa sinabi niya.

Tinabig niya ang kamay nito na nakahawak pa rin sa baba niya kapagkuwa'y humalukipkip. Wala na siyang pakialam sa ibang taong nanunuod sa kanila dahil simula palang ay alam na nila ang namagitan sa kanilang dalawa.

"See? Hindi mo kaya... My dear EX-Husband."

Tiningnan siya ni Emmanuel na may panlilisik na mata.

"You're just one of my exes."

"But you're still inlove with me. Mas mahal mo 'ko kesa sa ina ng anak mong si Cindy."

"Shut up."

"At bakit ako tatahimik? Iyon ang totoo hindi ba?"

"Shut up!"

"No. Kawawang asawa. Pinakasalan ka pero hindi mo naman mahal--"

"I SAID SHUT UP!!!"

Napatigil na siya dahil sa pagsigaw nito.

"'Wag mo rin sagarin ang pasensya ko, Selena. Baka magulat ka nalang na hindi ka na humihinga."

Hindi na niya nagawang magsalita pa. Actually, sapat na sa kanya ang maasar ito bilang bawe naman sa mga panahon siya ang binubuwisit ng lalaking ito.

"'Di mo 'ko mapapatay ng gano'n gano'n lang."

"At bakit? Dahil ikaw ang kauna-unahang estudyante ni Frontier? 'Wag mo 'kong patawanin, Selena. You're just nothing but a weak girl like you've always been before."

Napakuyom siya ng kamao. Kahit kailan talaga ay nakakahanap ito ng ibabato sa kanya at naiinis siya dahil lahat ng sinabi nito ay tama.

"Don't underestimate a Villareal, Emmanuel. Don't you dare."

Iyon na at muli umalis na siya sa lugar na iyon.

Kailangan na niyang makausap ang anak ni Frontier. Hindi maaaring matuloy ang binabalak ni Emmanuel sa paggamit ng natuklasang enerhiya ni Frontier nung nabubuhay pa ito gamit ang mga bato mula sa nahulog na Meteorite noong unang panahon. Ngunit kailangan niyang mag-ingat. Kailangan niyang protektahan ang anak ni Frontier dahil nasa kanya ang susi upang mas mailabas pa ang kakayanan ng meteorite. Dahil si Frontier mismo ang nagbaon no'n sa anak niya. Ang missing link sa formula ng meteorite energy.

"Leandro. Maghanda ka. May bibisita sa'yo mamaya."

Huli niyang rinig bago maisara ang pintuan na siyang kinatigil niya.

.

.

.

Nalintikan na!

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 182K 92
[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko...
158K 7.2K 37
[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!] Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo The search for the Queen of Death has been the major goal of Ev...
20.1M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.