Two

312K 5.5K 326
                                    

Natapos na ang romantic breakfast ko with my husband nang hindi namin naubos yung cake ang dami kasi, siguro kung nandito yung friends namin baka maubos pa 'to. Ang tatakaw pa naman ng mga yun.

Hinugasan lang namin yung pinagkainan namin, tinulungan niya 'ko sa pag huhugas kasi ayaw niya daw akong mapagod pero yung totoong dahilan talaga kaya siya tumutulong ay gusto lang niyang mangulit habang naghuhugas ako. Ganyan yan eh, inasawa ako para kulitin. Haha!

Nang matapos naman kami sa pag huhugas ko, bumalik kaming dalawa sa kwarto para makapag shower na.

Ako ang unang mag sha'shower kaya ako ang unang kumuha ng towel, habang si Damon naman humiga ng kama at hinawakan ang cellphone niya.

Hmm.. himala di ata siya mangungulit na sabay kaming mag shower ngayon. "Baby, nagyayaya yung friends nating mag celebrate daw para sa Anniversary natin." He informed habang nakatitig sa cellphone niya.

"Akala ko ba sinabihan mo silang ikukulong mo lang ako sa kwarto ngayon?"

He chuckled. "Bakit gusto mo ba talaga? Anniversary natin ngayon, ibibigay ko lahat ng request mo."

"Ewan ko sayo!" Nag lakad nalang ako papasok ng bathroom pero bago pa 'ko makapasok may pahabol pa siyang sinabi.

"Ayaw mo talaga? Nagpapapilit na ko oh."

I face him. "Baby, kung ikukulong mo talaga ako sa kwarto kahit di ko irequest sayo yun siguradong gagawin mo talaga yun."

He laughed. "Kung sabagay."

I just rolled my eyes. Dumiretso nalang ako sa pag pasok ng bathroom bago pa siya mag salita at mapigilan na naman ako. Baka din kasi bigla siyang sumunod at maisipang sabayan ako eh, nung huling beses pa naman na nag sabay kaming mag shower ang tagal naming natapos dahil sa kapilyuhan niya.

Sa pag pasok ko ng bathroom, sinimulan ko naman agad yung pag shower ko.

Nang matapos akong mag shower, nag tapis lang ako ng towel sa katawan ko tsaka ako nag lakad palabas ng bathroom sakto din naman ang pag pasok ulit ng asawa ko sa kwarto.

"Hello, sexy." Pilyo niyang bati habang nag lalakad papalapit sa'kin.

"Ano na namang iniisip mo?"

He raised his hands. "Wala." Niyakap niya 'ko mula likod sa bewang ko at hinalikan sa balikat. "I just want to inform you na aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?" Pagtataka ko.

"Yung friends natin kinukulit tayong pumunta sa hinanda nilang pa'Anniversary satin. Pag di raw tayo pumunta susugurin nila tayo dito."

"Ngayon na ba?"

"Oo daw."

"I see.. sige pag bigyan na natin sila mukhang gusto din nilang uminum ngayon eh." Bumitaw ako mula sa pagkakayakap niya sa'kin sa likod at hinarap siya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge. Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi niya. "Mag shower ka na para makaalis na tayo."

"Parang tempted na 'kong ikulong ka nalang talaga sa kwarto natin."

I chuckled. "Baby-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya 'kong hinalikan. Great! Di na siya nakapag pigil. Gustuhin ko mang bumitaw agad sa halik niya di ko rin naman mapigilang mag response dahil adik ako sa halik niya.

I slowly pulled out his sando and break the kissed. "Mag shower ka na!" I softly pushed him on his chest and winked playfully at him.

He smiled, amused. "Akala ko pa naman may round two na tayo."

"Mamaya mo na isipin yung round two kasi may lakad tayo." Naglakad na 'ko papuntang closet at nag simula nang mag hanap ng masusuot ko.

"Masusunod, kamahalan." He playfully said making me laughed. Finally nag simula na siyang mag lakad papasok ng bathroom kaya makakapag bihis na talaga ako. Dahil alam ko namang hindi papayag ang asawa ko ng mag bistida ako, mag papantalon nalang ako tutal dun din naman ako sanay. Pinartneran ko nalang ng white T-shirt na ang tanging design ay maliit na bulsa.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon