Ten

135K 3.3K 126
                                    

Papunta na kami ngayon ng asawa ko sa Apartment, si Damon ang nag mamaneho para sa'min habang ako dito sa passenger at nakatoka sa music namin. Masayang kasama sa byahe ang asawa ko pero mas masaya 'pag may music kaya ang tumutugtog ngayon ay, Shape of you ni Ed Sheeran.

Habang nasa byahe 'di ko talaga mapigilang ma-excite sa ibabalita ko kay Majah. Sana talaga makasama siya para mas masaya ang pag-uwi namin ng Batangas.

"Mrs. Lawrence," Tawag niya sa'kin kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano 'yun Mr. Lawrence?" Tanong ko.

"Ako ba ang dahilan ng malaking ngiti mong 'yan o dahil uuwi tayo ng Batangas?"

"Baby, ikaw naman lagi ang dahilan ng mga pag ngiti ko eh. Bonus point nalang 'yung pag uwi natin." I winked.

He just bites his lower lip, smiling.

"Ang sexy kapag kagat-kagat mo 'yang lower lip mo." I comment.

He laughed. "Gusto mo bang maki-kagat?" Biro niya.

"Tempting siya baby but... no!" Mamaya masugatan ko pa labi niya.

"Sure ka? Minsan lang akong mag offer sulitin mo na."

I chuckled. "Yup, ayokong saktan ka baby."

"Ayaw daw eh lagi mo nga akong hinahamapas sa dibdib."

"Magka-iba naman 'yun nu! Tsaka isa pa 'yung mga lumalabas kasi sa bibig mo puro kapilyuhan."

He shrugged. "I was just saying what's on my mind."

"Exactly! Puro kasi kapilyuhan ang nasa isip mo, baby."

"Grabe ka manghusga baby, hindi naman lahat." Panghuhusga ba 'yun? Eh totoo naman. Paltukan ko 'to. "Hindi naman kapilyuhan ang pagiisip na gusto ko na ng baby diba?"

"Mmm... hindi nga." Pagsangayon. Tuwing kailan niya kaya naiisip 'yun?

Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti ng pilyo. "Gusto mo ba gawa tayo ng baby ngayon?"

"Ngayon mismo? Dito," I pointed this car. ",sa kotse? While you're driving?"

"Why not? Let's try that!"

I punch him on his arm. "Aww! See you're hurting me!" Pagaangal niya.

I rolled my eyes. "Umatake ka na naman kasi sa mga hokage moves mo eh."

Tumawa lang siya kaya napailing nalang ako dahil sa kanya. Kaya feeling ko ang haba lagi ng byahe ko kapag kasama ko siya kasi naman 'di siya nauubusan ng kapilyuhan na sasabihin.

Nang finally makarating kami sa Apartment. Pag patay ni Damon ng makina sabay na kaming bumaba ng kotse. Lumapit ako sa kanya paglabas ko namin ng kotse, inangkla ko 'yung kamay ko sa braso tsaka namin sinimulang maglakad papalapit sa pinto.

Hindi pa man kami nakakalapit ng tuluyan nakit nakita naming nag bukas 'yung pinto at si Mario ang nakita naming palabas. At 'yung itsura niya parang... malungkot. Ewan ko, hula ko lang.

"Dude, aalis ka na?." Damon asked.

"Uh... Oo, nasa loob si Majah puntahan nyo nalang."

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

He forced a smile. "Yah." Sinugaling! Halatang hindi naman. Nag away kaya sila ni MaJ?

"Sige mauna na 'ko sa inyo." Pagpapaalam niya sabay lakad diretso papunta sa kotse niya.

"Mukhang may problema sila." Damon said.

"Napansin mo din pala."

"Mukhang kailangan niya ng kausap, ayos lang bang sundan ko siya?" Tanong niya sa'kin.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now