Making Out With My Playboy Hu...

Por my_love_letter

6.3M 147K 12K

The Making out, continues.. Más

MAKING OUT WITH MY PLAYBOY HUSBAND
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Pakibasa Muna
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
EPILOGUE
Tanong lang...
Laurence Lawrence's Story

Forty Four

91.2K 2.1K 228
Por my_love_letter

Katatapos ko lang sa pag sha-shower nang mag bukas ang pinto mula sa kwarto namin ng asawa ko. Tumingin ako dun at siya ang nakita ko.

"Baby, may mga bisita ka." He told me.

Mga? Si Maj lang naman ang pinapunta ko ah. Baka kasama si Mar.

"Okay, susunod ako." Sinarado na niya ulit ang pinto.

Pinunasan ko na lang muna ang buhok ko hindi na 'ko gumamit ng blower.

Lumabas din naman agad ako sa kwarto ko, dumiretso ako sa sala at laking gulat ko na makita na hindi lang si Majah ang bisita ko. Nandito lahat ng barkada namin ni Damon.

Ini-expect ko naman na sasabihin ni Maj sa lahat ang tungkol sa pag bubuntis ko pero 'di ko ini-expect na bibisita silang lahat, ngayon.

"BUNTIIIS!" Excited na tawag ni Majah sa'kin nang makita ako.

Tumakbo siya papalapit sa'kin at niyakap ako. "Congratulations, beb!" Sabi niya habang naka yakap sa'kin.

I giggle. "Salamat."

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa'kin kaya kumaway naman ako sa mga kaibigan namin.

"Buntis! Ikaw ha! Ang lihim mo!" Luisa told me.

I chuckled. "Sorry."

"Ilang weeks ka ng preggy?" Luisa asked.

"Nine weeks."

"Congrats!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Salamat!"

Lumapit na 'ko sa kanilang lahat.

Bumeso lang ako kay Luisa habang nakipag high five lang ako sa boys.

Nakita ko din ang pitong box ng pizza na nakapatong sa maliit na lamesa.

"Ang dami naman niyan." Kumento ko sabay turo sa Pizza.

"Tig-iisa kami ng dala." Natatawang sabi ni Mario.

"Dalawa sa'kin!" Pagtatama ni Majah. "Tulad ng pangako ko." She winks at me.

"Grabe! Guys, buntis nga siguro ako pero tingin nyo ba kaya kong ubusin 'yan?"

"We can help you with that!" Lucas offered.

"Dude, para kay Amber 'yan hindi para sa'yo!" Raffy said.

Lucas shrugged, smiling. "Nag su-suggest lang."

"I think tama si Lucas. Share na lang tayong lahat dyan." Pagsangayon ko sa suggest ni Lucas.

Nilibot ko ang tingin ko sa sala pero hindi ko makita ang asawa ko.

"Where's my husband?" Tanong ko sa lahat.

"I'm here baby!" Dinig kong sabi ni Damon mula sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita ko siyang may bitbit na mga beer.

Mag iinuman pala sila.

Inabutan niya isa-isa ang mga kaibigan namin ng beer tsaka naman kami pumwesto sa pag upo. At dahil bawal na 'kong uminum ngayon, pizza na lang ang kakainin ko.

"Baby, nasaan si Mama?" Tanong ko habang ngumunguya.

"She offered na mag luto for us. Nasa kusina siya."

"Mmm."

"Amber," Tawag sa'kin ni Lucas.

"Bakit?" Tanong ko.

"May boyfriend ba 'yung ka-trabaho mo?" Tanong niya sabay inum ng beer.

"Si Joanne ba? Wala! Bakit?"

"Nakilala mo na si Joanne?" Tanong ni Majah kay Lucas.

"
Oo! Napulot ko kasi cellphone niya eh."

"Chicks ba?" Raffy asked.

"Chicks, dude!"

"Pormahan mo na! Mag palakad ka kay Amber oh!" Mario told him.

"Oo nga! Lakad mo naman ako!" Lucas said.

"Asa ka boy! Hindi kita ilalakad kay Joanne nu!"

"Ouch! Bakit naman? Parang hindi naman tayo tropa niyan."

"Una sa lahat dahil pihikan si Joanne, baka ma-basted ka lang. Pangalawa, sumusunod ka sa yapak ni Damon sa kapilyuhan nu! Kaya ba't kita ilalakad sa kanya?"

"Eh kung sumusunod naman pala ako sa yapak ni Damon e'di alam mo nang mabait na 'ko. 'Di ba, dude?" He asked my husband.

"Tama ka dyan dude! Mabait na tayo!" Damon said tsaka siya nag offer ng cheers at binigay naman 'yun ni Lucas.

"Ewan ko sa inyong dalawa!"

Kumain na lang ako ng pizza. Mabubusog pa 'ko at ang Little Lawrence ko.

"Kukuha lang ako ng tubig." Paalam ko sa lahat.

"Ako na baby." Damon offered.

"No! Ako na baby." Tumayo na 'ko at nag lakad na papuntang kusina para hindi na siya mag pumilit.

Na abutan ko si Mama sa kusina na nag luluto. Lumapit ako sa kanya at sinilip ang niluluto niya. Mukhang masarap.

"May gusto ka bang kainin?" She asked.

"Yan po!" Sagot ko naman.

She laughed. "Okay, malapit na 'to." Kumuha na 'ko ng tubig tulad ng pakay ko.

After kong uminum, bumalik na 'ko sa sala para samahan ulit ang mga kaibigan ko na ngayon ay nakakatuwaan sa hindi ko alam na dahilan.

Umupo na lang ulit ako sa tabi ng asawa ko tsaka ako kumain ulit ng Pizza.

Ang takaw ko na talaga. Maski ako napapansin ko na 'yun. Si Baby Lawrence kasi eh, ang takaw.

Nasa kalagitnaan na ang mga kaibigan namin sa pagiinum nang biglang tinawag kami ni Mama para kumain. Itong mga kaibigan

ko naman nag palakpakan dahil sa excitement.

Dahil hindi naman kami kasya sa Dining dahil sa dami namin, we decided na dito na lang kami sa sala kakain. Tinulungan lang namin ni Damon si Mama na mag hain para sa lahat.

Nang magawa naman namin 'yun, pinagsaluhan na agad namin ang niluto ni Mama na talaga namang sobrang sarap.

Ako lang sa'min ang maraming nakain, expected na din naman na 'yun.

After we eat. Hinayaan ko na silang mag si-inuman ulit. Dahil wala naman akong ginagawa ako na ang nag hugas ng pinagkainan naming lahat. Ayoko namang si Mama pa mag hugas eh bisita siya tsaka pagod na siya sa pagluluto para ma-spoil ang anak

niyang buntis. Ang gusto sana din ng asawa ko siya na ang mag hugas, kaso nag pumilit ako na ako na.

Sa pagtapos ko namang mag hugas bumalik na 'ko sa sala para maki-join lang sa tuloy-tuloy nilang inuman.

Kaso dahil naman sa kabusugan ko feeling ko inaantok na 'ko dahil kanina pa 'ko hikab ng hikab, pero ayaw ko naman iwan mga kaibigan ko.

"Inaantok ka na?" Tanong ni Damon sa'kin.

"No." I lied.

"Beb, matulog ka na. Ayos lang kami dito, nandito naman si Damon eh." Luisa reassured.

"Oo nga! We understand na preggy ka na kaya magiging antukin ka na." Maj said.

"Sigurado kayo?"

"Yah!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Okay." Bumeso lang ako sandali sa girls.

"Goodnight guys!"

"Goodnight, buntis!" Sabay-sabay nilang sabi. Buntis na ata talaga ang pangalan ko sa kanila ngayon.

Tumingin ako sa asawa ko. "Susunod ako dun." He told me. Humalik lang ako sa kanya sa labi niya tsaka ako nag lakad papasok ng kwarto.

Humiga agad ako sa kama pagpasok ko ng kwarto. Dahil wala pa ang asawa ko sa tabi ko, i decided na yakapin na lang muna ang unan niya tsaka ko ipinikit ang mga mata ko para matulog.

Na alimpungatan ako sa pagtulog dahil wala pa din ang asawa ko sa tabi ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko habang

humihikab pa. Nilibot ko ang tingin ko at ang tanging ilaw lang na bukas ay mula sa bathroom namin, pero obvious naman na wala siya dun dahil nakabukas ang pinto nito.

Bumangon ako ng kama, dumiretso ako sa pag labas ng kwarto. Bukas pa ang ilaw sa sala pero wala na 'yung mga kaibigan namin.

Dumiretso ako sa kusina at doon ko siya nakita na nag luluto ng... lumpia. Napangiti ako sa hindi ko alam na dahilan. Siguro dahil kinikilig ako. Nag pa-practice siya ng kini-crave ko para ma spoil ako.

I really love this man.

"Baby," Tawag ko sa kanya kaya na punta sa'kin ang tingin niya.

"Baby, ba't nagising ka?" Pagtataka niya.

"Wala ka kasi sa tabi ko."

"Ganun ba? Hindi kasi ako makatulog eh kaya sinubukan ko nalang na mag practice mag luto ng pinaglilihian mong lumpia. Gusto ko na kasi talagang ma-perfect 'to baby, para sa'yo."

I smiled, showing him my kilig. "That's very sweet Mr. Lawrence, pakiss nga!"

He opens his arms, smiling. "Come here."

Nag lakad ako papalapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya tsaka ko siya hinalikan sa labi niya ng sobrang tagal.

"Satisfied?" He asked after my kiss.

I nodded, giggling.

Tumingin ako sa naluto na niyang lumpia. "Alam mo ako lang makakasagot kung perfect na 'to." Kumento ko.

"Okay, taste it for me."

Ginawa ko 'yung sinabi niya. Kumuha ako ng isa at tinikman 'to. Nginuya at nilasan ko ng mabuti ang luto ng asawa ko and i must say...

"Perfect, Mr. Lawrence!"

He grins, widely. "Really?"

I nodded. "Yup!"

He punch in the air. "Yes!" He celebrated, making me giggle.

--

EPILOGUE NEXT.

Seguir leyendo

También te gustarán

72.1K 5.5K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
200K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
168K 3.9K 49
TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATIONS - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, s...