Love Me, Hate Me

By shinkumi

1.5M 22.2K 1.7K

Gio Andrei Dela Vega changes his partner like how he changes his clothes. Yet it is a wonder for Lian Isabell... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 6

42K 913 40
By shinkumi

Chapter 6

The Deal

The fourth quarter is like the main part of the game. This is where they decide who will win and who will lose. Humigpit ang hawak ko sa towel. Habang tumatagal mas lalong nagiging masama ang ekspresyon sa mukha ng aming team.

Paminsan-minsa'y nafa-foul ang kalaban ngunit mas madami pa rin ang hindi napapansin ng referee. They were exhausted from running, defending and offending but they were also tired from the physical abuse they were experiencing from the other team.

I signaled to the coach for a time out. There's three minutes left before the last quarter ends. Hindi ko na kayang nakikita silang nasasaktan. Kahit si Gio na may magandang pangangatawan ay parang napapagod na.

"Why?" tanong ni Gio.

I sighed exasperatedly. "You're losing." I pointed at his chest. "Why are you letting them cheat like that?"

"Hindi lang cheater sa relasyon ang captain nila, pati teammates niya cheater din sa laro," sabi ni Tamara.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"What? It's true!"

Hindi ko na lang siya pinansin at muling ibinaling ang aking atensyon kay Gio. "Do you have any plans?"

Tiningnan niya lang ako. Hinintay ko siyang sumagot ngunit natapos na ang oras pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Ayaw ring magpapalit ng iba sa mga nakabangko. Siguro'y ayaw nilang maranasan pa ng mga ito ang pamimisikal ng kalaban.

The game continued with the other team still on the lead. The time is closing to its end with a one-point difference. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan para sa kahihinatnan ng laro. Wala na akong pakealam sa deal basta't manalo lang sila.

Napatayo na kaming lahat sa bench nang segundo na lang ang natitira. Hawak ni Gio ang bola at nakadepensa sa kaniya si Erwin. He put on a defense stance and made a jab step. Erwin created a lot of space between and Gio took it as a chance to jump and throw the ball.

Nahugot ko ang aking hininga habang pinapanood ang bola na patungo sa ring. Nagmistulan itong slow motion sa 'king paningin at bumilis na muli ang oras nang may tumunog na hudyat na tapos na ang oras. Tumama ang bola sa gilid ng ring ngunit hindi ito pumasok sa loob ng net.

Bumagsak ang aking balikat. Natalo ang aming team sa puntos na 105-104 kung saan lamang ang kalaban.

Nakipagkamay sila sa kabilang team bago nagpunta sa aming bench. Bukod sa pagod ay mukha silang disappointed sa kanilang mga sarili. Napabuntong-hininga na lang ako. Inabutan ko silang muli ng tubig at towel.

Isa-isa kong ginulo-gulo ang kanilang buhok. Maging kay Gio ay hindi ko pinalampas.

"You did well," sabi ko. "I lost the deal."

Tumingala silang lahat sa 'kin.

"It's not because you lost the game, it's because the team proved to me that you can still play like that even without practice. That's what I want to see."

Napansin kong nanginig ang kanilang mga labi maliban kay Gio.

"Mabebs!" Sabay-sabay silang dumamba ng yakap sa 'kin. Ang nangyari ay natabunan ako ng labing isang higanteng lalake. Pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng mga kapatid.

"Ok na! Ok na! Hindi na ako makahinga!" Natatawang sabi ko sa kanila.

Nang humiwalay sila sa 'kin ay para silang mga tutang nagpapaawa. Muli kong ginulo-gulo ang buhok nilang lahat. Mukhang magiging habit ko na ito sa tuwing nanggigigil ako sa kanila.

"Magpahinga na kayo at mag-shower pagkatapos. Kain tayo after?"

Sumang-ayon naman silang lahat sa 'king gusto ngunit bago namin gawin 'yon ay kailangan naming magpaalam sa mga taga-St. Bernard. Humarap kami sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Mr. Go pero wala na siya rito ngayon.

"Nauna na si coach. Pasensya na raw dahil hindi na siya nakapagpaalam," sabi ni Erwin. "Nagkaroon siya ng emergency sa bahay."

"Nice game," sarkastiko kong sabi sa kaniya. "Not only you won by cheating, but you also had the face to stand in front of us now."

He smiled. "Lian, no matter what you say, we're still the winner."

As expected, his personality was still rotten to the core. I laughed. " 'Di bale, practice game pa lang naman ito. Pinagbigyan lang namin kayo dahil sa actual na laro, ni isang beses ay hindi pa kayo nanalo."

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo at umigting ang kaniyang panga. "Watch your mouth, Lian." Binigyan niya ako ng pekeng ngiti.

"You watch your mouth, Erwin." Nakipagpantayan ako ng tingin sa kaniya. "Don't act like your team is great just because you won a simple practice game. Magkita-kita na lang tayo sa finals."

Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Tinalikuran ko na sila at 'agad namang sumunod sa 'kin ang basketball team. Nang makalabas kami sa gym ay roon lumabas ang kanina pa nilang pinipigil na reaksyon.

"Grabe, Mabebs! Hindi mo na kailangan ng back-up!" sigaw ni Zen.

"Susuntukin ko na sana sa panga ang Erwin na 'yon, eh, pero mas matinding suntok ang ginawa ni Mabebs. Suntok ng mga salita!" Humagalpak ng tawa si Lloyd.

"Bakit nga pala parang magkakilala kayo?" tanong ni Erzo. "Parang ang lalim ng past niyo, ah?

" 'Wag mo nang tanungin si Lian dahil ayaw na niyang maalala." Inakbayan ako ni Tamara. " 'Di ba, Lian?"

Tumango na lang ako. Ayaw kong malaman pa nila ang nangyari dati. Isa 'yong parte ng aking nakaraan na gusting-gusto ko nang malimutan. Umuna na si Tamara sa paglalakad sa 'kin at sumabay kina Yvonne at Jelyn.

"Mabebs!" sigaw ni Zen. Sumabay siya sa paglalakad sa 'kin. "Mabebs, about do'n sa deal," bulong niya.

Nagtaas ako ng kilay. "Oh? Ano'ng meron?"

" 'Di ba ang sabi mo kapag natalo ka sa deal, susundin mo ang lahat ng gusto namin?"

Tumango ako.

Namula ang kaniyang pisngi at saglit na sumulyap sa 'ming harapan kung saan sabay-sabay na naglalakad sina Tamara, Jelyn at Yvonne. "Crush na crush ko kasi si Jelyn. Baka naman puwede mo akong ipakilala sa kaniya." Ngumuso siya.

Naramdaman ko namang may umakbay sa 'kin sa kabila. "Mabebs," pag-ungot ni Erzo. "Ako rin. Baka naman puwede mo akong ipakilala kay Tamara."

"Mabebs." Nadinig kong may umungot na namang parang tuta mula sa likod ko. "Ipakilala mo rin ako kay Yvonne," sabi naman ni Rex.

Hindi ko na napigilan pa. Humagalpak ako ng tawa dahil sa kanilang tatlo. Para silang mga tuta na nanghihingi ng atensyon. "Fine. Since I lost the deal, I'll do it."

Nagliwanag ang kanilang mga mukha dahil sa aking sinabi.

"Thank you, Mabebs!"

Napailing na lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakarating kami sa kanilang tambayan. May mga bathroom naman at mukhang may mga dala rin silang damit kaya dito na lang sila liligo.

Naiwan kaming apat na babae sa couch. Sumandal ako at bumuntong-hininga. "They're still assholes," panimula ko.

"Erwin, Aaron and Tyler?" tanong ni Tamara. Tumango lang ako. "Ano pa bang ine-expect mo? Kampon sila ng ex mong masarap durugin ang kinabukasan. Mabuti nga't wala siya roon kanina sa game dahil baka hindi ako makapagpigil. Nakahanda na 'yung taser ko para sa kaniya."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit gusto niyong manood?"

Binuksan ni Jelyn ang soda in can na nakapatong sa lamesa. "Of course! Kailangan mo ng back-up!"

"Did they try to talk to you?" tanong ni Jelyn.

Binuksan ko ang bag ng chips na nakapatong sa lamesa. Nakalagay na itong mga pagkain pagdating namin kaya hindi naman siguro sila aalma kung kainin ko. Ibabalik ko na lang sa kanila kapag nakapag-grocery na ako.

"Yup, they did," sagot ko. "Buti na lang hinarang sila ng mga loko-loko."

"Ayaw mo no'n? May labing dalawa kang tagapagtanggol," sabi ni Tamara.

Maya-maya'y nagsilabasan na ang mga loko mula sa isang kwarto. Mukhang nagsisilbi itong locker room nila. Fresh na fresh na ang itsura nila dahil mga bagong ligo na silang lahat.

"Dito na lang tayo kumain. Mag-order na lang tayo." Iwinagayway ni Adam ang kaniyang cellphone. "What do you want to eat?" tanong niya sa 'kin.

Nagkibit-balikat ako. "Kayo ang bahala."

"Guys, gusto raw kumain ni Mabebs ng kayo ang bahala. Saan tayo puwede um-order no'n?"

Binato ko siya ng throw pillow pero tinawanan niya lang ako.

Napansin kong nakatayo malapit sa 'min ang tatlong itlog na sina Rex, Zen at Erzo. Kunwari pa silang walang pakealam pero panay ang sulyap nila sa kanilang mga target. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking pagtawa.

"Guys." Kinuha ko ang atensyon ng tatlo. "Ipakilala ko nga pala sa inyo ang mga kaibigan ko."

Kaagad silang lumapit sa 'min.

"Erzo, ito nga pala si Tamara."

Ngumiti si Tamara at nakipagkamay rito. "Hi!"

"Zen, si Jelyn." Itinuro ko naman si Jelyn na busy sa pagkain. "Je, gusto ka makilala ni Zen."

Nag-angat ng tingin si Jelyn. Ngayon lang niya napansin ang tatlo. "Oh, hi!"

Tinapik ko naman ang balikat ni Yvonne. "Yvonne, si Rex nga pala."

"Hi, Yvonne." Ngumiti si Rex.

Tipid na ngumiti si Yvonne. "Hello."

Iniwan ko na silang anim para makapagkuwentuhan sila. Nilapitan ko sina Adam, Jin, Lloyd at Luis na nakaupo sa mga bean bag. Kumakain sila ng iba't-ibang klaseng chips kaya nakisali na ako. Si Gio naman ay nakaupo sa one-sitter couch malapit sa 'min at abala sa kaniyang cellphone. Ang iba naman ay naglalaro na sa arcade area.

"Seryosong-seryoso ang isang 'yon, ah?" Ngumuso ako sa direksyon ni Gio.

Adam chuckled. "Girlfriend problems," aniya.

"May girlfriend 'yan?"

"May pangalan siya, Mabebs, at Gio 'yon. Hindi siya si 'yan," natatawang sabi ni Jin.

I rolled my eyes. "So, may girlfriend pa pala 'yan?"

Napatawa na lang sila dahil sa kakulitan ko.

"Oo, bagong girlfriend, Mabebs," sagot ni Lloyd. "Pero for sure mamaya, break na ulit sila kahit wala pa silang isang linggo."

Nilagay ko sa aking hita ang isang bag ng potato chips para hindi sila makahingi. "Nangongolekta ba ng mga babae 'yang si Gio? Siguro sa isang buwan kulang pa ang sampu sa nagiging girlfriend niya. Bukod pa 'yung mga nire-reject niya."

" 'Wag mo na lang alamin, Mabebs, dahil sobrang komplikado," sagot ni Luis. "Ikaw ba? Bakit parang kilala mo 'yung tatlong player ng Blue Angels?"

"Wala pa ba 'yung order?" Pag-iiba ko ng usapan. Sa ugali nila, alam kong kukulitin nila ako nang kukulitin about do'n. Tumayo na ako sa inuupuan kong bean bag. "Ano ba'ng in-order mo?" Tumingin ako kay Adam.

Ngumisi siya sa 'kin. Minsan ang sarap sapakin ng guwapong mukha ni Adam kasi palagi siyang parang nang-aasar. "Sagutin mo muna ang tanong ni Luis, Mabebs." Humarap siya sa gawi ni Gio. "Boss, aren't you curious too?"

He finally looked up from his phone. "I don't give a fuck."

Adam laughed. "Come on, man. I know you are."

Umiling si Gio at muling ibinaling ang tingin sa kaniyang phone. Maya-maya'y tumunog ito. Ngayon ay mukha na siyang galit.

"What the fuck do you want? I told you I can't go. Stop whining like a bitch," aniya. "Let's break up then." Ibinaba niya ang tawag. Tumayo siya at lumapit sa 'min. Umupo siya sa bean bag na inuupan ko kanina.

"And that's it, they broke up," sabi ni Jin.

I gaped at Gio who was just sitting calmly on the bean bag while drinking soda as if nothing happened. I bet that girl was crying her eyes out right now and her ex-boyfriend was here, sipping a cold soda with a cold expression on his face. Ibang klase talaga 'tong si Gio Andrei Dela Vega!

"Hindi mo pa rin ba sasagutin ang tanong namin, Mabebs?" tanong ni Adam.

Inirapan ko siya. "Hindi ko obligasyon na sagutin kayo." Hinila ko ang isang bean bag at muling umupo. Kinalong ko ulit ang bag ng potato chips. Tumingin naman sa 'kin si Gio. "What?"

"That's mine," aniya.

"It's mine now." Kumuha ako ng isang piraso at ipinakita ko pa sa kaniya nang kainin ko ito.

He glared at me. Kinuha niya mula sa 'king hita ang bag ng chips. "If that's how you declare your property then I'll do the same. It's mine now," aniya.

Siyempre, magpapatalo ba ako?

Muli kong hinila mula sa kaniya ang bag ng chips ngunit hindi siya bumitaw. "So, what?"

"Let go," he said through gritted teeth.

I gave him a fake smile. "I don't want to."

He smirked. "You lost the deal, Lian. I'm ordering you to let go."

The smile faded on my lips and I finally let go of the bag of chips.

I really like digging my own grave, huh?

Continue Reading

You'll Also Like

810K 38.4K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
879K 30.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
124K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.