Love Me, Hate Me

By shinkumi

1.5M 22.2K 1.7K

Gio Andrei Dela Vega changes his partner like how he changes his clothes. Yet it is a wonder for Lian Isabell... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 8

39.4K 833 67
By shinkumi

Chapter 8

Like a Date

I didn't expect that I'll enjoy the ride going to the mall. I blasted all the Mayday Parade songs while on our way and Gio didn't complain. Finally, something we have in common. Sino'ng mag-aakala na pareho kami ng band na gusto? Siguro pareho kaming masokista dahil karamihan sa trip naming kanta ng Mayday Parade ay puro pang-broken na talagang tatagos ang bawat lyrics sa puso mo.

"What's your most favorite song of them?" tanong ko habang pinapakinggan ang kanta nilang Satellite sa latest album nilang Sunnyland.

"I don't know," sagot niya. "I love listening to it all."

Napangiti ako. "Same." I hummed. "But if I'd pick what's the most painful it's probably Terrible Things."

Tumango siya. "I agree."

Nice! Isa na namang bagay na pareho kaming agree! Nakakapanibago lang na hindi kami nagbabangayan ngayon. Mabuti na rin 'to dahil gusto kong i-enjoy ang pakikinig ng mga kanta ng Mayday Parade.

Maya-maya'y nakarating na kami sa mall. Hindi siya magsisisi na sa 'kin siya lumapit para maghanap ng ireregalo para sa kapatid niya dahil mahilig akong mag-shopping. Sanay na sanay rin akong mamili ng regalo dahil sa tatlong bruha na palagi kong nireregaluhan kapag birthday nila o kaya tuwing pasko. Only child man ako, para na rin akong may kapatid at tatlo pa. Hindi lang 'yon, dumagdag pa ang basketball team.

"Saan ba mahilig ang kapatid mo?" tanong ko habang naglalakad kami.

Kapansin-pansin naman na bawat madaanan naming kababaehan ay napapalingon dahil sa kaniya. Siya na! Siya na ang guwapo!

"I don't really know," sagot niya. "I guess she likes putting on make-up and dressing up."

I clapped my hands. "How about we pick some clothes for her?"

Bigla akong napaisip. Wait, clothes are something she could buy on her own.

"Nevermind, 'wag na pala damit."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Luminga-linga ako sa mga stores baka sakaling makakita ako ng puwedeng iregalo. Clothes are out of the choices. How about make-up? But it's something she could buy on her own too. It's her birthday so we have to buy something that's not common but something she'll definitely love. 

"What's her hobbies aside from shopping for clothes and make-up?"

Kumunot ang noo niya. Bahagya pang nakanguso ang kaniyang labi habang nag-iisip.

"Writing journals? She keeps buying notebooks but she's not using all of it. Naka-display lang sa kwarto niya."

Nakaisip ako kaagad nang magandang idea. "How about we buy a journal for her? It's common pero lagyan natin ng pictures niyong dalawa."

He frowned. "Hindi ba ang baduy?"

Sinuntok ko ang braso niya. "Anong baduy? Hindi kaya! Kung sa 'yo baduy 'yon, para sa sister mo hindi!" Magkakaroon ng sentimental value 'yon lalo pa't manggagaling sa kuya niya. Pumasok kami sa bookstore. "Kailangan nating magpa-print ng mga pictures niyo simula noong mga bata pa kayo hanggang pictures niyo ngayon."

Pumili ako ng magandang quality na journal. Kulay pink ito. Kumuha rin ako ng ilang pang-design para rito. Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay dumeretso na kami sa counter.

He fished out his wallet from his pocket and paid for it all. Sunod naman naming pinuntahan ang printing shop. Ipina-send ko thru Bluetooth ang mga pictures nila ng kapatid niya para ma-i-print ng staff.

"What will you gonna do with the pictures?" tanong niya habang naghihintay kami.

"Well, I have to stick it on the journal and put some designs," sagot ko. "You should write a message to her too."

Sinimangutan niya ako. "That's so cheesy."

"Ito naman! Isang beses lang sa isang taon magbi-birthday ang kapatid mo, hindi mo pa mapagbigyan. Teka, ilang taon na nga ba siya?"

"It's her 18th birthday."

"What?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Eh, 'di bongga dapat 'yung celebration dahil debut niya atsaka dapat mas bongga rin 'yung binili natin!"

Ipinamulsa niya ang kaniyang mga kamay. "She doesn't want one," aniya. "She's not the type to like social gatherings."

"Gano'n?" Kung gano'n naman pala, puwede na 'yung nabili ko. Humarap ako sa counter nang makita kong dala na ng babae ang isang maliit na brown envelope kung sa'n nakalagay ang mga pina-print naming pictures. "Thank you."

Kinuha niya mula sa 'king kamay ang envelope at inilagay sa malaking paper bag na pinaglalagyan ng pinamili namin kanina sa bookstore. 

For some reason, this looks like...a date.

Teka, ano ba 'tong iniisip ko?!

Iniiling ko ang aking ulo para maalis sa isip ko 'yon.

"Do you want to eat?" Tumingin siya sa kaniyang orasan. "It's time for lunch. I don't want an answer like bahala ka or kahit saan. You pick."

Napanguso ako. Naunahan na niya ako kaagad. Kaya naman gano'n ang isinagot ko sa kanila kahapon dahil ok lang naman talaga sa 'kin kung anoman ang i-order nila. Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Sa tuwing lumalabas kaming apat na magkakaibigan, palaging sila ang pinapapili ko ng kakainan. Kahit anong piliin nilang restaurant or fast food chain, gora lang ako.

Itinuro ko ang pinakamalapit na fast food chain sa 'min. Hindi naman siya umalma at nagsimula nang maglakad patungo roon. Dumeretso siya sa counter at ako naman ay naghanap ng mauupuan.

Humalumbaba ako sa lamesa habang pinapanood siyang pumila. 

Imagine Gio Andrei Dela Vega as you boyfriend and he'll order for you like that. Is this how he treats his girlfriends? With his height, body built and a dashing face, who won't fall in love?

Probably me.

I'm not into looks. Personality comes first. Kumbaga bonus na kung talagang guwapo. Si Gio kasi guwapo nga pero babaero naman. Hindi nagseseryoso sa mga babae. Ginagawa silang laruan na basta na lang isinasantabi kapag sawa na siya.

Kaysa titigan siya habang umo-order, inilabas ko ang journal. Dito na lang ako magde-design para maiuwi na niya kaagad mamaya.

I won't do much. Ididikit ko lang ang mga pictures nilang dalawa at lalagyan ng kaunting design. Magde-design din ako ng isang page para sa message ni Gio.

Inilapag ko sa lamesa ang mga pictures. Napangiti na lang ako nang makita ang pictures ni Gio na kasama ang kapatid niya. Mukha na siyang suplado dahil sa singkit niyang mga mata. Ang kapatid naman niya ay sobrang cute. Lahat ng pictures ni Gio ay kundi nakasimangot ay naka-poker face naman. Bata pa lang master na ng poker face.

"You're doing that here?" tanong niya habang may hawak na tray.

Inilapag niya 'yon sa kadikit na table.

"Para maiuwi mo na mamaya."

"Sa isang araw pa naman ang birthday niya."

Sinimulan ko na ang pagdidikit ng mga pictures. Sampung pictures lang naman ang pina-print namin. Nang maidikit ko ito ay iniipit ko muna ang mga pangdesign sa journal at inilagay sa kabilang table.

Muli niyang binuhat ang tray at inilagay sa table namin.

Tiningnan ko ang in-order niya. Bumili siya ng two-piece chicken with rice, chocolate sundae, soda at cheeseburger. Tig-isa kaming order.

"Can you eat all these?" tanong niya. "I just noticed yesterday that you eat a lot."

Bigla naman akong nahiya. Napansin niya pa talaga ang ginawa kong pagkain kahapon? Nakailang slices yata ako ng pizza at nagawa ko pang kumain ng burger. Nakakahiya!

Tumango ako at nagsimula nang kumain. Nakakapagtaka lang talaga na hindi kami nag-aaway. Wala akong nararamdamang inis mula sa kaniya. Simula kasi no'ng magkita kami, palagi siyang nakatingin sa 'kin nang masama. Siguro ay nagbago na ang impression niya sa 'kin.

Nag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi ko sinadyang mapatingin pero pangalan iyon ng babae.

Kumunot ang kaniyang noo. "What do you want?"

Hindi ba uso ang hello sa kaniya?

"I don't like you." Ibinaba na niya ang tawag. Muli niyang inilapag ang kaniyang cellphone sa lamesa. Ipinagpatuloy niya ang pagkain.

"Sino 'yon? Nag-confess sa 'yo?"

Umirap siya sa kawalan. "Yes."

"Alam mo, ang hindi ko lang talaga maintindihan, lapit sila nang lapit sa 'yo kahit ang sama ng ugali mo. Hindi lang 'yon, ang dami mo na ring na-reject." Pinrangka ko na siya. Hindi ako 'yung tipong i-sugarcoat pa ang mga salita.

He looked offended. "They're the one confessing. It's not my fault if I don't like them. What do you want me to do? Accept all of them?"

Ngumuso ako. "Eh, paano naman 'yung mga nagiging girlfriend mo pero wala pang isang lingo ay hinihiwalayan mo na?"

Uminom siya ng soda bago sumagot. "Sometimes it's fun but most of the time it's annoying."

"You're having fun while breaking people's hearts. Why? Because you're bored? Because you want to make them feel what you've felt before? Or because you're just an a**hole?"

Seryoso siyang tumingin sa 'kin. He suddenly leaned in until our face were just inches apart. "Mind your own business."

Saglit akong hindi nakahinga dahil sa lapit ng mukha niya sa 'kin. Hindi na ako nakapagsalita pa at ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay ipinagpatuloy ko na ang pagde-design. Hindi naman ako nagtagal. Iniabot ko sa kaniya ang journal.

"Sulatan mo ng message mo sa kaniya 'yung pang-eleven na page."

Kinuha niya mula sa 'kin ang journal. "Thanks."

Lumakad na kami papunta sa exit ng mall ngunit nang makarating kami sa labas ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. May dala akong sling bag pero wala akong dalang payong. Ang sama naman ng timing ng ulan na 'to!

"Akin na muna 'yan." Kinuha ko ang journal mula sa kaniyang kamay at inilagay ko ito sa loob ng aking bag.

Malayo-layo pa ang pinag-parking-an niya ng sasakyan kaya wala kaming choice kundi ang takbuhin papunta roon.

"Ah, shit," aniya.

Hinawakan niya ako sa braso at sabay kaming tumakbo sa ulan patungo sa kaniyang kotse. Nang makarating kami sa loob ay basang-basa na kami pareho. Kaagad kong tiningnan ang aking bag at nakahinga ako nang maluwag nang hindi ito pinasok ng tubig.

Damn, basang-basa na ako. Ang bilis ko pa namang magkasakit kapag nababasa ako ng ulan.

"Want the AC off?" tanong niya nang paandarin niya ang kaniyang kotse.

I just nodded because I started shivering when he ignited the engine. Awtomatikong nabuhay ang aircon at sa 'kin pa nakatutok. Mabuti na lang pinatay na niya kaagad.

Pagkarating sa highway ay na-stuck pa kami sa traffic. Bakit kaya sa tuwing umuulan palaging traffic? Dahil ba mababa ang visibility?

Habang nakatingin sa labas ng bintana ay unti-unting bumabagsak ang talukap ng aking mga mata. Baka may nagkabanggaan kaya traffic. Matutulog muna ako.

"Alam niyong lahat?" Nanginig ang aking mga kamay. Kung hindi ako nakahawak sa bench ay baka kanina pa ako napaupo sa sahig ng gym. Halos wala akong makita dahil sa luhang pumapatak mula sa 'king mga mata. "Alam niyong niloloko niya ako pero walang nagsabi sa 'kin? Alam niyong katabi ko lang palagi ang babae niya pero wala kayong ginawa?"

Tiningnan ko sila isa-isa. Pinagkatiwalaan ko sila. Itinuring ko silang tunay na mga kaibigan. Halos napabayaan ko na ang aking pag-aaral masuportahan lang sila sa mga laro nila. Buong mundo ko ay pinaikot ko kay Paul. Maging sila ay isinama ko sa inikutan ko. Saan ako nagkulang? Paano nila nagawang lokohin ako?

Sinubukan ni Erwin na hawakan ang aking braso ngunit lumayo ako sa kaniya.

"Lian, I'm sorry," aniya. "Kahit ano'ng mangyari, na kay Paul ang loyalty namin. Wala kaming magagawa kung may iba siyang mahal."

"Pero hindi niya ako kailangang lokohin! Pinagsabay niya kami! Niloko nila ako!" Hindi ko na mapigilan pang mapahagulhol. Parang may nakadagang bato sa 'king dibdib sa sobrang sikip at sakit nito. "Alam nilang pareho kung gaano ko kamahal si Paul pero paano nila nagawa sa 'kin 'to? Sabihin niyo sa 'kin, bakit?"

Napaupo ako sa sahig. Wala na akong pakealam kung magmukha akong tanga sa pag-iyak. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang mamatay.

"Sana..."–kinuyom ko ang aking mga kamao–"Sana sinabi na lang niya sa 'kin na ayaw na niya. Sana hindi na lang niya ako pinagmukhang tanga."

"Lian," Nakadinig ako ng isang pamilyar na boses. "Lian! Damn, she's burning up!"

I sobbed and grabbed the hem of his shirt before he could walk away. "Why did you do that?"

"What?" tanong niya. "Hey, why are you crying?"

His face was blurry but I could hear the worry from his voice. Is this Paul? "Don't leave me again," I started crying. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng kaniyang damit. "Please, kahit ngayon lang, ako naman ang piliin mo."

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang aking kamay. "Alright," aniya.

I sob escaped my lips again. Sumabay pa sa sakit ng aking puso ang sakit ng aking ulo. Idagdag pa na ang bigat ng aking mga mata dahil sa pag-iyak ko.

"Thank you." I closed my eyes. "Thank you, Paul."

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
850K 32.4K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
7.6M 200K 39
She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mother's friend together with her two daughte...