Veena: Academy For Demons (UN...

By JeydYasminEm

138K 3.6K 232

(THIS IS A TAGLISH STORY.) Achievements: #1 in Badass #20 in Fantasy #3 in Funny #1 in Humour Veena. Sounds... More

Soundtrack
Kabanata 2 - Transferee
Kabanata 3 - Class 10-F
Kabanata 4 - Class Failure
Kabanata 5 - First Day Of School
Kabanata 6 - New Teachers
Kabanata 7 - Precautions
Kabanata 8 - Porcelain Dolls
Chapter 9 》 Learning Magic
Chapter 10 》 They're Coming
Chapter 11 》 Demi-God
Chapter 12 》 Freedom For Class 10-F
Chapter 13 》Taken
Chapter 14》 Help
Chapter 15 》 Mid-Terms
Chapter 16 》 Top Fifty
Chapter 17 》 The Truth
Chapter 18 》The Battle
Chapter 19 》World's Deadliest Assassins
Chapter 20 》 Infiltration
Chapter 21 》Cautious
Chapter 22 》Karma Vs. Rage (On Ice)
Chapter 23 》Getting Ready
Chapter 24 》Date.. I Guess?
Chapter 25 》Evil Within
Chapter 26 》 Immense Training
Chapter 27 》 Broken Ties
Chapter 28 》Fighting
Chapter 29 》 Melancholy
Chapter 30 》 Let's Get Out Of Here
Chapter 31 》 I'm Home
Chapter 32 》 Sportsfest
HALLOWEEN SPECIAL/ HAPPY BIRTHDAY REAPER BROTHERS
Chapter 33 》 Game On
Chapter 34 》Roseate On Ice
CHRISTMAS SPECIAL
Chapter 35 》Damnation
Chapter 36 》 Twists And Turns

Kabanata 1 - Secrets

14.7K 279 56
By JeydYasminEm

(A/N: Hello! Buhay pa naman ako, HAHAHA. I thought It's about time I rewrite the story, dahil tuwing nababasa ko to naki-cringe ako. Junior Highschool pako nung sinulat ko to, tapos conyo pako non. Please note that slow po ako mag update, and minsan po nagkaka-mali ako ng spelling, so paki-point out nalang po para maayos ko. Thank you! Enjoy the story. Word count: 1,167 words)

Pronunciation check: (a.k.a kung papano i-pronounce yung mga pangalan, bagay, etc. sa kwento.)
Roseate = Ro-zet

Nakakapaso. Sobrang nakakalapnos. And yet, okay pa rin ang balat ko.

"PAPA!" Sigaw ko, habang sobrang daming tao na tumatakbo sa paligid ko.

"PAPA!" Niyakap ko ang sarili ko in hopes na hindi ako hanginin ng hangin na lumalabas galing sa palasyo.

"PAPA!" Isa pang beses. Wala, wala talagang sumasagot. Gusto ko nang umalis dito. Ayaw ko na dito. Sobrang init. Nasan na ba si Papa?

At may naramdaman nalang akong kamay na tumakip sa bibig ko.

-----

"AHHHH!" Napa-upo ako sa kama ko nang tumatagaktak ang pawis ko. Basang basa buhok ko. Ugh. Pang limang beses na this week na ayun ang panaginip ko. Ano kayang ibig sabihin non?

"ROSEATE!" Tawag sakin ni Mama galing sa kusina.

"Ugh.. Opo, bababa na po ako!" Sigaw ko pabalik sakanya.

Naligo nako, at inayos ang buhok ko into two high ponytails. Sinuklay ko na ang asul na buhok ko, at nag-bihis nako ng simpleng hoodie at pantalon. Bumaba nako at-

"ANO YAN?" Sigaw sakin ni Mama habang tinuro niya yung buhok ko.

"Mama, I can explain-" Sagot ko naman. Kinulay ko na kasi yung buhok ko ng blue. 

"Ikaw talagang bruha ka! Alam mo ba-"

"Alam ko na ang sasabihin mo! Wala akong paki sa mga sasabihin ng kapit bahay! Bakit ba mas gusto mong pakinggan yung opinyon nila sa anak mo kaysa sa kung anong gusto ko?" 

SLAP.

Humapdi ang gilid ng mukha ko. I held my right cheek with my hand, and I'm sure na magkakaron yon ng pasa.

"Dumating na yung report card mo. Nandun sa mesa." And with that, umalis na siya sa harapan ko. 

I sighed, at lumapit sa mesa. I saw a  small white envelope, at binuksan ito.

Report Card: Roseate Langdon
Grade 10 - Amethyst
St.Joseph Public School

Araling Panlipunan - 77
Computer - 76
T.L.E - 65
English - 79
Mathematics - 80
Filipino - 67
M.S.E.P - 82
Science - 64
E.S.P - 81

Note: A pleasant day to you Ms. Langdon! We would like to inform you that we will not accept your child in our institution starting tomorrow, due to her impeccably low grades and the lack of participation. Thank you.

What..? They're.. not accepting me anymore?

"Mama!" Tawag ko sakanya.

"Ano nanamang problema mo?" Sagot niya galing sa sala.

"Saan na po ako mag-aaral?" Tanong ko sakanya.

"Kumuha ka ng malaking bag sa kwarto mo, at mag-impake ka ng mga kailangan mo."

She.. she can't be serious.

"MAMA PLEASE! AYOKO UMALIS DITO, WALA AKONG-"

"TUMAHIMIK KA! I'm just gonna send you off somewhere where you can have free education. I am done with you Roseate." Sabi niya.

Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Send me off to a new school? Where will I live? I sighed at umakyat muli papunta sa kwarto ko. Pinipigilan ko ang aking mga luha habang kumuha ako ng bag, and I started packing. While looking through my clothes, naka-ramdam ako ng parang babasagin. Ano to? Hinila ko ito ng dahan-dahan. It's my doll! I stroked her soft blonde hair. I thought why not? As I shoved her sa loob ng bag ko. Eto lang ang nag-iisang natanggap kong regalo galing kay Mama. 7 years old pako non.

I held my forehead. Bat bigla ata akong nahilo? Sa sobrang nervous ko yata.

"Roseate.. come back."

"My lady please, come home."

"We need you here."

Tinakip ko yung dalwang tenga ko. Every now and then simula nung nag-start kong mapanaginipan yung lugar na iyon, nakakarinig ako ng mga boses sa loob ng ulo ko. I don't pay them too much attention.

----

Bumaba nako ng hagdan, at nakita kong hinihintay nako ni Mama sa doorstep.

Nakita niya ko, at agad siyang lumabas ng pinto. Humabol nalang ako sakanya.

Pumara kami ng bus, at sumakay kami sa pinaka-likod.

"Ma, san tayo pupunta?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot sakin, kaya hindi ko nalang rin siya pinansin.

Nakatulog ako sa byahe, at ginising nalang ako ni Mama. Bumaba na kami, at nagulat ako sa pinaradahan namin. Bat nasa tabing dagat kami?!

Biglang may dumaan na mamang na mangingisda kasama ang bangka niya.

"Miss Langdon, It's been a long time." Sabi nito. Papano niya kilala si Mama?

"The pleasure is all mine." Sagot ni Mama. Tinignan naman ako ng bangkero, at biglang nanlaki ang mga mata niya.

" I see, so It's time." Tumango si mama, at binulungan niya ito. 

"Miss Roseate, sakay ka na." Sabi sakin ng mamang.

Sumakay ako sa bangka, and just as tutulungan ko si Nanay na sumakay, agad umandar si kuya.

"K-Kuya teka lang! Si Mama-!"

"Fear not, sabi niya na mauna ka na daw." Sabi niya nalang sakin.

I retracted my hand. And si Nanay, she just stood there, emotionless. Saan niya ako dadalin?

"Wait.. how do you know my name?" Tanong ko.

"Sometimes.. secrets are better left untold Miss Roseate. I suggest na tumigil na tayo sa pag-converse, at baka magising pa natin ang bantay ng dagat na ito."

I gulped. Bantay ng dagat? There's no such thing! But I did as he told, and I stayed quiet for the rest of the journey. 

It's been 20 minutes bago ako makakita ng lamang lupa, pero sobrang layo nito na hindi ko mauri kung ano yung nakatayo doon. Nang makalapit na kami, hindi ako makahinga sa mangha ng aking nakita. 

Isang maliit lang na island, pero sakop ito ng isang malaking palasyo. Mukha itong luma na,  madaming torches na naka sindi, at mga statue na naka display. It's shimmering in gold and silver, at may konting diamonds and bronze din. At habang palapit ng palapit kami dito, palaki rin ng palaki ito. Isang milyong thoughts ang pumapasok sa isip ko ngayon. Paano kaya natayo tong palasyong ito? Ito ba yung school kung saan ako mag-aaral? Bakit kilala ni Mama yung bangkero? BAKIT kilala ako ng bangkero? Ngunit lahat ng ito ay nawala nang maka-dating kami sa isla.

"Kuya, nasan po-" Nagulat ako sa nakita ko nung tumalikod ako. May puting pak-pak na sa likod ang bangkero.

"Naka-pasok na tayo sa teritoryo ng Veena. I hope you enjoy your stay, good luck." Sabi niya.

Naramdaman ko na tumama ang gilid ng bangka sa baybayin. Lumabas nako sa bangka, at kinuha ko na din ang gamit ko.

"Sino si Veena-"

Pero pag talikod ko, wala na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...