Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 11

7.6K 118 4
By PollyNomial

KABANATA 11 — Fairy Tale

Umatras ako. Dahan dahan dahil hirap akong pagalawin alin man sa dalawang paa ko. Hinawakan ko ang pendat ng kwintas ko na nailabas ko kanina. Dali dali ko iyong tinago. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Nash dahil sa ginagawa ko. Kumunot ang noo niya at umawang ang bibig na parang may sasabihin nang magsalita si Madam Kristin.

“Why are you here? Your father told me that you are with him.” Sabi ng matanda. Parang biglang na-dissolve ang pagiging masungit nito nang makita ang… anak.

“I was with him. Pero sinundo ko kasi 'tong si Carmela kaya hindi na ko nakasama sa last meeting dapat naming dalawa with the investors.” Pagkasabi nun ni Vincent ay tumingin sa akin si Madam Kristin at kumunot ang noo. Matapos ay binalik ulit kay Vincent at sa babae nito ang tingin.

Kinabahan ako. Kilala ba ako ng nanay ni Vincent? Nabanggit ba niya ako dito dati? Maaari kayang alam niya ang naging relasyon namin? Kahit na maikling panahon lang iyon, ano kayang alam ni Madam Kristin?

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pag-alis. Gusto kong makinig. Gusto kong malaman ang pag-uusapan nila. Sinundo niya ang babaeng kasama niya na Carmela ang pangalan. Bakit? Ano niya ito? Kapatid? Kaibigan? O… Kasintahan? Pero hindi… Hindi siya ang babaeng iyon.

But I know I don’t have the right to listen neither to know what is with Vincent and this girl beside him. And besides, he doesn’t even aware that I’m just a meter away from him.

Tumalikod ako. Sa wakas ay nagawa ko. Sa wakas ay nailakad ko ng maayos ang mga paa ko. But destiny really wants to play games with me and she wants me to lose.

“Ella!” tinawag ako ni Nash. No, I don’t want to turn around, please. Pwede bang siya nalang itong lumapit sa akin kung may kailangan siya o sasabihin? “Ella, come here.”

And yeah. Who am I to decide? Eh tauhan lang naman ako sa lugar na ito.

Mabagal akong naglakad pabalik habang nakayuko. Hindi ko alam kung nakikita na ba ako ni Vincent. Ayokong tumingin pabalik kung ganun. Kaya naman si Nash lang ang tiningnan ko. Hindi ko inisip na may iba pa kaming kasama.

“Y-yes, Nash?” nanginig ang boses ko pero binalewala ko iyon.

“Uhm… I… samahan na kita pabalik ng opisina mo. Gusto kong mag-usap tayo sa theme ng fashion event this August para alam mo na kapag gumawa ka ng designs mo. I think it could help.” Sabi niya. Parang hindi mapakali ang itsura niya dahil pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa iba pang nandito.

“Sure.” Isang salita but I took all the confidence para hindi pumiyok nang sabihin ko 'yan. Hindi nila maaaring mahalata na nagwawala ang sistema ko ngayon dahil sa lalaking ilang pulgada nalang ang layo sa akin.

Hinawakan ni Nash ang braso ko at iginiya ako paalis sa tatlo naming kasama. I was not  looking in either one of them.

“Wait…” and there it is again. What now, destiny?!

Hindi ako lumingon. Si Nash ay huminto kaya ganun din ako. Pero hindi ako lilingon.

“Yes, Vincent?” pumikit ako nang banggitin iyon ni Nash. I was expecting that I am just dreaming. Na nai-imagine ko lang ang lahat ng ito at hindi ito totoo. But with Nash holding my arms and uttering his name, it is impossible that I’m only imagining this. 

“Ella. Mikaella Santos.” Walang emosyon. Just… He just said my name with no emotions at all. Walang lungkot, gulat, saya, o ano pa man. Blanko at mas tamang sabihing malamig ang tono niya nang bigkasin ang pangalan ko. Which, as far as I can remember, never happened before.

He always say my name with full of emotions. Either happy or sad. At huli kong narinig yun ilang araw lang ang nakakaraan. Noong gabing una kaming nagkita.

Kaya niya palang gawing maging malamig sa akin. Well, sino nga ba naman ako. Ako lang naman itong sinungaling na nagsabing hindi ko na siya mahal. Na hindi ko siya minahal kailanman. Wala kong karapatang magreklamo. Noon pa man, wala na.

Lumingon ako. With a faint smile on my face. Hindi ko kayang ngumiti ng todo dahil magmumukha akong tanga 'pag ginawa ko 'yon. Lumunok ako. And then I looked straight in his eyes.

“Vincent.” Umawang ang bibig niya sa pagbanggit ko ng pangalan niya. May konting tuwa akong naramdaman sa puso ko dahil sa reaksyon ng mukha niya. But I thought… Does it still matter to him kapag binabanggit ko ang pangalan niya mismo at walang nakakabit na kahit anong paggalang doon? Kagaya ng sir?

But I knew I was wrong.

“Dito ka pala nagtatrabaho.” Matabang na sabi niya. Buong buo ang boses niya. Paano niya nakakayanang tumayo ng diretso sa harap ko gayung ilang gabi lang ang nakakaraan ay halos humagulgol siya sa harap ko? Ganun ba talaga ang mga lalaki? Madaling makalimot? Nakalimutan na kaya niya ang gabing iyon?

“Yeah. Pero ngayon lang ako nagsimula” Matipid na sagot ko. Kung kaya niya, kaya ko rin. For a second, nawala ang mga tao sa paligid namin. Iyon ang pakiramdam ko.

Tahimik kasi sila kaya siguro nawala na sa kanila ang atensyon ko.

“Good for you. This is your dream, right? The reason why you rebelled with your family. The reason why left?” the way he said those words seemed normal. Pero ang lakas ng patama noon sa akin. Is he talking to me sarcatically? Is he talking about me leaving him five years ago? It doesn’t sound like it but it feels like it is.

Hindi ko nalang pinansin ang kung ano mang ibig sabihin ng mga salitang ginamit niya.

“Yes. And I’m happy. Really happy.” Ngumiti ako. Totoong ngiti dahil masaya naman talaga akong naabot ko ang gusto ko. Ito ang unang pagkakataon na nginitian ko siya ng walang halong lungkot mula nung bumalik ako.

Kitang kita ang pag-igting ng bagang niya. Pumantay ang magkadikit niyang labi at nag-iwas siya ng tingin. Nang magsalita ang babaeng nasa tabi niya ay saka ko lang naalalang hindi lang pala kaming dalawa ang tao dito. Nakita ko si Madam Kristin na blangko ang tingin sa amin ni Vincent. Si Nash naman ay mukhang gulat. Ang babae naman ay sinukbit ang kamay sa braso ni Vincent at mariing dinikit ang katawan dito habang nakangiti.

“Hon, 'di ba papakilala mo pa ako kay Mr. David Bacud?” maarteng sabi nito. Gusto kong umirap dahil sa tono ng pananalita nito. Akala mo kasi nang-aakit. At kung makahawak siya kay Vincent… teka? Sino ba ako para pansinin ang bawat kilos niya? At sino ba siya para pagtuunan ko ng pansin?

“Wala si DB dito, Vincent.” Sabi ni Nash. Napangisi ako. Yung mukha kasi nung Carmela ay biglang nagusot sa nalaman. Umirap pa ito at mukhang naasar sa sinabi ni Nash.

“Oh. Ganun ba? I guess I can’t introduce you to him, Carmela. Next time nalang?” tanong ni Vincent sa babaeng akala mo eh unggoy kung makasabit sa braso niya.

“What? But I told you I want to join the fashion event on August.” Bumaling ito kay Nash. “Nash? You’re one of the bosses, right?” ngumiti ito at naging maamo ang mukha. Kitang kita ang kaplastikan. “I’m Carmela Medina. A model from Singapore. I saw you two days ago in Singapore. I am one of the models na napanood mo dun.” Inilahad nito ang kamay kay Nash pero hindi iyon hinawakan ni Nash.

“Really? Okay.” Ngumisi si Nash at saka bumaling sa akin. “Ella, let’s go? Marami pa tayong gagawin.” Nakangiti niyang sabi at hindi na ulit tiningnan ang Carmela na nakasimangot na uli nang ibaba ang kamay.

Tumalikod na kami ni Nash sa kanila. Si Madam Kristin ay kitang kita ang disgusto sa babaeng nakakabit kay Vincent. Kung ano ang tingin niya sa akin kanina nung pinagalitan niya ako ay mas malala pa ngayong na kay Carmela na ang titig niya.

“Nash!” mahina pero mariing untag ni Vincent.

“Vincent, I told you wala kang mapapala sa pagpunta mo dito. Better leave and…” sabi ni Nash matapos humarap sa kanila. Tumingin si Nash sa babae. “Date your girl. Mukhang mas magugustuhan niya iyon kesa tanggapin siya ni DB as one of the models.” Gusto kong matawa sa sinabi ni Nash pero hindi pa kasi ako maka-get over sa usapan namin kanina ni Vincent kaya munting ngisi nalang ang ginawa ko.

“Yah! Nash is right. Just date me. May alam akong lugar.” Masayang sabi nito. Ako naman ay gustong magprotesta na sana’y 'wag siyang pumayag sa gusto ni Carmela.

“No, you can’t, Vincent. We need to talk. Go to my office.” Hinawi ni Madam Kristin ang buhok na kumawala sa pagkakapusod at saka tumalikod at naglakad palayo. Gusto ko sanang yakapin si Madam Kristin sa ginawa niya pero 'wag nalang. Papasalamatan ko nalang siya sa isip ko. Sa wakas ay nakiayon din sa akin ang tadhana.

Nag-igting ang bagang ni Vincent habang sinusundan ng tingin ang palayo nang ina. Suminghap siya. May binulong siya kay Carmela at mukhang hindi iyon nagustuhan ng babae dahil nalungkot ang mukha nito matapos.

At inaamin ko, hindi ko rin nagustuhan ang ginawa niyang pagbulong dahil matapos nun ay hinalikan niya ito sa pagitan ng tenga at pisngi. Bumaling siya sa akin nang nakangisi.

“Halika na, Ella.” Hinatak ni Nash ang braso ko paalis sa harap ng dalawa.

Umiwas na rin ako ng tingin at tumalikod. Naglakad na kami ni Nash palayo sa kanilang dalawa.

“Damn girl. Ang kapal. Kung tawagin akong Nash kala mo close ko.” sabi niya habang hinahawi ang mahaba at kulot na bukok.

Tiningnan ko siya habang naglalakad kami.

“Hey, don’t get me wrong ha? I know what I said before that I treat people equally pero kung ganun naman, eh hindi applicable ang sinabi kong 'yon. I hate her guts.” Sabi niya nang umiirap pa.

Natawa ako kanya. Hindi naman ako tutol sa ginawa niya kanina. Mas pabor pa nga sa akin iyon. Umiling ako sa naisip. Bakit ko ba iniisipan ng masama ang Carmela na iyon? Wala naman ako dapat pakealam sa dalawa.

“Oh wait, you know Vincent? Are you friends?” natalisod ako sa tinanong niya. Inalalayan pa niya ako dahil muntik na akong matumba.

“No!” agad na tanggi ko. “H-he… he’s just my professor when I was in college.” Sagot ko.

“Oh. Okay.” Ngumisi siya. “Ang galing naman. What a small world, isn’t it?”

Pumasok kami ng opisina at umupo siya sa couch na nakapwesto malapit sa glass door. Ako naman ay sa swivel chair sa table ko.

Hindi mawala sa isip ko ang inasal ni Nash sa harap ni Vincent at Carmela. Yes I am on her side pero gusto malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga kinilos niya. Sa isang araw na nakilala ko si Nash, kasama ng mga empleyado niya o hindi, mabait siya. But with Carmela, umiba siya.

Pagkaupo ko ay parang may light bulb na umilaw sa utak ko. At nagpadilim ng puso ko nang mas lalong mapagtanto ang nasa isip ko.

“M-may… D-do you like Vincent—”

“WHAT? No!” agarang sagot niya na nagpatigil sa susunod ko pa sanang sasabihin. “Oh, no no, Ella.” Umiiling siya habang natatawa sa tinanong ko sa kanya.

“P-pero… hindi naman sa nagfi-feeling close rin ako sa’yo ah—”

“Hey, we’re close since we met kanina.” Ngumisi siya at ganun rin ako. “Anong yung sinasabi mo?”

“Ah. Uhm, kasi kanina yung reaction mo dun sa Carmela eh parang n-nagseselos ka. Are you?” ingat na ingat ako sa pagtatanong at yan nalang ang nakayanan ko. I am not good with finding the right words. Minsan hindi ko na napapansin kung ano ang mga sinasabi ko kaya nga minsan pinipili ko nalang manahimik. Sinikap kong 'wag ipahalata ang concern ko. Na normal lang na nagtatanong ako.

Tumawa ulit si Nash. At hindi nalang basta tawa kundi halakhak na. Parang isang napakalaking joke yung sinabi ko at tinanong sa kanya.

“Ella, hindi mo kasi naiintindihan. Since childhood pa kami magkakilala ni Vincent. We were like brothers and sisters. Kasama ng kapatid niya. At! For the record, ngayon lang siya nagdala at nagpakita sa akin na may kasama siyang babaeng dine-date niya. I mean, I don’t have anything against his women, I really don’t care pero kasi…” tiningnan niya ako nang mataman. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa couch. Sumeryoso siya. “This is different. Today is different. At isa pa, hindi ko talaga gusto ang babaeng iyon.” 'yon lang at tumahimik na siya.

Hindi ko siya naintindihan. Anong pinagkaiba ng noo sa ngayon?

Hindi na siya nagsalita matapos 'non. Nagkatitigan nalang kaming dalawa habang nakahalukipkip siya at ako naman ay nakaawang ang bibig. Kinagat ko ang labi ko. Ang dami ko pang gustong itanong. Nabanggit niyang ngayon lang niya nakitang may kasamang babae si Vincent. Does that also mean na ngayon lang rin siya nakipag-date? It’s impossible, I know. Sa itsura palang ni Vincent, imposibleng wala ni isang babaeng nalapit sa kanya. Noon palang nung college ako ay halos gusto na siya ng lahat ng estudyante niya. What more sa mga kaedad niya? What more ngayong mas naging mature na siya?

I admit, he looks so damn handsome. Mas maganda na ang built ng katawan niya and I think he’s taller now. Ewan ko kung imagination ko lang iyon pero mukha talagang tumangkad siya. Mas naging moreno rin siya kesa sa dating puti niya. It made him more manly. Hindi ko iyon napansin nang huli kaming magkita dahil madilim at hindi doon ang focus ko nung gabing 'yon. I think, the new Vincent is way better than before. Well, in terms of physical looks.

Napa-forward ako sa table nang may maalala sa mga sinabi ni Nash. She mentioned something about Vincent and his brother.

“Nash.” Tawag ko sa kanya.

“Hmm?”

“May kapatid siya?” tanong ko sa kanya. I really don’t know anything about him. Wala akong maalalang may nabanggit si Vincent na may kapatid siya. Hindi namin iyon napag-usapan.

“Who? Vincent?” tanong niya.

Nang tumango ako ay pumorma ang ngisi sa labi niya at kumislap ang mga mata niya. Nagbago ang aura niya. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa upuang nakapwesto sa tapat ng table ko.

“Yup. Si Terrence.” Nang sabihin niya ang pangalang Terrence ay parang nanggaling pa iyon sa kailaliman ng pagkatao niya. I know it is dahil ganyan ako pag binabaggit ang pangalan ni Vincent. Now, I think I know kung sino ang talagang gusto niya.

Ngumisi ako. Parang binunutan ako ng tinik nang ma-realize ko iyon. I don’t need any confirmation from Nash dahil kitang kita iyon sa mga mata niya at pansin sa pananahimik niya habang nakatingin kung saan. Hindi ko alam kung bakit ang possessive ko at nasaktan ako nang malamang may ibang nagkakagusto kay Vincent but can I blame myself? Mahal ko siya eh. Kahit ako lang ang nakakaalam nun at kahit siya ay hindi.

“Hey, Nash? Ano nga 'yong theme ng fashion event?” I changed the topic.

“Oh! I almost forgot!” nabalik sa hwisyo si Nash at bumaling sa akin nang may ngisi sa labi. “The theme. Yeah. I’m sorry I spaced out.”

I think this is enough for now. Tanghali palang pero ang dami nang nangyari na lahat ay tungkol kay Vincent. Ipapahinga ko naman muna ang pagtatalo ng utak at isip ko. Wala namang mananalo kahit sino sa kanila eh. Magtatrabaho na muna ako.

Kasama ko ang ilang gown designers ng FF. Ang sabi ni Nash sa akin ay dito nalang ako mag-focus at 'wag nang problemahin pa ang ibang line dahil may iba nang namumuno doon. Nagulat ako nang ipakilala ako ni Nash bilang head ng event na ang focus ay bridal gowns. At ang mas nakakagulat pa at hindi ko alam kung matutuwa ba ako ay kasama ko dito si Madam Kristin. Vincent’s mother. Siya naman ang para sa formal gowns na pwede sa kahit anong okasyon.

Iniwan ako ni Nash na kausap ang ilang designers dito sa fourth floor ng building. Isang malaking hall ito na puno ng sewing machines at mga mananahi na ginagawa ang mga designs ng designer na naatas sa kanila. May mga halos kaedad ko lang na mananahi at merong ring matatanda na. Lahat sila ay binabati ako habang napapadaan ako sa gawi nila.

Natuwa ako sa gustong tema ni Nash. She said that she wants a fairy tale theme wherein the princess wears this fabulous elegant gown and the prince wears a prince like suit. Same goes with the other gowns. Yung mga pang-formal at kahit saang ceremonial party ay pwedeng gamitin.

For me, this is a big challenge. Hindi naman kasi ako nakakagawa pa ng wedding gown na inspired sa fairy tale. Yung mala Cinderella at Snow White lang. Never rin akong naka-encounter ng client na gusto ang ganitong klase. Now, the question is how can I make a fairy tale wedding gown for grown ups who, I think, don’t believe in that anymore? Paano ko sila maeenganyo na pagkaabalan at gamitin ang gawa ko? Paano ko sila mahihikayat na kahit nasa 21st century na tayo ay totoo pa rin ang fairy tales and happy endings kapag nakita nila ang wedding gown na dinesign ko?

“Got any ideas?” halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang matandang boses sa likod ko.

Nilingon ko ito at nakita ko si Madam Kristin na inililibot ang mata sa lahat ng mananahing nandito.

Ngumisi siya. Napangiti ako sa isip dahil kagayang kagaya ng ngisi niya ang sa anak niya. Vincent’s smile is exactly like his mothers.

“When I heard the theme for the fashion event, I was dissatisfied and at the same time amazed by it.” Naguluhan ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. Inisip ko na sa ganitong paraan ay maiintindihan ko siya.

Bumaling siya sa akin. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang ngumiti. “Nash is really good with everything pero na-disappoint ako nang malaman ang gusto niya para sa fashion event na ito. Well, focusing only in formal and bridal gowns. I admit I like her style with the others. But with this, masyadong pambata.” Humalukipkip siya at nagsimulang maglakad.

Nang sinundan ko lang siya ng tingin habang lumalayo ay nilingon niya ako at pinalapit sa kanya. Sabay kaming naglakad.

“You’re disappointed and yet you’re amazed?” tumaas ang kilay ko. Napapaisip sa kaguluhan ng sinabi niya.

Sa unang pagkakataon, ngumiti siya sa akin. Not like what he gave me earlier. This one is genuine. Kagaya nung nakita ko nung dumating kanina si Vincent.

“Kilala ko na si Nash mula pa nung bata siya. Our family were too close. She and my two sons almost turned into brothers and sisters. Kung hindi pa nila alam na hindi naman sila magkadugo ay baka magkakapatid na ang trato nila sa isa’t isa. I have known her since day one. And this is not her.”

Tumikhim siya at tinuro ang mga mananahi. “You don’t have any idea how shocked we were when she told us that our team will be included in the fashion event.”

Nakaawang ang bibig ko siyang tiningnan. “Team. You mean…” Inisa isa ko ang mga taong nasa loob ng hall.

“Us. Ang mga gumagawa ng formal and wedding gowns.”

Napatakip ako ng bibig. Hindi sila nasasali sa mga fashion events ng FF? Bakit? Ano ang dahilan at ngayon lang sila nagka-chance na mapabilang dito?

“I am the head supervisor of this team.” Pagpapatuloy niya. “I have my own business focusing on gown coutures. I have boutiques all over the country but I still insisted of helping FF. Hoping that Nash’s belief will change because of me.”

Huminto siya sa paglalakad at ganun din ako. Tumingin siya sa akin. Napansin ko pa ang marahan niyang paglunok at pagpikit ng matagal.

“She is like my daughter. The daughter I never had. And as her acting mother, since her real mother is gone and her father is nowhere to be found, I just wanted the best for her.”

Nagulat ako sa nalaman. Nalaglag ang panga ko. Wala nang pamilya si Nash? Ang Natasha Rementizo na kinikilala ng lahat ay wala na palang mga magulang?

“K-kung ganun po… ulila na siya?” tumango si Madam Kristin.

“That’s right. Marami pang bagay ang tungkol kay Nash but I don’t have the right to tell you everything. I just want you to know this one little thing about her.”

“What is it?”

“She doesn’t believe in love, Ella.” Bumagsak ang balikat ko sa nalaman. Napalunok rin ako dahil sa pangungusap na binitawan ni Madam Kristin.

How can someone not believe in love? Paano nagagawa ng isang tao iyon kung lahat ng mga nakapaligid sa kanya ay minamahal siya? Kitang kita sa mga mata ni Madam Kristin ang pagmamahal na meron siya para kay Nash. Gaya nga ng sabi niya, she is the daughter she never had. Ang ibig sabihin lang noon ay mahal niya si Nash bilang anak. Bilang kanya.

I came to a point when I felt helpless and thought that my family didn’t love me. I amost die with a broken heart when I realized that the only man I loved, perhaps, never loved me at all. But that didn’t make me a non believer of love. Nagmamahal pa rin ako sa kabila ng lahat ng iyan. Mahal ko pa rin ang pamilya ko at ngayon, naniniwala na akong mahal nila ako. Maaaring hindi lang nila iyon maparamdam sa paraang gusto ko. At ilang beses ko na ring sinabi na kahit nasaktan ako ng nag-iisang lalaking minahal ko, mahal ko pa rin siya at hindi iyon kailanman na naglaho.

And I have friends who love me. Especially Zac. Si Nerissa, Cody, ang mga empleyado ko na naiwan sa New York, si Lolo at Nanay Linda. Maraming nagmamahal sa akin kaya hindi ako nawalan ng paniniwala sa pag-ibig.

What happened with Nash that made her not believe in love?

“But one day…” napatingin ako kay Madam Kristin nang magsalita siyang muli. “She showed us that she believed. I didn’t know what happened or what made her that way. Masaya siyang nagkikwento tungkol sa mga gusto niyang mangyari sa event concerning the gowns. Gusto niya daw na full of love ang mga ito. And then nabalitaan ko nalang na kinuha ka na niya bilang main designer ng mga bridal gowns para sa event.”

Napangiti siya na. Kitang kita ang pagbabago ng ekspresyon niya. Mula sa pag-aalala ay naging puno iyon ng saya.

“She believed, Ella. She believed with the most impossible thing for her. And you became one of the instruments. Sa’yo nakasalalay ang pagpapatuloy niya sa paniniwala niya. Sa ating lahat. Kaya gusto kong magtulungan tayo, Ella.”

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang parehas kong kamay.

“Do this right, Ella. For Nash. Do it for her.”

Continue Reading

You'll Also Like

86.1K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.5K 158 32
"I am his best friend. Just best friend, no more no less." Plagiarism is a crime. P.s: The picture's not mine. CTTO.
4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...